I. PAMAGAT Kultura: Ang Pamana ng nakaraan, Regalo ng kasalukuyan at buhay ng
kinabukasan II. SANGAY NG PANITIKAN Tulang Naglalarawan III. BUOD NG AKDA Ang "Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte ay nagpapahayag ng pinagmulan ng kultura, ang mga labang pinagwagian ng mga sinaunang katutubo at ang kultura bilang bunga ng matagal na panahong pakikibaka. Bilang regalo naman ng kasalukuyan, ang nagwaging kultura ay patuloy na pinagyayabong, ginagamit at pinapahalagahan ng mga tao. Samantalang ang kultura bilang buhay ng kinabukasan ay magsisilbing paalala ng makulay na pakikipagsapalaran ng katutubo habang patuloy itong pinagyayaman at maging inspirasyon upang lalo pang palawakin ang kulturang naging pamana, regalo at buhay ng iba't ibang panahon ng kasaysayan. IV. PAKSA Ang paksa ng akda ay patungkol sa mga nangyari sa atin noon at kung ano ang nakamtan natin ngayon at kung ano ang maari nating makamit sa hinaharap. V. BISA Bisang Pandamdamin VI. MENSAHE Ang Kultura ay pamana ng nakaraan dahil nangyari o nabuo ito noong sinaunang panahon at ginugulan ng mga taong sinauna. Ang mga taong ito ay ang ating mga ninuno at ang ating mga pinagmulan. Tinatalima natin ang kung ano-ano ang mayroon tayo noon at ngayon dahil ginampanan nilang lumikha, mabuhay, at makaligtas para magkaroon pa ng maraming henerasyon. Regalo ng kasalukyan ang Kultura dahil patuloy-tuloy tayong natuto sa kanilang mga galing, kahusayan at mga pamanang karunungan. Sa bawat galaw din natin sa araw-araw at habang binubuhay natin ang ating mga tradisyon, nagtutuloy-tuloy ang ating kultura na siyang nagpapakulay ng ating mga buhay. Ang mga regalo na napakikinabangan natin sa pang-araw-araw na buhay ay ang Sining, Medisina, Siyensa at Astrolohiya, Estratehiya sa politikal at sosyal na buhay, Teknolohiya, at Pangangalakal. Buhay ng kinabukasan ang kultura dahil kung ‘di natin matututunan at ‘di pahahalagahan ang ating kultura na ipinamana at iniregalo para sa ating henerasyon at mga darating pang henerasyon, ‘di tayo magkakaroon ng kinabukasan. Halos lahat ng ating galaw at mga produkto ay hinuha sa kultura natin.