You are on page 1of 2

Kabanata 14: Sa Bundok ng Armenya

BUOD:
Nang maakyat ang kabatuhan, may balon silang natagpuan. Ang balon ay nakakaakit sa kanilang
tingin. Sila’y nagtaka dahil napakalinis nitong balon. Dahil dito’y sila’y hindi sigurado kung walang
nagmamay-ari ng balon ngunit kahit saanman sila tumingin, walang bahay na namamasid.
Si Don Pedro ang unang pumasok subalit tatlumpung limang dipa lamang ang na-aabot ay sumuko na
dahil hindi niya natagal ang dilim sa ibaba. Si Don Diego naman ay sumunod. Nilakasan niya ang
kanyang loob, ngunit umahon pa rin ng takot dahil sa lalim na hindi masukat.
Ang huli at pangatlong pumasok sa balon ay si Don Juan. Natalagan niya ang dilim at ang lalim na
hindi matarok dahil sa kanyang pagpupursigi.

Kabanata 15: Ang Mahiwagang Balon

Kabanata 16: Ang Natuklasang Hiwaga

BUOD:
Sa ilalim ng balong pinasok ni Don Juan, siya ay nakagtapgo ng isang pook. Ito’y napakarikit at
mahiwaga. At sa unang pagkakataon, nasilayan niya ang si Donya Juana. Nabihag ni Donya Juana ang
puso ni Don Juan dahil sa kanyang taglay na kagandahan. Dahil sa pagmamahal ni Don Juan kay
Donya Juana, nagawa niyang sabihin na walang saysay at dapat nanjg tapusin ang kanyang buhay
kung walang pag-sintang nararamdaman sa kanya ang prinsesa.
Ibinigay naman ng prinsesa ang kanyang puso kay Don Juan, ngunit, siya ay nag-alala sa kaligtasan
ni Don Juan dahil sa higanteng nagbabantay at nag-aalaga sa kanya. Hindi natakot si Don Juan sa
Higante at silang dalawa ay naglaban hanggang sa napatay ni Don Juan ang Higante. Pagkatapos ay
inalok ni Don Juan si Donya Juana na umakyat paalis ng balon at pumuntang Berbanya, ngunit, ang
prinsesa ay nag-alangan dahil maiiwan ang kanyang kapatid na si Leonora.
Kabanata 17: Si Prinsesa Leonora
BUOD:
Si Prinsesa Leonora ay kapatid ni Donya Juana na binabantayan ng isang serpyenteng may pitong ulo.
Ipinakiusap ni Donya Juana kay Don Juan na sunduin ang kanyang kapatid sa kastilyo. Lumakad na
papunta kay Leonora si Don Juan, at nang makita niya ang prinsesa, siya ay muling nabihag ng
kagandahan. Tinanong ni Leonora kung sino si Don Juan at kung ano ang kanyang pakay. Winika ni
Don Juan naroroon siya upang magsilbi, ngunit siya ay pinapaalis ni Leonora dahil sa mapanganib na
serpyente. Hindi natinag si Don Juan sa kanyang hangarin, dahil dito, si Leonora ay napa-ibig na rin
kay Don Juan.

Kabanata 18: Ang Tagumpay ni Don Juan

BUOD:
Si Prinsesa Leonora’y nagsabi na may Serpyenteng nagbabantay sa kanya at dito’y walang hindi
namamatay.Pero nilabanan pa rin ito ni Don Juan. Sa simula, patas ang laban, walang lumalamang.
Tinulungan ni Leonora si Don Juan sa pamamagitan ng pagbigay sa kanya ng balsamo. Nang makita
ito ng Serpyente, ito’y kinilabutan at lalong nagalit. Sa huli, ang prinsipe’y nagwagi sa laban niya.
Para matalo ang Serpyente, ginamit niya ang kanyang liksi at ang balsamo. Nang matapos ang laban,
sila’y umahon na at inihayag sa dalawa ang mga pangyayari.

You might also like