You are on page 1of 19

Diyosesis ng Iba

Bikarya ni San Andres


KATEDRAL AT PARROQUIA NI SAN AGUSTIN
Iba, Zambales

VIERNES DOLORES
1

Pambungad na Awit
Sa tono ng Pasyong Mahal

O Diyos sa Kalangitan
Hari ng sangkalupaan
Diyos na walang kapantay
Mabait lubhang maalam
At puno ng karunungan

Ikaw ang Amang tibobos


Ng nangungulilang lubos
Amang di matapus-tapos
Maawai’t mapagkupkop sa taong lupa’t alabok

Iyong itulot sa amin


Diyos Amang maawain
Mangyaring aming dalitin
Hirap, sakit at hilahil
Ng Anak mong ginigiliw.

Pambungad na Panalangin
Alalahanin mo, oh lubhang nahahapis na Birhen Maria,
Na kailan ma’y di-narinig na may dumulog sa iyong pag-aampon,
Humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo,
Na Iyong pinabayaan.

Dala ng pag-asa na ito,


Dumudulog ako sa Iyo oh Birhen ng mga birhen,
Ina, sa Iyo ako’y lumalapit,
Sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.
Oh Ina ng walang hanggang berbo,
Huwag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog,
Bagkus, sa Iyong habag,
Pakinggan mo ako at pakapakinggan.
Amen
______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
2

Panalangin sa Mahal na Birhen


Sa tono ng Pasyong Mahal

At ikaw Birheng Maria


Ina't hari ng awa ka
bukod sa tanang sampaga,
di matuyo't di malanta
dikit mong kaaya-aya.

Ikaw rin po't siya lamang


Sedes Serpientine ang ngalan;
luklukan ng karunungan
at kaban kang sinusian
ng Diyos sa kalangitan.

Toreng walang pangalawa


ni David, bunying Propeta
bahay na ganitong sinadya,
pinamahayang talaga
ng ikalawang Persona.

Ikaw rin Birheng Mahal


bituin sa karagatan
mapag-aliw sa may lumbay,
kuta ng makasalanan
matibay sa katibayan.

( Dadako ang lahat sa kinaroroonan ng Imahen upang simulan ang


ikalawang bahagi ng Viernes Dolores)

______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
3

ANG UNANG HAPIS NI MARIA


Ang Hula ni Simeon sa Sanggol na si Hesus

N: Ang Mabuting Balita ng Panginoon Ayon kay San Lukas.


B: Papuri + Sa iyo + Panginoon

"Binasbasan sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria na ina ng bata: Narito,
siya ay itinalaga upang ibagsak at itindig ang marami sa Israel. Siya ay
magiging isang tanda na kanilang tututulan. Ito ay mangyayari upang
mahayag ang mga pagtatalo ng maraming puso. Sa iyo rin, isang tabak ang
tatagos sa iyong kaluluwa."

N: Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Panalangin:

Ibig naming makiisa, Mahal na Ina, sa sakit mo nang hinulaan ni Simeon ang
puso mo’y magiging hantungan ng mga hirap ng mahal mong Anak. Alang-
alang sa sakit na ito ay matutunan nawa naming harapin ang mga pagsubok
na taglay ang paniniwala na sa dulo ng lahat ng ito ay naghihintay ang
gantimpalang inilalaan ng Diyos para sa mga taong kinalulugdan Niya.

______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
4

Simeon ay bakit kaya,


iyong hinulaang bigla
yaong kamatayang dusta
ni Hesus Haring dakila
ang sa Ina’y laking hirap
na sa puso at tumarak.

Mahal na ina na naghahapis, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Namumuno: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang


nagpakasakit na ipinako sa Krus ay sumasaiyo, bukod
Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka
naman sa Mahal na Pasyon ng Iyong Anak na si Jesus.

Lahat: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong


pagpapakasakit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na
naging dahilan ng pagkapako Niya sa Krus, ngayon at sa oras ng
aming kamatayan. Amen.

Namumuno: Oh katamis-tamisang Birhen na naghahapis, aming Ina at


Reina,

Lahat: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-


ibig na sadyang kay tatag! Amen.

