You are on page 1of 23

DIYOSESIS NG ANTIPOLO

PANGDIYOSESIS NA DAMBANA AT PAROKYA NG


NUESTRA SEÑORA DE ARANZAZU

Via Matris Dolorosa


DAAN NG NAGDADALAMHATING INA
Via Matris Dolorosa 1
De Septem Doloribus Beatae Mariae Virginis
Ang Ina ng Pitong Hapis (Latin: Mater Dolorosa) ay isang titulo ng
Mahal na Birheng Maria. Ito ay kaugnay ng mga hapis o dalamhati sa
buhay na Mahal na Ina.
1) Ang Hula ni Simeon sa sanggol na si Hesus (Lukas 2:34)
Dinala nina Maria at Jose ang batang si Hesus sa templo. Si Simeon, sa
inspirasyon ng Banal na Espiritu, ay sinabihan si Jose at Maria ng mga
dadanasing paghihirap ni Hesus at Maria. Sinabihan rin niya si Maria na
isang tabak ang tutusok sa kaniyang puso. Malaking pagkagulat at
lungkot ang naramdaman ni Maria sa pagkakarinig nito.
2) Ang Pagtakas Patungong Ehipto ng Banal na Mag-Anak (Mateo 2:13)
Sinabihan ng anghel si Jose na tumakas kasama si Maria dahil may
mangyayaring masama sa kanilang Anak na si Hesus. Ating isaalang-
alang ang kalungkutan ng Inang si Maria nung kailangan nilang tumakas
at maglakbay sa gitna ng gabi upang protektahan ang kanilang Anak.
3) Ang Pagkawala ng Batang Hesus ng Tatlong Araw (Lukas 2:43)
Matinding lumbay ang naramdaman ni Maria nang malaman niya na
hindi nila kasama si Hesus. Dahil sa pag-aalala na naramdaman niya sa
kaniyang puso, inaya niya si Jose na bumalik sa Jerusalem upang
hanapin ang Anak na si Hesus.
4) Ang Pagkasalubong ni Jesus at Maria sa Daan ng Krus (Lukas
23:26)

Via Matris Dolorosa 2


Nagkasalubong ni Maria si Hesus na mayroong nakaputong na koronang
tinik sa Kaniyang ulo at buhat-buhat ang isang napakabigat na Krus. Ang
Kaniyang mukha ay punong-puno ng dugo at ang Kaniyang katawan ay
puro sugat. Isipin natin ang dalamhati na naramdaman ni Maria nang sila
ng kaniyang Anak ay magkita.
5) Ang Pagkamatay ni Hesus sa Krus, kung saan ang kanyang Ina'y
nakatayo sa paanan ng Krus (Juan 19:25)
Ang hinagpis ng isang Ina na makita ang kaniyang Anak na
pinagmalupitan at ipinako sa Krus. Nakatayo siya sa paanan ng Krus na
nagpapatunay na hindi niya binigo ang kaniyang Anak.
6) Ang Pagbababa Mula sa Krus kay Hesus, kung saan kinalong ni
Maria ang bangkay ni Hesus (Mateo 27:57)
Pagnilayan natin ang hinagpis ng isang Ina nang ibaba ang kaniyang
Anak mula sa Krus at inilagay sa kaniyang mga bisig. Isang tabak ang
nakatusok sa kaniyang puso at sibat ang kay Hesus.
7) Ang Paglilibing kay Hesus (Juan 19:40)
Anong lungkot ang naramdaman ni Maria na makitang ihimlay ang
walang buhay na Anak at ang pagsarado ng malaking bato sa Kaniyang
libingan.

Via Matris Dolorosa 3


Ang Pitong Hapis ni Maria
Ang lahat ay magsisimula sa pagaantanda ng krus.

℣: ✠ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


℟: Amen.

Pambungad na Panalangin
℣: Panginoong Hesukristo, naririto kami na nagnanais na gunitain ang
Iyong Dakilang Pag-ibig sa amin. Nais naming samahan Ka
sumandali sa lyong ginanap na Pagpapakasakit bilang katibayan ng
Iyong pag-ibig. Nais naming madama ang katapatan Mo upang
aming mapagtanto ng lubos ang kawalan namin ng katapatan sa lyo.

