You are on page 1of 1

Para sa akin, ang mga anak na dalaga ng mayabang na hari ay mababait pero mas mabait ang

pinakabunsong anak ng hari dahil marunong itong magluto at siya din ang pinakamasarap na magluto sa
kanilang kaharian. Kaya naman hindi maitatanggi na ang mga anak ng hari ay may angking talento at
kabaitan sa mga tao na nasasakupan nila. Sa madaling salita, ang mga dalaga ay naiiba sa kanilang
mayabang at mapagmataas na ama.

Laging nais marinig ng mayabang na hari na siya ang nagpakaloob ng mga pagkain na kinakain ng
kaniyang mga anak at hindi ang ating Poong Maykapal.

Para sa akin, ang mentalidad na mayroon ang hari sa kwento ay ang pagiging mayabang at mapagmataas
sa mga tao na nasasakupan niya. Kung magkakaroon ako ng pagkakataon na ihambing ang hari, ay
ihahambing ko ito sa isang Pilipino. Bakit? Dahil katulad ng isang Pilipino, ang hari sa kuwento ay hindi
tumatanggap ng pagkabigo at mas lalong ayaw nito na nalalamangan ng mga ibang tao.

Kung ako ang prinsesa, ay tatanggapin ko pa din ang aking ama dahil siya lamang ang ama na ipinakilala
at ipinagkaloob sa akin ng Poong Maykapal. Bukod dito, ay walang sinuman ang papantay sa aking ama
dahil siya lamang ang nakakaintindi at nag-aaruga sa akin mula noong ako’y bata pa.

Ang aral na natutuhan ko sa akdang ito ay ang iwasan na maging sakim at mapagmataas. Natutunan ko
na ang Poong Maykapal ang dahilan kung bakit nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw, nakukuha
ko ang mga bagay na gusto ko, nakakasama ko ang pamilya ko, at nakakatulog ako ng mahimbing at
mapayapa sa kalagitnaan ng gabi. Ito din ang naging gabay ko upang maimulat ko ang aking mga mata sa
reyalidad na ang ating Panginoon ang rason kung bakit nabubuhay tayo ng mapayapa sa ngayon.

Ang hari ay mapagmataas at mayabang. Ang buong akala niya ay siya na ang pinakamakapangyarihan at
pinakamalakas na nilalang sa kanilang palasyo.

Hindi na kinikilala ng hari ang Poong Maykapal dahil nagiging mapagmataas at mayabang na siya sa
kapuwa niyang tao. Bukod dito, ay mas naging malala pa ang kaniyang ugali noong marinig niya ang
sagot ng kaniyang bunsong anak na “Ang Diyos ang nagkaloob ng lahat amang hari.”

Ang prinsesa ay naiiba sa kaniyang pinakamamahal na ama dahil alam niya na ang Poong Maykapal ang
rason kung bakit sila nakakakain ng mga masasarap na pagkain.

Ang prinsesa ay nakakabighani dahil alam niya kung ano ang tama at mali. Kahit alam niya na magagalit
na ang kaniyang ama sa kaniyang isasagot, ay itinuloy pa rin niyang sabihin ang kaniyang nararamdaman
at saloobin dahil alam niya na mas masisiyahan ang Poong Maykapal kung ito ang gagawin niya.

You might also like