You are on page 1of 11

FLORANTE AT LAURA

Scene 1 (Sa Isang Madilim na Gubat)

Narrator: Sa gitna ng malawak na gubat na matatagpuan sa labas ng kahariang Albanya ay may isang
binatang nakagapos sa puno ng higera. Ang bgubat ay pinamumugaran ng mababangis na hayop,
nakalulunos na huni ng mga ibon, naglalakihang mga punong-kahoy na may masangsang na amoy. Ang
binatang nakagapos sa higera ay si Florante na maihahambing kay Adonis. Anak siya ng mag-asawang
Duke Briseo at Prinsesa Floresca na kapwa taga Albanya. Si Adolfo na sukaban ang pumatay sa kanyang
amang hari. Si Laura naman na kanyang kasintahan ay inagaw din niya kay Florante at pinapatay pa nito
ang ama nito na si Haring linceo.

Florante: Diyos ko! Bigyan niyo po ng katarungan ang kasamaang nangyayari sa Albanya. Wala ka nang
makikitang mabuti! Dahil lahat ng nagpapakita ng kabutihan ay may parusa nang kamatayan. Naglipan
ang kalupitan, karahasan, pagsasamantala sa kapwa. Kaya wala nang magawa ang mga tao. Kagagawan
lahat nito ni Konde Adolfo! Dahil sa paghahangad niya sa kapngyarihan ng Albanya! Ano’t naging
malupit satin ang kapalaran. Nasaan ang katarungan? Ni isa wala man lang dumamay sa akin.

Florante: Nasaan na Laura ang iyong mga sumpa?!?! Nasaan ang iyong pangako? Isang kang taksil!!
Bakit ngayon ay magpapaksal ka kay Adolfo?!??!?!

Narrator: Biglang nanumbalik sa gunita ng binate ang ilang bahagi ng lumipas…

Laura: Florante, ang bawat sandaling ika’y hindi ko kapiling ay katumbas ng maraming taon sa akin.

Florante: Wag kang mag-alala giliw kong Laura, ang pag-ibig ko sayo ay walang maliw.

Laura: Florante , hetong mga bulaklak, upang mapasaya kita.

Florante: Maraming salamat inahalintulad kita sa kagandahan ng mga bulaklak na ito.

Laura: Florante, heto ang espada mo, itago mo iyan. Para sa iyong pakikidigma.

Florante: Huwag kang mag-alala mahal kong Laura, hindi ako mapapahamak sa mga pakikidigma ko.

Narrator: Nagkataon naming nasa gubat ding yaon si Aladin na isang Morong taga Persiya na anak ni
Sultan Ali-Adab na dahil sa sama ng loob sa kanyang ama sa pagkaagaw sa pag-ibig sa kanyang
kasintahan at umalis sa kanyang sariling bayan.

Aladin: Flerida, bakit mo ako ipinagpalit sa aking ama? Sa dinamidaming pwedeng umagawa sa iyo ay
ang ama ko pang iginagalang. Tapos na ang ating pagmamahalan. Ngunit patuloy na pumapatak ang
bawat sandal na natitira habang ika’y kapiling ko. Siguro nga’y paalam na subalit may iniwan kang
puwang sa aking puso.

**Uupo si Aladin**

Narrator: Habang si Florante at nakagapos pa din sa higera ay may dalawang lion na pagkakita mo pa
lang ay parang kakainin ka na nila ang dalawang lion na ito ay nasa harap ni Florante buti na lamang ay
dumating si Aladin.. akala niya ay ito na ang katapusan niya.

**Lalabanan ni Aladin ang Lion**

Narrator: Nagsa-apolo mandin ang gerero na inusig ng taga ang dalawang lion. Umamo ang mga leon at
umalis. Inalalayan ni Aladin si Florante.

Florante: Laura, giliw ko Laura.. ika’y…ika’y…ika’y isang Moro..! sino ka? Hindi ako makapaniwalang
isang moro ang magliligtas sa akin.

Aladin: oo nga isa akong Moro, ngunit ako ay may puso at damdamin din. Huwag kang matakot ika’y
aking aalagaan muna. Nakikita ko sa iyong pananamit na ika’y taga Albanya. Ako naman ay isang
Persyano. Kahit ang bayan niyo ang kaaway ng aming bayan ay itinuturing kitang katoto.