Nananalig kami, Panginoon, na nawa ang pagdedebosyong ito ay


maging isang kislap ng liwanag upang aming maunawaan na ang
pag-ibig Mo ay walang hanggan at laging nakalaang magpatawad sa
nagsisising makasalanan.

Kaya kami’y dumudulog sa lyong awa at patawad sa aming mga


pagkukulang at kasalanan. Hinihiling naming ipadama Mong muli
sa amin ang mapagpala Mong kamay at akayin kami sa landas
patungo sa ganap na buhay.

Sa tulong ng Mahal na Birheng Maria, sa kabila ng pitong hapis at


sakit na kaniyang nadama, makamit nawa namin ang kahilingang
ito upang ang aming buhay dito sa mundo ay maging katibayan na
Ikaw nga ay muling nabuhay at aming Panginoon magpakailanman.

℟: Amen.
Via Matris Dolorosa 4
℣: Ama namin, sumasalangit Ka. Sambahin ang Ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo dito sa lupa
para nang sa langit.

℟: Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin


Mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa
nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso. At
iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.

℣: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos


ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala
naman ang iyong Anak na si Hesus.

℟: Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon


at kung kami‟y mamamatay. Amen.

℣: Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.

℟: Kapara nang sa una, ngayon at magpakailanman. Amen.

Pagkaraan nito ay aanyayahan ng namumuno na makiisa ang lahat sa Banal na Prusisyon.

℣: Mga minamahal na kapatid, halina at samahan natin ang ating


minamahal na Ina sa kaniyang pagdadalamhati sa Pagpapakasakit
at Pagkamatay ng kaniyang Anak na iniibig. Nawa’y katulad ni
Maria, na ating sinusundan at tinutularan, tayo nawa’y maging
katulad din niya na matatag at handang gawin ang lahat, alang-
alang sa kalooban ng Poong Sinta.

Via Matris Dolorosa 5


Ang Unang Hapis ni Maria
Ang Propesiya ni Simeon tungkol
sa Sanggol na si Hesus
MABUTING BALITA
Lucas 2, 22-35

℣: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas.

℟: Papuri sa Iyo Panginoon.

N
oong dumating ang araw ng paglilinis sa kanila, ayon sa kautusan
ni Moises, ang mga magulang ni Hesus ay pumunta sa Jerusalem.
Dala nila ang sanggol upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon
sa Kautusan, “ Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa
Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon:
“Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”

May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala‟y Simeon. Matapat at malapit
sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang
Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga‟t hindi
niya nakikita ang Mesias na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu,
pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang
sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya‟y kinalong ni
Simeon. Ito‟y nagpuri sa Diyos, na ang wika,

“Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin, ayon sa iyong


pangako, yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, na

Via Matris Dolorosa 6


inihanda mo para sa lahat ng bansa: Liwanag itong tatanglaw sa mga
Hentil, at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.”

Namangha ang ama‟t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa


kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang
ito‟y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda
mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya‟t mahahayag ang kanilang
iniisip. Dahil diyan, ang puso mo‟y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”

℣: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

℟: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

MAIKLING PAGNINILAY
Hindi lamang sakit sa puso ni Maria ang dulot ng mga salita ni Simeon.
Nag-alala siya para sa Panginoon. Sino bang ina ang hindi mag-aalala para sa
kaniyang anak? Ganun din si Maria. Nag-aalala siya para sa kapakanan ng
kaniyang iniibig na Anak.
Pero, dahil sa pagiging masunurin ni Maria, naghahanda siya at
naghihintay para sa pagdating ng araw na iyon. Ang araw kung saan ang
kaniyang anak – ang Tagapagligtas ng sangkatauhan, ay mag-aalay ng
Kaniyang sariling Buhay sa Krus para sa kaligtasan ng buong sangnilikha.

Panalangin
℣: Panginoong Hesukristo, tulad ng Iyong sinisintang Ina, kami rin ay
magdaranas ng mga pighati at lungkot sa aming buhay. Mga
balaraw ng kabiguan at mabibigat na pagsubok na lyong
hinahayaan. Nawa, sa biyaya ng Inang Maria ay maging matatag

Via Matris Dolorosa 7


kami sa pagharap dito, nang kami’y makalasap sa Iyong pangakong
kaginhawaang walang hanggan. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

℟: Amen.

