You are on page 1of 1

WASTONG PAGGALANG

Ni: Atty. Joy Karen Adraneda-Filio

Aaminin ko, hindi ko pa nararating ang dakong


paroon
Aaminin kong wala pa akong alam kundi ang
tumanghod sa telebisyon
Makialam sa usapang kaibigan
At kung anu-anong pamamaraan ang usot
napapanahon

Paano na tatakbo ang mundong kinatitirikan?


Ipinamalas sa aking isipan na akoy natatanging
yaman
Yamang hindi maaaring basta na lamang itapon, ibasura
at di-bigyang pangalan.
Bata ako, oo, pero ako ay dapat lumaban

Aaminin kong ako ay bata pa at may gatas pa sa aking


labi
Kung kayat ang aking dunong at kaalaman ay limitado
lamang
Kulang.
Hindi sapat.
Wala pang patutunguhan.
Ika nga: kakarampot lamang ang maari kong
maipagmalaki sa inyo.
Pero sa totoo lang, at pasintabi po sa bawat isa
Ang alam ko, bilang bata, ako ay tunay na malaya.

Lumaban sa panahon na maaaring sumira sa aking


kinabukasan.
Maling-mali ang hindi gumalang sa magulang.
Ngunit mali rin kung kami, bilang batay di igalang.
Abusuhin sa salita, sa paggawa at iba pa
Hinding-hindi tamang gawi ng sinumang mas matanda.
Sana magkatotoo at magkaintindihan
Walang bungang bukayo kung mangga
pinanggalingan.
Mabubuting halimbawa ang aming kailangan

ang

Malayang maipahayag ang nais kong sabihin


Patunayan sa amin na kami ang kinabukasan!
Malaya na gawin ang nais kong gawin.
--------------(transition)-------------Ako ay isang bata, may karapatan sa maayos na pagaaral

Huwag po sanang maliitin ang aming pagsasambot

May karapatang mabigyan ng mabuting pangalan

Hindi po naming batid ang pabalang na pagsagot

At ako ay isang bata, may karapatan na magkaroon ng


mga magulang.

Ang nais lamang namin ay kami marinig ninyo.


Kung lahat tayo ay tanto ang ganda ng bukas sa mundo.

Mga magulang, na tungkulin kong mahalin at igalang.


--------------(transition)--------------

Huwag niyo sana kaming pabayaan na lamang


Hayaang matuto ng kung anong kabulastugan.

Minsan aking inisip kung ako nga ba ay salot lamang

Ipadama sa amin ang tamang maranasan.

Tingin sa akin ng marami ay sampid at mangmang

Na gagawin din namin kapag kami na ay magulang.

Ngunit aking nabatid na mali ang kanilang isipan.


*Malayang bigyang-diin at isadula sa bigkasan
Paano na ang bukas kung ako ay tatakas?

You might also like