Florante: Salamat sa pagkakaligtas mo sa buhay ko. Kung ako’y di mo nailigtas ay malamang nasa tiyan
na ko ng mga busog na lion.

Aladin: Walang anuman. Sino pa baa ng magtutulungan kundi tayo din naming parehong sawimpalad.
**Lumipat ng Pwesto**

Aladin: Dito ka muna magpahinga kaibigan, magdamag kitang aalalayan.

**Paggising ni Florante**

Florante: Hindi ka natulog?

Aladin: Oo. Para mabantayan kita sa gubat na ito. Maraming mababangis na hayop.

Florante: Maraming Salamat. Isan kang mabuting kaibigan? Paano kita mapapasalamatan?

Aladin: Magtiwala ka sa akin. Ikwento mo naman kung paano ka nagkaganito.

Florante: Isasalaysay ko sayo ang aking buhay mula sa aking kamusmusan. Ako si Florante. Taga Albanya.
Ako’y anak nila Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Ang aking ina ay anak ng hari sa kahariang Krotona. At
ang aking ama ay ang taga payo sa hari ng Albanya na si Haring Linceo na ama ng aking sinisinta na si
Laura. Bantog ang ama ko sa karunungan.

Narrato: At isinalaysay na niya ang kanyang buhay.

Scene 2 (Buhay ni Florante)

Narrator: Noong musmos pa lamang si Florante ay ikinuwento ng kanyang ina na siya ay muntikan nang
madagit ng buwitre. Buti na lamang ay nandyan ang kanyang pinsan na si Menalipo.

Prinsesa Floresca: Florante Anak ko!

Menalipo: Ako po ang bahala sa buwitre na iyan!

Prinsesa Floresca: Mag-iingat ka, Menalipo!

Menalipo Opo, aking prinsesa!

**pinana ni Menalipo ang buwitre**

Prinsesa Floresca: Ang aking anak! Mabuti’y nasa mabuti kang kalagayan anak, salamat na lamang
nandito ka, Menalipo. Kundi’y malamang napahamak na ang aking anak. Halika’t dalin natin siya sa
kanyang ama.

Narrator: Sa paglipas ng panahon si Florante at nasa wastong gulang na upang tumuklas ng kanyang
karunungannapagtanto ng kanyang ama na si Duke Briseo na siya ay pag-aralin sa Atena.

Duke Briseo: Florante anak, kailangan mong mag-aral sa Atenas para mahasa ang iyong kakayanan at
kaalaman.

Prinsesa Floresca: Hindi maaaring mag-aral si Florante sa Atenas! Ayoko siyang mawalay sa aking piling.

Florante: Paano po ang aking ina?

Duke Briseo: Batid ko ang pagmamahal na inuukol ng iyong ina, subalit kung tayo’y patatangay ng
kalungkutan sanhi ng ating paglalayo ay hindi mo matatagpuan ang tagumpay. Iyan ang dahilan kung
kaya’t dapat nating pagtiisan ang lahat. Ang kapangyarihan ng luha ay dapat nating pawalang kabuluhan.

Scene 3 (Ang Atenas at si Adolfo)

Narrator: Labing isang gulang si Florante nang pumasok sa Atenas. Si Antenor ang kanyang guro. Naging
kamag-aral niya si Adolfo na anak ni Konde Sileno. Huwaran si Adolfo sa kabaitan sa klase. Ngunit, sila ay
hindi naging malapit sa isa’t isa. Pagkaraan ng anim na taon ay natuto si Florante sa Astrolohiya,
Matematika at Pilosopiya.

Antenor: An gating paaralan ay magkakaroon ng pagsasadula hango sa buhay ni Reyna Yokasta.


Florante, papel ni Etyokles ang gagampanan mo. Katauhan naman ni Reyna Yokasta ang gagampanan ni
Menandro.

Narrator: Patuloy ang kanilang paghahanda, lahat ay masaya maliban kay Adolfo.
Adolfo: Ako dapat si Etyokles ngunit napili si Florante! Hindi ba nakikita ni Maestro Antenor na ako ang
mas mahusay sa aming dalawa? Nalalapit na ang araw mo, Florante! Sapagkat ikaw ang umagaw sa
kapurihan ko!

Narrator: Isang araw bago pasimulan ang pagtatanghal, si Adolfo ay hindi dalawin ng antok laging
sumasaisip niya ang maiitim na balak kay Florante.

