You are on page 1of 3

Ang Pagsusulat

Ayon kay Mabilin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi
maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat
panahon.

Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat


Ayon kay Royo (2001), na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na Pagbasa, Pagsulat, at
Pananalik malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao.
Ayon naman kay Mabilin (2012), sa kanyang aklat na Transformatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang
bahagi.
Personal o Ekspresibo
Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng
manunulat.
Panlipunan o Sosyal
Ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayn sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan.

Kahalagahan ng Pagsulat
1. Masasanay ang kakayahangmag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng
obhetibong paraan
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinagawang
imbetigasyon o pananaliksik
3. Mahuhuboig ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng
mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-
aaral at akademikong pagsisikap
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng
kaalaman para sa akademikong pagsulat

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat


Wika-ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin,
karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.

Paksa- mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat.


Layunin- ang layunin ang magsisilbing giyamo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong sulatin.

Pamamaraan ng Pagsulat- may limang pamamaraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at
kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsulat.
1. Impormatibo
Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
2. Espresibo
Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at
kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral
3. Naratibo
Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa
magkakaugnay at tiyak na pagkakasuno-sunod.
4. Deskriptibo
Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o
pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan, naranasan, at nasaksihan.
5. Argumentatibo
Ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.

Kasanayang pampag-iisip- sa pagsulat dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa


o magsuri ng datos na mahalaga p di mahalaga , o maging ng impormasyong dapat isama sa akdang
isusulat.

Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat- dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang


pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika.
Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin- Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at
impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan.

Mga Uri ng Pagsulat


1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw damdamin at makaating sa imahinasyon at isipan ng
mag mambabasa.

2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)


Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng
isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang promlema o suliranin.

3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)


Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na
larangang natutuhan sa akademya o paaralan.

4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)


Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag.

5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)


Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunangkaalaman o impormasyon sa
paggawa ng konseptong papel, tesis at disertasyon.

6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)


Ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat


1. Obhetibo
Una sa lahat ang akademikong pagsulat ay dapat na maging obhetibo ang pagkakasulat. Kailangang
ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral o pananaliksik.
2. Pormal
Dahil nga karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay akademikong Filipino,
nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito.
3. Maliwanag at Organisado
Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na maging malinaw at organisado.
4. May Paninindigan
Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan.
5. May Pananagutan
Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat bigyan ng
nararapat na pagkilala.

Iba’t ibang Uri ng Akademikong Sulatin


Abstrak
Sintesis/buod
Bionote
Panukalang Proyekto
Talumpati
Adyenda
Katitikan ng Pulong
Posisyong Papel
Replektibong Sanaysay
Pictorial Essay
Lakbay-sanaysay

You might also like