______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
5

ANG IKALAWANG HAPIS NI MARIA


Ang Pagtakas Patungong Ehipto ng Banal na Mag-Anak

N: Ang Mabuting Balita ng Panginoon Ayon kay San Mateo.


B: Papuri + Sa iyo + Panginoon

"Nang sila ay nakauwi na, nangyari na ang isang anghel ng Panginoon ay


nagpakita kay Jose sa isang panaginip. Sinabi ng anghel: Bumangon ka,
dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina. Tumakas kayo papuntang Egipto
sapagkat ipahahanap na ni Herodes ang bata upang patayin. Manatili kayo
roon hanggang sa sabihin ko sa iyo.

Bumangon siya at sa kinagabihan, dinala niya ang bata at ang ina nito
papuntang Egipto. Nanatili sila roon hanggang sa pagkamatay ni Herodes. Ito
ay upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na
nagsasabi:

Tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto."

-Ang Mabuting Balita ng Panginoon

______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
6

Panalangin:

Ibig naming makiisa, Mahal na Ina, sa sakit, pagod at kakulangang nadama


mo nang Kayo ay naglakbay at manirahan sa Ehipto. Alang-alang sa sakit na
ito ay ituro mo sa amin na maging matapat sa Diyos sa pagtupad sa Kanyang
mga kautusan. Maging tulad mo nawa kami na matapat hindi lamang dahil sa
udyok ng kautusan kundi dahil ito ay udyok ng pagmamahal.

Laking sindak ang tumimo


sa dalisay mong puso
sa pag-uusig nuong puno,
Herodes haring palalo.
Sa Ehipto kayo lumagak,
upang batang Hesus ay mailigtas.

Mahal na ina na naghahapis, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Namumuno: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang


nagpakasakit na ipinako sa Krus ay sumasaiyo, bukod
Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka
naman sa Mahal na Pasyon ng Iyong Anak na si Jesus.

Lahat: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong


pagpapakasakit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na
naging dahilan ng pagkapako Niya sa Krus, ngayon at sa oras ng
aming kamatayan. Amen.

Namumuno: O katamis-tamisang Birhen na naghahapis, aming Ina at Reina,

Lahat: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-


ibig na sadyang kay tatag! Amen.

______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
7

ANG IKATLONG HAPIS NI MARIA


Ang Pagkawala ng Batang Hesus ng Tatlong Araw

N: Ang Mabuting Balita ng Panginoon Ayon kay San Lukas.


B: Papuri + Sa iyo + Panginoon

"Taun-taon ay pumupunta ang kaniyang mga magulang sa Jerusalem para sa


pista ng Paglagpas. Nang si Jesus ay labindalawang taong gulang na, sila ay
umahon sa Jerusalem ayon sa kaugalian ng kapistahan. Sila ay bumalik nang
mabuo na nila ang mga araw ng kapistahan. Sa kanilang pagbabalik, ang
batang si Jesus ay nanatili sa Jerusalem na hindi nalalaman ni Jose at ng ina
ng bata. Sa pag-aakala nilang siya ay nasa kasamahan nila, sila ay yumaon at
naglakbay ng isang araw. Pagkatapos nito, hinanap nila siya sa mga kamag-
anak at mga kakilala. Nang hindi nila siya natagpuan, bumalik sila sa
Jerusalem at hinanap siya. Pagkalipas ng tatlong araw, natagpuan nila siya sa
templo. Siya ay nakaupo sa kalagitnaan ng mga guro, nakikinig at
nagtatanong sa kanila. Ang lahat ng mga nakarinig sa kaniya ay namangha sa
kaniyang pang-unawa at mga sagot. Nanggilalas ng labis ang kaniyang mga
magulang nang makita siya. Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina: Anak, bakit
mo ginawa sa amin ang ganiyan? Ako at ang iyong ama ay naghanap sa iyo ng
may hapis." (Lukas 2:41-48)
-Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
8

Panalangin:

Ibig naming makiisa, Mahal na Ina, sa sakit na nadama mo noong mawala ng


tatlong araw ang Iyong Anak na si Hesus sa templo sa Herusalem. Ibigay mo
sa amin alang-alang sa sakit na ito ang katatagan upang manatili kaming
mabubuting Kristiyano at ang masaganang luha ng pagsisisi sa aming mga
kasalanan na siyang sanhi ng pagkakalayo naming sa Diyos. Turuan mo
kaming pahalagahan ang aming pananampalataya at pagsisihan ang aming
mga kasalanan nang kami ay di mawalay sa Iyong Anak.

