You are on page 1of 4

Ibong Adarna (narrators script)

Magandang hapon sa ating mga madla, kami ang 7 maagap at aming itatanghal ang koridong
nagngangalang IBONG ADARNA

(Oh Birheng kaibig-ibig


Ina naming nasa langit
Liwanagin yaring isip
Nang sa lyoy di malihis
Akoy isang hamak lamang
Taong lupa ang katawan
Mahina ang kaisipan
At maulap ang pananaw
Malimit na makagawa
Ng hakbang na pasaliwa
Ang tumpak kong ninanasa
Kung mayari ay mahidwa
Labis yaring pangangamba
Na lumayag ng mag-isa
Baka kung mapalaot na
Ang mamamangkay di makaya
Kaya Inang matangkakal
Akoy iyong patnubayan
Nang mawasto sa pagbanghay
Nitong kakathing buhay
At sa tanang nariritong
Nalilimping maginoo
Kahilingay dinggin ninyo
Buhay na aawitin ko)

[SIMULA] Noong unang panahon, mayroong isang kaharian na tinatawag na Berbanya. Ito ay
pinamumunuan ng isang hari at reyna na hinahangaan ng lahat, si haring Fernando at reyna
Valeriana ay mayroong angking kahusayan kayat ang pamamaakad sa kaharian ay naging
maganda (acting scene 1).

Ngunit isang araw nagbago ang lahat, si haring Fernando ay nagkaroon ng malubhang sakit at
ang tanging kagamutan nito ay ang marinig ng hari ang awit ng Ibong Adarna na namumugad
sa kasuloksulukan ng Bundok Tabor (acting scene 2).

Agad na inutusan ng hari ang kanyang tatlong anak na pawang pangunahin sa


pakikipagdigma, sila ay si Don Pedro ang panganay, Don Diego at si Don Juan ang bunso.
(acting scene 3)

Unang nagtangkang humuli sa Adarna ay si Don Pedro ngunit siyay napatakan lang ng ipot ng
ibon at siyay naging bato, gayundin ang nangyari kay Don Diego, (acting scene 4) dahil sa
pangyayaring iyon napilitang pahintulutan ng hari ang bunsong si Juan na hanapin at huliin
ang Adarna, agad namang tinanggap ng don Juan ang alok ng kanyang ama. (acting scene 5)

Sa paglalakbay ng Juan siya ay may nakilalang Ermitanyo dahil sa isang matandang Leproso
at ito ang naging susi ni Juan upang mahuli ang Adarna at mailigtas ang kanyang mga kapatid
sa pagkakaengkanto, gamit ang dayap at labaha na nanggaling sa Ermitanyo nahuli ni Don
Juan ang Ibong Adarna at nailigtas ang mga kapatid. (acting scene 6)

Ngunit sa pagkaligtas ni Pedro at Diego sa pagkakaengkanto silay may pinaplanong


masamang balak, kanilang sinakal at pinagtatadyakan si Juan at iniwang nakahandusay. Ang
Ibong Adarna ay kanilang kinuha at naglakbay pabalik sa kaharian ng Berbanya (acting scene
7).

Sinabi ni Diego at Pedro sa hari na sila ang nakahuli sa Adarna, ngunit hindi nila ito napa-
awit. (acting scene 8)

[GITNA] Sa kabilang banda, natagpuan ng isang matandang mahimala si Don juan na


mistulang patay na. Ipinagyaman at inalagaan ng matanda s don Juan at dahil doon muling
bumalik ang lakas ni Juan, siyay nagpatuloy sa pagbalik sa Berbanya at sa pagsulyap ni
Adarna kay Juan agad itong umawit at nagsalaysay sa hari tungkol sa kanyang natunghayan
na pagtataksil ng dalawa kay Juan. (acting scene 9)

Nagalit at ipinatapon ng hari sina Don Pedro at Don Diego ngunit naki-usap si Juan at
pinatawad ng hari ang dalawa.
Naging napakahalaga ng Adarna sa hari, siya ay gumaling at sa tatlong prinsepe naman
pinatunuran ang ibon, palit-paltan sila sa pagbabantay ngunit gumawa nanaman ng lalang sina
Diego at Pedro naki-usap sila kay Juan na magpalitan muna sila sa pagbabantay at dahil sa
tindi ng puyat nakatulog si Don Juan. Habang si Juan ay nakatulog pinakawalan ni Pedro si
Adarna at ng magising si Juan at makitang nawala ang ibon sa hawla, siya ay walang paalam
na naglayas upang hanapin ang ibon. Napansin ng hari na wala ang ibon at si Juan kayat
kayang ipinahanap si Juan at Adarna sa dalawang magkapatid. (acting scene 10)

