You are on page 1of 1

III. Bakit mahalagang pag-aralan at balikan ang pinagmulan ng wika?

Panno
ito makakatulong sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino?

Mahalagang pag-aralan natin at balikan ang pinagmulan ng ating wika dahil sa


pamamagitan nito ay ating maintindihan at matutukoy kung saan at ano ang
pinagmulan ng wikang ating ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. Isa pa ay
matutukoy natin ang mga dahilan ng pinagmulan ng mga ideya, impormasyon at
kaalaman na nauugnay sa ating wikang ginagamit sa panahon ngayon.
Sa pamamagitan ng pag-alam sa pinagmulan ng ating wika ay magkakaroon tayo
ng kaalaman kung paano nabuo ang mga salitang ating ginagamit. Higit pa ay ating
maiintindihan kung paano ito naging sagisag ng wika. Ang kasaysayan ng ating wika
ngayon ang nagsisilbing pundasyon ng kasalukuyang wika ngayon. Bilang paggalang at
pagrespeto sa ating pinagmulan ay mahalaga ang pagbabalik tanaw sa pagkakakilanlan
ng ating wika. Ayon nga kay Rizal na ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay
hindi makakarating sa paroroonan, napatunayan dito ang pagiging marespeto at
makabayan ng isang indibidwal sa kasaysayan ng ating wika. Sa pag-aaral at pagbabalik
tanaw sa pinagmulan ng ating wika ay ating natutukoy kung ano ang maaari pang
maitaas. Kung ano ang dapat na isailalim sa proseso upang ang wikang di pa
intelektwalisado nang ay maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa
gayoy mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan. Magiging mas
mabisa ang wikang intelektwalisado hindi lamang bilang wika ng tahanan, wika ng
lansangan, wika ng malikhaing panitikan kundi bilang wika rin ng agham, teknolohiya at
ng iba pang teknikal at mataas na antas ng karunungan.
Kung hindi rin dahil sa mga dating gamit ng wika ay hindi magkakaroon ng pag-
usbong ng mga panibagong wika ngayon. Maaring hindi magiging ganito kaunlad at
kalawak ang ating wika sa kasalukuyan kung hindi dahil sa kasaysayan ng atig wika.
Kinakailangan na dapat ay balikan ang kasaysayan ng ating wika dahil maaari rin
mapagkuhaan ito ng inobasyon hindi lang sa pakikipagkomunikasyon.

You might also like