Sa mata mo ay bumaha
isang dagat na luha
nang ang batang si Hesus ay mawala,
ang pagod ay di sapala:
dibdib Mo’y halos mawalat
sa kadakilaan ng dusa’t hirap.

Mahal na ina na naghahapis, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Namumuno: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang


nagpakasakit na ipinako sa Krus ay sumasaiyo, bukod
Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka
naman sa Mahal na Pasyon ng Iyong Anak na si Jesus.

LAhat: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong


pagpapakasakit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na
naging dahilan ng pagkapako Niya sa Krus, ngayon at sa oras ng
aming kamatayan. Amen.

Namumuno: Oh katamis-tamisang Birhen na naghahapis, aming Ina at


Reina,

Lahat: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-


ibig na sadyang kay tatag! Amen.

______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
9

ANG IKA-APAT NA HAPIS NI MARIA


Ang Pagkasalubong ni Jesus at Maria sa Daan ng Krus
Magtatagpo ang Imahen ng Nuestro Padre Jesus Nazareno at Nuestra Senora delas Angustias

Habang patuloy na umaawit ng Pasyong Mahal na naakma sa Istasyon

Nagkasalubong ni Maria si Hesus na mayroong nakaputong na koronang


tinik sa kanyang ulo at buhat buhat ang isang napakabigat na Krus. Ang
kanyang mukha ay punong puno ng dugo at ang kanyang katawan ay puro
sugat. Isipin natin ang dalamhati na naramdaman ni Maria nang sila ng
kanyang anak ay magkita.

Panalangin:

Ibig naming makiisa, Mahal na Ina, sa sákit na nadama mo noong makita mo


ang kahabag-habag na lagay ni Hesukristong nagpapasan ng krus patungong
Kalbaryo, pinaghihilahanan, inaalipusta’t minumura ng mga tampalasang
Hudyo. Ibigay mo po sa amin alang-alang sa sákit na ito ang katatagan ng
loob na tanggapin sa lahat ng pagkakataon ang kalooban ng Ama sapagkat sa
gayong paraan lamang maaaring matamasa ang tamis ng krus ni Kristo at
mayakap ito ng buong pagmamahal at matagumpay na pasanin sa aming
buhay.

______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
10

Lubhang namamanglaw na Ina ng lalong nagpakasakit na Anak, nadarama


namin ang kapighatiang Iyong naranasan nang ikaw ay manaog sa bundok ng
Kalbaryo, na kung saan sinundan mo ang Iyong nagpapakasakit na Anak.
Nais naming tangisan ang mga kasamaang dulot ng pakikitungo namin at
pakiki-isa sa mga masasamang gawain --- mga kasamaang nagwawalay sa
amin sa pagpapala ng Iyong Anak. Tulungan mo kamng makamtan ang
kaliwanagan ng pag-iisip upang maunawaan namin ang aming mga kamalian
at makatahak sa tamang landas ng buhay. At kung magiging marapat sa
kapurihan Niya, at sa kagalingan ng aming kaluluwa, ay ipagkaloob nawa sa
amin ang biyayang ninanasa namin dito sa septenariong ito. Siya Nawa.

Oh namimighating Ina!
Mukha’y hindi na makilala
ng Anak Mong sinisinta,
sa lansanga’y nagdurusa:
dala ang Krus na mabigat,
ang dugo’y dumadanak.

Mahal na ina na naghahapis, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasakit na ipinako sa


Krus ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa
Ka naman sa Mahal na Pasyon ng Iyong Anak na si Jesus.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasakit.


Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako
Niya sa Krus, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Birhen na naghahapis, aming Ina at Reina,


Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na
sadyang kay tatag! Amen.

______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
11

ANG IKA-LIMANG HAPIS NI MARIA


Ang Pagkamatay ni Hesus sa Krus, kung saan ang kanyang
Ina'y nakatayo sa paanan ng Krus

N: Ang Mabuting Balita ng Panginoon Ayon kay San Juan.


