You are on page 1of 20

ANG DAAN NG KRUS SA MGA MATA NG MAHAL NA BIRHENG MARIA (TRADISYUNAL)

Ang pagninilay ng Daan ng Krus na ito ay kakaiba sa nakaugalian na nating pagdarasal at pagninilav ng
tradisyunal na gawaing nakagisnan na ng maraming mga Pilipino. Ito ay sapagkat ang Daan ng Krus na ito
ay naaayon sa kung papaano nasaksihan at napagnilalian ng Mahal na Birheng Maria ang
nagpapakasakit, paghihirap at pagkamatay ng Panginoon. Siya ang unang saksi sa lahat ng mga
pinagdaanan ni Hesus, at siya rin ang unang Kristiyano na nagsagawa ng pagninilay sa Daan ng Krus ng
kanyang anak, ang ating Panginoong Hesu-Kristo. Sa kanvang pagsubaybay sa landas ng kanyang anak
patungong Kalbaryo, tayo rin ay inaanyayahan na magnilay, manalangin at damahin ang naramdaman ni
Maria. Siya ang gabay natin sa Daan ng Krus sapagkat "natanim sa isip ni Maria ang lahat ng ito at
kanyang pinagbulay-bulay" (Lc 2:19).

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Namumuno:

Ama naming mapagmahal, isinugo mo ang iyong Bugtong na Anak mula sa kalangitan upang maging tao
sa sinapupunan ng Mahal na Birhen. Siya'y naging iyong Salita ng kaligtasan para sa amin. Pagindapatin
mo na lulad ng Mahal na Birherl buong pusong makapakikinig sa iyong Salita at mapagnilayan ang landas
ng misteryo ng aming katubusan. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Jesu-Kristong Anak mo, na
nabubuhay at naghahari, kaisa mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan.

R. Amen

UNANG ISTASYON SI HESUS AY HINATULANG MAMATAY

V/. Adoramus te, Christe, et

benedicimus tibi.

R/. Quia per sanctam crucem tuam


redemisti mundum.

PAGBASA (Mateo 27 :22-23,26)

Sinabi sa kanila ni Pilato, "Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Hesus na tinatawag na Kristo?"

Sumagot ang lahat, "Ipako sa krus!" "Bakit? Anong masama ang ginawa niya?" tanong ni Pilato. Ngunit
lalo pa nilang isinigaw, "Ipako sa krus!" At pinalaya niya si Barrabas, ngunit ipinahagupit si Hesus at
ibinigay sa kanila upang ipako sa krus.

PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)

Araw ng Biyernes, sa pagputok ng unang liwanag ko nakita ang aking anak. Ito ang unang pagkakataon
na masulyapan kong muli siya simula nang siya ay dinakip. Tila ba may balaraw na unti-unting bumaon
sa aking puso nang makita ko ang kanyang nagdurugo at sugatang katawan. Ang pinakamamahal kong
anak! Napakasakit pakinggan ang sigaw ng mga taong nakapaligid sa akin, "Ipako sa krus! Ipako sa krus!"
Nais kong magmaka-awa, nais kong makiusap sa kanila. Ngunit alam kong kailangan itong maganap;
kaya't kahit walang lakas,.tumayo ako ng mahinahon at nanangis sa katahimikan.

PANALANGIN

Panginoong Hesus, napakasaklap isipin ang pagdadalamhati ng iyong ina nang ikaw ay hatulan ng
kamatayan. Sa dalamhati at sakit ni Maria, nararamdaman namin ngayon ang.hapis na iyong
nararamdaman sa tuwing kami ay nagtatampo at nagagalit sa iyo. Ang sigaw na "Ipako sa krus!" ay salat
kumpara sa paglayo at pagkamuhi na nararamdaman ng marami sa amin sa tuwing kami ay nakakaranas
ng hirap at suliranin. Patawad, O Hesus, sa aming mga pagkukulang! Turuan mo kaming tumayo ng
mahinahon sa gitna ng kawalan ng pag-asa. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.

Para sa intensyon ng Santo Papa:

Ama namin...

Aba Ginoong Maria...

Luwalhati...
IKALAWANG ISTASYON PINASAN NI HESUS ANG KRUS

V/. Adoramus te, Christe, et

benedicimus tibi.

R/. Quia per sanctam crucem tuam

redemisti mundum.

