You are on page 1of 19

Edukasyong Pagpapakatao – 2

Teacher Alyssa
Good Morning!
Mabuhay!
Review. . .
Disiplina sa Sarili
Ang batang may disiplina ay may pananagutan sa kaniyang mga kilos at gawain. Ginagawa
niya ang itinakdang mga tungkulin sa pamilya. Halimbawa, natutulog siya ng maaga at
gumigising sa tamanag oras upang maging handa sa pagpasok sa paarala. Inaayos din niya
ang kaniyang mgagamit kaya alam niya kung saan kukuhanin ang mga bagay na kaniyang
kailangan. Sa ganitong paraan, wala siyang nasasayang na oras sa paghahanap ng
kaniyang mga gamit.
Mayroon siyang kusang – loob sa paggawa ng mga gawaing bahay. Naglalaan siya ng sapat
na oras sa bawat gawain tulad ng paggawa ng takdang – aralin, paglalaro, o pagtulong sa
mga gawaing – bahay.
Ang pagkakaroon ng disiplina ay mahalaga upang maging maayos ang samahan ng mga
kasapi ng pamilya. Magkakaroon ng kaayusan sa tahanan at iiwasan ang hindi
pagkakaunawaan kung gagampanan ang nakaatas na mga tungkulin sa bawat isa. Ang
iyong pamilya ay magiging masaya at may pagkakaisa kung ang batang gaya mo ay may
disiplina.
Tanong. . .
Kayo ba ay batang may
disiplina?
Tanong. . .
Paano niyo naipapakita
kung kayo ay batang may
disiplina sa sarili?
Tanong. . .
Ano ang magiging magandang
bunga ng pagiging disiplinado
ng bawat kasapi ng pamilya?
Tanong. . .
Ano naman ang maaaring
maging epekto kung walang
disiplina ang mga kasapi ng
pamilya?
Tanong. . .
Mayroon bang disiplina ang
bawat kasapi ng iyong
pamilya? Paano ninyo ito
ipinakikita?
Ano ang
dapat gawin
ni Nancy
pagsapit ng
ikasiyam ng
gabi?
Ano ang dapat
gawin ni Carl
pagkatapos
niyang
maglaro?
Ano ang dapat
gawin ni Karen
pagkagising niya sa
umaga?
Ano ang dapat gawin
ni Mark pagdating
niya mula sa paaralan
nang mapansin
niyang marumi ang
kanilang tahanan?
Ano kaya ang
dapat gawin ni
Simon
pagkagaling
niya sa
paaralan.
Pagpapahalaga. . .

Ano ang natutunan ninyo


sa aralin ngayon?
Pagsusulit. . Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salitang
bubuo sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.

Oras disiplina lalagyan

Malinis tungkulin
1. Masaya ang aming pagsasama dahil lahat kami ay sumusunod sa mga
tuntuning itinakda ng aming pamilya. Kami ay may __________.
2. Napapanatili naming ang kaayusan sa aming tahanan dahil ginagampanan
ng bawat kasapi ng aming pamilya ang kanilang mga _________.
3. Ang bawatvgawain ay pinaglalaanan ko ng sapat na panahon. Nagkakaroon
ng kaayusan sa loob ng aming tahanan dahil ginagamit ko nang wasto ang
aking ________.
4. Nagwawalis kami at nagpupunas ng sahig araw – araw. Tinitiyak naming
palaging ________ ang aming tahanan kaya bawat isa ay nakikibahagi
upang maging maayos ito.
5. Pagkatapos kong maglaro ay kaagad kong nililigpit ang aking mga laruan at
inilalagay ang mga ito sa tamang ________.

You might also like