B: Papuri + Sa iyo + Panginoon

" Nakatayo sa malapit sa krus ni Jesus ang kaniyang ina. Naroon din ang
kapatid na babae ng kaniyang ina, si Maria na asawa ni Cleofas at si Maria
na taga-Magdala. Nakita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang
iniibig na nakatayo sa malapit, sinabi niya sa kaniyang ina: Ginang, narito
ang iyong anak. Pagkatapos noon, sinabi niya sa alagad: Narito ang iyong ina.
At mula sa oras na iyon ay dinala siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.

Pagkatapos nito, si Jesus na nakakaalam na ang lahat ng mga bagay ay


naganap na, ay nagsabi: Ako ay nauuhaw. Sinabi niya ito upang matupad ang
kasulatan. Mayroon doong nakalagay na isang sisidlang puno ng maasim na
alak. Binasa nilang mabuti ng maasim na alak ang isang espongha. Inilagay
nila ito sa isang sanga ng hisopo at idiniit sa kaniyang bibig. Nang matanggap
na nga ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya: Naganap na. Itinungo niya
ang kaniyang ulo at ibinigay niya ang kaniyang espiritu.

-Ang Mabuting Balita ng Panginoon


______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
12

Panalangin:

Sa huling hantungan ng Iyong Anak, naroon ka rin Mahal na Ina upang kahit
sa huling sandali’y maghain sa kanya ng pagmamahal at upang ihain din sa
Ama ang Iyong sarili kaisa ng pag-aalay ng sarili ng Diyos Anak. Sinundan
mo Siya hanggang sa Kruz. Sumampalataya ka hanggang sa Kruz. Ang Kruz
nga ang palatandaan ng pagiging tunay na Kristiyano. At Kruz din ang
dahilan kung bakit mahirap sumunod sa Panginoon. Tulungan mo kaming
pasanin ang Kruz na ito O Inang mahal. At tulad mo’y maging bahagi din
sana kami ng pag-aalay ng Panginoon, para sa aming kaligtasan at sa
kaligtasan ng iba.

Lipos ng Pighating Ina ng lalong nahihirapang Anak, sino kaya ang


makakaunawa ng kahirapang Iyong tiniis ng lumakad ka sa lansangang
dinaanan ng Iyong pinahirapang Anak. Pagpapahirap, mga katampalasanan,
pagpapako sa Krus, ang mga gunita nito ang nagdulot sa Iyo ng matinding
hapis. Nawa’y tumimo sa aming isipan ang mga pagpapakasakit at mga
kahirapang ito ni Kristo upang sa mga sandali ng aming panghihina at
panlalamig, ang mga ala-alang ito ang magsilbing gabay tungo sa wastong
pag-ibig sa Iyo at sa aming mga Kapatid. At kung magiging marapat sa
Kanyang kaluwalhatian, at sa kagalingan ng aming kaluluwa, ay ipagkaloob
nawa sa amin ang biyayang hinihingi namin sa septenariong ito. Siya Nawa.

Walang kabagay na hapis


Oh Ina, ang Iyong tiniis,
hindi sukat na malirip
ang iyong pagkakamasid
sa lagay ng Anak mong giliw at liyag
na sa Krus ay nagdurusa’t naghihirap.

Mahal na ina na naghahapis, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Namumuno: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang


nagpakasakit na ipinako sa Krus ay sumasaiyo, bukod
Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka
naman sa Mahal na Pasyon ng Iyong Anak na si Jesus.

______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
13

Lahat: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng


iyong pagpapakasakit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan
na naging dahilan ng pagkapako Niya sa Krus, ngayon at sa oras
ng aming kamatayan. Amen.

Namumuno: O katamis-tamisang Birhen na naghahapis, aming Ina at Reina,

Lahat: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-


ibig na sadyang kay tatag! Amen

______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
14

ANG IKA-ANIM NA HAPIS NI MARIA


Ang Pagbababa Mula sa Krus kay Hesus, kung saan
kinalong ni Maria ang bangkay ni Hesus

N: Ang Mabuting Balita ng Panginoon Ayon kay San Mateo.


B: Papuri + Sa iyo + Panginoon

"Nang gumabi na, dumating ang isang mayamang lalaki na taga-Arimatea.