Nang matagpuan ng magkapatid si Juan, inamuki nila ito na sila ay maglagalag sa halip na
magbalik sa palasyo, sumang-ayon naman si Juan. Naka-abot sila sa kagubatan ng Armenya
may natagpuan silang balon na may lubid, kapwa hindi nakapaghugos hanggang sailalim si
Pedro at Diego kayat si Juan ang tumunton sa pinakababa at natagpuang may palasyo roon
(acting scene 11)
Kinalaban ni Juan ang isang Higante na may bihag kay Donya Juana at pagkatapos ay
kanyang iniligtas rin si Donya Leonora mula sa isang malaking ahas na may pitong ulo o ang
Serpyente. (acting scene 12)

Naging magkaibigan si Don Juan at Donya Leonora at isinama niya sila sa pag-ahon mula sa
balon, kasama ni Leonora ang kanyang alagang Lobo na may taglay na engkanto. Isinalaysay
ni Juan sa kanyang mga kapatid ang nangyari sa ilalim ng balon, tinubuaan ng pag-ibig si
Pedro kay Leonora at si Diego kay Juana. (acting scene 13)
May nalimutang singsing si Leonora sa palasyo sa balon kayat muling nagpahugos si Don
Juan sa balon upung kunin ang sing sing (acting scene 14)

Nang makilang metro na si Juan sa paghugos binitawan ni Pedro at Juan ang lubid, natitiyak
silang patay na si Juan sa pagbagsak sa malalim na baon kayat pinasunod ni Leonora ang
kanyang alagang Lobo upang tulungan si Juan at ng sa hindi pagtantang ni Juan sa lubid
tinangkang tumalon ni Donya Leonora sa balon, ngunit napigilan siya ni Don Pedro at
sapilitang isinama sa Berbanya. (acting scene 15)

Pinakasalan ni Pedro si Leonora, ngunit humingi ang Donya ng pitong taong panatang na
pagkadalaga nakina-inisan ni Pedro ngunit pinahintulutan ng hari. (acting scene 16)

Nagamot ng Lobo si Don Juan, ngunit sa lalim ng balon siya ay hindi nakaahon at nagpatuloy
nalang paglalakad at nahimbing sa matinding pagod, nang siya ay magising kanyang nakita
ang Ibong Adarna at sinabing kanyang limutin na si Leonora sapagkat may makikilala pa
siyang higit na magandang prinsesa mula sa Reynos Delos Crystal { Kaharian ng Kristal }.
(acting scene 17)

Hinanap ni Don Juan ang Kahariang Kristal at may nakilala uli siyang isang Ermitanyo na
nakatulong saknya sa paghahanap ng Kaharian. Matapos ang matagal at malawakang
paghahanap, natagpuan ni Juan ang Kaharian nakilala niya si Donya Maria Blanca at silay
naging magkaibigan. (acting scene 18)

