You are on page 1of 12

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO 2
Teacher Alyssa
Magandang
Umaga! Kamusta
kayo mga bata?
Ano ang ating napag –
aralan noong nakaraang
araw?
Masaya ba
kayong
lahat?
Ano ang ating
napag – aralan
noong Martes?
Pinapahalagah
ang ko ang
Aking Sarili
Ivan Gerry Balatbat
Batang Modelo,
Batang Pilipino
Maraming batang Pilipino ang nakilala dahil nakitaan ng iba’t ibang talent at kagalingan sa iba’t ibang larangan.
Pinatunayan ito ni Ivan Gerry Baltbat, ang pitong taong gulang na batang Pilipino na nakilala sa larangan ng
pagmomodelo sa bansang Italya. Hindi naging sagabal ang kanyang murang edad at morenong kulay ng balat para unti –
unting makilala bilang isang batang modelo ng mga damit na gawa ng mga sikat na fashion designers.
Nagsimula ang kaniyang hilig sa pagmomodelo noong siya ay maglilimang taong gulang pa lamang. Isinali siya ng
kaniyang magulang sa paligsahan ng isang kilalang negosyo ng damit pambata kung saan ginagamit ang social media
para sa paramihan ng mga boto. Nilahukan ito ng maraming bata mula sa iba’t ibang panig ng Italya. Pagkatapos ng
ilang linggong botohan, idineklara siyang panalo kaya tuwang – tuwa ang kaniyang pamilya dahil nabigyan siya ng
maandang opurtunidad para malinang ang kaniyang kakayahan sa pagmomodelo.
Simula noon ay naging modelo na si Ivan ng mga internasyonal na damit at gamit na pambata. Nalathala din ang
mga larawan niya sa mga kalendaryo, magasin, Internet, at mga pahayagan na nababasa sa iba’t ibanv panig ng mundo.
Hindi lamang ang mga Pilipino ang natutuwa sa dulot ng pagbabahagi ni Ivan ng kaniyang galling kundi maging ang iba
pang mga nasyonalidad na naging tagahanga na rin niya sa larangan ng pagmomodelo. Sa kabila ng karangalang nakamit
niya at ng kaniyang pamilya, nananatili siyang simple, masunurin at mabait na bata.
Siya ay nagsilbing inspirasyon at patunay na kahit bata pa ay dapat malinang na ang angking galling at gamitin ito
para makapagbigay ng saya sa iba. Tunay nga na kapita – pitagang bata si Ivan.
SAGUTIN MO. . .

  Balatbat? Ano ang kaniyang mgakatangian?


1.Sino si Ivan Gerry
________________________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Paano ninigyan ni Ivan ng karangalan an gating bansa?
________________________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Bakit kailangan mapaunlad ng isang batang tulad mo ang iyong angking
kakayahan at galing?
________________________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Mahalaga ba na maibahagi mo ang iyong talento sa iba? Bakit?
________________________________________________________________________
_____________________________________________________________
5. Ano ang nararamdaman mo tuwing nakakapagdulot ng saya ang mga talento na
ipinakikita mo?
Pagpapahalaga sa Sarili
Tuklasin mo ang iyong kakayahan o talento. Tandaan na ang
batang kilala ang kaniyang sarili ay may pagpapahalaga sa
kaniyang kakayahan. Linagin at paunlarin ang iyong talent upang
tularan ng iba. Pahalagahan din ang tuwa at saying dulot ng
pagbabahagi nito sa iba.
Paglabanan ang kahinaan ng loob at maniwalang malalampasan ito.
Huwag kang matakot magkamli sapagkat dito ka matututo. Maging
bukas sa mga bagong bagay na makatutulong sa higit na
pagpapaunlad ng iyong kakayahan. Halimbawa, kung hindi ka
nanalo sa sinalihang paligsahan ssa pag – awit, patuloy pa ring
magsanay upang higit pang gumaling. Maaari ding magpaturo ka ng
tamang pag – awit sa isang nakatatanda. Magpasalamat sa angking
galling at siguradong marami itong magandang maidudulot sa iyo.
Paano mo pasasalamatan ang mga nagbabahagi ng talento?
Ikahon ang bilang ng wastong sagot.

1. Igagalang ko siya.
2. Gagawin ko siyang modelo sa buhay ko.
3. Wala lang, gusto niya eh.
4. Magiging mabait ako sa kaniya.
5. Bahala siya. ‘Yon ang gusto niya.
6. Masaya ako dahil masaya siya.
7. Hindi ako masaya kasi naiinggit ako.
8. Babatiin ko siya dahil sa talento niya.
9. Sasabihin ko sa kaniyang mas magaling ako.
10. Gagayahin ko ang mabubuti niyang gawa

You might also like