You are on page 1of 3

Gawain 1

1. Ipaliwanag ang sumusunod na pahayag:

Filipino, ang Pambansang Wikang dapat Ipaglaban.

Nararapat lamang na ipaglaban natin ang wikang Filipino dahil hindi


lamang ito ang ating pambansang wika, ngunit ito rin ay nagsisimbulo ng
maraming bagay na kakaiba kumpara sa kung anong mayroon ang ibang nasyon.
Ang pagkakaroon ng sariling wika ang nagpapatunay na tayo ay mayroong
kalayaan at ang bansa ay sariling atin lamang. Ito ang sumisimbulo ng ating
pagiging matatag at malakas sa pagharap ng mga suliranin na kinaharap ng bansa
natin. Ang pagsakop sa atin ng iba’t ibang bansa ay hindi naging madali para sa
pagpapanatili ng ating kultura at kalayaan. Dahil sa mga bayaning lumaban para sa
ating bansa, nanatili and pagiging Pilipino natin at isa lamang ang wikang Filipino
sa marami pang bagay na ipinaglaban ng ating mamamayan noong unang panahon
upang magkaroon tayo ng sarili nating buhay at kalayaan na walang kahit ano
mang kapalit. Hindi dapat natin pinapagsawalang bahala ang wika natin dahil hindi
natin alam kung gaano kasaklap at kahirap ang ginawa ng ating mga pambansang
bayani para lamang magkaroon at mapanatili natin ito. Hindi maikakailang ang
wikang Filipino ay unti-unti nang natatabunan at naisasantabi dahil mas
pinapahalagahan na ng taong bayan ang wikang Ingles dahil sa pagiging natural
nitong mas mahalaga at mas importante. Sa aking obserbasyon, masasabi ko na ang
wikang Ingles ay mas gamitin na ngayong modernong panahon dahil sa marami, ito
ang nagsisilbing patunay na ikaw ay matalino at maraming alam na nagpapataas sa
kumpyansa at tiwala sa sarili ng mga tao. Gayunpaman, marami pa rin ang
lumalaban na panatilihin ang pag-aaral ng wikang Filipino lalo na sa kolehiyo. Ito
ay para mapanatili ang kultura at ang dignidad ng bansa upang sa gayon ay
manatili tayong kakaiba sa ibang bansa. Ito rin ay nagsisilbing patunay na tayo ay
malaya. Ito ay kakaiba at sariling atin lamang at ito ang naghihiwalay sa atin sa
ibang bayan. Ang wika ng kahit anong bansa ay ang pinakamahalagang bagay na
pwede nilang kimkimin at panatilihing buhay sa mga susunod nilang henerasyon.
Hindi lamang ito nagsisilbing paraan para makipag-usap sa kapwa natin dahil ang
wika natin ay ang pinagmulan din ng ating kultura. Ang wikang sariling atin, ang
wikang Filipino, ay ang isa sa pinakamahalagang bagay na dapat mayroon tayo
upang masabi na tayo ay Pilipino. Sa lahat ng aking sinabi, aking napagtanto na ang
wikang Filipino ay nararapat na ipaglaban at bigyan pa ng mas maraming
pagpapahalaga. Tungkulin nating panatilihin at ipagmalaki ito dahil hindi lamang
ito ginagamit sa pakikipag-usap, kundi dahil ito ang dahilan kung bakit ganito tayo
ngayon, malaya at marangal.

2.

You might also like