You are on page 1of 3

ISTASYUNAN

Ralph, Dianne ALL

Tirik ang araw, maalinsangan, dahan-dahan akong bumabaybay papanik ng mga baitang, baitang na saksi sa pakikibaka
ng maaalikabok na swelas ng sapatos, at sa pagpasok ng bagon…sa pasilyong namalas ang pakikipagbuno ng mga
dibdib…

Dibdib na kay tigas o tila biga ang itinanim sa loob nito, walang pag-aalinlangang makikipagdigma, susugurin ang panang
tangan ni kupido na syang padausdusan sa laruan ng mundo, sa giyera ng mga puso. Kaya;t ano pang tinatayo-tayo mo-
sumakay ka na rito.

UNANG ISTASYON- SISIHAN NG SARILI

Nang Miyerkoles ng Hunyo…pumunta kami rito’t lumuluhod sa altar ng Ina ng Laging Saklolo
Dinarasal para masagot ang sangkaterbang BAKIT, ANO, SINO, AT PAANO?
Na inaakalang ang mukha ko ba’y nanuno dahil sa walang nanunuyo?
Na nakulam ba ang aking tinig, kaya’t hindi ako kaibig-ibig?
O baka naman itong katawan kong sinlaki raw ng halimaw na berdugo?
Talagang nalalaman ko, batid ko! Kaya’t kasagutan ang aking hinihiling
Dahil sa pag-ibig, Oo, ikaw ang taya sa sandaling ika’y mapuwing.
Dahil tunay na tanga ang sa pag-ibig na bulag naniniwala
Dahil ang totoo, bingi tayo, bingi tayo sa mga pang-uring isinisigaw ng mundo

Magbigay ng daan sa pasilyo, may sasakay na deboto.

IKALAWANG ISTASYON- PAINITAN AT PALAMIGAN

Ang daang kasumpa-sumpa, mahal ko sana iyong nagugunita,


Dito ka lumuhod at nilambing mo ko nang sunud-sunod
Sabi mo’y sa ako lang ang iyong Maria Clara’t ikaw ang aking Ibarra
Ngunit mahal, anong klaseng kang lalaki’t ako pala ang naging Daniela
Inibig mo ko’t sa iba mo pala hahanapin ang kiliti’t kati mo
Bigay mo nga’t singsing na ginto’t sa karat ay bente-kwatro,
Na sa ngayon ay kasal ay tila kandila, na pag may malanding mainit, natutunaw ang asawa
Ako ang pridyider pag ika’y naiinitan, at siya ang baga pag ika’y nalalamigan
Dahil sa panahon ngayon, ang termometro ay para na rin sa mag-nobyo.

Magbigay ng daan sa pasilyo, may sasakay na nanlulumo

IKATLONG ISTASYON- PAMANTASANG “ABKD”

“Mahal natatandaan mo pa ba?”


“Hoy! Tumigil at gasgas na ang ganyang estilo, mahuhulog ka’t wala naman sa’yong sumasalo”
“Kesa naman sa ABAKADA mong nalipasan, “A” pa lang nawalan na ng gana ang iyong pinag-aalayan”
Oo. na’t tumigil ka at natatandaan ko pa!
Sa istasyong ito, maraming pinagtatagpo, maraming pinaglalayo.
Ang sinasabi sa pag-alala tumatamis ang pagsasama, pero sa kanyang inalala, ako ang nagpasama.
Mula sa istasyong ‘to hanggang sa look ng Maynila Oo!
Naghandog ako ng ABKD para sa kanya,
Heto’t Tangang Makata na kung makabigkas sa huwad na sinisinta ng “A”
Akin ang puso mo’t alam kong ‘di ka pipili ng iba.
Pero maling-mali! Dahil kakaiba kung malandi ang maghahari.
Dahil sa’yo isang leksiyon ang inalala ko, dahil
“WA”-Walang talab ang haba ng pinagsamahan,
sa haplos ng matalik kong kaibigan sa inuman”
Magbigay nang daan sa pasilyo, may nobyang bababa sa kanto.

IKAAPAT NA ISTASYON- MAKATI CITY


Nais ko malaman ninyong minsan ditto ako bumababa papuntang Makati, Oo, yung lugar na maraming gusali
Pero sinong mag-aakala an gang salitang Makati ay hindi lamang panngalan kundi isang pang-uri
Makati! Saan ba Makati mahal, aking kakamutin, diyan ba sa’yong baywang, sayo bang likuran
Saan mahal? Sabihin mo sakin, dahil hindi ko matanggap na ako’y yong pansamantalang lunas
Lunas mo sa’yong pangangati, saan? Sa atensyon? Sa pera? Sa yong luho?
Dahil mahal, hindi ako ang bawang sa tuwing ang mga pantal mo’y tumatapang
Dahil sa pagmamahal, hindi ka hahanap ng iba ‘pag ika’y nakaramdam ng pangangati.
Doon sa puno ng suha, maraming tinik, lunas mo sinta
Ikayod mo’t sugatan ang sarili mong katawan.

Magbigay nang daan sa pasilyo, may lalaking gumagapang sa pasilyo

IKALIMANG ISTASYON- DE LA SALLE-ONG SALO MO S’YA

Sa pamantasang De La Salle, ang una kong pag-ibig doon ko namataan


Bumabagtas ako noon sa berdeng pasilyo,
Naroon ka’t kay tamis ng mga tingin mo,
Sabi ko’t wala nang mas lalagkit pa sa iyong mga titig
Napanganga ako’t nabitawan ang kinakain kong tupig
Ang sinabi ko’y sya na nga, Oo siya na nga
Siya ang lulustay ng aking pinag-ipunan,
Hindi lang sa pera’t sa aking katalinuhan- matalino nga ba?
Matalino bang ako ang gumawa ng proyekto mo sa Filipino?
Matalino bang ako ang sumagot sa sangkatutak na problemang pang-numero
Matalino bang sumama ako sa’yo kahit alam ko nang hindi ako…
Hindi ako ang pinili mo …dahil ginamit mo lang ako. Ako’y bobo.

Magbigay nang daan sa pasilyo, may sasakay na kolehiyalang nauto

IKAANIM NA ISTASYON- MANILA BABAY

Bababa ako rito’t uupo, magninilay-nilay, kung tama pa ba ang kasabihang


‘PAG ANG IBIG NASOK SA PUSO NINUMAN, HAHAMAKIN ANG LAHAT, MASUNOD KA LAMANG’
Dahil kung magmamahal mang muli, tama pa bang may sundin akong tao, dahil natuto na ako!
Natuto na akong sa pagmamahal, hindi ito kundi utak ang susundin.
Bakit nagiging adik? Dahil sa malaking pagmamalabis?
Bakit nagmamahal? Dahil gusto nating ibigay ang higit sa labis.
Dahil ganoon ang pag-ibig,
Hindi mo ko tatawaging adik, dahil lamang sa pag-ibig
Dahil kailanman hindi naging mali, ang pagbibigay nang higit sa sapat
Dahil sa kailanman, wagas ang magmahal nang tapat
Hindi ito kuwento nina Carmela at Juanito ngunit ako’y nakasisiguro
Walang pansamantalang istasyon sa nasaktan ng pag-ibig
Walang istasyon sa nagkamaling umibig.
Wala…

You might also like