You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools – Valenzuela
PARADA ELEMENTARY SCHOOL

EMCEE SCRIPT
(Kinder Moving Up Ceremony)

(Voice Over)
“Mga kaibigan, sa ilang sandali po’y magsisimula na ang palatuntunan.
Mangyaring humanda na at tumahimik po ang lahat.”

I. PROCESSIONAL (with background music)


EMCEE: Isang mapagpala at mabungang araw sa ating lahat. Mabuhay !
Sa araw pong ito ay masasaksihan natin ang Kindergarten Moving Up
Ceremony sa Paaralang Elementarya ng Parada taong panuruan
2021-2022 na may paksang ‘Gradweyt ng K to 12: Masigasig sa
mga Pangarap at Matatag sa mga Pagsubok’ .

EMCEE: Upang pasimulan ang ating palatuntunan ay inaanyayahan po ang


lahat na tunghayan ang pagpasok ng mga batang
magsisipagtapos kasama ang kanilang mga magulang, mga guro at
mga panauhing pandangal.

EMCEE: Ang pagpasok ng mga mag-aaral mula sa Kinder A at B-Eagle sa


pamamatnubay ni Gng. Maricel C. Medina.
EMCEE: Ang pagpasok ng mga mag-aaral mula sa Kinder C at D-Dove sa
pamamatnubay ni Bb. Rhealyn G. Ong.
EMCEE: Ang pagpasok ng mga mag-aaral mula sa Kinder E at F-Parrot sa
pamamatnubay ni Gng. Marilou G. Gaytana.
EMCEE: Ang pagpasok ng mga mag-aaral mula sa Kinder G at H-Hawk sa
pamamatnubay ni Bb. Rallyne Kaye P. Capinig.
EMCEE: Ang pagpasok ng mga mag-aaral mula sa Kinder I at J-Maya sa
pamamatnubay ni Gng. Sheryl P. Rarama.
EMCEE: Ang pagpasok ng mga mag-aaral mula sa Kinder K at L-Flamingo sa
pamamatnubay ni Bb. Eunice Sherina F. Panelo

Parada Road Parada, Valenzuela City


(02) 8426-8976
paradaelem07@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools – Valenzuela
PARADA ELEMENTARY SCHOOL

II. PROGRAM PROPER


EMCEE: Manatili pong nakatayo para sa pambansang awit ng Pilipinas na
ikukumpas ni Gng. Teresa J, Badocdoc, guro sa Unang Baitang.
Ito ay susundan ng awit panalangin na sasabayan naman ng
mga magsisipagtapos.

EMCEE: Maaari ng umupo ang lahat.


Magandang umaga pong muli. Ako si Gng. Amalia E. Cabaron,
Dalubguro II, ang inyong tagapagdaloy ng palatuntunan.
EMCEE: Ito ay espesyal na araw. Ang araw na pinakahihintay at pinakaaasam-
asam ng mga magulang. Bukod sa paggawad ng kaukulang pagkilala
sa mga pagtitiyaga at pagsusumikap ng inyong mga anak.
Ang araw na ito ay hudyat, na handa na ang sila para sa susunod na
Baitang.

EMCEE: Sa loob ng dalawang taon, isa sa lubos na naapektuhan ay ang edukasyon.


Ang face to face classes ay naging birtwal na klase. Ang mga programa
at palatuntunan ay sa birtwal na pamamaraan din ginaganap. Gayunman,
hindi nagpatinag ang Paradians. Sumabay sa agos at nanatiling matatag.
Dahil sa anumang hamon ng edukasyon, Paaralang elementarya ng
Parada ay aktibong tutugon”

EMCEE: Malugod po naming ipinababatid na kapiling natin ang ating


Kagalang-galang na Punong Barangay, Maximo ‘Emo’ De Gula’
upang magbigay ng kanyang mensahe.
Maraming salamat po Kap sa inyong pagdalo sa mahalagang
pagdiriwang na ito.

