You are on page 1of 5

Ibong Adarna

SCENE 1 (PALASYO NI HARING FERNANDO)

Manggagamot: Hindi naming masabi kung ano ang kanyang naging karamdaman.

(Biglang may dumating na ermitanyo)

Ermitanyo: Ang tanging makakapagpagaling sa kanya ay ang pag-awit ng ibong adarna na mahahanap sa puno
ng Piedras Platas sa bundok Tabor.

Don Pedro: Ako ang huhuli sa Ibong Adarna

(Naglalakbay si Don Pedro kasama ang kanyang kabayo.)

SCENE 2 (BUNDOK TABOR)ang kanyang kabayo.)

Don Pedro: Sa wakas at natagpuan ko na ang puno ng Piedras Platas.

(Nakatulog si Don Pedro sa pag-awit ng Ibong Adarna)

(Natuluan siya ng dumi ng Ibong Adarna at tuluyang naging bato)

(Sa Palasyo)

Don Diego: Ilang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi pa bumabalik ang aking kapatid na si Don Pedro. Ako na
ang huhuli sa Ibong Adarna para gumaling na ang aking ama.

(Naglakbay si Don Pedro kasama ang kanyang kabayo)

Don Diego: Sa wakas at natagpuan ko na ang puno ng Piedras Platas.

(Katulad ni Don Pedro, nakatulog din Don Diego sa awit ng Ibong Adarna, at tuluyan ding naging bato.

(Sa Palasyo)

Don Juan: Ilang taon na ang nakakalipas ng umalis ang aking mga kapatid ngunit kahit anino nila’y walang
dumarating. Ako ang huhuli sa Ibong Adarna.

Reyna Valeriana: Hindi pwede Juan. Kaya nagkasakit ang iyong ama dahil nag-alala siya sayo. Napanaginipan kasi
niya na mayroon daw nagtaksil sayo at itinapon ka sa isang balo.

Don Juan: Magiging maayos ako. Hindi niyo kailangan mag-alala mag-iingat ako.

(Naglakbay si Don Juan ngunit walang dalang kabayo)

SCENE 3 (PAGLALAKBAY NI DON JUAN SA GUBAT)

Ketongin: Iho, pwede bang makahingi kahit kaunting pagkain lang?

Don Juan: Ito po.

Ketongin: Salamat.

(Paalis na ang ketongin)

Don Juan: Sandali lang po, alam niyo po ba kung paano huhulihin ang Ibong Adarna?

Ketongin: Mayroon isang maliit na bahay malapit sa bundok, kung saan nakatira ang isang ermitanyo. Siya ang
magbibigay sayo ng kaalaman kung paano mo mahuhuli ang ibon. At huwag na huwag kang matutulog
sa isang magandang puno doon.

Don Juan: Maraming salamat po.

SCENE 4 (SA BAHAY NG ERMITANYO)

(Kumatok si Don Juan)

Ermitanyo: Pumasok kai ho. Kumain ka muna.

(Iaalok ng ermitanyo ang tinapay na binigay ni Don Juan sa ketongin, Nagtaka si Don Juan)

Don Juan: Paano kop o mahuhuli ang Ibong Adarna?

(Inabot ng ermitanyo ang isang dayap, matalim na labaha, at gintong sintas.)


Ermitanyo: Tuwing kakanta ang Ibong Adarna, kailangan sugatan ang iyong katawan at patakan ng katas ng dayap
ang sugat upang hindi ka makatulog. Kailangan mo ding umiwas kung ang ibon ay dumumi pagkatapos
umawit ng pitong awit. At kapag nahuli mo na ang Ibong Adarna, dapat talian mo ito ng gintong sintas.

Don Juan: Salamat po.

(Umalis si Don Juan.)

SCENE 5 (PAGKAHULI SA IBON)

(Sinunod ni Don Juan ang utos ng Ermitanyo.)

Don Juan: Kailangan kong bumalik sa bahay ng ermitanyo.

(Bumalik sa bahay ng ermitanyo)

(Kinulong ang Ibon)

Don Juan: Paano ko po maliligtas ang aking mga kapatid?

Ermitanyo: Buhusan mo sila ng mahiwagang tubig.

(Nagbigay ang ermitanyo ng tubig sa bote)

SCENE 6 ( NILIGTAS ANG MGA KAPATID)

(Binuhusan ng mahiwagang tubig ang mga kapatid)

Don Pedro at Don Diego: Salamat Juan at niligtas mo kami.

Don Juan: Halika at maglakbay na tayo pabalik ng Berbnaya.