PAGBASA (Mateo 27:27-31)

Si Hesus ay dinala ng mga kawalng gobernador sa pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa

paligid niya. Hinubaran nila siya at sinuutan ng isang balabal na pulang-pula. Naglikaw sila ng halamang
matinik at ipinutong sa kanya, saka pinapaglnwak ng isang tambo sa kanyang kanang kamay. At palibak
siyang niluhud-luhuran at binati: "Mabuhay ang Hari ng mga Judio!' Siya'y pinaglulurhan, kinuha nila ang
tambo at siya'y pinaghahampas sa ulo. At matapos kutyain kanilang inalisan siya ng balabal, sinuutan ng
sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus.

PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)

Matapos makapag-ipon ng kaunting lakas, sumabay ako sa paglakad ng mga tao patungo sa may labas
ng pretoryo. Biglang Lumukas ang pinto ng pretoryo at bumulagta palabas ang aking duguang anak.
Dalawang kalalakihan ang sumunod na lumabas. Dala nila ang isang kahoy na krus na mabigat. Ito ay
ipinapasan nila sa balikat ng aking anak, at pinilit nila siyang maglikad. Hindi ko matiis na makita na
naghihirap ang aking anak. Naiskong buhatin ang kanyang krus para sa kanya. Ngunit alam kong
kailangan itong maganap;kaya't tahimik ko siyang sinundan.

PANALANGIN

Panginoong Hesus, patawarin mo kami sa maraming beses naming pagaadagdag ng bigat sa iyong krus.
Sa pagpapabaya naming maghirap ka sa pagpasan ng iyong krus dahil sa pagbubulag-bulagan namin sa
kahirapan at kalungkutan ng aming kapwa. Patawarin mo kami sa aming pag-iwas sa mga
kapwa naming nangangailangan sa pakikibahagi namin sa tsismis at sa mga usaping waling kabuluhan.
Turuan mo kami na matularan si Maria na palaging naghahangad na pagaanin ang iyong pasanin. Turuan
mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.

Para sa intensyon ng Santo Papa:

Ama namin..

Aba Ginoong Maria...

Luwalhati...

IKATLONG ISTASYON ANG UNANG PAGKADAPA NI HESUS

V/. Adoramus te, Christe, et

benedicimus tibi.

R/. Quiu per sanctam crucem tuam

redemisti mundum.

PAGBASA (Isaias 53:4-6)

Tiniis niya ang hirap na tayo ang dapat magbata, gayon din ang kirot na tayo sana ang lumasap; akala
natin ang dinanas niya'y parusa sa kanya ng Diyos. Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan;
siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya at sa mga
hampas na kanyang tinanggap. Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw; nagkanya-kanya tayo ng
lakad. Ngunit inibig ng Panginoon na sa kanya ipataw ang parusang tayo ang dapat tumanggap.

PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)

Sinundan ko ang bakas ng mga yapak ng aking anak patungong Kalbaryo. Wala nang higit pang
nakapagdulot sa akin ng sakit kung hindi ang makita ko siyang nagdurusa. Nasaksihan ko ang unti-unting
pagbaon ng bigat ng krus sa kanyang mga Balikat. Ang puso ko'y labis na tumangis nang makita ko siyang
Nadapa at ang mabigat na krus ay humampas sa kanyang likuran. Sa unang tingin, akala ko ay namatay
na ang aking anak! Ngayon, unti-unting nangatal ang aking katawan. Sinipa ng mga bantay ang aking
anak! Dahan-dahang tumayo ang aking anak, subalit patuloy ang paglatigo sa kanya. Nais ko siyang
yakapin, kahit na ako na lang ang latayan ng latigo. Ngunit alam kong kailangan itong maganap; kaya't
tahimik ko siyang sinundan.

PANALANGIN

Panginoon ilang beses na ba namin ikaw nakitang nadapa, ngunit, hindi tulad ni Maria, hinayaan lang
namin ikaw sa lupa? Ilang beses na ba namin na nakita ang aming kapwa na nagkamali at pinagtawanan
na lamang namin? Ilang beses na ba kaming nagalit kapag iba ang ikinilos ng iba kumpara sa inaasahal
namin? Umalalay si Maria sa iyo sa iyong daan ng krus. Turuan mo rin kaming umalalay sa iyo sa pag-
alalay at pagsuporta namin sa aming kapwa. Turuan mo kaming tumahak sa ivong daan ng krusl Amen.

