You are on page 1of 3

Ibong Adarna

Scene 1
[Mga tauhan]
Haring Fernando
Reyna Valeriana
Don Pedro
Don Diego
Don Juan
Albularyo

[Setting: Kaharian]
[Nakapalibot kay Haring Fernando ang mga anak niyang sina Don Pedro, Don Diego at Don
Juan.]

Narrator: Noong unang panahon, sa malayong kaharian ng Berbanya, namuno ang isang
haring halos kasing-dunong ni Solomon. Umunlad ang kaharian sa ilalim ni Haring Fernando at
ang napakaganda at mabait n’yang asawa na si Reyna Valeriana. May tatlo silang anak -- si
Don Pedro, ang pangit pero makisig at tusong panganay (mapapasimangot si Don Pedro),
sumunod si Don Diego, ang mahiyain pero halos kasing-salbahe ng kuya n’ya at katamtaman
lang din ang hitsura n’ya (mapapangiwi rin ang mukha ni Don Diego), at si Don Juan -- ang
matuwid at masunuring bunso at pinaka-gwapo (mapapakindat si Don Juan sa harap ng
klase).

Isang araw, nagkasakit nang malubha ang mahal na hari.

Haring Fernando (nakahiga at nanghihina, nagdedeliryo pero gising): Hindi ko na kaya ito,
mamamatay na ako!

Reyna Valeriana: (Nakatingin sa hari) ‘Wag kang magalala sweetheart, lalakas ka rin.
(Ibabaling ang tingin sa mga anak) Pedro, Diego, Juan, hindi ko na alam ang gagawin kooooo…

Pedro (hahawakan ang dalawang pisngi n’ya) May dengue kaya si tatay?

Diego (parang walang pakialam) Or measles? Uso ‘yun ngayon.

Juan (balisang-balisa ang hitsura): Hindi kaya nanuno si tatay?

Albularyo: Magsitigil kayo, puro kayo kalokohan! (Lalapit siya sa reyna at yuyukod, titingin sa 3
anak) Nagaagaw-buhay na ang daddy n’yo dahil sa konsomisyon! Isa lang ang gamot dito: ang
pito at matamis na kanta ni Ellen Adarna… este Ibong Adarna pala.

Narrator: Class FYI, si Ellen Adarna ay isang imoral na artista -- karamihan naman sa kanila
ganun di ba.
Juan: Saan po namin makikita ang mahiwagang ibon na ito?

Albularyo: Makikita ang Ibong Adarna sa Mt. Tabor. Tumitigil ito sa Piedras Platas bago mag-
gabi.

Pedro: Tatay, pupuntahan ko ang ibon at huhulihin para sa inyo. Assuming na tatagal pa kayo
ha?

Reyna Valeriana: Pedro!!!

Pedro (Aalis palabas ng room) Joke lang, mommy!

Scene 2
Setting: Mount Tabor

Narrator: Sumakay ng kabayo si Don Pedro at naglakbay nang tatlong buwan papuntang
Mount Tabor. Ang punongkahoy na tinatawag na Piedras Platas, ay kumikislap na parang
diyamante. Masisilaw ang mga mukhang salapi dito.

Don Pedro (hinihingal sa pagod at sasandal sa puno/dingding ng classroom): Hay, I’m so tired!
Siguro naman automatic na na ako ang magmamana ng kaharian ni tatay! (Iinom ng tubig at
titingala sa puno) Asan na ba ‘yung ibon na yun!

Ibong Adarna (kakanta): Why do birds suddenly appear, every time you are near. Just like me
they long to be close to you…

Don Pedro (hihikab at makakatulog pagkatapos maiputan ng ibon)

Scene 3
Setting: Palasyo ng hari

Haring Fernando (nauubu-ubo at umiiyak) Ano na kayang nangyari kay Pedro?

Don Juan: Hindi po kaya siya nag-enjoy masyado kaya nag-extend ng bakasyon?

Don Diego: Daddy, may masamang kutob ako na patay na si kuya. Siguro time na na ako na
ang humuli ng Ibong Adarna dahil maliwanag na nabigo siya! At shempre, alam ko namang may
malaking kapalit ang tagunpay ko. Kaya aalis na ako (lalabas ng pinto). See you!

Narrator: Sumakay ng kabayo si Don Diego at naglakbay nang tatlong buwan papuntang
Mount Tabor.

Scene 4
Setting: Mt. Tabor
Don Diego (hinihingal sa pagod at sasandal sa puno/dingding ng classroom, katabi ng naging
batong si Pedro): Hay, nakakapagod! Ano ba itong ponasok ko, parang long exam sa Filipino!
(Iinom ng tubig at titingala sa puno) Asan na ba ‘yung ibon na yun!

Ibong Adarna (kakanta): Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak. Bayan pa
kayang sakdal dilag, ang di magnasang makaalpas…

Don Diego (hihikab at makakatulog pagkatapos maiputan ng ibon)

Don Juan: Lalapit sa harap, maglalakad at hahawakan ang baba na parang nagiisip.

THE END

You might also like