You are on page 1of 6

Alamat

Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na


nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagaybagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng
mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at
mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.Kaugnay ang alamat
ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay
panumbas sa salitang "legend" ng ingles.

Halimbawa:
1.Alamat ng Pinya
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina
malayong lugar. Ang inay ay si Aling rosa, samantalang
ang kanyang anak ay si Pinang. Gustong gusto ni Aling
Rosa na turuan si Pinang gumawa ng gawaing bahay
ngunit parating sinasabi ni Pinang na siyay marunong
na.
Isang araw, Si aling rosa ay nagkasakit at napilitan si
Pinang to magluto para sa kanyang ina. Matagal si Aling
Rosa na nagkasakit at si Pinang ay matagal ring nagluto at
naglinis ng bahay. Pagkadaan ng ilang araw pumunta si
Pinang kay Aling rosa at sinabing hindi niya mahanap ang
pospora at ang panandok. Sagot naman ni Aling Rosa
Naku! Pinang, sanay magkaroon ka ng maraming mata
upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na
tanong ng tanong sa akin.
Pagkalipas ng ilang araw nagtaka si Aling Rosa bakit hindi
na si Pinang nagdadala ng pagkain para sa kanya.
Pagkagaling ni Aling Rosa, hinanap niya si Pinang, siyay
naagtanong sa mga kapit bahay ngunit walang nakakita sa
kanya. Pag tingin niya sa kanyang bakuran may nakita
siyang bagong halaman na tumubo ang bunga nito ay
parang mukha na maraming mata. Naala niya ang kanyang
sinabi kay Pinang at siyay nagmukmok.

Ang pangalan ay naging Pinang, ngunit pagkaraan ng


panahon ito ay naging Pinya.

2. Alamat ng Bayabas

Noong unang panahon, may isang sakim at


mapagmataas na hari. Si Haring Barabas ay
walang
pakialam
sa
kanyang
mga
nasasakupan. Wala siyang ibang ginawa kundi
ang utusan ang kanyang mga alipin. Tuwing
may mga handaan ay sobra syang maghanda.
Kahit na may mga natirang pagkain ay hindi
sya namimigay kahit na alam niyang
maraming nangangailangan. Isang araw
habang nagpipyesta ang hari ay may lumapit
na isang pulubi ang lumapit sa kanya at
humingi ng pagkain. Sa halip na bigyan ay
pinalayas niya ito. Nagalit ang pulubi sa kanya
at nagsabi na bibigyan siya ng leksiyon. Bigla
na lng naglaho ang hari at lumitaw ang isang
halaman. Napansin ng mga tao na nagbunga
ito. Ito ay bilugan at may koronang
nakapatong. at ito na ang ang kanilang sakim
na hari. Mula noon ay tinawag na nila itong
bayabas.
Sa alamat na ito ay nagbigay ng isang
magandang aral sa pangit na pag-uugali ng
hari.
Ginamit
niya
ang
kanyang

kapangyarihan upang makuha ang gusto.


Hindi sya naging magandang halimbawa ng
tao at ng kahit ng pamumuno sa kanyang
mga nasasakupan. Bilang tao dapat tayong
magmalasakit sa mga taong nakapaligid natin
at kailangan nating magpakita ng mabuting
pag-uugali. Hindi maganda ang maging isang
sakim. Sa atin namang gobyerno, dapat din
isalang-alang ang maayos na pamumuno.
May mga opisyales na dapat gampanan ang
kanilang mga tungkulin.
3. Alamat ng Mangga
Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang
Juan si Ben. Mabait atmatulungin siya.
Nagmana siya sa kanyang mga magulang
namababait din naman. Isang araw, isang
matandang pulubi angkinaawaan ni Ben.
Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto
atpinakain. Isang araw naman, samantalang
nangangahoy, isangmatandang gutom na
gutom ang nasalubong niya. Pinakain din
niyaito at binigyan ng damit.Makaraan ang
ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila
ngpagsisikap ng mag-asawa na pagalingin
ang anak, lumubha pa rinang kanyang
kalagayan hanggang sa siyay bawian na ng

buhay.Ganoon na lamang ang iyak ng magasawa. Kinabukasan, habangnakaburol ang


kanilang anak, dumating ang isang diwata.
Hininginito ang puso ni Ben, Ibinaon ng
diwata ang puso sa isang bundok.Ito ay
naging punongkahoy na may bungang hugispuso. Marami ang nakikinabang ngayon sa
bungang ito.

kasabihan
Ang mga kasabihan ay mga
matatalinhagang salita na galing sa
mga ninuno natin na nagbibigay ng
moral o aral sa mga kabataan.

Halimbawa:
1. Parang nagpapalit lang ng damit ang pagpapalit
ng nobyo ng anak mo
Ang ibig sabihin nito ay hindi ganun kadali ang
pagpalit ng nobyo. Ito ay sargadong
pagmamahalan at hindi agad napapalitan.
2. Galing ang lakas ng hari sa bayan at ang lakas
naman ng bayan ay galing sa diyos

Ang ibig sabihin nito ay pantay pantay ang lahat.


Tulad din ng ibang awtoridad ang lakas ng
gobyerno. Walang nakakalamang sa lahat.
3. Kapag markado ang disgrasya ang isang
pamilya, dapat nang mawala ang lahat ng
myembro. Abo lamang ang natitira kapag
tinamaan ng kidlat ang isang punongkahoy
Ang ibig sabihin nito ay damay ang lahat ng
pamilya. Kahit hindi ka nagkasala. Kaya
nagkakaroon ng paghihiganti.

Kawikaan
Kawikaan ay mga salitang
kapupulutan ng aral upang maging
gabay o patnubay sa pang-araw
araw na pamumuhay.

Halimbawa:
1. Kung ano ang puno ay siyang bunga.
2. Kung walang apoy walang usok.

3. Ang taong nagigipit kahit sa patalim kumakapit.

You might also like