(Pagsapit ng Gabi)

Don Juan: Magpahinga muna tayo dito.

(Natulog na si Don Juan)

Don Pedro: Hindi pwedeng makuha na naman ni Juan ang karangalan. Lagi na lang siya ang magaling. May plano
ako para tayo naman ang mapansin ng hari.

(Binulong ni Don Pedro ang kanyang plano kay Don Diego)

SCENE 7 (PAGTATAKSIL)

(Binugbog nila si Don Juan hanggang mawalan ito ng malay)

Don Pedro: Kunin mo na ang ibon at umalis na tayo dito.

(Pagdating sa Berbanya)

Don Pedro: Nakuha ko na ang Ibong Adarna.

Reyna Valeriana: Buti na lang nakabalik na kayo. Asan si Don Juan?

Don Pedro: Hindi po naming siya nakita.

(Dinala ang Ibon sa Hari ngunit hindi ito kumanta)

SCENE 8 (SI DON JUAN)

Matanda: Naku! Iho, anong nangyari sayo. Sumama ka sa akin at gagamutin kita.

Don Juan: Salamat po.

Matanda: Walang ano man.

SCENE 9 (BUMALIK SI DON JUAN SA BERBANYA)

Reyna Valeriana: Juan! Salamat naman at nakauwi ka na.

(Niyakap ni Reyna Valeriana ang anak, at sabay ang pagkanta ng ibon)

(Bigla itong nagpalit ng anyo at sinabi kung ano ang nagyari kay Don Juan)

Ibong Adarna: Binugbog nila si Don Juan para sila ang makakuha sa akin at sa karangalan.

Haring Fernando: Dapat kayong parusahan.


Don Juan: Huwag na po ama. (nagmamakaawa)

SCENE 10 (NAKALAYA ANG IBONG ADARNA)

Don Juan: (Hikab)

(Nakatulog si Don Juan sa kakabantay sa Ibong Adarna)

(Pinakawalan ito kanyang mga kapatid at ito ay nakawala)

Don Juan: Naku! Kailangan kung umalis at baka ako pa ang pagkamalang nagpakawala sa Ibong Adarna.

SCENE 11 (PAGHAHANAP KAY DON JUAN)

Haring Fernando: Nawawala ang inyong kapatid na si Juan. Kailangan niyo siya hanapin.

Magkapatid: Opo, Ama.

(Naghanap na ang dalawa)

Don Diego: Mabuti naman at nahanap ka namin

Don Pedro: Bumalik na tayo sa Berbanya.

SCENE 12 (ANG BALON)

Don Pedro: Ano kaya ang nasa balong iyon.

(Bumaba si Don Pedro, natakot at umakyat pabalik)

Don Diego: Ako naman ang susubok.

(Bumaba si Don Pedro, natakot at umakyat pabalik)

Don Diego: Napakalalim naman ng balong iyan.

Don Juan: Ang ganda naman dito. Sandali ano yun?

(Dona Leonora binabantayan ng Serpyenteng may pitong ulo.)

Don Juan: Kailangan ko siyang iligtas.

SCENE 13 (DONA JUANA)

Dona Leonora: Salamat sa pagsagip mo sa akin pwede mo rin bang tulungan ang aking kapatid na si Juana? Bihag
siya ng isang higante.

(Tinulungan ito ni Don Juan)

Dona Juana: Salamat sa pagliligtas mo sa aming dalawa.

(Umakyat na sila sa balon)

SCENE 14 (SINGSING)

Dona Leonora: Naku! Naiwan ko ang aking singsing.

Don Juan: Ako na ang kukuha.

(Bumaba ulit si Don Juan ngunit pinutol ng kanyang mga kapatid ang lubid)

(Nahulog si Don Juan)

SCENE 15 (PAGBABALIK SA BERBANYA)

(Bumalik na sila sa Berbanya)

(Nagpakasal si Don Diego at Dona Juana)

Don Pedro: Dapat na rin tayong ikasal Dona Leonora.

Dona Leonora: Bigyan mo muna ako ng pitong taon.

SCENE 16 (MULING PAGLALAKBAY NI DON JUAN)

Don Juan: Magpapahinga muna ako sa may puno.

(Nagpahinga) (Dumating ang Ibong Adarna)


Don Juan: Hindi ako pwedeng makatulog.

(Nagpalit anyo ang ibon)

Ibong Adarna: Mayroong isang magandang Prinsesa na si Maria Blanca na anak ni Haring Salermo ng kaharian ng
Delos Cristales.

Don Juan: Kailangan ko siyang hanapin.