Para sa intensyon ng Santo Papa:

Ama namin...

Aba Ginoong Maria...

Luwalhati...

IKAAPAT NA ISTASYON ANG PAGKIKITA NI HESUS AT NG KANYANG INA

V/. Adoramus t€, Christe, et

benedicimus tibi.

R/. Quia per sanctam crucem.tuam

redemisti mundum.
PAGBASA (Lucas 2:34-35,51)

Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, "Tandaan mo, ang batang ito'y nakatalaga sa
ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa lsrael, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami
kaya't mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo'y para na ring tinarakan ng isang
balaraw." Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso.

PAGNINILAY(Babasahin ng isang babae.)

Nagawa kong makalapit sa aking anak sa kabila ng mga taong nangungutya sa kanya. Tinawag ko siya sa
kabila ng mga sigaw ng panlilibak. Tumigil siya sa paglakad. Nagpangita ang aming mga mata -- ang sa
aki'y puno ng luha, ang sa kanva'y puno ng hirap at pagkalito. Para akong nanghina; ngunit tila ba
nangusap ang kanyang mga mata: "Lakasan mo ang iyong loob! Ang lahat ng ito ay may nilalayon." Kahit
na ako ay natitisod sa aking paglalakad, alam ko na tama ang sinasabi niya.Kaya't tahimik ko siyang
sinundan.

PANALANGIN

Panginoon, patawarin mo kami sa tuwing ang ating mga mata ay nagpapangita subalit inilalayo namin
ang aming paningin sa iyo. Patawarin mo kami sa aming pagkukulang na makalapit sa iyo. Patawarin mo
kami sa tuwing pinanghihinaan kami ng loob o sa tuwing mahihirapan kami at hindi namin dininig ang
panawagan mong lakasan namin ang aming loob. Oo, Panginoon, ilang beses nang nagpangita ang ating
mga mata, ngunit hindi namin pinansin. Turuan mo kaming makinig sa iyo tulad na pakikinig ni Maria sa
ivo. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
Para sa intensvon ng Santo Papa:

Ama namin...

Aba Ginoong Maria...

Luwalhati...

IKALIMANG ISTASYON TINULUNGAN NI SIMON NA TAGA-CIRENE SI HESUS SA PAGPASAN NG KRUS

V/. Adoramus te,christe, et

benedicimus tibi.

R/. Quia per sanctam crucem tuam

redemisti mundum.

PAGBASA (Mateo 27:32;16:24)

Paglabas nila ng lunsod, kanilang nakita ang isang lalaking nagngangalang Simon, isang taga-Cirene.
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Kung ibig ninumang sumunod sa akin limutin niya ang ukol sa
kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin."

PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)

Nakikita ko na ngayon ang unti-unting panghihina at pagkapagod sa mukha ng aking anak habang pilit
niyang binubuhat ang bigat ng kanyang krus. Ang kanyang bawat hakbang ay tila ba huli na niyang
hakbang. Sa puso ko, ramdam ko ang bawat sakit na kanyang nararamdaman at nais kong matapos na
ang lahat ng paghihirap niyang ito. Biglang nagkaroon ng maliit na kaguluhan malapit sa aking anak.
Nakita ko na pilit na hinihila ng mga kawal ang isang nagpupumiglas na lalaki mula sa mga nanonood.
Pinilit nilang ipapasan sa kanya ang dulo ng krus ng aking anak upang pagaanin ang dalahin ni Hesus.
Nagtanong ang lalaki kung bakit siya pa ang pinili. Alam ko ang kasagutan, at tahimik ko silang sinundan.
PANALANGIN

Panginoong Hesu-Kristo, maraming beses ka naming tinanggihang tulungan. Naging madamot at


makasarili kami, at nag-alinlangan kami sa iyong salita. Huwag mong hayaan na kami ay maging tulad ni
Simon; tulungan mo kaming maging tulad ng iyong inang si Maria na tahimik na nakikinig at sumusunod
sa iyong salita. Itinuro mo sa amin na " ang naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay siyang
mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang- alang sa akin ay sivang magkakamit
noon" (Lucas 9:24).Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.

Para sa intensyon ng Santo Papa:

Ama namin...

Aba Ginoong Maria...

Luwalhati...

IKAANIM NA ISTASYON PINUNASAN NI VERONIKA ANG MUKHA NI HESUS

V/. Adoramus te,Christe, et

benedicimus tibi.

