You are on page 1of 1

Alam pa ba kaya natin ang kahalagahan ng “Nasyonalismo”?

Mahalaga pa ba kaya ang nationalism sa ating mga Pilipino?

Sa paglipas ng panahon, marami na ang nagbago sa ating paligid ganun din sa ating bansa at kasama na
dito ang ating kultura. Nakakalimutan na natin ang totoong kahulugan ng salitang nationalismo. Na
ultimo pagdiriwang natin ng kalayaan ay naging normal na araw na lamang.

Siya, sino nga ba ang taong ito at ginawan pa ng munumento? Alam ko at alam nating lahat na ang ilan
sa ating mga kabataan ay hindi alam ang tunay niyang palayaw at pangalan, at tinawag din siyang J.
Rizal. Marahil nakalimutan na sigurong ituro o tuluyan na ngang kinupas ng paglipas ng panahon.

Bilang isang Pilipino na naninirahan sa bansang pilipinas. Mahalaga na malaman mo kung bakit
mahalaga ang nationalism.

Una, nakakatulong ito sa ating mga Pilipino para mapaunlad at maipagmalaki ang pagkakaisa ng mga
Pilipino.

Ikalawa, Sa pagtataguyod ng nasyonalismong Pilipino, matututuhan ng mga tao na pahalagahan ang


mayamang kultura at kasaysayan ng bansa.

Ikatlo, ang nasyonalismo ay makakatulong sa pag-iisip ng katapatan at pagkamakabayan sa mga tao

Ikaapat, ang nasyonalismo ay maaaring maging rason upang maiangat ang mga taong nabubuhay sa
kahirapan at hindi maunlad na kalagayan.

Sa pagtataguyod ng nasyonalismo, matututuhan ng mga mamamayan ng Pilipinas na magtulungan para


sa kabutihan ng lahat, anuman ang kanilang pagkakaiba. Mahalaga na mapag-aralan natin ng malalim
ang ating kasaysayan dahil kung mababaw lamang ang ating pagkakahulugan sa mga kaganapan sa ating
kasaysayan ay hindi natin lubos maiiintindihan ang ating pinagmulan.

Halina’t magka-isa ipagpatuloy ang pagtataguyod sa nasyunalismo, para kabataan ay patuloy na matuto.

You might also like