You are on page 1of 15

Kapitalismo

Isang sistema kung saan mamumuhunan ng kanyang salapi ang isang tao upang
magkaroon ng tubo at interes. Dumami ang salaping naipon ng mga Europeo dahil sa
kalakalan sa Asya. Ginamit ang mga salaping ito sa mga pananim at minahan sa mga
kolonya para lalo itong kumita.

White Man’s Burden


Ipinasailalim sa kaisipan ng mga nasasakupan na sila ay pabigat sa mga Kanluraning
bansa. Ang mga Kanluranin ay naniniwala na sila ay may tungkulin na turuan at
tulungan upang paunlarin ang kanilang nasasakupan. Ito ang ginamit na katuwiran ng
mga Kanluranin sa ginawa nilang pananakop sa Asya, ang paghahangad na ipakilala
ang kanilang superyor na kultura, relihiyon, at paniniwala sa iba pang mga bansa sa
mundo. Pinapaniwala nila ang mga bansa sa Asya at Africa na ang kanilang pamumuno
ay magtuturo sa mga ito ng mga makabagong pamamaraan ng pagpapatakbo ng
kanilang mga pamahalaan. Ang tunay na layunin ay pagpapalawak ng kapangyarihan,
teritoryo at pagpaparami ng kayamanan.
Kanlurang Asya
Ang sinaunang kabihasnan sa Kanlurang Asya ay dumaan sa maraming pananakop. Ang malakas
na imperyong sumakop rito ay ang mga Turkong Ottoman na nagmula sa Turkey. Naghari ito ng
maraming siglo, ang relihiyong Islam ay kanila ring ginamit upang lalong magkaisa ang mga Arabe.

Nang sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig, kumampi ang Kanlurang Asya sa Pwersang
Alyado sa buong pag-aakala na sila ay lalaya. Ang naisin ay napalitan na naman ng panibagong
patakaran na pinatupad ng Liga ng mga Bansa.

Ang Kanlurang Asya ay sumailalim sa pananakop ng mga kanluraning England at France noong
1914 ng isang tsarter o mandato ng Liga ng mga Bansa. Ang mga Europeong nanalo sa Unang
Digmaang Pandaigdig ay magiging mandato ng ilang teritoryo ng mga natalong bansa. Ang Iraq,
Palestine, West Bank, Gaza Strip at Jordan ang mandato ng Great Britain. Ang mandato ng France
ay ang Syria at Lebanon. Ang sistemang mandato ay nangangahulugang pansamantala silang
sasailalim sa kamay ng mga Kanluranin habang tinutulungan silang makapagsarili at makapagtatag
ng pamahalaan.

Sa isyung politikal at sosyal, nakialam ang mga Kanluranin sa suliranin sa pagitan ng Palestine at
mga Hudyo. Sinuportahan ng mga Kanluranin ang mga Hudyo na magkaroon ng bahaging titirhan
sa Palestine.

You might also like