R/. Quia per sanctam crucem tuam

redemisti mundum.

PAGBASA (Isaias 53:2-3)

Kalooban ni Yahweh na ang kanyang lingkod ay matulad sa

isang halamang natanim sa tuyong lupa. Walang katangian o kagandahang makatawag-pansin, wala
siyang taglay na pang-akit para lapitan siya. Hinamak siya ng mga tao at itinakwil. Nagdanas siya ng sakit
at hirap. Wala man lang nagtapon ng sulyap sa kanya. Hindi natin siya pinansin, pa siyang walang
kabuluhan.
PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)

Sa aking pagsunod sa yapak ng aking anak, mayroong isang babae na nagpilit makalapit kay Hesus.
Tinanggal niya ang kanyang belo at ipinunas ito sa pawisan at duguang mukha ng aking anak. Hinila siya
palayo kay Hesus, at bakas sa kanyang mga mukha ang katanungang "Bakit ninyo ito ginagawa
sakanya?" Alam ko, kaya tahimik at buong pananalig kongsinundan ang aking anak.

PANALANGIN

Panginoon, ginawa ng babae na ito ang lahat ng kanyang magagawa para sa iyo; samantalang mas iniisip
namin ang aming matatanggap kaysa maibibigay sa iyo. Maraming pagkakataon ang dumarating upang
makatulong kami sa iyo araw-araw sa pamamagitan ng pagtulong namin sa kapwa, ngunit hinahayaan
lamang namin itong lumampas. Turuan mo kaming huwag ipagpabukas ang pagtulong sa aming kapwa.
Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi namin alam ang araw ni

ang oras (Mt 25:13) ng iyong pagdating. Ituro mo sa amin na ngayon na ang panahon ng pagtulong.
Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.

Para sa intensyon ng Santo Papa:

Ama namin...

Aba Ginoong Maria...

Luwalhati....

IKAPITONG ISTASYON ANG IKALAWANG PAGKADAPA NI HESUS

V/. Adoramus te, Christe, te

benedicimus tibi.

R/. Quia per sanctam

redemisti mundum.

PAGBASA
(Mga Panaghoy 3:1-2, 9, 16)

Naranasan ko kung gaano kahirap ang maparusahan ng Diyos. Itinaboy niya ako sa lugar na wala kahit
bahagyang liwanag. Susuray-suray ako sa tindi ng hirap. At kahit saan ako bumaling ay may pader na
nakahalang. Inginudngod niya sa lupa ang aking mukha at idinikdik sa bato ang aking bibig.

PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)

Muling nadapa ang aking anak, at labis akong nag-alala na baka siya ay tuluyan nang malagutan ng
hininga. Unti-unti- akong lumapit sa kanya, subalit hinarang ako ng mga bantay. Nagpumilit tumayo ang
aking anak, subalit siya ay nabuwal sa lupa. Mapait na pagdadalahati ang aking naramdaman habang
pinagmamasdan ko ang aking anak na nabubuwal, nagpipilit tumatayo, at nagpapatuloy sa paglakad.
Sapagkat batid ko na kailangan itong maisakatuparan, tahimik ko siyang sinundan.

PANALANGIN

Panginoon, maraming beses na kaming tumalikod sa iyo sabpaggawa namin ng mga kasalanan at
maraming ulit na rin kaming naging dahilan ng pagtalikod ng aming kapwa sa iyo. Hinihiling namin na
patawarin mo kami sa aming pagmamataas, pagiging marahas, at sa aming kawalan ng katarungan na
siyang lalong nagpapabigat sa iyong pasan na krus. Ang iyong Ina ang pinakatapat mong alagad. Hindi
siya sumusuko sa kabila ng sakit na kanyang naramdaman. Turuan mo kaming maging tapat mong mga
alagad tulad ng iyong Ina. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.

Para sa intensyon ng Santo Papa:

Ama namin...

Aba Ginoong Maria...

Luwalhati...

IKAWALONG ISTASYON NAKATAGPO NI HESUS ANG MGA BABAENG TAGA-JERUSALEM

V/. Adoramus te€, Christe, et


benedicimus tibi

R/. Quia per sanctam crucem yuam

redemisti mundum.