Adolfo: Bukas magiging ganap ang aking paghihiganti! Bukas…

Narrator: At nang dumating na ang pagtatanghal ng dula, ipinakilala ang pangunahing tauhan ng
kasaysayan si Florante.

Mga tao: Mabuhay si Florante! Mabuhay!

Adolfo: Magpakabusog ka na sa puri Florante at katapusan mo na.

Antenor: Magsisimula na an gating dula kaya lahat ay pumwesto na!

Narrator: At sa kalagitnaan ng kanilang pagtatanghal…

Adolfo: Magpakatatag ka na! ito na ang iyong katapusan!

Narrator: Sa halip na sabihin ang nasa orihinal, ngunit iba ang nasabi ni Adolfo.

Adolfo: Ikaw na umagaw ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay! Mamatay ka!

Menandro: Bitawan mo iyan!

Antenor: Anong nangyayari dito? Bakit Adolfo anong tinangka mong patayin ang iyong kababayan?

Menandro: Isa kang baliw, Adolfo!

Adolfo: Kailangang mawala siya pagkat siya ang umagaw sa karangalan ko!

Kamag-aral: Isa kang hibang, ulupong at sakim! Patayin si Adolfo! Patayin ang sukab!

Narrator: Hindi na nga inabot pa ng kinabukasan si Adolfo, noon din pinauwi siya sa Albanya.

Adolfo: Sa muli nating pagtatagpo ay titiyakin ko ang aking tagumpay, Florante, titiyakin ko!

Antenor: Hindi masama na ang isang tao ay magkaroon ng matayog na layunin, ang masama ay ang
tamuhin ang katuparan na niyon sa kapinsalaan ng kapwa. Kung paano nagkaroon ng isang kain na
pumatay sa kanyang kapatid na si Abel ng dahil sa inggit, ng isang Adolfong naghahangad ng pumatay sa
kanyang sariling kababayan! Kahanga-hanga ang ginawa ni Menandro, ito’y isang magandang halimbawa
ng pagkabayani.

Florante: Paano kaya kita magagantihan Menandro? Kundi sa iyo ay isa na akong malamig na bangkay!

Menandro: Iwaksi mo sa iyong isip ang bagay na iyan, dapat tayong magpasalamat sa dakilang lumikha!
Ang lahat ay utang lamang sa diyos ako’y kasangkapan lamang niya upang iligtas ka sa kapahamakan!
Florante, para ko ng nakikitang malapit ng dumating ang araw ng iyong pag-uwi.

Florante: Sa palagay ko’y hindi ako makakauwi ng hindi ka kasama.

Menandro: Kung sumama kaya ako’y ipagkapuri mo naman kaya ako sa iyong mga kaibigan, sampu ng
ama mong Duke?

Florante: aba’y siyempre ipapakilala kita!

Scene 4 (Ang Pagbabalik ni Florante)

Mensahero: Ipagpatawad niyo po ang aking pang-aabala. May sulat po galling kay Duke Briseo ng
Albanya para kay Florante. Narito ang liham:

“Iyana ng katotohanan, anak, pumanaw na ang iyong ina. Hindi ko na ito ipinaalam sa iyo noon upang
huwag masira ang iyong pag-aaral. Ang iyong Ama, Duke Briseo”

Florante: Wala na ang mahal kong ina, O mahabaging langit!

Antenor: Lakasan mo ang iyong loob, Florante.


Menandro: Nakikiramay ako sa kalungkutan mo, Florante.

Narrator: Napatingin sa malayo si Florante na wari ay natatanaw ang larawan ng kanyang ina.

Florante: Ina, bakit hindi mon a ko hinintay? Hindi ba’t sinabi ko sa iyong ako’y magbabalik upang
handugan ka ng aking tagumpay?

Menandro: Huwag masiyadong malumbay, Florante. Hindi makakatulong sa katawan mo ang


kalungkutan.

Florante: Salamat sa iyong paalala Menandro, isa kang dakilang kaibigan.

Narrator: Makaraan pa ng dalawang buwan, dumating ang ikalawang liham ni Duke Briseo.

Florante: Pinauwi na po ako, mahal kong guro. Nasa daungan na raw po ang sasakyan.

Antenor: Florante sa pagbabalik mo sa Albanya ay tandaan mong mayroon kang isang kalaban, ang
higanti ni Adolfo ay pakaingatan mo. At kung ikaw ay salubungin ng ngiti, mag-ingat ka pero wag kang
magpapahalata, lagi mong ihanda ang iyong sandata.

