You are on page 1of 19

88

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismong Kanluranin; Nasyonalismo sa
Europe at sa ibang bahagi ng Daigdig

NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong
Kanluranin; Nasyonalismo sa Europe at ibang bahagi
ng daigdig
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marilou M. Oracion and Ysmaela Chat A. Asdillo


Editor: Marites A. Abiera
Tagasuri: Gemma F. Depositario, Ed.D.
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera


Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Panimula

Isang mapagpalang araw sa inyo!


Sa Araling ito, matutunghayan mo ang paksa tungkol sa sa Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin at Nasyonalismo sa Europa at sa ibang bahagi
ng daigdig. Dito malalaman mo ang mga dahilan, uri, lawak, pangyayari at epekto sa ginawang
pananakop. Iba’t ibang kilos protesta ang inihahayag ng mga mga mamamayan sa mga lugar
na sinakop ng mga kanluranin. Ngayon simulan mo ang pagbabasa sa modyul na ito.

Subukin
Gawain A
Panuto: Ayusin ang mga ginulong mga titik para makabuo ng mga salita o pangalan. Isulat
ang sagot sa inyong kwaderno.

1. YOROTETRI-
2. YANOLOK-
3. OMSILANOYSAN-
4. NOSISECNOC-

5. TERAROPTECOT-

Gawain B
Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
kwaderno.
Hanay A Hanay B
____6. Ito ay pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban A. Sphere of Influence
sa paglusob ng ibang bansa.

____7. Ito ay ang pagbibigay ng espesyal na karapatang B. White Man’s Burden


pangnegosyo.

____8. Ito ay isang lugar o maliit na bahagi ng isang C. Protectorate


bansa kung saan kontrolado ang pamahalaan at
pulitika ng makapangyarihang bansa.

1 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
____9. Paniniwalang may karapatang ibigay ng Diyos ang D. Manifest Destiny
United States na magpalawak at angkinin ang
buong kontinente ng Hilagang Amerika

____10. Paniniwala na tungkulin ng mga Europeo at ng E. Concession


kanilang mga inapo na panaigin ang kanilang
maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng mga
kolonyang kanilang sinakop.

Balikan
Panuto: Tingnan ang mapa sa ibaba. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na mga
tanong at isulat ang inyong sagot sa kwaderno.:

(slideshare n.d.)

Pamprosesong Tanong:
1. Anong mga bansa ang nanaig sa unang yugto ng pananakop?
2. Mabuti ba o masama ang naging epekto ng unang yugto ng kolonyalismo at
imperyalismo. Patunayan.

Tuklasin
Gawain 1: HULA-RAWAN:
Panuto: Gamit ang mga larawan sa ibaba, magkaroon ng hula-rawan. Kilalanin ang mga
sumusunod na watawat at hulaan kung anong bansa ito sumisimbolo, isulat ang sagot sa
inyong kwaderno.

2 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
1.

(All-Flags-World.com n.d.)

2.

(Wikipedia n.d.)

3.

(Flaglane n.d.)

4.

(Wikipedia n.d.)

5.

(HIPI.info Digital Goodies 2014)

3 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Suriin
Ngayon basahin at unawain mo ang nakasulat sa ibaba.

Ang Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong


Kanluranin

(Slideshare n.d.)

Ang Pananakop sa Makabagong Panahon


Ang mga Kanluraning bansa ay nagsimulang manakop sa ibang lupain nang pumalaot
ang mga barkong Europeo. Ang Portugal, Spain, Netherlands, France, at Britain ay isa-isang
nanakop ng mga lupain at nagtayo ng mga kolonya sa Asia at America. Ngunit bago
nagsimula ang ika-19 na siglo ang lahat ng mga imperyong ito ay bumagsak. Ang Netherlands
at France ay nawalan ng kolonya sa North America. Ang 13 kolonya ng Britain sa America
ay matagumpay na nakapag-alsa laban sa pamahalaan, ang Timog Canada at ang
pinakamagandang kolonya ng Spain at Portugal.

Noong ika-19 na siglo nabuo ang mga makabagong imperyo at sa unang bahagi ng
ika-20 na siglo, habang nagaganap ang ikalawang Rebolusyong Industriyal. Ang panahon
mula noong 1871 hanggang sa nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914 ay
panahon nang mabilis na paglawak ng pagkakanluranin o westernization ng ibang lupain.