Pagkaraan nito ay dadasalin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at ang Luwalhati.

Ama Namin
Aba Ginoong Maria
Luwalhati
Pagkaraan nito, ang koro ay aawit ng isang naaangkop na awitin.

AWIT
Pagkaraan nito ay magpapatuloy ang lahat.

Ang Ikalawang Hapis ni Maria


Ang Pagtakas Patungo sa Egipto
MABUTING BALITA
Mateo 2, 13-15

℣: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.

℟: Papuri sa Iyo Panginoon.

P
agkaalis ng mga Pantas, napakita kay Jose sa panaginip ang isang
anghel ng Panginoon. Sinabi sa kanya, “Magbangon ka, dalhin mo
agad sa Egipto ang magina. At huwag kayong aalis doon hangga‟t

O
hindi ko sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni Herodes ang
sanggol upang patayin.” Kaya dali-daling bumangon si Jose at nang gabing
Via Matris Dolorosa 8
iyo‟y dinala sa Egipto ang mag-ina. Doon sila tumira hanggang sa mamatay si
Herodes.

Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan


ng propeta, “Tinawag ko ang aking Anak mula sa Egipto.”

Galit na galit si Herodes nang malamang siya‟y napaglalangan ng mga


Pantas. Kaya‟t ipinapatay niya ang mga batang lalaki sa Betlehem at mga
palibot na pook – lahat ng may gulang na dalawang taon pababa, alinsunod sa
panahon ng paglitaw ng tala na natiyak niya sa mga Pantas.

Sa gayo‟y natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias: “Narinig sa Rama ang


malakas na panaghoy. Tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak. Hindi
siya maaliw sa tindi ng kalungkutan dahil sa pagkamatay nila.”

℣: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

℟: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

MAIKLING PAGNINILAY
Sa kabila ng kagalakan na dulot ng kapanganakan ng Kaniyang
sinisintang Anak na si Hesukristong ating Mesiyas, kaagad namang napalitan
ng takot, agam-agam at pag-aalala ang nararamdaman ng Mahal na Birhen
nang malaman niya, ayon sa balita ng anghel ng Panginoon, na ipapapatay ng
Haring Herodes ang sanggol na si Hesus. Sa kabila ng kawalan ng kamalayan
ng kaniyang sinisintang Anak, kahindik-hindik na panganib naman ang
kinakaharap niya dahil kay Herodes sa sukaban. Kaya naman, sila‟y tumakas
patungo sa bayang Egipto. Anong paghihirap para kina Jose, Maria at Sanggol
na Hesus ang malayo sa sariling bayan ng Judea upang manirahan sa isang
paganong bansa at sumuong sa walang kasiguraduhang hinaharap.

Via Matris Dolorosa 9


Panalangin
℣: Panginoong Hesus, tulad ng Iyong Ina, kami rin ay madalas na
nahaharap sa mga bagay at sitwasyon na walang kasiguraduhan.
Madalas ay takot at agam-agam ang umaalipin sa amin. Nawa sa
tulong ng lyong mahal na grasya ay lagi Mo kaming gabayan at
alalayan. Hiling namin na kami’y Iyong pakaingatan, upang tulad
ng Mahal na Ina ay maging ganap ang aming pagtitiwala sa Iyong
walang hanggang kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon.

℟: Amen.

Pagkaraan nito ay dadasalin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at ang Luwalhati.

Ama Namin
Aba Ginoong Maria
Luwalhati
Pagkaraan nito, ang koro ay aawit ng isang naaangkop na awitin.

AWIT
Pagkaraan nito ay magpapatuloy ang lahat.

Via Matris Dolorosa 10


Ang Ikatlong Hapis ni Maria
Ang Paghahanap kay Hesus sa Jerusalem
MABUTING BALITA
Lucas 2, 41-52

℣: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas.

℟: Papuri sa Iyo Panginoon.