Florante: Salamat po sa iyong paggunita, mahal kong guro. Iyan pala Menadro, di ba sasama ka sa akin?

Menandro: Ang pasiya lamang ng aking amain ang dapat nating hingin.

Narrator: Hindi na hinintay ni Antenor na tanungin siya ng dalawa. Noon din ay pumayag na sumama si
Menandro kay Florante, ilang saglit pa sa daungan. Pagkatapos ng mahabang paglalakbay, sila ay
nakarating sa Albanya.

Kawal: Duke Briseo narito po ang iyong anak na si Florante.

Florante: Ama ko, hindi ko akalain na ganito kapait an gating pagkikitang muli.

Duke Briseo: Anak ko sinubok tayo ng tadhana.

Florante: Marahil nga am. Ama, may gusto po akong ipakilala sa inyo siya po ang aking kaibigan si
Menandro.

Menandro: Ang aking kaliitan ay handing maglingkod sa inyo.

Duke Briseo: Nabalitaan ko na ang lahat, isa kang tunay na kaibigan, nagtitiwala ako sa iyo Menandro.
Balang araw ay makakaganti rin kami sa iyo.

Kawal: Duke, narito nap o ang sugo.

Sugo: Galing na po ako sa palasyo ni Haring Linceo na siyang nagsabi na narito kayo. Aalis na po ako.

Florante: Ano ang sinabi, ama ko?

Duke Briseo: Ito’y galing sa iyong ninuno na siyang Monarka sa Krotona, kailangan niya ang tulong ni
Haring Linceo. Nakubkob ng mga kaaway na Moro ang Krotona sa pamumuno ng kilabot na si Heneral…

Florante: Heneral Osmalik!

Menandro: Ano ang pasya niyo, mahal na Duke?

Scene 5 (Nanganganib ang Krotona)

Narrator: Hindi nag-aksaya ng sandal ang mag-ama, noon din ay nagsadya sila sa palasyo ni Haring
Linceo at ng magkaharap sila ay…

Haring Linceo: Mabuti at nagsadya ka agad sa akin, ang Krotona ay nangangailangan ng tulong. O Duke
sino ang batang kasama mo?Ang kiyas na ito ay siyang kamukha ng bunying gerero, ang aking
napangarap na sabi sa iyo na magiging haligi ng sentro ko’t reyno.

Duke Briseo: Siya ang bugtong kong anak kararating lang mula sa Atenas. Si Florante na inihahandog sa
mahal mong yapak, ibilang na isang basalyo’t na alagad.

Florante: Haring poon, ako ngayon ay nasa iyong utos.


Haring Linceo: Mabuting pagdating, mula ngayon ay ikaw na ang halal kong Heneral ng aking hukbo,
Florante.

Laura: Narito pala kayo mahal kong ama.

Haring Linceo: O Laura, anak ko

Narrator: Sa kagustuhan na rin ng hari, ang magandang si Laura ay nakaumpok nila sa pag-uusap na iyon
kakaibang damdamin ang nadama ni Florante. Halos litong-lito at di tuwid magsalita si Florante at laging
sumusulyap sa kagandahan ni Laura at di lingid sa kanya ay ay gayun din ang nadarama ni Laura.

Florante: Napakaganda niya. Ano kaya itong nararamdaman ko? Pag-ibig na ba ito?

Laura: Kay kisig na binata, sino kaya siya?

Narrator: Hindi mapawi ang kanyang kalungkutan dahil malapit na ang digmaan at hindi pa rin siya
nakakapagtapat ng kanyang pag-ibig sa kanyang minamahal na si Laura. Nang minsang hindi sinasadyang
magkita ang dalawang nag-iibigan ay…

Florante: Anong hiwaga ng pagkakataon, parang hindi ako makapaniwala na ako’y humihinga pa sa mga
sandaling ito.

Laura: Nalalaman ko ang sanhi ng iyong kalungkutan, ipinagluluksa moa ng pagpanaw ng iyong ina.

Florante: Hindi iyon ang dahilan, Laura, ang kalungkutang nadarama ko ngayonay nagsimula ng kita’y
makilala.

Laura: Kung gayon kinalulungkot ko ang una nating pagkikita.

