You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of City Schools
ZAMBOANGA DEL NORTE NATIONAL HIGH SCHOOL
Dipolog City 7100

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa Modyul 5


Unang Markahang Pagtuturo
FILIPINO IX

Pangalan Seksyon Petsa_____Iskor_____

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

___1. Boy: “Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama”. Anong
kaisipan ang ipinahihiwatig sa diyalogong ito?
a. Ayaw makasama ni Boy ang kaniyang ina c. Galit si Boy sa kaniyang ina
b. Tinatamad magsimba si Boy d. Malaki ang impluwensiya ng amain kay Boy

___2. Namatay ang kanyang ama ng hindi nakapagpa-Hesus. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang . a. nailibing b. napagdasalan c. napatawad d. nabendisyunan

___3. Tiyo Simon: “Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo… kung gusto mong
isama ako ay maghintay kayo at ako’y magbibihis…Magsisimba tayo”. Ang kaisipang nais ipahayag sa
diyalogo ay .
a. Sapilitang pinasisimba ni Tiyo Simon si Boy. c. Pumayag ang ina ni Boy na huwag na siyang magsimba.
b. Walang pakialam si Tiyo Simon. d. Nagbago ang pananaw ni Tiyo Simon sa pagsimba.

___4. “Mabisa talagang pampalipas-oras ang pagbabasa”. Alin sa mga salita na nagsasaad ng katotohanan?
a. mabisa b. talaga c. pampalipas-oras d. pagbabasa

___5. Punan ng angkop na ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan. ___ nakakaaliw ang panonood ng dula
kung makatotohanan ang pagganap ng mga tauhan.
a. Sa paniniwala b. Sadyang c. Sa tingin d. Palagay

___6. Ang sining na panggagaya sa tunay na kalikasan ng buhay na kinakatha upang itanghal at magsilbing
salamin ng buhay ay ang ___. a. teatro b. dula c. sarsuwela d. katambuhay

___7. Ito ay isang dula nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas ito nang masaya at
kasiya-siya sa mabubuti at mababait na tauhan sa dula.
a. drama b. trahedya c. melodrama d. komedya

___8. Ito ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba.
a. katotohanan b. obserbasyon c. opinyon d. impresyon

___9. Ito ay isang pahayag na mapapatunayan sa pamamagitan ng mga ebidensya.


a. impresyon b. opinion c. katotohanan d. patunay

___10. Sa tingin ko, hindi siya magkakasakit dahil umiinom siya ng maraming bitamina. Ang pahayag na ito
ay ___. a. opinion b. katotohanan c. impresyon d. eksperimento

II.Panuto: Isulat ang iyong sagot sa likod ng papel na ito, “Dapat bang sisihin ng tao ang Diyos sa mga
pagkakataong dumaranas siya ng mga kabiguan sa buhay? Pangatwiran.” (10 puntos)

Ang iyong sagot ay tatayahin sa sumusunod na krayterya o rubrik.


1. Nilalaman 5
2. Kaayusan 5
Kabuuan 10

You might also like