EMCEE: Sa punto pong ito ay atin naman pong pakinggan ang mensahe mula
sa masipag at mabait Tagamasid Pampurok ng Silangang Distrito, Dr.
Walter H. Fabro
Maraming salamat po Dr. Walter H. Fabro.
Natitiyak po naming ang inyong mensahe ay magsisilbing inspirasyon
sa mga bata at gabay sa mga magulang.
Mga bata, Bigyan natin si Dr. Fabro ng masigabong palakpakan

Parada Road Parada, Valenzuela City


(02) 8426-8976
paradaelem07@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools – Valenzuela
PARADA ELEMENTARY SCHOOL

EMCEE: Hindi ko na po patatagalin pa. Dumako na tayo sa Exciting Part at ito


ay ang Paggawad ng Sertipiko at Parangal.

EMCEE: Upang igawad ang sertipiko para sa mga batang nasa Kinder A at
Kinder B. Inaanyayahan ko po sa entablado ang kanilang gurong
tagapayo Gng. Maricel C. Medina
EMCEE: Upang igawad namn po ang sertipiko para sa mga batang nasa
Kinder C at Kinder D. Narito ang kanilang gurong tagapayo, Bb.
Rhealyn G. Ong.
EMCEE: Ngayon naman ay ang paggawad ng sertipiko para sa mga batang
nasa Kinder E at Kinder F. Inaanyayahan ko sa entablado si Gng.
Marilou G. Gaytana ang kanilang gurong tagapayo.

(SPECIAL NUMBER)
EMCEE: Ang Paaralang Elementarya ng Parada ay nakapaghubog na ng mga
kabataang naging matagumpay sa iba’t ibang larangan.
Ating panoorin ang natatanging bilang ng mga mag-aaral ng
Kindergarten na future guro, nars, inhinyero, marino, abogado o
di kaya ay presidente ng bansa.
EMCEE: Tulad ng butterfly o paruparo, maghintay at i-enjoy ang proseso ng
pagbabago ng sagayun ay maging buo at ganap kayong
batang
Filipino na may kapaki-pakinabang sa lipunan.

EMCEE: Ngayon naman ay ang paggawad ng sertipiko para sa mga batang


nasa Kinder G at Kinder H. Narito ang kanilang gurong tagapayo
Bb. Rallyne Kaye P. Capinig
EMCEE: Para igawad ang sertipiko sa mga batang nasa Kinder I at Kinder J.
Tinatawagan ko po ang kanilang gurong tagapayo, Gng. Sheryl
P.
Rarama.
EMCEE: Para sa paggawad ng sertipiko sa mga batang nasa Kinder K at
Kinder L. Tinatawagan ko po ang kanilang gurong tagapayo, Bb.
Eunice Sherina F. Panelo

Parada Road Parada, Valenzuela City


(02) 8426-8976
paradaelem07@gmail.com
Republic of the Philippines
EMCEE: Muli, pagbati sa lahat ng mga batang magtataas antas. Hangad
Department
namin ang inyong
of Education
tagumpay.
National Capital Region
Division of City Schools – Valenzuela
PARADA ELEMENTARY SCHOOL

EMCEE: Atin pong pakinggan ang Pangwakas na pagbati na manggagaling sa


ating Dalubguro II na si Gng, Jo Ann F. Castandillo.
Maraming salamat po Doc Castandillo.

EMCEE: Hindi man makita ang mga ngiti sa labi na nasa likod ng mga facemask na
iyan . Mababanaag naman sa mga mata ang kagalakan at
kasiyahan ng bawat isa.

EMCEE: At dito po nagtatapos ang ating palatuntunan.


Sa ngalan po ng pamunuan ng aming paaralan, taos-puso naming
binabati ang mga Completers, ang kanilang mga magulang, at
maalab na pagbati rin sa mga gurong pumatnubay.

EMCEE: Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng mga tumulong,


nagbigay ng mga medalya at mga panauhing nagsidalo sa
Espesyal
na araw na ito.
Maraming-maraming salamat po. God bless us all.

III. RECESSIONAL (with background music)

…ang PAGTATAAS ANTAS ng mga batang Kindergarten.

Parada Road Parada, Valenzuela City


(02) 8426-8976
paradaelem07@gmail.com

You might also like