4 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Dahilan, Uri at Lawak ng Pananakop

(Slideshare n. d.)

Iba-iba ang dahilan ng pananakop. Ang ilan ay binibigyang katuwiran ang pananakop
Ang paggamit ng manifest destiny at white man’s burden ay ilan sa ginamit na dahilan ng
kanilang pananakop.
Isinasaad sa doktrinang manifest destiny na may karapatang ibigay ng Diyos ang
United States na magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang Amerika.
Samantalang paniniwala naman sa white man’s burden na tungkulin ng mga Europeo at ng
kanilang mga inapo na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng
mga kolonyang kanilang sinakop.
Ang dahilan ng iba ay upang sanayin ang sarili sa pamamahala at marami pang
pagbabalat-kayo. Iba-iba rin ang uri ng kolonyang itinatag batay sa katayuan ng mamamayan.
May nagtayo ng kolonya, protectorate, concession o sphere of influence. Sa mga mananakop,
pinakamalawak ang imperyo ng Britain.
Ang pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnenegosyo ay tinatawag na
concession. Samantalang ang sphere of influence ay isang lugar o maliit na bahagi ng bansa
kung saan kontrolado ang pamahalaan at politika ng makapangyarihang bansa.
Bunsod ng pangangailangan sa hilaw na mga sangkap, pagsunod sa sistemang
kapitalismo at paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga Kanluranin na magpalawak ng
teritoryo at ipalaganap ang kanilang kabihasnang naganap ang ikalawang yugto ng
pananakop. Sa mga bansang sinakop maraming pagbabagong political, kultural, at
pangkabuhayang naganap. May mga mabuti at hindi mabuting dulot ito sa mga kolonya.

5 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Mga Dahilan sa Paglulunsad ng Ikalawang Yugto

• Nagkaroon ng malaking pangangailagan


para sa pamilihan at mga hilaw na
materyales para sa mga industriyang nabuo
sa Europa at lalong nagpaigting sa
panibagong paglalakbay ng mga Europeo

(slideshare n.d.)

• Nagkaroon ng malaking demand para sa mga hilaw


na materyales na makukuha sa Africa, at Asya
gaya ng bulak, goma, seda, vegetable oil, at
mineral

(Slideshare n.d.)

• Ang mga daungan nito ay estratehiko bilang baseng


pandagat ng mga Europeo

(Alamy n.d.)

Ang Paggalugad sa Gitnang Africa


Noong 1854, ginalugad ni Livingstone ang Ilog Zambesi. Siya ang unang dayuhan
na nakamasid sa magandang talon ng Victoria na ipinangalan sa reyna ng England. Nakita
rin niya ang lawa ng Nyasa at Tanganyika. Dito siya namatay sa sakit.

Ang Pag-aagawan sa Africa ng mga Bansa sa Europe


Noong panahon ng katanyagan ng pananakop, ang paglaganap ng relihiyon, ang
pambansang ambisyon, at mga pangangailangan ang nagbunsod upang pag-agawan ang
gitnang Africa. Naangkin lahat ng mga kanluraning bansa ang dating hindi kilalang mga pook

6 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
sa loob ng 30 taon. Noong 1885, nakuha ng Belgium ang pinakamalaking bahagi ng Congo
basin sa pamumuno ng pinakatusong mangangalakal ng Europe, si Haring Leopoldo I. Ang
ibang bahagi ay pinaghatian ng France, Britain, Germany, Portugal, at Italy. Nahahati sa
tatlong rehiyon ang kontinente ng Africa – una ang hilagang bahagi na nakaharap sa Dagat
Mediterranean, pangalawa ang pinakagitnang bahagi ng tropiko o mainit na bahagi, at ang
pangatlo ang malamig na bahagi sa may timog.
Sa simula, sa kalakalan ng alipin naging interesado lamang ang mga Europeo.
Ngunit kalaunan naging interesado na rin sila sa likas na yaman ng mga pook na ito tulad ng
mga taniman ng ubas, citrus, butyl, pastulan ng hayop, at mga pook na magandang panirahan.
Ang bundok ng Atlas sa Morocco ay pinaniniwalaang may mina ng bakal. Para sa kanila
kahina-hinayang na palagpasin ang ganitong mga pagkakataon dahil ito’y makapagdadala ng
kayamanan para sa mga Europeo.