Siya ay si Jose na naging alagad ni Jesus. Sa pagpunta niya kay Pilato ay
hiningi niya ang katawan ni Jesus. Iniutos ni Pilato na ibigay ang katawan ni
Jesus. Pagkakuha ni Jose sa katawan ni Jesus, binalot niya iyon sa malinis na
telang lino. At inilagay niya iyon sa kaniyang bagong libingan na inuka niya
sa malaking bato. Nang maipagulong na ang isang malaking bato tungo sa
pintuan ng libingan ay umalis na siya. Naroroon si Maria na taga-Magdala at
ang isa pang Maria. Sila ay nakaupo sa harap libingan.
-Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Panalangin:

Mahal na Ina, isama mo kami sa sákit na nadama mo nang ibaba sa Kruz at


ilagak sa kandungan mo ang walang buhay ng katawan ng Iyong Anak.
Alang-alang sa sákit na ito ay matutunan nawa naming higit na pahalagahan
ang Panginoon at hindi ang mga materyal na bagay at mga kaabalahan na
______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
15

lumilipas at nawawala. Ang pagmamahal nawang ito ay makita sa pag-ibig


namin sa aming kapwa lalung-lalo na sa mga nangangailangan ng aming
kalinga. Namimighating Ina ng lalong pinasakitang Anak, naririyan ka at
nag-iisa sa mapanglaw na silid. Ang mapanglaw na gabi ay nagpapahiwatig sa
Iyo na lumubog na ang araw ng katuwiran, si Hesus, na ngayon ay pinanawan
na ng buhay sa bundok ng Kalbaryo. Ang masasayang araw na nagdudulot ng
kaliwanagan ay natapos na. Ibang-iba ang mga sandaling ito kaysa sa nang
mapuspos ka ng Espiritu Santo at naglihi sa Kanya, gayon din nang Siya ay
isilang sa Bethlehem. Paano namin magiging marapatin ang aming sarili
gayong natatalos naming kami at ang aming mga kasalanan ang sanhi ng
lahat ng kalungkutang ito? Nangangako kami Mahal na Ina, pagsusumikapan
naming maituwid ang aming mga pagkukulang at pagsusumikapang
mamuhay sa katarungan upang maki-isa sa Kanya sa Kanyang
kaluwalhatian. At nawa’y ang mga kahilingan namin sa pamamagitan ng
septenariong ito ay aming makamtan. Siya nawa.

Nang nasa Iyong kandungan,


ang kay Hesus na bangkay,
Birheng Ina’y napasaan
ang sa Beleng kaaliwan?
Naparam na nga’t lumipas
ang madla mong tuwang lahat na.

Mahal na ina na naghahapis, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Namumuo: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang


nagpakasakit na ipinako sa Krus ay sumasaiyo, bukod
Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka
naman sa Mahal na Pasyon ng Iyong Anak na si Jesus.

Lahat: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong


pagpapakasakit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na
naging dahilan ng pagkapako Niya sa Krus, ngayon at sa oras ng
aming kamatayan. Amen.

Namumuno: Oh katamis-tamisang Birhen na naghahapis, aming Ina at Reina,

Lahat: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-


ibig na sadyang kay tatag! Amen
______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
16

ANG IKA-PITO HAPIS NI MARIA


Ang Paglilibing kay Hesus

N: Ang Mabuting Balita ng Panginoon Ayon kay San Juan.


B: Papuri + Sa iyo + Panginoon

"Pagkatapos nito, si Jose na taga-Arimatea ay humiling kay Pilato na makuha


niya ang katawan ni Jesus. Si Jose ay isang alagad ni Jesus bagamat palihim
lamang dahil sa takot sa mga Judio. Pinahintulutan siya ni Pilato, kaya siya
ay pumunta roon at kinuha ang katawan ni Jesus. Pumunta rin doon si
Nicodemo. Siya iyong noong una ay pumunta kay Jesus nang gabi. Siya ay
may dalang pinaghalong mira at aloe, na halos isang daang libra ang timbang.
Kinuha nga nila ang katawan ni Jesus. Binalot nila ito ng telang lino kasama
ang mga pabango. Ito ay ayon sa kaugalian ng paghahanda ng mga Judio sa
paglilibing. Sa pook na pinagpakuan sa kaniya ay may isang halamanan. Sa
halamanang iyon ay may isang bagong libingan na hindi pa napaglilibingan.
Doon nila inilagay si Jesus sapagkat noon ay araw ng Paghahanda ng mga
Judio at malapit doon ang libingan."
-Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Panalangin:
Ibig naming makiisa, Mahal na Ina, sa pangungulila at pag-iisa noong
mailibing na ang Iyong Anak. Alang-alang sa sákit na ito ay madala nawa
namin sa aming buhay ang pag-ibig sa Diyos at sa aming kapwa, upang
______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
17

