You are on page 1of 2

-

Tulang Korido
Ang korido ay isang uri ng panitikang pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa
impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at
may apat na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng
pakantang pagpapahayag ng mga tula.

HaLimbawa:
Ibong Adarna
Ang namumuno sa Kahariang Berbanya ay si Haring Fernando. Tinutulungan naman siya
ng kanyang asawang si Reyna Valeriana sa pamamahala. May tatlo silang anak, si Don
Pedro, ang panganay, si Don Diego, ang ikalawa at si Don Juan, ang bunso, na pawang
sinanay na maging pinuno.
Isang gabi, napanaginipan ng hari na pinatay ng dalawang lalaki ang kanyang bunso na
naging sanhi ng kanyang pagkakasakit. Kalungkutan ang namayani sa buong kaharian
dahil dito. Sa maraming manggagamot na tumingin, isa ang nagsabi na ang tanging lunas
ay ang Ibong Adarna.
Inutusan ng hari si Don Pedro upang hanapin ang ibong magpapagaling sa kanya.
Pagkalipas ng ilang taon, hindi ito nakabalik sapagkat naging bato nang tamaan ng dumi
ng ibon sa Bundok Tabor. Ang sumunod ay si Don Diego. Katulad din ng kapalaran ni Don
Diego. Humingi ng pahintulot si Don Juan sa ama na siya ang huhuli sa ibon at hahanap
sa kanyang mga kapatid.
Naglakbay si Don Juan na ang tanging baon ay limang tinapay. Ang isang natitirang
tinapay ay ibinigay niya sa isang ketonging humingi sa kanya ng limos. Naisalaysay niya
sa ketongin ang kanyang pakay. Tinulungan naman siya ng ketonging makipagkita sa
ermitanyo. Tinuruan siya ng ermitanyo kung paano makikilala at mahuhuli ang Ibong
Adarna. Binigyan siya nito ng isang labaha at panghiwa sa kanyang palad, pitong dayap
na ipipiga niya rito upang hindi siya makatulog at gintong sintas na gagamiting panali sa
ibon.
Si Don Juan ay naghintay sa ilalim ng punungkahoy na kung tawagin ay Piedras Platas.
Inaantok na siya nang dumating ang ibon. Sinunod niya ang lahat ng sinabi ng ermitanyo
kaya madali niyang nahuli ang ibon. Inutusan din ng matanda si Don Juan na buhusan ng
tubig ang dalawang batong buhay. At muli ngang nabuhay ang mga kapatid ni Don Juan.
Habang pabalik sa Berbanya, ginawan na naman ng kasamaan nina Don Pedro at Don
Diego si Don Juan.
Isang matanda ang dumamay at nagpala kay Don Juan. Pagbalik niya sa Berbanya,
ganoon na lamang ang katuwaan ng hari. Maging ang Ibong Adarna na ayaw umawit ay
umawit at nagpakita ng pitong magagandang bihis. Gumaling ang hari. Ang Adarna ay
totoong naging mahalaga sa hari kaya pinabantayan ito sa tatlong prinsipe. Dahil sa
kabuhungan ni Don Pedro, nakipagpalit siya ng oras ng pagbabantay at pinakawalan ang
Ibong Adarna upang si Don Juan ang maparusahan. Nang mawala ang ibon, umalis ng
walang paalam si Don Juan.
Ipinahanap ng hari si Don Juan sa dalawa niyang kapatid. Natagpuan nila sa Armenya si

Don Juan. Maganda at tahimik ang Armenya kaya ipinasyang magsama-sama silang
mamuhay dito at huwag nang bumalik sa Berbanya.
Sa kanilang paglilibot sa Armenya, nakatagpo sila ng balon. Naghugos sina Don Pedro at
Don Diego. Subalit bumalik sapagkat natakot. Tanging si Don Juan ang nagpahugos
hanggang sa matuklasan niya ang hiwaga sa balon. Natagpuan niya doon ang magkapatid
na prinsesa sa pangangalaga ng higante at ang huli ay ahas na may pitong ulo. Iniligtas
niya sa mga ito ang magkapatid. Naghugos ulit si Don Juan upang kunin ang naiwang
singsing ni Leonora. Pinutol ni Don Pedro ang lubid kaysa tuluy-tuloy na bumagsak si Don
Juan sa balon. Hiniling ni Leonora sa kaibigang lobo na tulungan at gamutin si Don Juan.
Isinama ng magkapatid ang dalawang prinsesa sa Berbanya at hiniling na sila'y
magpakasal. Ngunit tumanggi si Prinesa Leonora at humingi ng pitong taong palugit.
Muling nagkita si Don Juan at Ibong Adarna. Nalaman niya ang tunay na pangyayari
tungkol sa pagkawala ng Adarna. Pinayuhan ng Adarna si Don Juan na layuan na si
Leonora. Hanapin na lamang niya si Donya Maria na ubod ng ganda sa kaharian ng
Crystales.
Sa tulong ng isang ermitanyo, nakarating si Don Juan sa kaharian ng Crystales sakay sa
isang agila. Nagkita sina Don Juan at Donya Maria. Dahil sa nabihag ni Don Juan ang puso
ng dalaga, itinuro sa binataang mga dapat isagot nito pagharap sa ama, si Haring Salermo.
Sinabi ng binata kay Haring Salermo ang kanyang pakay. Handa siyang sumunod sa
anumang ipag-uutos nito. Binigyan siya ng hari ng pitong bagay na isasagawa niya. Ilan
sa mga ito ang pagtitibag at pagpapatag ng bundok na sasabugan ng trigong gagawing
tinapay sa loob lamang ng magdamag; ang pagkuha sa singsing ng hari na nahulog sa
dagat, at marami pang iba. Sa tulong at taglay na mahika ni Donya Maria, naisagawa lahat
ng kahilingan ni Haring Salermo.
Ipinatawag ng hari si Don Juan upang mapili nito ang prinsesang kanyang napupusuan- Si
Donya Maria. Hindi ito naibigan ng hari. Binalak ng hari na ipadala sa Inglatera si Don Juan
at ipakasal na lamang ito sa kanyang kapatid babae. Nalaman ni Donya Maria ang balak ng
ama kaya nagtanan sila ni Don Juan. Dahil dito, nagalit ang hari. Sinundan niya ang maga
itongunit hindi inabutan. Sa halip isinumpa niya ang anak.

You might also like