Florante: Hindi mo ako nauunawaan Laura, ang kalungkutan ko’y sanhi ng aking damdaming inuukol sa
iyo na hindi ko maipahayag! Subalit sa pagkakataong ito, ikamamatay ko kung di mo mababatid na ikaw
ay aking iniibig Laura! Laura, iniibig kita, at kung hindi kalabisan ay nais kong bago ako magtungo sa
laranganay bigyan mo ng liwanag ang isinamo ko.

Laura: Hindi ko nais na lumisan kang malungkot, Florante.

Florante: Kay ligaya ko, sapat na ang mga luhang iyan upang sabihin kong ako ang pinakamapalad sa
daigdig.

Laura: Florante, lumakad ka na at umaasa kang patnubayan ka ng aking mga dalangin.

Florante: Ang iyong pag-ibig ang siyang magiging sandigan ng aking tagumpay. Paalam

Scene 6 (Ang Digmaan)

Laura: Diyos na mahabagin, huwag mo pong itulot na mapahamak si Florante. Patnubayan niyo po siya
ng iyong mapagpalang kamay.

Narrator: Kinabukasan, ang hukbong patungo sa Krotona ay handing-handa na. Ang mga kawal at si
Florante kasama si Menendro ay tumungo na sa Krotona.

Florante: Iyana ng Krotona Menandro, kailangang magsipaghanda na tayo.

Menandro: Gawin nating bigla ang pagsalakay upang mailto ang mga kalaban.

Narrator: At gaya ng kanilang plano. Tila limbas na nagsisilakay sina Florante at Menandro.

Florante: Sugod mg kasama!

Narrator: Sa marahas na pagdaluhong nina Florante. Ang mga moro ay nagulo at hindi matutuhan ang
gagawin. Nakipaglaban ang lahat hanggang magtapat sina Florante at Osmalik

Mga kawal: *nag-aaway*

Heneral Osmalik: Kung ako ang hinahanap mo, magpakatatag ka na, mayabang na Heneral.

Florante: Ikaw pala ang sinasabing Osmalik, masusubukan ko ngayon ang tapang mo!

Menandro: Nagsitakas ang iba, nagtagumpay tayo, Florante! Isang kilabot na girero Florante! Nagapi
moa ng bantog na Heneral ng mga Moro.
Florante: Ikaw naman Menandro, kahanga-hanga ang iyong tapang tayo na sa Palasyo.

Mga kawal: Mabuhay! Mabuhay ang tagapagligtas!

Scene 7

Narrator: Iniisip ni Florante ang kanyang minamahal na si Laura. Bumalik sila agad sa palasyo ngunit ay
roon napansin ni Florante…

Florante: Menandro, hindi ba ako namamalik mata lamang? Tingnan mo. Ang watawat ng Moro ay nasa
itaas ng palasyo ng Albanya.

Menandro: Nasasakop ngayon ng Moro ang Albanya! Pinasok nila habang tayo ay nasa Krotona!

Kawal: Tila may kasama silang babae, Heneral!

Florante: Hindi ko gaanong maaninag…Diyos ko…si…Laura, siya nga.

Menadro: Si Laura nga, Florante!

Florante: Mamamatay kayong lahat sa ginawa niyo!

**Nag-aaway**

Florante: Laura, aking Laura! Ano an nangyari?

Laura: Florante, salamat at ako’y nailigtas niyo sa tiyak na kamatayan! Ang buong kaharian ay nasa
kamay ng mga Moro! Ang aking ama at si Duke Briseo ay kasalukuyang nakakulong.

Florante: Wag kang mag-alala, ngayon din ay sasalakayin naming ang palasyo! Mga kawal, mga kaibigan
tayo’y maghanda. Tayo’y lulusob ngayon sa palasyo upang gupiin ang mga Moro. Lumusob na tayo.

**Nag-aaway**

Narrator: Walang lakas at katapangan ang nakahadlang sa kanila. Ang mga kaaway ay parang dinaanan
ng salot. Kabi-kabila ang mga bangkay ng Moro. At pagkatapos rin nu’y agad-agad nilang pinasok ang
palasyo upang ilabas sa piitan ang hati at ang kanyang ama.

Florante: Ama! Haring Linceo! Nasaktan po ba kayo?

Duke Briseo: Florante, anak ko! Maayos naman kami ng hari!

Haring Linceo: Salamat at inabutan niyo kaming buhay! Hindi ako nagkamaling hirangin kang Heneral ng
aking Hukbo. Ikaw nga ang mandirigmang dumalaw sa aking panaginip.