PAGBASA (Lucas 23:27 -29, 31)

Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang mga babaeng nananaghoy at nananambitan dahil sa
kanya. Nilingon sila ni Hesus at sinabi sa kanila, "Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong
tangisan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo: darating ang
araw na sasabihin nila, 'Mapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalantao, at ang mga
dibdib na hindi nagpasuso.' Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang
gagawin sa tuyo?"

PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)

Sinusundan ko si Hesus sa 'di kalayuan, nang siya ay biglang napatigil. Mayroong mga kababaihan na
tumatangis at habag na habag para sa kanya. Sinabihan niya sila na huwag tumangis para sa
anya.Nagkaroon na sila dati ng pagkakataong tanggapin siya bilang Mesiyas, ngunit hindi nila siya
tinanggap tulad ng ginawa ng marami. Sinabihan nila sila na lumuha para sa kanilang sarili, mga luha na
magdudulot sa kanila ng ganap na pagbabago ng puso. Hindi nila naunawaan ang kaugnayan ng kanyang
mga sinabi sa kanyang paglakad patungong Kalbaryo. Naunawaan ko ang kaugnayan niyon, at tahimik ko
siyang sinundan.

PANALANGIN

Panginoon, maraming beses na kumilos kami katulad ng mg; babae na taga-Jerusalem: nakikita ang
pagkakamali ng iba at nanghihinayang. Ngunit napakadalang na makita namin ang sarili naming
pagkakasala at napakadalang namin na humingi ng pagpapatawad. Ang luha ng iyong Ina na pumatak sa
daan ng krus na binahiran ng iyong dugo ng sakit at paghihirap ang siyang nagpagaan sa bigat ng iyong
krus na pasanin. Ang luhang ito ay nagpagaan dahil sa ito ay luha ng pagmamahal Turuan mo kaming
lumuha laban sa aming mga kasalanan tulungan mo kaming magmahal para sa aming kaligtasan. Turuan
mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.

Para sa intensyon ng Santo Papa:

Ama namin...

Aba Ginoong Maria.,.


Luwalhati...

IKASIYAM NA ISTASYON ANG IKATLONG PAGKADAPA NI HESUS

V/. Adoramus te, Christe, et

benedicimus tibi.

R/. Quia per sanctam crucem tuan

redemisti mundum.

PAGBASA (Habakkuk 1:12-13; 2:2-3)

Hindi ba't ikaw ay walang hanggan? O Yahweh, Diyos na kabanal-banalan at walang kamatayan. Itinalaga
mo ang mga taga-Babilonia, upang kami'y parusahan. O Batong matibay, inilagay mo sila upang kami'y
pahirapan. Ikaw ay banal, ayaw mong tumingin sa kasamaan. Hindi mo matatagalang tingnan ang
kalikuan. Bakit mo pinapayagan ang mga taksil? Bakit mo

pinababayaang apihin ang mga taong higit na matuwid kaysa kanila? At ito ang tugon ni Yahweh: "Isulat
mo ang pangitain; isulat mong malinaw sa mga tapyas ng bato, upang madaling mabasa at ibalita sa
lahat. Sapagkat hindi pa dumarating ang takdang panahon upang maganap ang pangitain; mabilis na
dumarating ang wakas - hindi ito maliliban. Ngunit tiyak na magaganap, kung ito man ay nagtatagal."

PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)

Ang pagbaksak ni Hesus ay matinding paghihirap sa akin.

Hindi lamang siya nabuwal sa mabatong daan, bagkus nalalapit

na siya sa paanan ng Kalbaryo. Sinigawan siya at

pinagmalabisan ng mga kawal, halos hinihila siya sa kanyang

bawat paglakad. Labis akong kinabahan nang maisip ko ang

susunod nilang gagawin sa aking anak. Ngunit alam ko na

dapat itong maisakatuparan, kayat tahimik ko siyang sinundan.


PANALANGIN

PanginooN, batid namin na maraming beses na rin naming inialok ang aming tulong sa kapwa. Ngunit sa
tuwing kami ay nawawalan na ng kaluwagan at kaginhawahan agad naming itinitigil ang aming
paglingap. Tulungan mo kami, Panginoon, na tularan ang iyong Ina, si Maria, at huwag isara ang aming
mga kamay sa pagsuporta sa mga nangangailangan nilo. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng
krus! Amen.

Para sa intensyon ng Santo Papa:

Ama namin...

Aba Ginoong Maria...

Luwalhati...

IKASAMPUNG ISTASYON SI HESUS AY HINUBARAN

V/. Adoramus te, Christe, et

benedicimus, tibi

R/. Quia per sanctam crucem tuam

redemisti mundum.

