Pang Anyo ng Pagsulat Layunin: Naipapaliwanag ang kahulugan ng pagsulat; Natutukoy ang pagkakaiba ng makathaing/ malikhaing pagsulat sa iba pang anyo ng pagsulat; Naiuugnay ang mga ideya mula sa mga karanasan. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT
◦Ito ay isang pisikal at
mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel, o sa pagpindot ng mga keys ng tayprayter o ng keyboard ng kompyuter. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng writing output kahit pa ito ay handwritten lamang o rehistro sa monitor ng kompyuter o print -out na. Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit. KAHULUGAN NG PAGSULAT
◦Ito ay ang bumubuhay at humuhubog sa
kaganapan ng ating pagiging tao. ◦Ito ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito (Keller, 1985) MGA URI NG PAGSULAT 1.Reperensiyal (Referential) na Pagsulat paraan ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon, o nagsusuri. Layunin nitong makapaglahad ng mga impormasyon at kaalamang nakabatay sa pananaliksik. ◦ Halimbawa nito: Bibliography Index 2. Teknikal (Technical) na Pagsulat Uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyong komersiyal o teknikal. Layunin nitong gawing magaan ang mga komplikadong impormasyon, paliwanag, o kaalaman tungkol sa teknolohiya upang madali itong maunawaan ng mga mambabasa. ◦ Halimbawa nito: Ulat Panlaboratory Feasibility study 3. Journalistic na Pagsulat ang tawag sa pagsulat ng mga balita. Kasama dito ang pagtatasa, paglikha, at presentasyon ng mga balita at impormasyon. ◦ Saklaw nito ang: Pagsulat ng balita Editoryal Kolum Lathalain 4. Akademikong Pagsulat Ito ay intelektwal na pagsulat na layunin ng pagsusulat na ito ang makapaglahad ng kabuuang proseso hanggang sa resulta ng mga pananaliksik at pagsusuri. ◦ Halimbawa nito: Kritikal na sanaysay Lab report Eksperimento Term paper o pamanahong papel 5. Malikhaing (Creative) Pagsulat Mas lumalapit sa damdamin ng mga mambabasa. Layunin nitong maimpluwensiyahan ang mga paniniwala at damdamin ng mga mambabasa. Ginagamit ang mayamang imahinasyon ng isang manunulat ◦ Halimbawa nito: Maikling katha Nobela Tula Dula At iba pang masining na akda Teknikal/Akademiko, atbp. Malikhaing Pagsulat Magbigay ng kaalaman at Mang-aliw; makapukaw ng karunungan; magturo o magbigay- interes;magpamangha; maghain ng Layunin linaw; mag-ulat; magpaliwanag; naiibang pananaw ukol sa iba’t- manghikayat ibang bagay Pormal, may pamantayang Impormal; artistiko; Estilo sinusunod; malinaw ang gumagamit ng mga tayutay kahulugan ng mga salita Organisasyon Sistematiko kakaiba at artistiko Tono/Lengguwahe Pormal Di-pormal Batay sa datos/impormasyon; Ginagamitan ng imahenasyon at Nilalaman hindi maligoy at hindi matalinghaga mapalabok KAHULUGAN AT PAGGAMIT NG SISTEMANG SENSORYO O SENSORY EXPERIENCES ◦ Ito’y mahalaga sa anumang malikhaing pagsulat ng tula, kwento, sanaysay, atpb. ◦Ang mga karaniwang kinikilalang mga sistemang pandama ay paningin, pandinig, pandamdam, panlasa at pang-amoy. ◦Tumutukoy ang pandamang danas sa nararamdaman ng tao. ◦Ang unang elemento ng sistemang pandama ay ang mata ng tao, sa kasong ito, ang paningin para sa sistemang biswal na kung saan ito ay nagpapahintulot sa mga organismo upang makakita, makatingin, o makatanaw. ANO PA? Profesyonal na Pagsulat-Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon. Saklaw nito ang mga sumusunod: police report – pulis investigative report – imbestigador legal forms– abogado patient’s journal – doktor at nurse Pamamaraan ng Pagsulat Pag-asinta (Triggering) Pagtipon (Gathering) Paghugis (Shaping) Pagrebisa (Revising)