Narrator: Subalit may isang hindi natutuwa si Adolfo…

Adolfo: Talagang sa kanya na humaling ang hangal na hari, kung mayroon mang anay na sumisira ng
kahoy. Ako ang anay na yaon na sisira sa inyong lahat.

Narrator: Ang tagumpay ni Florante ay sinundan pa ng lalong marami at malaking kapanalunan.


Labingpitong kaharian ang gumalang sumuko sa kanyang katapangan. Ilang buwan ang lumipas, muling
sinalakay ang Albanya, pumasok ang mga Turko sa pamumuno ni Heneral Miramolin. At sa kahulihulihan
ay nanalo uli sila laban sa mga mapanakop na nilalang. Nasa kaharian ng Etolya sina Florante pagkatapos
ng laban ng may dumating na liham galing kay Linceo.

Scene 8 (Ang Taksil)

Kawal: Heneral, may liham po galing kay Haring Linceo.

Florante: Salamat.

Menadro: Ano ang sabi, Florante?

Florante: Pinauuwi ako sa Albanya at iwan ko raw sa iyo ang Hukbo. Paalam muna Menandro uuwi
muna ako sa Albanya. Aalis na ako.

Menadro: Nakakapagtaka naman yata. Hindi pinasama ang mga Hukbo.


Narrator: Nakarating na si Florante sa Albanya ngunit…

Florante: Ano ang ibig sabihin nito? Hindi niyo ba ako kilala?

Kawal: Ikinalulungkot naming Heneral, subalit iyan ang ipinagutos sa amin ng hari.

Narrator: At sa laki ng kanyang pagkamangha ay kinulong siya sa isang madilim na bilangguan at dito
niya nabatid na.

Adolfo: Magandang gabi, inutil na Heneral. Kamusta naman sa iyong kuwarto? Maganda ba?

Florante: Adolfo? Bakit…pano’t…bakit na sa iyo ang sentrong Korona? Taksil ka! Pano mo nagawa iyan
sa sarili mong bayan? Nasan ang hari at ang aking ama?

Adolfo: Florante… Florante… kawawa ka naman at hulog ka sa aking bitag. Alam mo pinugutan ko lang
naman ang iyong ama at ang hangal na hari. Dahil hindi sila nararapat mamuno dito sa Albanya. Mga
walang utak.

Florante: Pakawalan mo ako dito! Pagbabayaran mo ito ng mahal, Adolfo. Ngunit hindi ko lubos na
maisip kung pano naging hari ang isang duwag.

Narrator: Pagkalipas ng labing walong araw ay inilabas siya sa piitan subalit…

Florante: Saan niyo ako dadalhin?

Kawal: Ikaw ay isang bilanggo at ang hatol sa iyo ay igapos sa madilim na gubat.

Florante: At kalian pa siya nagkaroon ng kapangyarihang humatol?

Kawal: Gaya ng aking sinabi noon. Siya ang hari ngayon at dimagtatagal ay pakakasalan niya si Prinsesa
Laura.

Florante: Ano? Kailangan niyo ako! Patutunayan ko na di karapatdapat mamuno so Adolfo! At di rin
pakakasal si Laura sa duwag niyong hari!

Kawal: Huli ka na. wala ka ng magagawa at sa palagay ko ito ang iyong katapusan.

Scene 9 (Muli, sa Isang Madilim na Gubat)

Narrator: Inilabas na ng piitan si Florante at dinala na siya sa madilim na gubat at iginapos sa puno ng
higera. At si Florante ay iniwan sa gubat.

Florante: Diyos ko, anong uri ng kalupitan ang parusang ito!

Narrator: Parang nakikiramay ang kapaligiran sa kanya. Mistula itong libingan na ang tanging maririnig
ay huni ng ibon at mumunting hayop. Isa man ay walang makadadamay sa kanya. Ang kanyang ama ay
wala na, si Menandro ay walang kaalam-alam na naiwan sa Etolya at si Laura ay nasa kapangyarihan ng
malupit na Konde.

Florante: Laura, o aking Laura! Malupit sa atin ang kapalaran. Sa pook na ito’y wala akong makitang pag-
asa.