T
aun-taon, tuwing Pista ng Paskuwa, ang mga magulang ni Hesus
ay pumupunta sa Jerusalem. At nang labindalawang taon na siya,
pumaroon sila gaya ng dati nilang ginagawa. Pagkatapos ng pista,

O
sila‟y umuwi na. Nagpaiwan si Hesus sa Jerusalem ngunit hindi
ito napansin ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakala ng isa na si Hesus ay
kasama ng isa, nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay. Nang malaman
nilang hindi siya kasama, siya‟y hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at
kakilala. Hindi nila siya matagpuan, kaya‟t bumalik sila sa Jerusalem upang
doon hanapin. At nang ikatlong araw, natagpuan nila si Hesus sa loob ng
templo, nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig siya sa kanila at
nagtatanong; at ang lahat ng nakarinig sa kanya ay namangha sa kanyang
katalinuhan. Nagtaka rin ang kanyang mga magulang nang siya‟y makita.
Sinabi ng kanyang ina, “Anak, bakit naman ganyan ang ginawa mo sa amin?
Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa pag-hahanap sa iyo.” Sumagot siya,
“Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako‟y dapat na nasa
bahay ng aking Ama?” Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito.

Via Matris Dolorosa 11


Siya‟y umuwing kasama nila sa Nazaret, at naging isang masunuring
anak. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso.
Patuloy na lumaki si Hesus. Umunlad ang kanyang karunungan at lalong
kinalugdan ng Diyos at ng mga tao.

℣: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

℟: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

MAIKLING PAGNINILAY
Sa pagpapalaki at pag-aalaga ng Mahal na Ina sa batang Hesus, si Kristo
ay hindi kailanman nalayo sa kaniyang paningin. Sa paglalaro, siya ay laging
nakaagapay at saanman naroon ang batang Hesus, siya‟y laging nakaalalay.
Ngunit anong laking takot at pag-aalala ng puso ni Maria nang hindi nila
matagpuan si Hesus. Hindi mailalarawan ang kaniyang pag-aalala sa kaniyang
sinisintang Anak na nawalay sa kaniyang piling. Kaya‟t bumalik sila sa
Jerusalem upang doon Siya ay hanapin. At sa loob ng tatlong araw ay gulong-
gulo ang kaniyang isip. Hanggang sa matagpuan nila si Hesus sa Templo, at
dahil dito, gayon na lamang ang naging kagalakan ng Mahal na Birheng Maria.

Panalangin
℣: Panginoon, tulad ng Iyong sinisintang Ina, kami rin ay minsang
nalalayo sa lyong piling. Nagiging malungkot at sawing-palad ang
aming buhay kung Ikaw ay wala sa aming piling. Nagsusumamo
kami na sa lyong awa at habag, kami’y Iyong tulungan upang Ika’y
muli naming masumpungan, nang sa gayon, kami ay Iyong
masamahan sa aming pag-iisa at kapanglawan. Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Via Matris Dolorosa 12


℟: Amen.

Pagkaraan nito ay dadasalin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at ang Luwalhati.

Ama Namin
Aba Ginoong Maria
Luwalhati
Pagkaraan nito, ang koro ay aawit ng isang naaangkop na awitin.

AWIT
Pagkaraan nito ay magpapatuloy ang lahat.

Ang Ika-apat na Hapis ni Maria


Ang Pagkakita nina Hesus at Maria
sa Daang Patungong Kalbaryo
MABUTING BALITA
Lucas 23, 26-32

℣: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas.

℟: Papuri sa Iyo Panginoon.

N
ang dala na nila si Hesus upang ipako, nasalubong nila ang isang
lalaking galing sa bukid. Ito‟y si Simon na taga-Cirene. Pinigil
nila ito at ipinapasan sa kanya ang krus, kasunod ni Hesus.

O Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang mga babaing


nananaghoy at nananambitan dahil sa kanya. Nilingon sila ni Hesus at sinabi
sa kanila, “Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan. Ang

Via Matris Dolorosa 13


tangisan ninyo‟y ang inyong sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo:
darating ang mga araw na sa sabihin nila, „Mapalad ang mga baog, ang mga
sinapupunang hindi nagdalantao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.‟ Sa
mga araw na iyo‟y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, „Gumuho kayo sa
amin!‟ at sa mga burol, „Tabunan ninyo kami!‟ Sapagkat kung ganito ang
ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman ang gagawin sa tuyo?”

