You are on page 1of 2

PSALM NOAH DE GUZMAN PINEDA

ABM 12-2OL
“ Hari ”
Apat na Letra na may dalawang Pantig
Namumuno sa isang bayan na may kasamang isang reyna at prinsesa
Isang tao na hindi bumigo sa kanyang mga pangako
Ngunit iniwanang luhaan ang aming mga puso

Aking Hari, Kumusta ka na? Diyan ba ay masaya?


Gusto ka na ulit makita ng iyong pamilya
Ngunit paano kung ika’y lumisan na
Paano kung binawi na ng itaas ang iyong buhay pagkat tapos na ang misyon mo
rito sa ibaba?
Aming Hari, Te Extrañamos, Te Quiero, At sana alam mong hinahanap hanap
ka parin ng reyna at ng iyong prinsesa

Hari, Mula ng ika’y lumisan ay nahirapan na ang iyong bayan na makakaraos sa


isang araw na wala ka
Unti unti na lamang natatanggap ng iyong nasasakupan ang iyong pagkawala
Luha, Poot, Lumbay, Pighati, Kirot ang siyang naramdaman ng reyna at
prinsesa
Alam naming pagod ka ng lumaban kaya tinanggap nalang namin ang pagsuko
mo sa buhay na kahit sobrang hirap ay sinubukan mong labanan

Naalala mo pa ba nung mga panahong nag uumpisa ang iyong nadarama?


Hindi mawari ang kaba sa dibdib ng iyong mag-ina kay mas pinili mong sundin
sila na umuwi ka muna sa iyong kaharian at itigil muna ang paglaban para sa
iyong bayan
Inalagaan ka nilang mabuti hanggat dumating ang gabi na nabanggit mong hindi
mo na kaya at kakailanganin mo ng ang gamot ng mga experto

Kinaumagahan ay agad kang dinala ng iyong reyna sa pagamutan upang


ipatingin ang iyong lumalalang kalagayan
Ngunit bago ka ipatingin ay nakausap mo pa ng harap harapan ang iyong
prinsesa at sinabihang mag ingat at alagaan ang sarili dahil kakailanganin nyo
munang mawala ng panandaliang mga araw upang maipagamot ka
Isang nakakatakot na sakit ang siyang dumapo sa iyo. Sakit na nagmula sa ibang
tao na nakakasalamuha mo
Kawawang prinsesa, Pinapanood ang kanyang ama na na naghihirap sa
pagamutan. Nagiisa, Nalulungkot. Walang kinakausap pagkat piniling sarilihin
ang sakit na dulot ng problema

Disisyete ng Agosto, Alas Onse medya ng umaga ang siyang tumatak sa utak ng
iyong reyna at prinsesa.
Araw at oras na hinding hindi nila malilimutan pagkat Ito ang panahon ng
pagkaguho ng kanilang mundo, puso at isipan
Mula sa ibaba, Itinataas ko sa Panginoon, Iparating sa aming Hari ang lahat ng
pagmamahal ng kanyang mga nasasakupan
Iparating sa Hari ang pagpatawad sa kanyang mga maling nagawa, sa mga
naiwan niyang sakit at poot na ngayon ay unti unti ng maghihilom.
Iparating ang Pasasalamat sa lahat lahat ng kanyang mga nagawa, Mga bagay na
nagpasaya at ang mga taong kaniyang napasaya.

Nagsimula sa ubo na ngayon ay isa ng abo


Hindi kami makapaniwala na ang isang tulad mong malaki at malakas ay
bibigay sa ganoong sakit lamang
Hindi nga biro ang Covid. Sandamamak na ang mga buhay na kanyang kinuha
at patuloy na pinaluluha ang mga taong nabibiktima
Magiingat palagi at panatilihin sundin ang mga protocols at alagaang mabuti
ang pangangatawang iyong hiniram
Dahil maski isa sa mga taong nabubuhay ay hindi alam kung hanggang saan ang
buhay na kanilang hiniram, Ang magagawa lang natin ay alagaan itong mabuti
ng sa gayon ay maibalik natin ang katawang hiniram ng maayos at malinis.
Bakit nga ba ito ang napili kong itula? Dahil sa pamamaraan ng tula na ito ay
nailabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman at mga bagay na gusto kong
sabihin sa Hari.
Ang Hari na walang iba kundi ang aking Ama.
Te amamos, te extrañaremos. Aming Padre De Pamilya

You might also like