Narrator: Lumipas ang magdamag na halos di mamalayan ni Florante. Isang pikit man ay di makatulog.
Sa kabila ng nanghihinang katawan ay pinipilit pa ring makatakas subalit wala siyang magawa. Samantala
sa kabilang panig isang girero ang…

Aladin: Napakadilim ng gubat na ito. Dito muna ko magpapalipas ng pagod.

**aatakihin ng dalawang lion si Florante**

Florante: Si-sino ka? Ang kasuotan mo’y nagpapahiwatig ng Moro!

Aladin: Huwag kang matakot ligtas ka na sa panganib. Oo, isa nga akong Moro na kaaway ng iyong lahi,
subalit sa pagkakataong ito’y tao rin ako na may puso at damdamin.

Florante: Maraming salamat sa pagligtas mo sa akin.

Aladin: Walang anuman iyon. Mapanganib ang pook na ito, humanap tayo ng ligtas na pook. Kaibigan
may natira pa akong pagkain. Heto kumain ka na. alam kong gutom na gutom ka na.
Florante: Salamat sa pagkain.

Narrator: Naging palagay ang loob ni Florante sa Girerong Moro. Naubos niya ang tinapay at nakatulog.

Aladin: Huwag kang mag-alala kaibigan, babantayan kita magdamag!

Narrator: Sa pangambang baka masila ng mabangis na hayop binantayan ng Moro si Florante hanggang
ito’y magising.

Florante: Hindi ka natulog? Kay buti mo, hindi ko malaman kung paano kita pasasalamatan.

Aladin: Kaibigan, maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit nagkaganito ka?

Florante: Kaibigan ang pangalan ko ay Florante, makinig ka sa isasalaysay ko ang aking buhay mula sa
kamusmusan.

Narrator: Isinalaysay ni Florante, ang kanyang buhay, mula pagkabata hanggang lumaki, ang mga
nangyari sa kanya, at kung paano siya nakapunta sa gubat.

Florante: At sa tuwing maaalala ko si Laura ay halos mawalan ako ng diwa.

Aladin: Masalimuot pala ang pinagdaanan ng iyong buhay, Florante,

Florante: At sa maraming digmaan sinuungan ko’y isa na si Heneral Osmalik sa aking nagapi, na ayon sa
balita ay siyang pangalawa sa tapang ni Aladin!

Aladin: Huwag kang maniwala sa mga balita, sakaling totoo man ay maraming dagdag.

Florante: At ayon pa nga sa balita ay walang kasing bangis si Aladin.

Aladin: Yayamang natalos ko ang iyong buhay, pakinggang mo naman ang aking kapalaran.

Florante: Ikaliligayang kong mabatid ito kaibigan.

Aladin: Florante, ang Aladin na iyong binabanggit na bantog sa persiya ay…ako.

Florante: I-ikaw?

Aladin: Ako nga, Florante, si Aladin, na katulad mo isa ring sawi.

Florante: Diyata’t ang kaharap ko’y ang kilabot ng madirigma ng Persiya.

Aladin: Ang akin naming kasawian ay dahil naman sa aking amang sultan na si Ali-adab. Siya ang
umagaw sa mahal kong si Flerida.

Narrator: Isinalaysay ni Aladin ang ilang bahagi ng kanyang kahapon kay Florante. Patin na rin ang
dahilan ng alitan nilang mag-ama.

Aladin: Papakasalan ko dapat ang aking irog, si Flerida. Ngunit, ang hindi ko alam, nais rin pala ng aking
ama ang minamahal kong si Flerida. Pagbalik ko galing sa isang giyera, ako’y kinulong ng aking ama!
Pinalaya niya ako subalit hindi na ako maaaring bumalik sa Persiya kundi ako ay papatayin.

Narrator: Samantala sa kabilang banda sa etolya…

Menandro: Mukhang nagkakasiyahan kayo.

Kawal: May liham galing kay binbining Laura!

Menandro: Kay Laura? Tama nga ang aking hinala. Mga kawal, maghanda kayo ngayun din at lulusob
tayo sa Albanya.

Narrator: At ng sila’y makarating sa kaharian ng Albanya…

Menandro: Sugod, mga kawal! Patayin ang mga taksil.

Narrator: Habang nagkakagulo ang mga tao sa Albanya, tumakas si Adolfo kasama si Laura.

Adolfo: Magiging akin ka ngayon!

Laura: Bitiwan mo ako! Halimaw!

