You are on page 1of 5

Department of Education

Gaddani National High School


Gaddani, Tayum, Abra

Pangalan: _________________________________________________________________________Petsa:________________________
Grade/Section: ___________________________________________________________________Iskor: _______________________
Unang Markahan sa Araling Panlipunan 7 (ASYA)
God bless!

I. Panuto: Tukuyin ang letra ng pinakawastong sagot. Isulat ang sagot bago ang numero.
1. Alin sa mga sumusunod ang isang paraan ng pagkuha ng lokasyon ng isang bansa ?
A. Pagtukoy sa latitude nito C. Pagtukoy sa kalapit na bansa
B. Pagtukoy sa longtitude nito D. Pagtukoy sa latitude at longtitude nito
2. Anong pinakamagandang paglalarawan sa ugnayan ng tao at kapaligiran tuwing tag-ulan
A. Masarap matulog kapag umuulan
B. Mainam sa tao ang magtanim ng palay para may ikabubuhay.
C. Maglinis ng kapaligiran upang hindi pamahayan ng lamok.
D. Mainam na huwag na lamang lumabas ng bahay para hindi magkasakit.
3. Alin sa mga Rehiyon sa Asya ang binubuo ng mga bansang Muslim, bansang pangkapuluan at
bansang Himalayan?
A. Hilagang Asya B. Timog Asya C. Silangang Asya D. Timog Silangang Asya
4. Alin sa mga sumusunod ang may malaking epekto sa pamumuhay ng mga Asyano?
A. Klima B. Topograpiya C. Likas na yaman D. Lahat ng nabanggit
5. Sa kabila ng pagkakaiba-iba nating mga Asyano, paano ka magiging instrument ng
kapayapaan at pagkakaisa?
A. Pag-aralan ko lahat ng kultura, wika, at trdisyon ng mga kapwa ko Asyano
B. Papasyal ako sa mga ibang bansa sa Asay upang maunawaan ko ang pamumuhay nila
C. Makikipagtulungan ako sa programa ng pamahalaan na nagsusulong ng pagtutulungan ng
mga Asyano
D. Makikipagkaibigan ako sa mga Asyanong umaangkin ng teritoryo ng ating bansa para
maiwasan ang gulo.
6. Saang rehiyon sa Asya nabibilang ang bansang Pilipinas?
A. Hilagang Asya B. Timog Asya C. Silangang Asya D. Timog Silangang Asya
7. Bakit binansagang Farther India at Little China ang Timog Silangang Asya?
A. Dahil kahugis ng Mapa ng India at China ang mapa ng Timog-Silangang Asya
B. Dahil magkapareho ang pisikal na katangian ng China, India at mga bansa sa Timog-
Silangang Asya
C. Dahil sa impluwensyang dulot ng pakikipag-ugnayan ng India at China sa mga bansa sa
Timog Silangang Asya.
D. Dahil magkapareho ang mga ninuno ng mga mamamayan sa India, China, at mga bansa sa
Timog-Silangang Asya.
8. Ano ang tinaguriang pinakamalaking archipelago sa buong mundo?
A. Indonesia B. Japan C. Pilipinas D. China
9. Paano nakatulong ang mga lupain at ilog sa Timog Asya sa pamumuhay ng mga Asyano?
A. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansa sa Timog Asya na
pinagyayaman ng mga ilog
B. Pagpapastol ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa malawak na damuhan sa rehiyon
C. Matagtagpuan sa rehiyon ang malawak na kagubatan na pinagkukunan ng mga torso

Prepared by CAD Page 1


D. Mayaman sa mineral ang rehiyon na siyang pinanggagalingan ng kita ng mga tao
10. Ano ang tawag sa pinakamataas na bundok sa buong mundo?
A. Bundok Everest B. Bundok Mayon C. Bundok Apo D. Bundok
Kanchenjunga