PAGBASA (Juan 19:23-24)

Nang maipako na ng mga kawal si Hesus, kinuha nila ang kanyang kasuotan at pinaghati-

hatian ng apat. Kinuha rin nila ang kanyang tunika; ito'y waiang tahi at hinabi nang buo mula sa itaas
hanggang sa ibaba. Nag-usap-usap ang mga kawal, "Huwag nating punitin ito; magsapalaran na lamang
tayo para malaman kung kanino ito mauuwi." Nangyari ito upang matupad ang isinasaad ng Kasulatan,
"Pinaghati-hatian nila ang aking mga kasulatan at ang aking damit ay kanilang pinagsapalaranan." Gayon
nga ang ginawa ng mga kawal.
PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)

Ngayong tapos nang pasanin ng aking anak ang kanyang krus, akala ko ay bibigyan siya ng pagkakataong
makapagpahinga' Subalit sapilitang hinubad ng mga kawal ang damit ng aking

anak sa kanyang duguang katawan. Napakasakit tingnan na ang mga sugat na unti-unti nang natuyo at
dumikit sa kanyang mga damit ay muling nanariwa sa pagtanggal ng kanyang mga damit. Hindi ko
kayang tingnan ang aking anak na nagdurusa. Ngunit alam ko na dapat itong maisakatuparan, kayat
nanatili ako at nanangis sa katahimikan.

PANALANGIN

Panginoon, sa aming sariling pamamaraan ay hinubaran ka namin at pinunit namin ang iyong kasuotan.
Maraming beses na naming siniraan ang aming kapwa sa walang kabuluhang pag- uusap, at maraming
pagkakataon na rin naming hinubaran ng dignidad ang aming kapwa dahil sa pamimintas namin sa
kanila. O pinakamamahal na Hesus, nasaktan ka namin sa iba't ibang pamamaraan dahil sa pasakit na
idinulot namin sa aming kapwa. Nawa, katulad ng iyong Ina, tumingin kami nang may awa at
pagmamahal sa aming kapwa upang matutunan namin na sa kanila ay "idamit namin si Kristo" (cf. Gal
3:27).Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.

Para sa intensyon ng Santo Papa:

Ama namin...

Aba Ginoong Maria...

Luwalhati...

IKALABING-ISANG ISTASYON SI HESUS AY IPINAKO SA KRUS

V/. Adoramus te, Christe, et


benedicimus tibi.

R/. Quia per sanctam crucem tuam

redemisti mundum.

PAGBASA (Mateo 27:35-42)

Nang maipako na siya sa krus, pinaghati-hatian nila ang

kanyang mga damit matapos magsapalaran. At naupo sila upang siya'y bantayan. Nakasulat sa kanyang
ulunan ang sakdal laban sa kanya: "Ito'y si Hesus, ang Hari ng mga Judio." Dalawang tulisan ang kasabay
niyang ipinako sa krus - isa sa kanan at isa sa kaliwa. Nilibak siya ng mga nagdaraan, at tatangu-tango
pang sinabi, "Di ba ikaw ang gigiba ng templo at muling magtatayo nito sa loob ng tatlong araw? Iligtas
mo ngayon ang iyong sarili! Kung ikaw nga'ang Anak ng Diyos, bumaba ka sa krus!" Kinutya rin siya ng
mga punong saserdote, ng mga eskriba at ng matatanda ng bayan. Sabi nila, "Iniligtas ang iba ngunit ang
sarili'y di mailigtas! Di ba siya ang Hari ng Israel? Bumaba lang siya ngayon sa krus, maniniwala kami sa
kanya!"

PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)

Buo na nagparava ang aking anak na siva ay ipako sa krus. Sa bawat pagpasok ng pako sa kanyang mga
kamay at paa, ramdam ko sa kaibuturan ng aking puso ang pagtarak ng mga balaraw. Itinayo nila ang
krus. Nandoon ang pinakamamahal kong anak, hinahamak habang siya ay agaw buhay na

lumalaban upang manatiling buhay. Ngunit alam ko na dapat itong maisakatuparan, kayat nanatili ako at
nanalangin sa katahimikan.