Flerida: Bitiwan mo siya. Nilalang, isa kang halimaw! Ito ang nababagay sa iyo.
**Pinana ni Flerida si Adolfo sa kanyang puso**

Laura: Maraming salamat Flerida. Kung hindi dahil sa iyo na ituloy na ni Adolfo ang kanyang masamang
balak. Siya nga pala ako pala si Laura.

Narrator: Nagpalagayang loo bang dalawang dalaga at sanhi na rin ng pangyayari isinalaysay nilang
pareho ang kani kanilang karanasan bago ang pagkakataong iyon.

Aladin: At ng gabing iyon ay nilisan ko na ang Persiya at nilakbay ang madilim na gabi…

Florante: Hintay. Wala ka bang naririnig?

Aladin: Oo nga! Tena at ating pakinggan!

Flerida: Subalit sadyang hindi ko matanggap ang pag-ibig ng sultan. Ninais ko pang magpakamatay
ngunit paano si Aladin? Hanggang sa maisipan ko ang tumakas. Nilandas ko ang kaparangan at
kabundukan hanggang marating ko ang kagubatan at…

Laura: Isa ka rin pala sawing nalayo sa iyong tunay na minamahal.

Florante: Diyata’t si Laura ang narinig ko!.

Aladin: at kasama niya ang mutya kong si Flerida.

Florante: Laura! O aking Laura!

Laura: Florante!

Aladin: Flerida!

Flerida: Aladin!

Narrator: Walang pagsidlan ng galak ang apat sa kanilang muling pagtatagpo at ang madawag na gubat
na iyon ay naging paraiso.

Laura: O Florante, mula ng lumisan ka ay nagkaroon na ng gulo sa Albanya.

Florante: Gulo? Anong gulo ang naganap mahal kong Laura?

Narrator: Sa gitna ng pananabik sa muli nilang pagkikita. Ikinuwento ni Laura ang mga nagyari sa
Albanya habang siya ay nakikipag digma sa Etolya. Ang hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Aladin
ang…

Aladin: Teka, tila mga yabag ng maraming kabayo ang tunog na iyon.

Florante: Oo nga! Dali! Magsipag kubli tayo!

Narrator: At mula sa kanilang pinagkukublihan, ay ito ang kanilang nakita…

Florante: Teka, tila nanamumukaan ko ang nangunguna. Oo nga, si Menandro!

Menandro: Florante! Oh kaibigang Florante, ang akala ko’y hindi na tayo magkikita!

Florante: Menandro, salamat, salamat sa pagdating niyo.

Menandro: Pagkaalis mo’y isang sulat ang tinanggap ko, mula kay Laura, doon ko nabatid ang inilaang
patibong ni Adolfo para sayo. Hindi ako nag aksaya ng panahon, tinipon ko ang dating hukbo at noon din
ay sinalakay naming ang Albanya. At hindi kami nabigo, naibagsak naming ang mga kabig ni Adolfo.
Hinahanap ko kayo pati na si Adolfo subalit hindi ko kayo matagpuan.

Laura: Kasalukuyan akong itinatakas sa palasyo ng itakas ako’t dalhin ni Adolfo sa gubat at dito ako
nakita ni Flerida. Na siyang nagligtas sa akin.

Menandro: Kay ganda ng pagkakataon ngayon, wala ng liligalig sa bayan ng Albanya!

Kawal: Mabuhay si Florante! Mabuhay si Prinsesa Laura!

Narrator: At nilisan nila ang madawag na kagubatang iyon upang magbalik sa Albanya. Gayon na lamang
kanilang kagalakan ng matanaw na nila ang Albanya. Sa pagpasok nila ang lungsod ay sinalubong sila ng
di magkamaway ng mga mamamayan.
Mamamayan sa Albanya: Mabuhay ang bagong hari, mabuhay si Florante at Laura.

Narrator: At di naglipat araw ang dalawang puso ay pinagtali, sina Florante at Laura, Aladin at Flerida.
Pagkatapos ng malaking piging sa palasyo ay nagpaalam na sina Aladin at Flerida.

Aladin: Paalam na Florante, Laura, hanggang sa muli nating pagkikita.

Florante: Pagpalain kayo ni Bathala, Aladin, Flerida.

Narrator: At si Florante at Laura ay naging uliran sa pamamahala ng kaharian, Malaki ang isinulong ng
Albanya. Magbuhat noon ay di na humiwalay sa kanila ang kaligayahan

---WAKAS---

You might also like