11. Paano nakaaapekto ang tag-init sa kalusugan ng tao?


A. Maalinsangan ang mararamdam
B. Kukulangin sa patubig ang mga sakahan
C. kung tag-init laganap din ang ibat-ibang uri ng sakit lalo na ang heat stroke.
D. Dahil sa pagkatuyo ng lupa ay namamatay ang mga halaman dahilan upang malugi ang ani
ng ating mga magsasaka.
12. Paano magkapareho ang biyayang dulot ng ilog sa pamumuhay ng tao noon at ngayon?
A. Maraming naganap sa kasaysayan malapit sa ilog
B. Ang mga ilog ay nagsilbing daanan ng mga barko
C. Nagiging depensa ng isang lugar at tanggulan ng isang lugar
D. Pinagkukunan ng tubig bilang inumin at ginagamit sa pang-araw-araw na gawain.
13. Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng pagkakaiba-iba ng klima sa mundo?
A. Iba-iba ang pakikiangkop at pamamaraan ng pamumuhay ng tao.
B. Iba-iba ang kinagisnang kultura at pananaw sa pamumuhay ng tao sa mundo.
C. Iba-iba ang pagtugon ng mga tao sa mga nararanasang kalamidad.
D. Iba-iba ang paniniwala at pananampalataya ng mga tao sa mundo.
14. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na klima para sa pagtatanim ng strawberry,
repolyo, at carrots.
A. Tag-init B. Tag-ulan C. Taglagas D. Tagsibol
15. Bilang mabuting mamamayan, paano makatutulong upang mapanatiling malinis ang mga
katubigan natin?
A. Ipaanod ang mga basura sa ilog
B. Ugaliing ayusin ang pagtapon ng basura sa compose pit.
C. Magbanlaw ng labahing damit sa umaagos na tubig sa ilog.
D. Ihalo sa tubig sa ilog ang mga kemikal at mga plastic para hindi mahuli ng kinauukulan
16. Bakit iba-iba ang vegetation cover sa iba’t-ibang bahagi ng Asya?
A. Dahil magkakaiba ang klimang mayroon dito
B. Dahil magkakaiba ang lokasyon nito
C. Dahil magkakaiba ang gawain ng tao dito
D. Dahil magkakaiba ang ibinigay ng Diyos para sa tao
17. Anong uri ng vegetation cover ang may uri ng damuhang may ugat na mabababaw.
A. Tundra B. Savanna C. Steppe D. Rainforest

18. Bilang mag-aaral, alin ang pinakamagandang hakbang para makatulong sa pabibigay
solusyon sa pandaigdigang problemang Climte Change o pagbabago ng klima?
A. Maglinis ng kapaligiran
B. Makianib/ maging miyembro sa United Nations
C. Huwag magtapon ng basura kahit saan at pagsusunog dito.
D. Ugaliing magtanim ng puno at mga halaman at alagaan ang mga ito.
19. Kung ang inyong lugar ay kabundukang sagana sa punong kahoy, bilang isang mamamayan
ano ang proyektong makakatulong para maiwasan ang mga problema sa landsalide,
pagkakalbo ng kagubatan at mga kabundukan?
A. Tree planting
B. Ipahuli ang mga nakikitang nagpuputol ng puno

Prepared by CAD Page 2


C. Itaguyod ang proyektong Tree Guard
D. Hindi pagputol sa mga puno
20. Ano ang hugis ng Mapa ng Timog Asya?
A. Parisukat B. Tatsulok C. Pabilog D. Parihaba
21. Kapag ikaw ay nakatira sa binabahang lugar at naibalitang may paparating na malakas na
bagyo pagkatapos ng tatlong (3) oras, ano ang pinakamainam na gagawin bago dumating ang
bagyo?
A. Magimbak ng pagkain
B. Magkumpuni ng mga sira sa bahay
C. Ilagay sa matataas na lugar ang mga kagamitan
D. Ihanda ang mga kagamitang kakailanganin at puntahan ang pinakamalapit na evacuation
center
22. Paano nakaaapekto ang pagsabog ng mga bulkan sa kapaligiran lalong-lalo na ang mga
bansang nasa Pacific Ring of Fire?
I. Nagdudulot ito ng paggalaw ng lupa
II. Nagbubunsod ng pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig
III. Natitigil ang paghahanapbuhay ng mga tao
IV. Makapagdudulot ng magandang pangyayari sa kasaysayan
A. I at II B. III at IV C. I, II, at III D. I, II, III, at IV
23. Kung madalas ang pagkatuyo at sobra ang init at walang masyadong ulan ang nararanasan sa
Kanlurang Asya, alin ang pinakawastong paglalarawan sa kapaligiran dito?
A. Walang masyadong halaman ang mabubuhay dito.
B. Hindi mainam na pastolan at taniman ang mga lupain dito
C. Malalawak ang disyerto at mga tigang na lupa bunsod ng pgkatuyo at walang ulan sa mga
lugar dito.
D. Mayroong kakulangan sa suplay ng pagkain dahil sa hindi matatamnan ag lupain dito.

