You are on page 1of 10

KAPWA KO,

TUTULUNGAN KO

MGA TAGA – PATNUGOT

PANULAT NI:
ANAFLOR M. MANLIGUEZ

PAGGUHIT NI:
JULIE ANN PEARL A. CRISTOBAL

PAG – AANYO NI:


VIMA CHARIZ F. ALEJO
Paunang Salita

Magandang araw mga bata! Binabati kita sa iyong tagumpay


at ikaw ngayon ay nasa ikatlong baitang sa iyong pag-aaral.

Ang Self-Learning Kit na ito ay sadyang ginawa para sa iyo


upang maging gabay sa iyong pagkatoto. Ito ay iyong magagamit bilang
instrumento ng upang ikaw ay ikaw maging mabuting mag-aaral, aktibo
sa klase at maging sa pagsasabuhay ng inyong mga aralin.

Ang mga gawain ay nahahati lamang sa tatlo. Ito ay ang mga


sumusunod”
I. Ano ang dapat gawin?
II. Ano ang dapat tandaan?
III. Ano ang natutunan?

LAYUNIN

1. Natutukoy ang mga layunin ng pagmamalasakit sa mga may


kapansanan.
2. Naisasagawa ang mga hakbang sa pagmamalasakit sa mga
taong may kapansanan.
3. Naipapadarama ang kahalagahan ng mga may kapansanan

LEARNING COMPETENCIES

EsP3P-Iic-e-15 Curriculum: Grade III


Content
Pagmamalasakit sa mga may kapansanan.

Content Standards
Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-
tao.

Performance Standards
Naisasabuhay nang palagian ang mga makabuluhang gawain tungo sa
kabutihan ng kapwa.

Learning Competencies
Pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok paligshang
pampaaralan at sa pamayanan.

Learning Objectives
Pagmamalasakit sa may kapansanan
Natutukoy ang mga kakayahan at nagagamit ito upang
makatulong sa kapwa lalo sa mga may kapansanan
Magiging kapakipakinabang na mamamayan sa pamamagitan ng
pagmamalasakit sa may kapansanan

I. ANO ANG DAPAT GAWIN?

1. Kapag may nakita kang isang batang may kapansanan ano ang
dapat mong gawin?
A.) Tulungan kung anuman ang kanyang kailangan
B.) Pagtawanan at ipagsabi sa iba
C.) Magkunwaring walang nakita
D.) Tumawag ng ibang tao para tumulong

2. May kasabay kang batang may bingot na bumibili sa tindahan


hindi maintindihan ng tindera kung anu ang kanyang binibili
nagkataong may alam ka sa sign language anu ang dapat mong
gawin?
A.) Unahan na lang sa pagbili ang bata
B.) Sabihin sa tindera kung anu ang nais bilhin ng bata
C.) Pagsabihan ang bata na sa iba na lang siya bumili
D.) Pabayaan at iwan na lang ang bata sa tindahan

3. Nahihirapang sumakay ng dyip ang kapitbahay mong si Mila na


pilay dahil may dala siyang mga gamit, ano ang dapat mong
gawin?
A.)Pagsabihan si Mila magtricyle na lang siya para hindi
mahirapan
B.) Pagsabihan si Mila na iwan na lang ang mga gamit niya
C.) Magkunwaring nahihirapan din sa pagsakay
D.) Tulungan si Mila sa pagsakay ng dyip

4. Tatawid ka ng kalsada nang makita mo ang isang babaeng


bulag na patawid din ngunit may sasakyan pang paparating.
Ano ang dapat mong gawin?
A.)Hahayaang tumawid ang batang bulag dahil hihinto
naman ang sasakyan
B.)Alalayan ang batang bulag baka siya ay masagasaan
C.)Itulak ang batang babae para mabilis siyang makatawid at
hindi masagasaan
D.) Tingnan at obserbahan kung paano makakatawid ang
batang bulag

5. Masaya kayong naglalaro kasama ng iyong mga kaibigan nang


biglang dumating ang nakababata mong kapatid na may sakit sa
balat at nais niyang sumali sa inyong paglalaro.Ano ang gagawin
mo?
A.)Huwag siyang pansinin dahil sagabal lang siya sa laro
B.)Pagalitan at pauwiin ang nakababatang kapatid
C.)Isali sa laro ang kapatid at alalayan ito
D.)Itigil ang paglalaro at magkanya kanya na ng uwi

