You are on page 1of 2

Ang akdang “Hele ng Ina sa Kanyang Panganay” ay isang tulang malaya na nagsasakaysay ng nadarama

at pagpapahalaga ng isang ina sa kaniyang anak. Sa pagkakataong ito, pag-aralan mo ang isa pang tula
na isinulat ni Rafael Palma, “Ang Matanda at ang Batang Paruparo.” Basahin at alamin kung ito ba’y
tulang malaya o tulang tradisyonal.

Ang Matanda at ang Batang Paruparo


Rafael Palma

Isang paruparo na may katandaan,


Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay;
Palibhasa’y di nasisilaw sa ilaw
Binigyan ang anak ng ganitong aral:

Ang ilaw na iyang maganda sa mata


Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamara,
Pinapatay bawat malapit sa kaniya.

“Ako na rin itong sa pagiging sabik!


Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit,
ang aking napala’y palad ko pang tikis
nasunog ang aking pakpak na lumiit.”

“At kung ako’y itong nahambing sa iba


Na di nagkaisip na layuan siya,
Disin ako ngayo’y katulad na nila,
nawalan ng buhay at isang patay na.”

Ang pinangaralang anak ay natakot


at pinangako ang kaniyang pagsunod;
ngunit sandali lang. Sa sariling loob
ibinulong-bulong ang ganitong kutob;

“Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin


Ng ina ko upang lumayo sa ningning?
Diwa’y ibig niyang ikait sa akin
ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.”

“Anong pagkaganda ng kaliwanagan!


isang bagay na hindi dapat layuan,
itong matanda ay totoo nga namang
sukdulan ng lahat nitong karuwangan!”

“Akala’y isa nang elepanteng ganid


ang alin mang langaw na lubhang maliit,
at kung ang paningin nila ang manaig
magiging higante ang unanong paslit.”

“Kung ako’y lumapit na nananagano


Ay ano ang sama ng mapapala ko?
Kahit na nga niya mirahin pa ako
ay sa hindi naman hangal na totoo.”

“Iyang mga iba’y bibigyan ng matuwid


sa kanilang gawa ang aking paglapit,
sa nagniningningang ilaw na marikit.”

Nang unang sandali’y walang naramdaman


kundi munting init na wari’y pambuhay,
ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

Natutuwa pa nga’t habang naglalaro


ay nang lapit na di nahihinto
sa isang pag-iwas ay biglang nasulo
tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.

Nang unang sandali’y walang naramdaman


kundi munting init na wari’y pambuhay,
ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

At siya’y hindi na muling nakalipad


hanggang sa mamatay ang kahabg-habag,
ang ganyang parusa’y siyang nararapat
sa hindi marunong sumunod sa anak.

- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970

Marahil natalastas mo ang nais ibahagi ng may akda sa tula. Ito’y patunayan sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawain.

You might also like