Si Donya Maria ay may malupit na amang si Haring Salermo at siyay may dalawang kapatid
na magaganda rin. Kayat idinaan ng Hari si Don Juan sa mga pagsubok na pawang
imposibleng magagawa ng sang karaniwang tao, gaano man ito kagaling. (acting scene 19)
-Unang pagsubok, Patagin ang bundok at itanim ang isang supot ng trigo, patubuiin ito,
papag-uhayin, aanihin, gawing harina, ilutong tinapay at ihain sa hapag ng hari pagkaumaga
upang maging agahan ng hari, NATUPAD
-Ikalawang pagsubok,May bote ang hari na kinabibilangguan ng 12 mumunting ita, pinawalan
ng hari ag mga ita sa dagat at kailangang maibalik ni Juan ang mga ito sa botelya, NATUPAD
-Ikatlong pasubok, Ang bundok na pinatag ay balik sa dati nitong anyo at kinabukasan din ay
nakaharap na sa may bintana ang hari na may nilalanghap na sariwang hangin, NATUPAD
-Ikaapat na pagsubok, Muling tibagin ang bundok at itambak sa dagat at itoy gawing isang
muog na may kastilyong bakod ng mga kanyon, kinabukasan ay itoy NATUPAD
-Ikalimang pagsubok, Ibalik ang bundok at ang dagat na maaalon sa dati sa loob ng
magdamag, NAGAWA
-Ikaanim na pagsubok, Hanapin sa karagatan ang singsing ng Haring kanyang nakaligtaang
alisin a daliri at nahulog sa dagat sa loob ng magdamag, NATUPAD
-Ikapitong pagsubok, Paamuin ni Don Juan ang kabayng simaron na may makapangyarihan
engkanto, Napaamo ni Juan ang kabayo (unang pagsubok haggang sa huli- acting scene 20)
Ngunit sa pagtupad ni Don Juan sa mga pagsubok ang haring Salermo ay may karagdagan
pang pagsubok. Nakakulong ang tatlong anak ng Hari saTatlong kuwarto at isang daliri
lamang ang nakalitaw, kailangang matukoy ni Juan ang kanyang mahal na si Maria Blanca, na
nagawa niya naman. (acting scene 21)
Sa ikapitong pagsubok hindi si Juan ang gumawa kundi si Donya Maria, si Maria ay may
makapangyarihang singsing nakatulong para ito ang pagsubok ay matupad. Nalaman ng hari
ang nangyari at napag-alaman ni Maria Blanca ang balak ng hari na ipapapatay o ipatatapon sa
Inglatera si Juan. Kayat agad na tumakas ang magkasintahan, hinabol sila ng hari ngunit
ginamit ni Maria ang kanyang mahika blanca at natakasan nila ang kanyang ama ngunit
isinumpa ni Salermo si Maria na sa kanilang pagdating sa Berbanya malilimot ni Juan ang
prinsesa. (acting scene 22)
[WAKAS] Iniwan muna ni Juan si Maria sa labas ng Berbanya at nagpatuloy sa palasyo,
nakasalubong ni Juan si Leonora at agad na nalimutan si Maria. Inisalaysay ni Leonora ang
mga pangyayari at humingi ng paalam sa hari kung maaari bang ikasal si Juan at Leonora,
pumayag naman ang hari (acting scene 24)

Sa tulong ng mahika blanca ni Maria nabatid niyang ikakasal ang dalawa, kayat humiling siya
sa kanyang sing sing ng isang karwahe at kabayo na hihila rito, gayundin ang isang magarang
damit at mga alahas na kanyang susuotin. Nakapasok siya sa palasyo at napahanga ang lahat
ngunit di siya makilala ni Juan. (acting scene 25)

Nagpalabas ng isang mahika si Maria Blanca at na kung saan nagpakita ang isang negrita at
negrito, hinagupit ng hinagupit ng negrita ang lalaking kapareha sabay tanong kung kilala nito
si Maria habang hinahagupit ng negrita ang negrito namimilipit sa sakit si Don Juan na parang
siya ang nilalatigo. Dahil doon ay nakilalang muli ni Don Juan si Donya Maria Blanca at
hiniling sa hari na siya ay magpapakasal kay Maria at hindi kay Leonora. Tumutol si Donya
Leonora at noon ay ipinagtapat ni Don Juan kung paanong utang niya kay Maria Blanca ang
kanyang buhay. Kayat sa hindi makapagpasya ang Haring Fernando humingi siya ng tulong sa
Arsobispo. Si Leonora raw ang dapat pakasalan ni Juan, ayon sa Arsobispo. (acting scene 26)

Nagalit si Maria Blanca ng malaman ito at pinahaba niya ang palasyo kayat si Juan ay agad na
gumawa ng pasya at magpapakasal siya kay Maria at si Leonora kay Pedro. Nagpasya rin ang
hari na ikakasal ang apat at si Don Juan ang magmamana ng kahariang Berbanya, tumutol si
Maria dahil sila raw ni Juan ay babalik sa Reynos Delos Cristal sumang-ayon ang hari at
natuloy ang kasalan at bumalik sa Kahariang Kristal sina Prinsipe Juan at Prinsesa Maria
Blanca. Sila ang naging tagapag muno ng kaharian at magpakailanmang silang nabuhay ng
maligaya.(acting scene 27)

At dito nagtatapos ang aming pagtatanghal maraming salamat sa panonood at muli kami ang
7-Maagap

You might also like