II. ANO ANG DAPAT TANDAAN?

TANDAAN
Ang pagmamalasakit sa mga taong may kapansanan ay isang
kahanga-hangang gawain at nakalulugod sa mata ng tao lalo na sa
mata ng Diyos. Walang dalawang magkakatulad lahat tayo ay
magkakaiba sa pisikal man, pag-uugali at maging sa talino ay kakayahan.
Bawat isa ay magyroong kanya kanyang kakayahan at kalakasan ngunit
sa kabila nito mayroon din tayong mga kahinaan at ang mga kahinaang
ito ay dapat mapunuan ng ating kapwa.
Ang mga kalakasang kaloob sa ating ang siyang makatutulong sa
ating upang makapagbahagi tayo ng tulong sa ating kapwa lalo na sa
mga taong may kapansanan sapagkat sila ang mas nangangailangan ng
pagmalasakit. Anu man ang maaari nating nating maitulong sa kanila ay
gawin natin gaano man ito kasimple o kaliit sapagkat ito naginging
malaking bagay sa kanila. Ituring natin silang hindi iba sa atin at ipadama
sa kanila ang kanilang halaga. Turuan din natin silang malinang ang
kanilang mga kakayahan upang mabigyan sila ng pag-asa at
magpagtanto nila na sa kabila ng kanilang kapansanan may magagawa
sila at malaki ang papel na ginagawa nila sa mundo.
Mabuhay ka kaya! Alam kong kayo mong magmalasakit sa iba.

BATA, BATA
Bata, bata ikaw ay may magagawa
Para sa bansa sa pamamagitan ng iyong kapwa
Maging huwaran at disiplinadong bata
Sa iyong mga magulang at sa bawat kapwa

Mga bagay bagay na dapat matutunan


Ay huwag palampasin at pakaiingatan
Sapagkat ang iyong makakapitan
Lalo na sa oras ng pangngailangan

Pagtulong sa kapwa huwag din kalimutan


Lalong lalo na sa nangangailangan
Kapag ito’y ginawa tiyak ikaw at kalulugdan
Nang mga mamamayan sa iyong kapaligiran

III. ANO ANG NATUTUNAN?

Lagyan ng masayang mukha kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay


nagpapakita ng pagmamalasakit sa may kapansanan at malungkot na
mukha naman kapag hindi.

_________1. Maagang umaalis papuntang paaralan si Carla upang


sunduin ang ang kaibigang nakawheelchair upang sabayan
ito hanggang sa pagpasok.
_________2. Pinagsasabihan ni Mateo ang kaibigang may kapansanan sa
pagsasalita ng huwag ng sumali sa anumang paligsahan at
pagtatanghal upang hindi mapagtawanan.
_________3. Tuwing may paligsahan sa kanilang baranggay sa pag-awit
palaging sinasamahan ni Rosa ang kanyang nakababatang
kapatid na lumpo ngunit magaling kumanta upang
suportahan ito.
_________4 Binilhan ng ama si Miko ng Hearing Aid dahil hindi siya
makarinig.
_________5. Nag-eensayo sa pagkanta ang magkakagrupo sa klase para
sa kanilang pagtatanghal ngunit bigla silang huminto at
nagsialisan nang dumating ang kagrupo nilang may bingot.

(5-10)
-Sa loob ng kahon sumulat ng isang talata ng may 3-5 pangungusap
tungkol sa inyong karanasan sa pagtulong sa mga may kapansanan.
-Kung wala pa kayong karanasan ano ang maari mong gawin upang
makatulong sa mga may kapansanan?
SYNOPSIS

Kahit sa iyong murang edad ay kaya mong magbahagi ng tulong sa


iyong kapwa lalong lalo na sa mga may kapansanan. Ito ay isa sa
tungkulin natin bilang isang responsableng mamamayan. Sa iyong
simpleng pagtulong ay nakapagdudulot ka ng kasiyahan sa iyong kapwa.

Ang isang batang katulad mo ay may magagawa sa pagtulong sa


iyong kapwa lalo na sa may kapansanan. Dahil sa iyong magagawa ikaw
ay nagiging kapakipakinabang na mamamayan sa ating bansa.

Ikaw, ano kaya mong gawin para sa iyong kapwa?


Ang Self Learning Kit na ito nawa ay nakatulong sa iyo upang
gabayan sa gawaing nakakatulong sa iyong kapwa lalo na sa may
kapansanan.
References:
Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag-aaral – pahina 94
K-12 Curriculum Guide ESP( Esp3P-lic-e15) – Pahina 168
(K-12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkuricilum Disyembre 2013)

You might also like