You are on page 1of 3

Ibong Adarna

Narrator: Noong unang Panahon sa malayong kaharian ng Berbanya nabuhay si Haring Fernando
at ang kaniyang asawa na si Reyna Valeriana

(Lalabas si Haring Fernando at Reyna Valeriana)

Narrator: May tatlong anak ang Hari at Reyna, Tatlong magigiting na Prinsipe

(lalabas si Don Pedro “Jacob”)

Narrator: Si Don Pedro ang panganay na anak

(lalabas si Don Diego “Santiago”)

Narrator: Si Don Diego ang pangalawang anak

(lalabas si Don Juan “Luiz”)

Narrator: At si Don Juan ang bunsong anak

Narrator: Isang gabi nanaginip ang hari na may mangyayaring masama sa isa sa kaniyang mga anak

(Di makatulog ang hari dahil sa panaginip)

Narrator:Hanggang sa Isang araw nagkasakit ang hari dahil sa pagiisip ng kaniyang napanaginipan

Reyna Valeriana: (nagalala at tumawag ng manggagamot)

Manggagamot: (tinignan ang hari) Pasensya na po dahil hindi ko po magagamot ang hari, ngunit
may alam akong isang paraan upang magamot siya, kailangan niya pong marinig ang tinig ng ibong
adarna na matatagpuan sa bundok ng Tabor.

Narrator: Agad na inutusan ng Hari ang panganay na anak na si Don Pedro upang kunin ang Ibong
Adarna,

Agad ding naglakbay si Don Pedro papunta sa bundok ng Tabor

(naglalakbay si Don Pedro)

Narrator: 3 buwan bago makarating sa bundok ng Tabor si Don Pedro, Pagdating niya sa Bundok
hinanap niya kaagad ang puno na pinaninirahan ng Ibong Adarna

(Nakita ang puno)

Don Pedro: Ito pala ang puno kung saan naninirahan ang ibong adarna, ngunit bakit wala siya dito.

Hihintayin ko na nga lamang ang ibong adarna.


Narrator: At namahinga na nga ang prinsipe sa ilalim ng puno, Sa kaniyang paghihintay ay
nakatulog ito. Habang siya ay tulog biglang dumating ang ibong adarna, Nagayos ito at biglang
umawit. Pitong kanta ang maririnig sa Ibong adarna at nagpapalit siya ng balahibo bawat kanta, at
ito ay nagbabawas bago matulog, nang magbawas siya, napatakan si Don Pedro at siya ay naging
bato.

(naging bato na nga si Don Pero)

Narrator: Nagalala ang lahat sa kaharian ng hindi pa bumabalik si Don Pedro

Reyna Valeriana: Naku nasaan na ang anak ko, hanggang ngayon hindi parin siya bumabalik

Don Fernando: Don Diego, aking anak sundan mo si Don Pedro at huluhin mo ang ibong adarna

Narrator: Agad namang sinundan ni Don Diego si Don Pedro

(Don Pedro naglalakbay )

Narrator: Tulad ni Don Pedro naglakbay din ng ilang buwan si Don Diego hanggang makarating
siya sa bundok ng Tabor.

At nang makarating siya sa bundok ng Tabor Nakita niya kaagad ang puno kung saan naninirahan
ang adarna at nagulat din siya ng Makita niya si Don Pedro na naging Bato

Don Diego: Don Pedro ikaw ba yan bat ka naging bato

Don Diego: Nasaan na nga ba ang ibong adarna anong ginawa niya kay Don Pedro, huhulihin ko
yang ibon na yan

Narrator: at dumating na nga ang ibon at nakatulog ang prinsipe sa kanta nito, tulad ni Don Pedro
napatakan din si Don Diego at naging bato

(naging bato si Don Diego)

Reyna Valeriana: Nasaan na kaya si Don Diego bakit hanggang ngayon di pa rin bumabalik

Narrator: Nagaalala na nga ang Reyna sa hindi pagbalik nina Don Pedro at Don Diego, Patagal din
ng patagal mas palala ng palala ang sakit ng hari

Don Fernando: Don Juan ikaw na lang aking tanging pagasa, hulihin mo ang ibong adarna at iuwi mo
ang iyong mga kapatid

Don Juan: Sige po mahal na hari.

Narrator: at naglakbay na nga si Don Juan upang hulihin ang ibong adarna, sa kanyang
paglalakbay may natagpuan siyang isang matandang hinang hina.

Matanda: Pwede bang makahingi ng makakain


Narrator: Nagaalinlangan si Don Juan na ibigay ang kaniyang pagkain dahil mahaba haba pa ang
kaniyang lalakarin, ngunit binigyan niya pa rin ang matanda, naikwento niya rin ang kaniyang pakay

Don Juan: Sige po bibigyan ko po kayo

Matanda: Kapalit ng binigay mong pagkain bibigyan kitang tulong upang mahuli mo ang ibong
adarna

Kunin mo itong labaha at dayap na makakatulong sa paghuli mo sa ibong adarna

Narrator: At ng makarating si Don Juan sa bundok ng Tabor nakit niya ang kaniyang mga kapatid
na nagging bato sa ilalim ng puno kug saan naninirahan ang ibong adarna.

Don Juan: Don Pedro, Don Diego!!!

Narrator: takot na takot si Don Juan ng Makita niya ang kaniyang mga kapatid na naging Bato,
ngunit naalala niya ang sinabi ng matanda na kaniya nakasalubong

Don Juan: Nasaan na kaya ang ibong adarna

Narrator; nang Makita ni Don Juan ang ibong adarna ginawa niya kaagad ang sinabi ng matanda

( ginawa na nga, Hinuli yung ibon)

You might also like