Imperyalismong Ingles sa Timog Asya


Sa lahat ng mga mananakop, ang Imperyong Great Britain hindi natinag. Sa halip,
lalo pang lumawak ito. Bagaman lumaya ang 13 kolonya sa America sa Rebolusyong
Amerikano, nadagdagan naman ito sa ibang dako. Ang British East India Company sa India
naging lubhang makapangyarihan sa pamahalaan at dinala ang mga kaisipan, kaugalian,
edukasyon, at teknolohiya sa bansa. Hindi naglaon, noong huling bahagi ng 1800, inilipat ang
kontrol ng kompanya sa pamahalaan ng Imperyo ng Great Britain. Ang India ay tinawag na
“pinakamaningning na hiyas” ng imperyo. Sa Treaty of Paris noong 1763, nagwakas ang
pitong taong digmaan ng France at Britain, ang France nawalan ng teritoryo sa India.
.
Ang United States sa Paligsahan ng mga Bansang Mananakop
Ang United States ay hindi nagpahuli sa mga bansang industriyalisado. Bagaman
marami sa Africa ang hindi sang-ayon sa pananakop ng mga teritoryo, napasali ito nang
nakipagdigmaan ang United States laban sa Spain na nagdulot ng pagsakop sa Guam, Puerto
Rico, at Pilipinas. Sinabi ni Pangulong William Mckinley, pinag-isipan pa niya kung ano ang
nararapat gawin sa Pilipinas.
Ang Pilipinas at iba pang dating mga sakop ng Spain ay nakuha ng United States
tulad ng Guam na naging himpilang-dagat patungo sa Silangan at ang Puerto Rico bilang
himpilang dagat at ang Hawaii kung saan makikita ang Pearl Harbor na siyang pinakatampok
na basing pandagat ng United States sa Pacific.

Ang Protectrate at Iba pang uri ng Kolonya

Ang West Indies, Australia, New Zealand, at mga bansa sa Central America ay
pawing mahihina at walang pagkakaisa ang mga ito upang maipagtanggol ang kanilang
bansa. Nagsilbing tagapangalaga sa mga pook na ito ang hukbo ng Amerika upang
mapanatiling bukas ang pamilihan sa mga bayan na ito, makuha ng malalaking bahagi ng
lakas-pangkabuhayan tulad ng pag-aari ng mga minahan, mga balon ng langis, mga
taniman, mga daang-bakal, at samahan ng mga sasakyang dagat.
Ang iba pang pook na nakaligtas sa pagkakaroon ng hidwaan ng mga bansang
mananakop ay ang Australia at ang kalapit na New Zealand dahil matibay itong nahawakan
ng Great Britain. Dito ipinadala ng Britain ang mga bilanggo matapos ang himagsikan sa
America. Nang makatuklas ng ginto sa Australia, maraming Ingles ang lumipat dito at ito na

7 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
ang isang halimbawa kung paanong ang sakop na lupain ay magagamit na tirahan ng
dumaraming tao.

Halos lahat ng bansa sa Africa, Asya, at Timog Amerika ay nasakop ng mga Europeo
sa pagsapit ng ika-20 siglo.
Maraming mga komperensya ang naganap upang maiwasan ang digmaan dahil sa pag-
aagawan ng kolonya tulad ng Komperensya sa Berlin noong 1885, kung saan pinaghati-hatian
ang Africa ng mga bansang Europeo.

Nanguna sa pagtatayo ng mga kolonya ang Great Britain, Germany, France, Portugal,
at Spain.
Nagkaroon ng iba’t ibang paraan o sistema ng pagkontrol at pananakop ang mga
bansang Europeo para lubos na mapakinabangan ang likas yaman ng kolonya.

Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo

Epekto ng kolonisasyon sa mga Bansang Nanakop

Maraming aspekto ng buhay ang naapektuhan ng pananakop. Ang mga gawaing


pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, espirituwal, at pangkultura ay ginamit ng mga
mananakop upang ganyakin ang mga bansang nasakop na sumunod sa kanilang
ipinagagawa tulad ng pagtatrabaho at pagsisilbi sa pataniman, sa pagawaan ng barko sa
hukbong sandatahan.