maging amin ang buhay at kamatayan ni Cristo. Kami nawa ay mamatay sa


pamamagitan ng pagpapakasákit at pagsisisi sa aming mga kasalanan, nang si
Cristo ay mabuhay sa amin sa pamamagitan ng pag-ibig. Maibahagi nawa
namin sa iba ang aming buhay upang maisabuhay namin ang buhay ni
Kristong Iyong Anak.

Namimighating Ina ng nagpakasakit na Anak, nababatid namin ang hirap na


Iyong nadama, nang ilagak sa libingan at takpan ng mga taong nagmalasakit
ang sugatan at walang buhay na katawan ng Iyong Anak. Alang-alang sa
Iyong mga pagpapakasakit ay pagkalooban mo kami, Mahal na Ina, ng mga
biyayang kakailanganin sa tunay na pagsisisi. Loobin mong ang
makasalanang naming sarili ay malibing kasama ng Iyong Anak at muling
mabuhay alang-alang sa Kanyang kaluwalhatian na ngayon ay hinihiling
namin sa pamamagitan ng septenariong ito. Siya nawa.

Sa akin ngayo’y wala na


ang buhay ko at ginhawa,
ilaw niring mga mata,
si Hesus kong sinisinta:
ang tawag na mapalad
sa aki’y hindi nararapat.

Mahal na ina na naghahapis, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Namumuno: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang


nagpakasakit na ipinako sa Krus ay sumasaiyo, bukod
Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka
naman sa Mahal na Pasyon ng Iyong Anak na si Jesus.

Lahat: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong


pagpapakasakit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging
dahilan ng pagkapako Niya sa Krus, ngayon at sa oras ng aming
kamatayan. Amen.

Namumuno: Oh katamis-tamisang Birhen na naghahapis, aming Ina at Reina,

Lahat: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-


Ibig na sadyang kay tatag! Amen

______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019
18

PANALANGING PANGWAKAS SA MAHAL NA


BIRHEN NG HAPIS

O Birhen ng Hapis, Ilaw ng Pilipinas, masdan Mo po kaming namimintuho sa


banal Nyong harapan. Buong kababaang-loob naming iniluluhog sa Iyo na ipag-
adya Mo po kami sa kasalukuyang kalamidad na nanalasa sa aming bayan, lingapin
Mo po ang mga anak Mong nasa gitna ng mga pag-subok ng buhay, patuloy Mo po
kaming ilapit sa Iyong mahal na Anak na mapasaamin ang mga biyaya at
pagpapalang kailangan namin, gayon din ng mga mahal namin.
Mahal naming Ina, ilayo Mo po kami sa lahat na masama at kapahamakan.
Mapasaamin nawa ang kapayapaan at kabanalan ng buhay. Gawin Mo po kaming
tapat na Alagad ng anak Mong mahal, at mga masigasig na tagapagpahayag ng
Kanyang kaharian ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

PANGHULING AWIT
Babasbasan ng banal na tubig at iinsensuhan ng Pari ang imahen ng Nuestro
Padre Jesus Nazareno at Nuestra Senora de las Angustias/Maari ring basbasan ng
banal na tubig ang mga dumalo kung ananisin ng Kura Paroko o ng Paring
namumuno.
Sa Tono ng Pasyong Mahal:
Aniya ako’y Paalam
Kalapating minamahal
Ina kong kinalulugdan;
Ito na ang takdang araw
Sa Diyos na Kalooban

Ina Huwag kang mahapis


Sa pagpanaw kot pag alis
Masaklap man at mapait
Titiisin at siyang ibig
Ng Ama kong nasa Langit

______________________________________________________________________________
Katedral at Parokya ni San Agustin ng Iba
Mahal na Araw 2019

You might also like