You are on page 1of 21

Isipan ay

Pagyamanin,
Maikling
Kuwentong Thai
Tauhan
• Nai Phan
- Isa sa mga sikat sa kapitbahayan, dahil sa kanyang
masarap na lutong sinangag at kabutihan niyang loob na
meron siya para sa kanyang kapwa.
• Binata/Estranghero/Magnanakaw/Holdaper
- Walang Pinaniniwalaan
Tagpuan
Tindahan ni Nai Phan, gabi magsara ang tindahan ni Nai Phan.
Buod
Aanhin ninyo ‘yan?
Vilas Manwat
Salin ni Lualhati Bautista
Si Nai Phan ay isa sa mga sikat sa kapitbahayan. Bukal sa kaloobang
tumulong si Nai Phan sa mga taong nakagawing dumaan sa kanyang
tindahan. Eksaktong ikawalo ng gabi ay isinasara na niya ang kanyang
tindahan. Sinasabi sa kanya ng mga kaibigan niya na dapat magbukas
ito at magsilbi sa gabi, ngunit sinabi naman ni Nai Phan na mas
masarap matulog kaysa magpayaman nang mabilis. Isang gabi,
nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa.
Papadilim na at naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang
mabilis na pumasok ang isang lalaki. Tinanong niya ito ngunit sa halip
na sumagot, nilabas nito ang baril at itinapat sa puso niya.
Naramdaman ni Nai Phan na hindi maganda ang mga pangyayari.
Ngunit hindi natakot ni Nai Phan bagkus nagpakita siya ng
pagkamahinahon sa holdaper. Ibinigay niya ang siyam na daan sa
holdaper. Tinanong pa ni Nai Phan kung ano ang pinaniniwalaan nito
ngunit sinabi ng lalaki na hindi daw nito alam kung saan siya pupunta
at mukha daw wala nang anu pa man sa mundong ito ang dapat
paniwalaan. Biglang nakonsensya ang lalaki sa bawat pangaral na
sinasabi
Sa kanya ni Nai Phan. Umalis ang lalaki na puno ng pag-asang
magbago at tuntunin ang buhay na ninanais.
Maikling Kuwento
Maikling Kuwento
• Sangay ng panitikan na nagsasalaysay ng isang mahalagang
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang
kakintalan.
• Mikling Katha na tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay; hindi
ito pinaikling nobela o buod ng isang nobela.
• Masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuhan at ang diwa ay
sumasakop sa isang buo, mahigpit, at makapangyarihang balangkas
na inilalahad sa isang paraang mabilis.
• May maiikling pangyayari at kakaunting mga tagpong madaling
maunawaan, nagbibigay-aliw, at natatapos basahin sa isang upuan.

Mga Katangiang Taglay ng Maikling Kuwento


a. Natural b. May pagkilos
c. Napapanahon ang paksa d. Maikli
e. May kaisahan
Mga Bahagi at Sangkap ng Maikling Kuwento
1.Simula
a. Mga Tauhan. Sila ang mga nagsisipagganap sa kuwento at ang
papel na gagampanan ng bawat isa ay maaaring bida,
kontrabida, o suporta.
b. Tagpuan. Ito ang lugar o lunan na pangyayarihan ng mga
aksyon o mga insidente gayundin ang panahon kung kalian
naganap ang kuwento
2. Gitna
a. Saglit na Kasiglahan. Ito ang panandaliang pagtatapo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
b. Tunggalian. Ito ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa
mga suliraning kakaharapin. Maaari itong may kinalaman sa
sarili, kapwa, o kapaligiran
c. Kasukdalan. Ito ang pinakamadulang bahagi ng kuwento na kung
saan makakamit ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.
3. Wakas
a. Kakalasan. Ito ang unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula
sa maigting na mga pangyayari hanggang sa kasukdulan.
b. Katapusan. Ito ang resolusyon ng kuwento na maaaring positibo o
negatibo
Mga karagdagang sangkap o Element ng Maikling Kuwento
• Paksang Diwa. Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kuwento.
• Kaisipan. Ito ang mensahe o diwa at aral ng kuwento.
• Banghay. Ito ang daloy ng mga pangyayari o balangkas ng kuwento.
Narito ang ilang halimbawa ng mga maikling kuwento.

1.“Tahanan ng Isang Sugarol” 2. “Walang Panginoon”


3. “Ang Dalaginding” 4. “Iba Pa Rin Ang Aming Bayan”
5. “Ambo” 6. “Si Pinkaw”
7. “Papel” 8. “Ang Ama”
9. “Sa Lupa ng Sariling Bayan” 10. “Pinatay ni Sida ang Apoy”
Pang-ugnay
Pang-ugnay
Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang
yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala, o dalawang
sugnay.
1. Ang pang-ukol (preposition) ay kataga o salitang nag-uugnay sa
panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod:
ang si/ni sa/nasa kay
para sa/kay ayon sa/kay hinggil sa/kay tungkol sa/kay
Mga Gamit ng Pang-ukol
a. Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.
Hal: Ang manok ay nasa loob ng kulungan.
b. Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari.
Hal: Ang bagong sapatos ay para kay Mico.
c. Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip.
Hal: Ang kaniyang talumpati ay para sa kababaihan.
Marami akong ipinaliwanag tungkol sa pagbabago ng mga
Pilipino.
2. Ang Pangatnig (conjunction) ang tawag sa mga kataga o salitang nag-
uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnayna pinagsusunod-sunod sa
pangungusap ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod:
at pati saka maging Subalit
O ngunit kung bago Upang
ni Dahil/dahil sa sapagkat palibhasa Kaya
para pero habang kaso Bagama’t
Mga Gamit ng Pangatnig
a. Dalawang salitang pinag-ugnay.
Hal: Ang manga at bagoong ay napakasarap.
b. Dalawang pariralang pinag-ugnay.
Hal: Ang pamumulot ng basura at paglilinis ng kotse ang kaniyang
hanapbuhay.
Mga Uri ng Pangatnig
a. Panimbang. Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay
na ginagamitan ng: at, saka, pati, ngunit, maging, datapuwa’t, at
subalit.
Hal: Nais niyang mag-aral, ngunit wala siyang salaping pambayad.

b. Pantulong. Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala,


o sugnay na ginagamitan ng: kung, kapag, upang, para nang, sapagkat,
at dahil sa.
Hal: Nagsikap siya sa pag-aaral para makapagtapos.
Umasenso ang kaniyang buhay dahil kanilang pagtutulungan.

You might also like