Epekto ng kolonisasyon sa mga Lupang Nasakop

Maraming pagbabago ang naging bunga ng kolonisasyon sa lupaing sakop. Ang


mga ito ay pagbabago sa pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura.

Epekto ng Imperyalismo

Ang imperyalismo sa Africa at Asya ay naging daan upang makaranas ng


pagsasamantala ang katutubong populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga
dayuhan. Pinagsamantalahan ng mga Kanluranin ang kanilang likas na yaman at lakas-
paggawa. Naging sanhi rin ito ng pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang bahagi ng kolonya
dahil sa pananaig ng impluwensiyang Kanluranin. Sa usapin ng hangganang pambansa, ang
pamana ng mga kanluranin ay ang hidwaan sa teritoryo na namayani pa rin hanggang sa
ngayon sa ilang bahagi ng Africa at Asya bunga nang hindi makatuwirang pagtatakda ng mga
hangganan.

Nasyonalismo sa Europe at sa Asya


Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa ideya ng pagkabansa o pagmamahal sa bansa
na bunsod ng pagkakapareho sa lahi, wika, relihiyon, kultura, at pagpapahalaga.
Sa Europe, makikita ang diwa ng Rebolusyong French sa mga rebelyong naganap
na nakatuon sa pagtutol sa tradisyonal na monarkiya, pagkakaroon ng kinatawan sa
pamahalaan, at pagkakaroon ng konstitusyon. Ang kaayusang politikal na nilikha ng Congress
of Vienna ang nagsilbing mitsa sa pagsiklab ng mga rebelyong nabanggit.

Ang imperyalismong Kanluranin sa Asya ay lumaganap simula noong ika-16 na


siglo. Pagdating ng ika-19 na siglo, naging mas organisado ang mga rebelyon na ang tuon ay

8 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
ang pagtuligsa sa mga partikular na patakarang kolonyal o kaya ay pagpapatalsik sa
dayuhang kapangyarihan pagdating ng ika 19 na siglo.
Ang nasyonalismo sa Europe at Asya ay nakaugat sa paghahangad na manaig ang
kagustuhan ng mamamayan.

Pagyamanin

GAWAIN A
Panuto: Tukuyin kung BELGIUM, GREAT BRITAIN o USA ang sumakop sa mga
sumusunod na lupain. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

_______1. Samoa
_______2. India
_______3. Hawaii
_______4. Congo
_______5. Australia

GAWAIN B
Panuto: Isulat ang titik T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at titik M kung mali.

_______6. Ang imperyalismo sa Africa at sa Asya ay naging daan upang makaranas ng


pagsasamantala ang katutubong populasyon mula sa mga dayuhan.

_______7. Isa sa epekto ng imperyalismo ay ang preserbasyon ng mga kulturang katutubo.

_______8. Hindi nabago ang sistemang pampolitika, panlipunan at pangkabuhayan ng mga


bansang nasakop.

_______9. Natalo ang United States sa digmaan nito sa Spain noong 1898.

_______10. Pinagsamantalahan ng mga mananakop na kanluranin ang mga likas na yaman


at lakas-paggawa ng mga kolonya.

9 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Isaisip
Nagsimulang manakop ang mga Kanluraning bansa sa ibang lupain nang pumalaot
ang mga barkong Europeo. Ang Portugal, Spain, Netherlands, France, at Britain ay isa-isang
nanakop ng mga lupain at nagtayo ng mga kolonya sa Asyaa at America. Ang panahon nang
mabilis na paglawak ng pagkakanluranin o westernization ng ibang lupain ay noong 1914..

