You are on page 1of 1

Dekalogo ng Wikang Filipio

(ni Jose Laderas Santos)

Ang wika ay dakilang biyaya ng Maykapal sa


sangkatauhan. Bawat bansa ay binigyan ng Diyos ng
kani-kaniyang wika na pagkakakilanlan.
II

Ang Pilipinas ay mayroong 176 na katutubong wika


bukod pa sa panghihiram sa mga banyagang wika.
III

Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.


Si pangulong Manuel Luis Quezon ang
Ama ng Wikang Pambansa. Ang wikang Filipino ay
katuparan ng pangarap na wikang panlahat.
IV

Ang wikang pambansa ay pinayayabong, pinayayaman


At pinatatatag ng lahat ng wikang ginagamit sa Pilipinas.
V

Ang wika ay puso at kaluluwa ng bansa para sa ganap


na pagkakakilanlan. Nakapaloob ito sa Pambansang Awit, Panunumpa
sa Watawat at sa lahat ng sagisag ng kalayaan at kasarinlan.

VI

Tungkulin ng bawat Pilipino na pag-aralan, gamitin,


pangalagaan, palaganapin, mahalin at igalang ang
Wikang Pambansa kasabay ang gayon ding pagmamalasakit
sa lahat katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas.
VII

Ang pagmamahal at paggalang sa wika ay katapat ng


Pagmamahal at paggalang sa sarili. Tumitiyak ito
Upang igalang ang kagitingan, dugo’t buhay ng mga
Bayani at ng iba pang dakilang anak ng bansa.
VIII

Malayang gumamit at pagyamanin ang iba pang wikang


gustong matutuhan. Sa pagkatuto ng iba ay lalo pang
dapat pakamahalin ang kinagisnang wika. Ano
mang wikang hindi katutubo sa Pilipinas ay
wikang hiram. Hindi matatanggap
bilang pagkakakilanlan at hindi maangkin sa sariling atin.
IX

Bawat Pilipino ay nag-iisip, nangangarap at nananaginip


Sa wikang Filipino o wikang kinagisnan.
X

Ang bawat pagsasalita at pagsusulat gamit ang wika


ay pagdiriwang at pasasalamat sa Maykapal sa
pagkakaloob ng wika bilang biyaya sa sangkatauhan.

You might also like