24. Suriin ang larawan sa itaas. Ano ang mahihinuha mo sa yamang-tao ng Asya?
A. Ang mga Asyano ay walang pagkakaisa
B. Ang mga Asyano ay iba’t ibang katangian.
C. Ang mga Asyano ay may isang pagkakakilanlan na masasalamin sa mayamang kultura
nito.
D. Ang mga Asyano ay may iba’t ibang katangian at pagkakakilanlan na nagpapayaman sa
kultura ng reliyon.
25. Ikaw bilang kabataan na naanyayahan na dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang
sulusyon sa suliranin sa paglaki ng populasyon na nakaaapekto sa pag-unlad ng mga bansa sa
ating rehiyon.. Ano ang iyong maimumungkahi upang malutas ang suliranin?
A. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
B. Magpatupad ng programa na nagbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng 3 o higit pang
anak.

Prepared by CAD Page 3


C. Magsagawa ng kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng responsableng
pagpapalaki ng anak sap ag-unlad ng bansa
D. Wala sa nabanggit.

III. TAMA o MALI

Panuto: Tukuyin at isulat ang TAMA kung ang aytem ay dapat na solusyon para mailigtas ang
ating likas na yaman at para mapanatili ang balanseng kalagayang ekolohikal at MALI naman
kung hindi. Isulat ang sagot bago ang numero.
26. Paggamit ng mga produktong eco-friendly.
27. Tanggalin ang plug ng mga appliances kapag hindi gumagamit.
28. Pagpaparami ng mga sasakyan at pagpapalawak ng daanan para mapadali ang
transportasyon.
29. Pagsusulong sa programa na Proper Waste Management sa bawat barangay at mga ahensya
ng gobyerno.
30. Maramihang paghuli sa mga isdang maliliit at malalaki para marami ang supply ng isda sa
mga palengke.

IV.PAG-UUGNAY

Panuto: Masusuri ang magkakaugnay na salita mula sa hanay A sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang
sagot bago ang numero.

31. Bansang may pinakamalaking deposito ng ginto A. Kyrgystan


32. Bansang masagana sa mga punong Narra, ipil, at B. Pilipinas
mahogany.
33. Pinakamalaking tagapagluwas ngpetrolyo sa buong C. Saudi Arabia
mundo
34. Itlog ng mga isdang sturgeon na iniluluwas ng Hilagang D. Caviar
Asya
35. Ipinapatayo sa mga Dam para pagkunan ng kuryente E. Hydroelectric Power
36. Ang karaniwang katulong na hayop sa pagsasaka F. Kalabaw
37. Nangungunang bansa sa pagtatanim ng palay G. China
38. Pagdadala ng mga produkto sa ibang lugar H. Pagluluwas
39. Ang paglinang at pagpaparami ng I. Agrikultura
mga hayop, halaman at halamang-singaw para
gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang
mga produkto para gamitin ng tao
40. Anyong tubig na karaniwang pinagkukunan ng tubig J. Ilog
para sa pagtatanim
K. Pagpapastol

IV.Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap pagkatapos ay piliin sa kahon sa ibaba ang
tamang salitang kokompleto dito. Isulat ang sagot sa patlang.

Etnolingguistiko kultura pakikipagtalastasan Austro- Etnisidad Wika


Asiatic

41. Ang _____________________________ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may
magkaka- pareho na kultura at paniniwala.

Prepared by CAD Page 4


42. ________________ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa.
43. Napapaunlad ng tao ang kanyang sarili at kapwa sa pamamagitan ng________________________.
44. Upang masuri ang ____________________at kasaysayan ng isang lahi, kailangang pag-aralan mo ng
wika nito.
45. Makikita sa Timog-Silangang Asya ang dalawang pamilyang etnolingguistiko-ang
_________________at Sino-Tibetan.
V. Isulat ang kahalagahan/pakinabang ng mga sumusunod sa pamumuhay ng mga tao sa
isang bansa/ sa Asya.
46. Ilog
Ang kahalagahan ng ilog sa pamumuhay ng tao ay____________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
47. Mga pulo sa West Philippine Sea
Ang kahalagahan ng mga pulo sa West Philippine Sea sa pamumuhay ng mga Pilipino
__________________________________________________________________________________________________________
48. May tag-init at tag-ulan na klima
Ang kahalagahan ng may tag-init at tag-ulan na klima para sa isang bansa
___________________
__________________________________________________________________________________________________________
49. Paghahati sa Asya sa limang Rehiyon
Ang kahalagahan ng paghahati sa Asya sa limang Rehiyon
____________________________________
________________________________________________________________________________________________________
50. May malawak at maliit na nasasakupan
Ang kahalagahan ng may malawak na nasasakupan
____________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
Ang kahalagahan ng may maliit na nasasakupan para sa isang bansa
_________________________
_________________________________________________________________________________________________________.

Prepared by CAD Page 5

You might also like