SCENE 17 (ANG TATLONG ERMITANYO)

(May natagpuan siyang Ermitanyo)

Don Juan: Alam niyo ho ba kung saan ang kaharian ng Delos Cristales?

Ermitanyo: Hindi, ngunit baka alam ito ng aking nakatatandang kapatid.

(Nagbigay ng pirasong tela)

Ermitanyo: Ipakita mo ito sa kanya at itanong mo sa kanya iyan.

(Naglakbay si Don Juan)

(Nakita niya ang ermitanyo at ipinakita ang tela)

Don Juan: Pinapunta po ako dito ng inyong nakababatang kapatid, alam niyo ho ba kung saan ang kaharian ng
Delos Cristales?

Ermitanyo 2: Hindi, ngunit baka alam ito ng aking mas nakakatangdang kapatid.

(nagbigay muli ng kapirasong tela)

Ermitanyo 2: Ipakita mo ito sa kanya at itanong mo sa kanya iyan.

(Naglakbay muli si Don Juan)

Don Juan: Pinapunta po ako dito ng inyong nakababatang kapatid, alam niyo ho ba kung saan ang kaharian ng
Delos Cristales?

Ermitanyo 3: Hindi ngunit alam ng agila ko ang lugar na iyan.

Don Juan: Pwede po ba niya ituro kung asan ito?

SCENE 18 (DONYA MARIA)

Agila: Pagnaligo na si Donya Maria kunin moa ng kanyang damit at itago ito. Kapag hinanap na niya ito.
Magpakita ka na sa Prinsesa.

(Ginawa ni Don Juan ang utos ng agila)

(Sinabi ni Don Juan ang kaniyang malinis na intensiyon at hindi naman galit ang prinsesa)

SCENE 19 (MGA UTOS NI HARING SALERMO)

(Sinubukan ni Haring Salermo si Don Juan)

Ang unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok, pagpapatag nito at pagtatanim ng trigo na kinakailangan

Kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa kaagad si Juan at maibibigay sa hari. Ang ikalawa ay ang

Paghuli 12 negrito na pinakawalan sa karagatan. Ang ikatlo ay ang paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at

Gagawing kastilyo, na bandang huli ay kanya ring pinaalis ang kastilyong ito upang Makita ang nahulog na

Singsing ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ay ang paghahanap nito ng singsing ng hari na kanyang

Pinaghati-hati ang katawan ni Maria upang hanapin ang singsing ng hari, dahil dito nawala ang isa sa mga

Daliri ni Maria. Gayumpaman. Lagi nitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok ng hari sa tulong na rin

Ng mahika Blanka ni Donya Maria.

Haring Salermo: Dahil natapos mo lahat ng aking pagsubok ay papayagan kitang pakasalan ang isa sa aking mga
anak.

(Ang napili ni Juan ay si Maria kahit hindi ipinakita sa kanya ang mukha ng Prinsesa. Dahil na rin sa naputol na
daliri ni Maria bilang naging palatandaan ni Juan sa kanya.)
Haring Salermo: Bakit kilala ninyo ang isa’t isa. Matagal na ba kayong magkakilala?

Donya Maria: Opo

Haring Salermo: Dahil sa kataksilan mo sa akin isusumpa kita makakalimutan ka ni Don Juan at magpapakasal siya
sa iba.

SCENE 20 (ANG KASAL)

Don Juan: Iiwan muna kita dito Maria. Pangako ko babalik ako.

Donya Leonora: Don Juan! Buti na lang at nakabalik ka na.

(Nakalimutan na ni Juan si Maria)

Don Juan: Nais ko pong pakasalan si Donya Leonora.

Haring Fernando: O sige, pumapayag ako.

(Ikakasal na ang dalawa) (Biglang dumating si Donya Maria)

(Isang Negrito at Negrita ang inilabas ni Maria. Sa tuwing papalo ang negrita, hindi nasasaktan ang negrito. Ang
nasasaktan ay Si Don Juan. Unti unting naalala ni Don Juan si Donya Maria)

Don Juan: Ama! Naaalala ko na si Donya Maria talaga ang gusto kong pakasalan.

(Gula na gulat si Donya Leonora)

Haring Fernanado: Si Leonora na ang niyaya mong pakasalan dapat panindigan mo iyon.

Don Juan: Donya Leonora, hindi ako karapat dapat sayo. Hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo dahil mahal
ko talaga si Donya Maria. Ang totoong nagmamahal sayo ay si Don Pedro.

Donya Leonora: Pumapayag na ako.

(At nagpakasal na nga ang dalawang pares)

You might also like