May dinala pa silang dalawang salarin upang pataying kasama ni Hesus.

℣: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

℟: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

MAIKLING PAGNINILAY
Sino bang ina ang hindi malulumbay na makita na ang kaniyang anak ay
nagdurusa at pinaparusahan kahit wala naman siyang ginawang kasalanan?
Higit pa riyan, siya ay hinatulan ng isang nakahihiyang kamatayan sa krus.
Anong hapdi sa puso ng Mahal na Ina ang makita ang maamong mukha at
katawan ng Kaniyang Anak na tigmak sa dugo bunga ng mga pagpaparusa at
pangaalipusta sa Kaniya. At anong sakit nang masaksihan ng Mahal na Birhen
ang hindi makataong paglapastangan sa kaniyang sinisintang Anak.
Tiniis ng Mahal na Ina ang lahat ng ito sa pagkasalubong niya sa kaniyang
Anak patungo sa kalbaryo. Si Maria‟y sinulyapan ni Kristo nang may
pagmamahal at pasasalamat, dahil maging sa pinakamasaklap at pinakamapait
na pangyayari ay hindi niya ito iniwanan.

Via Matris Dolorosa 14


Panalangin
℣: Panginoong Hesus, tulad nawa ng Iyong sinisintang Ina, kami rin ay
makapanatili sa lyong tabi at maging handang sumunod sa lyong
Banal na Kalooban. Maging matatag nawa kami sa mga unos at
pagsubok, upang tulad ng Iyong Inang si Maria, kami’y manatiling
tapat sa lyong pagtawag. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon.

℟: Amen.

Pagkaraan nito ay dadasalin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at ang Luwalhati.

Ama Namin
Aba Ginoong Maria
Luwalhati
Pagkaraan nito, ang koro ay aawit ng isang naaangkop na awitin.

AWIT
Pagkaraan nito ay magpapatuloy ang lahat.

Ang Ika-limang Hapis ni Maria


Si Maria sa Paanan ng Krus ni Hesus
MABUTING BALITA
Juan 19, 25-27

℣: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

℟: Papuri sa Iyo Panginoon.

Via Matris Dolorosa 15


N
oong panahong iyon: Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang
kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni
Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus

O
ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito,
kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito
ang iyong ina!” Mula noon, siya‟y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

℣: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

℟: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

MAIKLING PAGNINILAY
Ito ang pinakamasakit na pangyayari para sa Mahal na Ina, hindi
maipapaliwanag ng kahit na anong salita ang kaniyang matinding hapis na
nadarama, habang kaniyang pinagmamasdan ang kaniyang Anak na iniibig na
nakapako sa krus, puno ng sugat, bugbog at duguan, at hinihintay na lamang ang
Kaniyang kamatayan. Kaalinsabay nito ay ang pagdaloy din ng dugo mula sa
kaniyang puso dahil sa labis na hinagpis at dusa na kaniyang nararamdaman.
Labis-labis ang pagtangis ng Mahal na Ina sa mga pangyayaring ito – na
nakikita niya ang karimarimarim na sinapit na pagkamatay ng kaniyang Anak na
si Hesukristro. Pero, totoo ang propesiya, kalooban ng Diyos na maligtas ang
tao sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo sa Krus. Ang lahat nang ito ay
parang mga balaraw na malalim na sumusugat sa puso ng Mahal na Ina. Hindi
man mapigilan ang pagtangis, si Maria ay tahimik na nakihati sa pagdurusa ng
kaniyang Anak na si Hesus. Sapagkat, sa Krus ng kahihiyan, napagtanto niya at
nahayag ng lubusan kung sino ang kaniyang minamahal na Anak. Sa mga huling
wika ni Kristo, inihayag niyang lubusan na siya nga ang Mesiyas, ang ating
Tagapagligtas.

