Professional Documents
Culture Documents
Namumuno: “Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang
balaraw” (Lc. 2:35). Ang puso ng isang ina ay hindi kailanman malalayo sa
puso ng kanyang anak. Gaya ni Maria, na nanatili at nakiisa sa hapis,
pighati at paghihirap ni Hesus hanggang sa Kanyang kamatayan. Ang
kanyang puso ay namimighati dahil sa pagdurusa ng kanyang kaisa-isang
Anak para sa katubusan ng sanlibutan. Isang walang hanggang pag-ibig
ang ipinakita ng Mahal na Birhen para sa kanyang Anak, nagpakatatag
habang nakikita ang Kanyang pighati at isang marubdob na
pananampalataya na ang lahat ng ito ay may kapalit na galak pagsapit ng
takdang araw.
Sana’y di magmaliw
Ang dati kong araw
Ng munti pang bata
Sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang Mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
Sana’y di magmaliw
Ang dati kong araw
Ng munti pang bata
Sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang Mahal
Awit ng pag-ibig habang akoi nasa duyan
Sa mata mo ay bumaha,
Isang dagat na luha
Nang ang batang Hesus ay mawala
ang pagod ay di sapala:
Dibdib mo’y halos mawalat
Sa kadakilaan ng dusa’t hirap.
Pangwakas na Awit:
Mahal Naming Ina
Tinatawagan ka
Tunay na batis ka ng biyaya
Binabalungan ka ng awa at ligaya
Nilalapitan ka naming habag