Ang paggamit ng manifest destiny at white man’s burden ay ilan sa ginamit na dahilan
ng kanilang pananakop.
Hindi pare-pareho ang uri ng kolonyang itinatag, ito ay batay sa katayuan ng
mamamayan. Ang mga itinayo nila ay ang kolonya, protectorate, concession o sphere of
influence. Sa lahat ng mga mananakop, pinakamalawak ang imperyng naitatag ng Britain

Noong panahon ng katanyagan ng pananakop, ang pambansang ambisyon ay ang


paglaganap ng relihiyon, at mga pangangailangan ang nagbunsod upang pag-agawan ang
gitnang Africa.
Maraming aspekto ng buhay ang naapektuhan ng pananakop. Ang mga gawaing
pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, espirituwal, at pangkultura ay ginamit ng mga
mananakop upang ganyakin ang mga bansang nasakop na sumunod sa kanilang
ipinagagawa tulad ng pagtatrabaho at pagsisilbi sa pataniman, sa pagawaan ng barko sa
hukbong sandatahan.
Ang imperyalismong Kanluranin sa Asya ay lumaganap simula noong ika-16 na siglo.
Pagdating ng ika-19 na siglo, naging mas organisado ang mga rebelyon na ang tuon ay ang
pagtuligsa sa mga partikular na patakarang kolonyal o kaya ay pagpapatalsik sa dayuhang
kapangyarihan pagdating ng ika 19 na siglo.
Ang nasyonalismo sa Europe at Asya ay nakaugat sa paghahangad na manaig ang
kagustuhan ng mamamayan.

Isagawa

PUNUAN MO AKO!

Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo at


Nasyonalismo sa Europe at sa ibang bahagi ng daigdig

Panuto: Ipahayag ang iyong kaisipan sa pamamagitan ng pagsusulat, tungkol sa


kolonyalismo, imperyalismo at nasyonalismo na nauugnay sa mga larawan sa
ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

10 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Kolonyalismo at Imperyalismo Nasyonalismo

(Keep Calm and Learn History 2018) (Pagtangkilik sa Sariling Atin 2013)

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot:
_____1. Ano ang tawag sa pagbibigay sa kolonya ng proteksyon laban sa paglusob ng isang
bansa?
a. Sphere of Influence c. Protectorate
b. Manifest Destiny d. Concession

_____2. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga Europeo na tungkulin nilang panaigin ang
kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubong kolonyang nasakop?
A. Sphere of Influence C. Protectorate
B. White Man’s Burden D. Concession

_____3. Nagsimula ang ikalawang yugto ng imperyalismo noong ika-19 siglo. Ano ang
pangunahing salik na nagtulak sa mga Europeo upang ipagpatuloy ang
imperyalismo?
A. Paghahanap ng hilaw na materyales na gagamitin sa mga industriya
B. Pagpapalawak ng teritoryo
C. Paghahanap ng alipin na maaaring ipagbili
D. Pagpapalaganap muli sa relihiyong Kristiyanismo

_____4. Ano ang pangunahing epekto ng imperyalismong kanluranin sa mga bansa sa Africa
at Asya?
A. Pagtatag ng mga bagong imperyo
B. Paglitaw ng mga bagong lahi ng tao
C. Pagkaubos ng likas na yaman at lakas paggawa sa mga kolonya
D. Paglagganap ng sakit na dala ng mga Europeo

_____5. Ang pinakamaningning na hiyas ng Britain

11 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
A. Hawaii B. India C. Australia D. Pilipinas
_____6 Ito ay tumutukoy sa ideya ng pagkabansa o pagmamahal sa bansa na bunsod ng
pagkakapareho sa lahi, wika, relihiyon, kultura, at pagpapahalaga.
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo
C. Nasyonalismo D. Merkantilismo
_____7. Sa simula, ang mga Europeo ay interesado lamang sa kalakal na ito.
A. Bulak B. Silk C. Alipin D. Asukal
_____8. Ang kompanyang British na namahala sa mga kolonya nito
A. British East India Company C. Ducth East India Company
B. British Imperial Company D. Dutch Imperial Company

_____9. Ang 13 kolonya sa America ay nag-alsa laban sa:


A. Britain B. Netherlands C. France D. Spain
_____10. Umusbong ang damdaming makabayan ng mga tao dulot ng imperyalismo at
kolonyalismo ng mga kanluraning bansa. Naranasan nila ang kawalang katarungan
at pang-aabuso ng mga dayuhan. Sa ngayon patuloy pa rin ang impluwensya ng
bansang Amerika sa ating bansa. Sa anong paraan mo maipapakita ang pagtutol
dito?
A. Magsagawa ng pagproprotesta sa mapayapang paraan
B. Isabotahe ang embahada ng Amerika
C. Iboykot ang mga produktong gawa ng mga dayuhan
D. Magsagawa ng isang marahas na demonstrasyon sa mga lansangan

Karagdagang Gawain

Panuto: Ibigay ang iyong sariling saloobin tungkol sa tanong sa ibaba. Isulat ang inyong sagot
sa kwaderno.
1. Dapat bang parangalan ang mga Asyanong nakibaka para sa kalayaan ng kanilang bansa?
Pangatwiranan.