Via Matris Dolorosa 16


Panalangin
℣: Panginoong Hesus, tulad ng lyong Ina, kami rin ay may mga mahal sa
buhay na dumaranas ng mga mabibigat na pagsubok. Hinihiling
namin na ipagkaloob Mo nawa sa amin ang biyaya ng pang-unawa sa
Iyong Banal na Kalooban, upang tulad ng Iyong Ina ay mahayag din
sa amin na Ikaw ang tanging Tagapagligtas ng buong sangkatauhan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

℟: Amen.

Pagkaraan nito ay dadasalin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at ang Luwalhati.

Ama Namin
Aba Ginoong Maria
Luwalhati
Pagkaraan nito, ang koro ay aawit ng isang naaangkop na awitin.

AWIT
Pagkaraan nito ay magpapatuloy ang lahat.

Ang Ika-anim na Hapis ni Maria


Si Hesus ay Ibinaba mula sa Krus
MABUTING BALITA
Juan 19, 31-38

℣: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

℟: Papuri sa Iyo Panginoon.

Via Matris Dolorosa 17


N
oo‟y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa
krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila
ang Araw ng Pamamahingang ito. Kaya‟t hiniling nila kay Pilato

O
na ipabali nito ang mga binti ng mga ipinako sa krus, at alisin
doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti
ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus. Ngunit pagdating nila kay Hesus at
makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos
ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Hesus, at biglang dumaloy ang
dugo at tubig. Ang nakakita nito ang nagpapatotoo – tunay ang kanyang
patotoo at alam niyang katotohanan ang sinabi niya – upang kayo‟y maniwala.
Nangyari ang mga ito upang matupad ang sinabi ng kasulatan, “Walang
mababali isa man sa kanyang mga buto.” At sinabi naman ng ibang bahagi ng
Kasulatan, “Pagmamasdan nila ang kanilang inulos.”

Pagkatapos nito, si Jose na taga-Arimatea ay nagsadya kay Pilato upang


humingi ng pahintulot na makuha ang bangkay ni Hesus. Si Jose‟y isang
alagad ni Hesus, ngunit palihim nga lamang dahil sa takot sa mga Judio. At
pinahintulutan siya ni Pilato; kaya‟t kinuha ni Jose ang bangkay ni Hesus.

℣: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

℟: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Via Matris Dolorosa 18


MAIKLING PAGNINILAY
Labis ang pagdadalamhati ng Mahal na Ina sa pagpanaw ng kaniyang
iniibig na Anak. Kalong ang walang buhay na katawan ni Kristong Mahal,
walang patid naman ang pagdaloy ng luha ng masintahing Inang si Maria. Nais
niyang awitan ang Panginoon, ngunit ang katawan ng Poong Mahal ay wala
nang buhay – wala nang malay at nalagutan na ng hininga. Labis ang dinanas
na hapis at dalamhati nang makita ng Mahal na Ina ang pagpanaw ng kaniyang
Anak. Mahapdi, matindi ang kirot, ngunit sa tagong kamalayan ng Mahal na
Birhen ay batid niya ang dakilang bunga ng Pagpapakasakit at Pagkamatay
kaniyang Anak. Ang pagdurusa at pagkamatay ni Kristo ay sapat na upang
mapagtagumpayan ang kasamaan ng buong sansinukob.

Panalangin
℣: Panginoong Hesus, tulad ng lyong Ina, makita rin nawa namin ang
Iyong dakilang layunin para sa aming buhay. Hapis, dusa at sakit
man ang sa amin ay mangyari, loobin Mo Panginoon na kami ay
matulad sa Iyong Inang iniibig, na patuloy na maniwala, magtiwala
at sumunod sa lyong Banal na Kalooban. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

℟: Amen.

Pagkaraan nito ay dadasalin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at ang Luwalhati.

Ama Namin
Aba Ginoong Maria
Luwalhati
Pagkaraan nito, ang koro ay aawit ng isang naaangkop na awitin.

Via Matris Dolorosa 19


AWIT
Pagkaraan nito ay magpapatuloy ang lahat.

Ang Ikapitong Hapis ni Maria


Ang Paglilibing kay Hesus
MABUTING BALITA
Juan 19, 38-42

℣: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

℟: Papuri sa Iyo Panginoon.

