You are on page 1of 1

Flesh Eating Bacteria: Kamatayan ng Laman

Ni Ralph Vinze Agarcio (12 STEMATAldaba)

“Kung papaanong hinuhukay ang lupa, ganoon din nito huhukayin ang iyong laman.”

Necrotizing Fasciitis o mas kilala sa dala nitong “flesh-eating bacteria” ang isa sa mga hindi
pangkaraniwang impeksyon na mabilis kumalat sa tissue sa loob ng katawan ng tao at nagbubunga ng
agarang pagkamatay kung hindi maaagapan. Ang Staphyloccocus Bacteria at Streptococcus na siya ring
sanhi ng pagkakaroon ng strep throat ay ilan sa mga pangunahing dahilan ng unti-unting pagkaubos ng
laman sa apektadong bahagi ng katawan. Ayon sa estadistika, tinatayang 600 hanggang 700 kaso ang
naiuulat na may Necrotizing Fasciitis sa Amerika kada taon at ang 30% sa mga ay hsumahantong sa
kamatayan. Sa website na WebMD, sinasabing karaniwan nakukuha ang ganitong impeksyon sa
simpleng hiwa, gasgas o anumang sugat na tinuluyan ng mga nasabing bactera na karamiwang
matatagpuan sa mga lugar na hindi malinis o kaya ay maputik.

Sa panayam na isinagawa kay Gng. Simeona “Chona” Maglalang, isang guro, inilahad niya kung
papaanong ang “flesh eating bacteria” ay kumalat na sa una ay inakalang niyang isang maliit na butlig
lamang. Mula walang tigil na pamamaga at pagkirot na tumutugon hanggang sa kanyang kaliwang binti
sa loob ng isang linggo, minabuti niyang ilapit ito sa isang espesyalista at ayon sa diagnosis, ito ay
Necrotizing Fasciitis. Kaagad na sumailalim sa isang operasyon si Gng. Chona at noong una nga raw ay
wala sa taas ang direksiyon ang tinatahak ng pagkain ng bacteria ngunit laking gulat nila nang makita ang
nabubutas at nauubos na laman nito sa pababang bahagi ng kanyang batok. Inilarawan niyang parang
maliliit na butil ito na kulay itim at hindi pa rin ito naubos kaya’t isinagawa ang ikalawang operasyon.
Dito, inisa-isa ang mga lamang infected ng bacteria at saka kinuha ito sa pamamagitan ng pagkayod
upang masigurong hindi na lumala pagkalat nito. Dagdag pa niya, naging mas mabilis ang impeksyon nito
dahil isa siyang diabetic. Tumagal ng isang taon ang gamutan sa pamamagitan ng antibiotic na sinabayan
ng araw-araw na paglilinis ng naoperahang bahagi.

Malaking dagok ito kay Gng. Maglalang dahil hindi niya inaasahan na Necrotizing Fasciitis ang
siyang dumapo sa kanya. Isa lamang ang pinanghawakan niya- ang pananalig na siyang ginamit niya
mula nang sumailalim siya sa operasyon hanggang sa ngayon. Ang pagging matatag din ang siyang
nakapagpabilis ng kaniyang paggaling mula sa pagkakasakit at pagkakaratay sanhi ng “flesh-eating
bacteria.”

Isang sakit na literal na umuubos sa katawang lupa sa paunti-unting pagbutas sa laman. Lingid sa
kaalaman ng nakararami, kung paanong ipinagsasawalang-bahala ng karamihan ang maliit na pag-inda
tulad ng kasong inilahad ay ganito rin ang ibinalik nito bilang isang kay lupit na karamdamang hindi
lamang pupuwing ngunit ang laman pa ang tila gagawin nitong handaan sa piging!

You might also like