12 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Susi sa Pagwawasto

Subukin
Gawain A Gawain B
1. Teritoryo 6. C
2. Kolonya 7. E
3. Nasyonalismo 8. A
4. Concession 9. D
5. Protectorate 10. B

Balikan
1. Portugal, Spain, France, Netherlands, England
2. Inaasahang sagot: May mabuti at mayroon ding di kabutihang dulot ang epekto ng unang
yugto ng kolonyalismo at imperyalismo. Ang mabuting epekto ay ang paglinang ng mga likas
na yaman at ang pag-lakas ng ugnayan ng silangan at kanluran. And di-mabuting epekto
naman ay ang higit na pakinabang ng mga sumakop sa likas na yaman ng sinakop na bansa.

Tuklasin

Gawain: HULA-RAWAN
1. Spain 2. France 3. Netherlands 4. Britain/Great Britain 5. Portugal

Pagyamanin

Gawain A Gawain B

1. USA 6. M
2. Britain/Great Britain 7. T
3. USA 8. T
4. Belgium 9. T
5. Britain/Great Britain 10. M

Tayahin:

1.C 6. C
2.B 7. C
3.A 8. A
4.C 9. A
5.B 10. A

13 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Dahilan

* Naging mas madali ang paglalakbay sa malawak na karagatan dahil sa


mga imbensyon sa teknolohiya at agham dulot ng Rebolusyong
Siyentipiko sa Europa.

* Nagkaroon ng malaking pangangailangan para sa pamilihan at mga


hilaw na materyales para sa mga industriya.

* Nagkaroon ng malaking demand para sa mga hilaw na materyales na


makukuha sa Aprika at Asya.
* Ang mga daungan nito ay estratehiko bilang baseng pandagat ng mga
Europeo.

* Upang sanayin ang sarili sa pamamahala.

14 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Sanggunian
A. Aklat
Blando, Rosemarie C., et.al., Modyul Para sa Mag-aaral, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba, Eduresources Publishing, Inc.
Celia D. Soriano, et.al., Binagong Edisyon: Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig, Batayan at
Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, Rex Bookstore, Inc.
Teofista L. Vival, et.al, Kasaysayan ng Daigdig, SD Publications, Inc.

B. Teacher’s Guide
Most Essential Learning Competencies (MELC)

C. Websites

alamy. n.d. alamy.com. Accessed January 13, 2022. https://tinyurl.com/y4aheqch.

n.d. All-Flags-World.com. Accessed January 12, 2022. http://www.all-flags-world.com/country-


flag/Spain/national-spanish-flag.php.

2014. HIPI.info Digital Goodies. June 14. Accessed January 12, 2022.
https://www.hipi.info/2014/06/portugal-flag-hd-wallpaper-background.html.

Keep Calm and Learn History. 2018. Facebook. January 31. Accessed January 13, 2022.
https://www.facebook.com/739396062922217/photos/a.739404942921329/739828016212
355/?type=3.

Pagtangkilik sa Sariling Atin. 2013. Facebook. March 23. Accessed January 13, 2022.
https://m.facebook.com/316346685154963/photos/a.316775245112107/31800308165599
0/?type=3&__tn__=-R.

slideshare. n.d. https://tinyurl.com/yx9svaac.

Slideshare. n.d. Slideshare.com. Accessed January 13, 2022. https://tinyurl.com/y5ynsmot.

—. n.d. Slideshare.com. Accessed January 13, 2022. https://tinyurl.com/y4f69qeq.

n.d. Wikipedia . Accessed January 12, 2022. https://en.wikipedia.org/wiki/Flag_of_France.

n.d. Wikipedia. Accessed January 12, 2022. https://en.wikipedia.org/wiki/Flag_of_Great_Britain.

15 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like