P
agkatapos nito, si Jose na taga-Arimatea ay nagsadya kay Pilato
upang humingi ng pahintulot na makuha ang bangkay ni Hesus. Si
Jose‟y isang alagad ni Hesus, ngunit palihim nga lamang dahil sa

O
takot sa mga Judio. At pinahintulutan siya ni Pilato; kaya‟t kinuha
ni Jose ang bangkay ni Hesus. Sumama sa kanya si Nicodemo, may dalang
pabango – mga sandaang libra ng pinaghalong mira at aloe. Siya ang nagsadya
kay Hesus isang gabi. Kinuha nila ang bangkay ni Hesus, at nilagyan ng
pabango habang binabalot sa kayong lino, ayon sa kaugalian ng mga Judio. Sa
pinagpakuan kay Hesus ay may isang halamanan, at dito‟y may isang bagong
libingang hindi pa napaglilibingan. Yamang noo‟y araw ng Paghahanda ng mga
Judio, at dahil sa malapit naman ang libingang ito, doon nila inilibing si Hesus.

℣: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

℟: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Via Matris Dolorosa 20


MAIKLING PAGNINILAY
Hindi nawalan ng pag-asa si Maria, sapagkat naniniwala siya na hindi
nagtatapos ang lahat sa kamatayan. Muling mabubuhay sa ikatlong araw ang
kaniyang Anak na si Hesus. Sa kabila ng pagdadalamhati at pangungulila dahil
sa pagpanaw ng kaniyang sinisintang Anak, patuloy pa rin siya sa panananalig
sa dakilang plano at kalooban ng Poong Maykapal. Magpapahinga ang
Panginoon, pero sa ikatlong araw, Siya‟y babangon mula sa libingan at muling
makakapiling ng kaniyang iniibig na Ina at mga alagad. Katulad ng Mahal na
Birheng Maria, magkaroon nawa tayong lahat ng matatag na pananalig sa
Diyos, katulad ng kaniyang walang hanggang pagtitiwala sa kalooban ng
Poon, kahit pa naging mabigat ang mga pinagdaanan niya.

Panalangin
℣: Panginoong Hesus, tulad ng lyong Ina, kami rin ay dumaranas ng
pangungulila sa lyo. May mga pagkakataon na ramdam naming
Ika’y malayo sa aming piling, na para bang kami ay tuluyan Mong
iniwan. Nawa Panginoon, sa tulong ng Iyong makalangit na mga
biyaya, katulad ng Iyong sinisintang Ina, manatili nawang buhay sa
aming mga puso ang Iyong mga Salita, nang kami’y magkamit at
makalasap sa kaligtasang Iyong dala. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

℟: Amen.

Via Matris Dolorosa 21


Pagkaraan nito ay dadasalin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at ang Luwalhati.

Ama Namin
Aba Ginoong Maria
Luwalhati
Pagkaraan nito, ang koro ay aawit ng isang naaangkop na awitin.

AWIT
Pagkaraan nito ay ang Pangwakas na Panalangin.

℣: Manalanin tayo.

O Panginoong Hesukristo, isinasamo namin sa Iyo na ang


pinagpalang Birheng Maria, ang Iyong Mahal na Ina, na ang kabanal-
banalang kaluluwa ay tinarakan ng balaraw ng kapanglawan at
pagdadalamhati sa oras ng Iyong pagdurusa, ay nagsusumamo para
sa amin, sa Iyong walang hanggang kagandahang-loob, ngayon at sa
oras ng aming kamatayan. Pagindapatin Mong kaming nakisalo sa
kaniyang pagdadalamhati ay makatamasa sa Iyong katubusang hatid,
nang kami’y makarating sa Iyong piling, upang ang tanang sa Iyo’y
nananalig ay makahantong sa Iyong kaharian sa langit. Hinihiling
namin ito sa pamamagitan Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

℟: Amen.

Pagkaraan nito ay ang pagwawakas.

Via Matris Dolorosa 22


℣: Pagpalain nawa tayo ng Panginoong Diyos,
iligtas nawa tayo mula sa lahat ng kasamaan
at akayin tayo tungo sa buhay na walang hanggan.

℟: Amen.

℣: ✠ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

℟: Amen.

Via Matris Dolorosa 23

You might also like