You are on page 1of 2

MANUEL, KHRYSTYN S.

READINGS IN PHILIPPINE HISTORY

BSA 1 – 5. NOVEMBER 19, 2019

Ang mundo ay patuloy na umiikot, kasabay nito ang paglipas ng oras at panahon. Kaakibat
ng pagbabago ng araw at petsa ang karagdagang tala sa mga mahahalagang pangyayari sa iba't
ibang panig ng mundo na huhubog sa mga kultura at paniniwala ng mga tao sa mga darating pang
henerasyon.

"All history teaches" -- ang kasaysayan ay nagtuturo. Ang nakaraan ang nagtuturo kung
paano isasapamuhay ang ngayon. Sa kadahilanang walang kayang magbalik ng oras na lumipas,
ang tanging magagawa nating mga tao ay ang gawing aral ang nagdaang pangyayari upang
magsilbing gabay o di kaya'y para di na ito maulit pa.

Ang kasaysayan ay patuloy na pinag-aaralan nating mga tao upang malaman ang ating
pinagmulan, kung paano ba namuhay ang ating mga ninuno noon, at kung paano ba naporma ng
panahon ang ating mga kaisipan upang paniwalaan ang mga pinaniniwalaan natin ngayon. Patuloy
ang tao sa pagtuklas ng mga "facts" at "artifacts" upang gawing batayan ng kasaysayang hindi
naabutan at naranasan ng karamihan. Mula sa mga "facts" at "artifacts" na natipon at nakolekta sa
loob ng mahabang panahon, tama ba ang mga nahinuha ng mga mananaliksik at eksperto? Ang
mga ebidensiya ba ay direktang nagtuturo sa dapat na makita at malaman ng mga tao?

Ang mga datos, tala at iba pang mga masasabing ebidensiya ng nakaraan tulad ng mga
lumang dokumento, mga palayok at banga at mga katulad nito ay masasabi kong matibay na
ebidensiya ng nagdaang mga siglo. Ang mga lumang bahay at antigong mga kasangkapan at
kagamitan ang nagsasalita at nagkukwento para sa kanilang mga sarili upang ihayag sa
sangkatauhan kung paano naiba ang noon sa ngayon. Ngunit, hindi lang naman ang mga ito ang
naging basehan ng kasaysayan. Nakakalap din ng mga datos mula sa mga taong naabutan at
naranasan ang ilan sa mga pangyayaring bahagi ng ating kasaysayan. Ang kanilang mga kwento
ay naging basehan din ng kasaysayang paulit-ulit na isinisiksik sa ating mga isipan. Ang mga
"katotohang" ito ay mula sa bibig ng iba't ibang mga tao. Ang mga testimonya mula sa kanila ay
maaaring nadagdagan o nabawasan na at hindi tugma sa eksaktong impormasyon na
kinakailangan.
Ang mga taong nanaliksik ng kasaysayan ang masususing nag-aaral ng mga "facts" at
"artifacts" upang makapaghinuha at makapagbigay ng impormasyon tungkol sa kasaysayan. Sa
totoo lang, hindi maiiwasang isipin na maaaring mali ang kanilang mga naging konkulsyon.
Maaaring masyado nilang pinapalalim ang mga bagay na dapat ay mababaw lamang. Gayun din,
ang kanilang mga hinuha ay magpapasalin-salin at kakalat at mailalathala sa mga aklat na may
iba-ibang may-akda na may mga sariling pag-iisip at pagkakaintindi sa impormasyong kanilang
nakuha. Sa pagsasalin-salin ng impormasyon, di natin masasabing ito ba ay eksakto--- walang
labis, walang kulang.

Marami tayo mga sangguniang pinagbabatayan ng ating kasaysayan. Ang mga ito ay
masusing sinusuri at pinag-aaralan dahil ito ang nagsisilbing susi upang magbukas ang pinto ng
nakaraan. Ang mga sangguniang ating pinagbabasehan at pinag-aaralan ay nagmula sa iba’t ibang
mga isip at kamay, na may kanya-kanyang pag-iisip at pag-unawa. Samakatuwid, masasabing ang
ilan sa mga sangguniang ating ginagamit sa kasalukuyan ay walang kasiguraduhan ang
credibilidad.

You might also like