PANALANGIN

Ang mga kamay na dati ay nagbabasbas, ngayo'y nakapako na. Ang mga paa na dati rati ay naglalakbay
at nagdadala ng pag- ibig at pag-asa, ngayo'y napako na sa krus. Panginoon, ano'ng sakit ang binata mo
para sa amin! At ano'ng sakit ang dinala ng iyong pinakamamahal na ina sa pagkakasaksi niya sa unti-
unting pagkamatay ng kanyang mahal na anak! Subalit ikaw at ang iyong ina ay palaging handa na kami
ay patawarin sa tuwing kami ay magkakasala. Tulungan mo kami, Panginoon na lumayo sa pamumuhay
naming makasalanan. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
Para sa intensyon ng Santo Papa:

Ama namin…

Aba Ginoong Maria...

Luwalhati...

IKALABING DALAWANG ISTASYON SI HESUS AY NAMATAY SA KRUS

V/. Adoramus te, Christe

benedicimus tibi.

R/. Quia per sanctam crucem

redemisti mundum.

(Ang lahat ay lumuhod.)

PAGBASA (Mateo 27:45-46,50)

Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain. Nang mag-iikatlo ng
hapon, sumigaw si Hesus, "Eli, Eli, lama sabachthani?" ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako
pinabayaan? Muling sumigaw si Hesus at nalagutan ng hininga.

PAGNINILAY (Babasahin ng isang babae.)

Ano pa ang labis na makapagpapasakit sa isang ina kung hindi ang makita ang kanyang anak na
mamatay! Ako na nagluwal at nagpalaki sa Tagapagligtas ng daigdig, ngayo'y nakatayo sa harap ng krus
at wala man lamang nagawa habang ang kanyang ulo ay unti-unting yumuko at namatay! Ang kanyang
paghihirap dito sa lupa ay natapos na, ngunit ang sa akin ay hindi pa. Alam ko na dapat itong
maisakatuparan, kayat nanatili ako at nagluksa sa katahimikan.

PANALANGIN
O Hesus, patawarin mo kami sa idinulot ng aming mga kasalanan sa iyo at sa aming kapwa. Lubos ang
aming pagpapasalamat sa iyong dakilang pag-aalay ng pag-ibig. Ikaw na mismo ang nagsabi, "Walang
pag-ibig na hihigit pa sa pag- ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para kanyang

mga kaibigan" (jn 15:13). Sa paghahabilin mo kay Maria sa iyong pinakamamahal na alagad,
ipinagkaloob mo siya sa amin hindi lamang bilang Ina, kung hindi bilang isang tunay at matalik na
kaibigan. Palagian mo kaming ituring na mga kaibigan, at turuan mo kaming makipagkaibigan sa
iba.Turuan mo kaming mamuhay hindi para sa sarili, bagkus para sa iba. Turuan mo kaming tumahak sa
iyong daan ng krus! Amen. .

Para sa intensyon ng Santo Papa:

Ama namin...

Aba Ginoong Maria...

Luwalhati...

IKALABINGTATLONG ISTASYON SI HESUS AY IBINABA SA KRUS

V/.Aduramus te, Christe, et

benedicimus tibi.

R/. Quia per sanctam crucem tuam

redermisti mundum.

PAGBASA (Mateo 27:54-55)

Nasindak ang kapitan at ang mga kawal na nagbabantay kay Hesus nang maramdaman nila ang

lindol at masaksihan ang lahat ng nangyari' "Tunay na ito'y Anak ng Diyos!" sabi nila. Naroon din ang
maraming babaing nakatanaw mula sa malayo. Mula pa sa Galilea'v sumusunod na sila kay Hesus at
naglilingkod sa kanya.

PAGBASA (Babasahin ng isang babae.)


Wala na ang mga tao; wala na rin ang ingay ng panlilibak. Tahimik akong nakatayo sa harap ng krus ng
aking anak pinagmamasdan ang kanyang walang buhay na katawan, ang katawan ng Tagapagligtas. May
dalawang lalaki na nagbaba ng kanyang katawan mula sa krus, at iyon ay ipinatong sa aking mga bisig.
Marahas na natapos ang buhay ng aking anak' Labis na pangungulila ang aking naramdaman. Subalit sa
kaibuturan ng aking puso, nakaramdam ako ng pag-asa at kaligayahan' Namatay ang aking anak, ngunit
binigyan ng bagong buhay ang sangkatauhan. alam ko na dapat itong maisakatuparan, kayat tahimik
akong nanalangin.

