You are on page 1of 33

1.

Ang Pilipinas ay daanan ng pangunahing


ruta sa pagitan ng Hilagang Amerika at
Asya sa larangan ng kalakalang pandagat
kaya ito ay itinuturing na isa sa mga sentro
ng distribusyon ng mga produkto sa Timog-
Silangang Asya
2. Ang bansa ay nagtataglay ng
napakahabang baybayin at
magagandang pangisdaan mula hilaga
hanggang timog
3. Marami rin itong
maiinam na daungan na
nagiging lugar ng kalakalan
sa mundo
4. May katamtamang klima na
maraming lugar sa bansa dulot ng
hanging nagmumula sa mga
karagatang nakapaligid sa kapuluan.
5. Iba’t ibang anyong lupa at
anyong tubig, maraming likas na
yamang ang makukuha ritong
nagpapatunay na ang bansa ay
lubos na pinagpala ng mayamang
kalikasan
1. Isyu ng Rehiyonalismo
Rehiyonalismo o sobrang pagpapahalaga
sa mataas na pagtingin sa sariling rehiyon.
Ang pagiging isang Pilipino at ang
paninirahan sa bansang Pilipinas ay hindi
gaanong pinapahalagahan. Ang katangian,
kalakasan, kultura ng bawat rehiyon o
pangkat ng tao ang higit na nabibigyang-
halaga at pagmamalaki
2. Mabagal na komunikasyon at
transportasyon dahil sa pagiging layo-layo
ng mga pulo. Ngunit dahil sa pag-unlad ng
makabagong teknolohiya at uri ng
transportasyon unti-unti nang
nasosolusyunan ang isyung ito. Ngunit
mayroon pa ring mga lugar na hindi agad
naaabot lalo na sa malalayo at liblib na lugar.
3. Banta rin sa kaligtasan ng mamamayan ng
Pilipinas ang pagputok ng bulkan at
madalas na paglindol. Nangyayari ito dahil
ang Pilipinas ay matatagpuan sa bahaging
tinatawag na Pacific Ring of Fire – ito ang
rehiyong mabulkan at malindol na nasa
pagitan ng Mainland Asya at Karagatang
Pasipiko.
Ang pagiging bahagi pa rin ng Pilipinas sa
Pacific Ring of Fire ang pangunahing dahilan
kung bakit may tatlong pangunahing Fault
Line o mga lugar sa bansang nakararanas
ng malawakan at madalas na paggalaw ng
masa ng lupa
Ang 3 Fault Line:
4. Dahil ang Pilipinas ay matatagpuan sa
typhoon belt at itinuturing na isang bansang
insular o maritime, suliranin din ng bansa
ang madalas na pagpasok ng bagyo at ang
mabilis na pagtaas ng tubig na nagiging sanhi
lalo ng pagbaha sa tuwing tag-ulan.

You might also like