PANALANGIN

Panginoon, nanaog ka sa kadiliman ng kamatayan, ngunit ang iyong katawan ay inilagay sa mabuting
mga kamay at ibinalot sa bagong puting kayong lino (Mt 27:59)' Ang iyong pagpapakasakit ay nagwakas
na! Ngunit ito av nagpapatuloy sa tuwing pinipili namin ang kasalanan kaysa sa iyo. Nakibahagi kami sa
iyong pagpapakasakit ngayon aming Tagapagligtas, buong puso naming hinihiling ang iyong
pagpapatawad. Tulungan mo kaming mamuhay ng karapatdapat sa iyo at sa iyong Ina. Turuan mo
kaming maging matapat sa gitna ng kaguluhan at pagkalito at ituro sa amin ang pag-ibig na yumakap sa
iyo noong oras ng iyong kahinaan; ang yakap ng iyong Ina na naglalapit sa Iyo at sa amin sa kanyang
puso. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.

Para sa intensyon ng Santo Papa:

Ama namin...

Aba Ginoong Maria...

Luwalhati...

IKALABING-APAT NA ISTASYON SI HESUS AY DINALA SA LIBINGAN

V/. Adoramus te, Christe, et

benedicimus tibi.

R/. Quia per sanctam crucem tuam

redemisti mundum.
PAGBASA (Matthew 27:59-61)

Kinuha ni Jose ang bangkay ni Hesus at binalot ng bagong kayong lino. Inilagay niya ito sa sariling
libingan na di pa nalalaunang ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan nito ang isang
malaking bato, saka umalis. Naroon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria, na nakaupo sa tapat ng
libingan.

PAGNINILAY

Dinala namin sa libingan ang aking anak at doon ay inihimlay ang kanyang malamig na bangkay. Bago
iginulong ang pintuang bato ng kanyang libingan, tiningnan ko at pinagmasdan sa huling pagkakataon
ang maamong mukha ng aking anak. Napaluha ako sa labis na kalungkutan. Subalit sa pagsasara ng mga
pintuang bato, naisip ko, na dapat itong maisakatuparan... ANg lahat ng ito ay para sa inyo! Tahimik at
buong pananamapalataya akong maghihintay sa kanyang muling pagkabuhay, ayon sa pangako ng aking
anak!

PANALANGIN

Panginoon, sinabi mong tandaan namin na "malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay,
mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, ito'y mamumunga ng marami.(Jn 12:24). ikaw ang butil
ng trigo na namatay at patuloy na namumunga ng hitik sa bawat henerasyon ng kasaysayan. Sa iyong
libingan ay nagliliwanag ang pagpapatunay ng pangako ng butil ng trigo na nagdudulot ng pagkaing
nabibigay buhay. O Hesus, ang iyong pagkamatav ay hindi nagdudulot ng lamig ng pag-iisa, kung hindi
ito ay nagdudulot ng init ng pag-asa. Katulad ng pananampalataya ng iyong Ina sa pangako ng iyong
pagkabuhay, itulot mo na makabangon kami sa pagkalugmok sa kasalanan at mamuhay na matuwid at
may pag-asa. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.

Para sa intensyon ng Santo Papa:

Am anamin...

Abo Ginoong Maria...

Luwalhati...

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Namumuno:
Ama naming makapangyarihan, sa iyong di malirip na karunungan ay pinahihintulutan mo na punuin ang
pagpapakasakit ng iyong Anak ng pagpapakasakit din ng kanyang mga tagusunod. Pinagindapat mong
manatili ang Mahal na Birhen na makiisa sa paghihirap ng iyong Anak sa paanan ng krus. Itulot mong
maisabuhay namin ang aral ng Daan ng Krus ng iyong Bugtong na Anak upang kami din ay maging sanhi
ng pag-ibig at lakas ng loob sa mga kapatid naming nagdurusa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Hesu-Kristong aming Panginoon na nabubuhay at naghahari kaisa mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
magpasawalang hanggan. Amen.

PAGBABASBAS

Pari:

Sumainyo ang Panginoon.

R. At sumainyo rin

Pari:

At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama,Anak, At Espiritu Santo.

R. Amen.

Pari: Pinasan ni Kristo nang may pag-ibig ang kanyang kahoy na Krus.Humayo kayo at pasanin ninyo
nang may pagmamahal Ang inyong mga krus.

R. Salamat sa Diyos!

You might also like