You are on page 1of 28

ST.

SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Negros GRADE 07


occidental, inc. 1st Quarter
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City TERM
S.Y 2022-2023
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SSISBcd@gmail.com SUBJECT Araling Panlipunan 07
SSIS Bacolod
SSIS Bacolod MGA UNANG KABIHASNAN SA
TOPIC
ASYA
Prepared
COURSE NOTES 8 Bb. Razel S. Alit, LPT
by:
Junior High Department
Teacher: Bb. Sandra P. Binatero, LPT

I. Pagtatanaw!
 Tukuyin ang unang kabihasnan sa Asya;
 Bigyang-diin ang impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnan bilang isang sanggunian sa kasalukuyan
sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga ito; at
 Sumulat ng isang sanaysay ukol sa pag-aaral sa kahalagan ng kabihasnan sa Asya.
II. Pagtuklas!

Panoorin ang nasa link https://www.youtube.com/watch?v=liivvFBVfnc at sagutin ang mga tanong sa


ibaba?

1. Bakit kailangan pag-aralan ang sinaunang kabihasnan sa Asya?

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Anu-ano ang mga ambag nito sa kasalukuyan?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

II. Pagtatalakay
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

https://images.app.goo.gl/
G3xjnCo7zJCyq3dx7
Sa pag-aaral ng kasaysayan ng Asya, mahalagang malo man ang umiral na kabihasnan dito bago
naging ganap na maunlad na kontinente. Mahalagang maunawaan ng mga mambabasa ang bawat
kabihasnang nagbigay ng malaking tulong sa kung anong mayroon ang lipunang ginagalawan ng tao sa
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 1 of 28
kasalukuyan, Magmula sa Panahong Paleolitiko hanggang sa Panahon ng Metal, tunay ngang malaki na ang
narating ng Asya. Magkaganoon pa man, hindi pa rin ito magiging ganap kung hindi bibigyang-pansin ang
nakalipas na naging malaki ang impluwensiya sa kasalukuyan. Ayon nga sa isang batikang pilosopo na si
George Santayana, mahalaga ang kasaysayan sapagkat ito ang nagsisilbing sanggunian ng mga tao sa
kasalukuyan. Ito ay nagpapaunlad ng kaalaman na magagamit ng mga tao sa kasalukuyan. Sinang-ayunan
naman ito ni Stacia Deutch nang sabihin yang ang kasaysayan ang nagsisilbing gabay upang mas maging
masinop ang gagawing desisyon sa hinaharap.

Sa katunayan, ipinaaalam ng kasaysayan ang mga maling naganap noon nang sa ganoon ay maiwasan
na muli itong mangyari sa kasalukuyan. Kaya naman sa ka banatang ito ay muli nating babalikan ang
kasaysayan ng mga kabihasnang umiral sa Asya, gaya ng mga kabihasnan sa Kanlurang Asya (Mesopotamia),
Silangang Asya (Tsina), at Timog Asya (India).

Ayon sa mga eksperto, tunay na mahalagang balikan ang kasaysayan ng mga naturang kabihasnan
sapagkat malaki ang kontribusyon ng mga ito sa larangan ng teknolo- hiya, sistemang pampolitika at pang-
ekonomiya, literature, paglililok, arkitektura, matematika, at paniniwalang panrelihiyon sa kasalukuyan.

Ano nga ba ang kahulugan ng kabihasnan? Batay sa mga pahayag ng mga iskolar, maraming
kahulugan ang salitang ito at walang espisipikong kahulugan na maaaring bigay tungkol dito. Magkaganoon pa
man, tinatanggap ng nakararami na ang salitang ito ay tumutukoy sa kultura at lipunan may maunlad na
pamumuhay. Taglay nito ang maayos na sistemang pampolitika o pamamahala, ekonomiyo, relihiyon at
paniniwala, sining, teknolohiya, at mga may kaugnayan dito na kailangan ng isang lipunan. Ayon sa tala, ang
mga katangiang ito ang nagbigay-taguri sa Mesopotamia bilang kubkuban ng kabihasnan.

KABIHASNANG SUMER

Ang Mesopotamia ang kinikilala bilang cradle of civilization dahil dito umusbong ang unang sibilisadong
lipunan ng tao.

Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinatawag na Fertile Crescent kung saan
matatagpuan ang kambal- ilog na Tigris at Euprates.

Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya

Pagtatanim, pangangalakal, pangangaso, at pag-aalaga ng hayop ang pangunahing hanapbuhay ng


mga Sumerian.

Sistemang Panrelihiyon

Ang pinakamalaking gusali sa Sumer ay ang templo na tinatawag na Ziggurat. Pinamumunuan ng


mga haring pari ang mga lungsod dito.

Malaki ang gampanin ng relihiyon sa isang lipunan. Sa katunayan, ang relihiyon ang nagsisilbing
patnubay ng mga mananampalataya sa kung ano ang tama at mali sa buhay. Ang relihiyon din ang
nagsisilbing ilaw at pag-asa ng isang tao sa panahon ng kadiliman o kalungkutan. Ito ang nagtuturo sa tao
kung ano ang tunay na kahulugan ng buhay. Kaya naman gaya ng anumang kabihasnan, tunay na
binigayang-pansin ng mga Sumerian ang kahalagahan ng relihiyon sa kanilang buhay. Ito ay bakas sa
sistemang panrelihiyon na kanilang pinasimulan.

Ayon sa kasaysayan, maituturing na politeista ang mga Sumerian. Sila ay naniniwala sa iba’t ibang
diyos, kung saan para sa kanila, ang mga ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan. Sa katunayan,

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 2 of 28
sina An/ anu , Enli, Emki, at Ninhursag ang apat na pinakamahalagang diyos na kanilang ipinagkakapugay at
sinasamba, sa paniniwalang sila ang may hawak sa sandaigdigan.

1. An. Siya ang pinaniniwalaan ng mga Sumerian na diyos na kumakatawan sa kalangitaan.

2. Enlil. Siya ang pinaniniwalaan ng mga Sumerian bilang diyos ng hangin at bagyo. Siya rin ang itunuturing
na naghiwalay sa mundo at langit.

3. Enki. Siya ang itinuturing na may hawak sa katubigan.

4. Ninhursag. Siya ang itinuturing na dakilang diyos. Sa kalupaan.

Iba pang mga diyos ng Sumerian:


1. Utu. Siya ang diyos ng araw na pinaniniwalaang nagbibigay-tanglaw sa mundo.

2. Nanna. Itinuturing siyang diyos ng pag-ibig at digmaan.

3. Ereshkugal. Siya ay pinaniniwalaang diyos ng kadiliman at kamatayan.

Gaya ng konsepto ng patron ng bawat bayan sa Pilipinas, ang mga Sumerian ay may konsepto rin ng
mga diyos na nagsisilbing patron sa bawat lungsod-estado. Pinaniniwalaan ng mga Sumerian na ang mga
diyos na kanilang sinasamba ay may malaking control sa kanilang pamumuhay. Tulad ng tao, pinaniniwalaan
ng mga Sumerian na ang kanilang diyos ay kumain, umiinom, at nagkakaanak. Kaya naman upang maging
masaya ang kanilang mga diyos, tungkulin ng mga Sumerian na ipakita ang kanilang pagpupugay at
pagsamba nang sabay-sabay sa mga ito. Sa kabuuoan, ang mga Sumerian ay may tungkuling suyuin at
pakiusap ang kanilang diyos upang malayo sila sa mga kalamidad at sakuna.

Sistemang Panlipunan

Sa usaping pamumuhay may espesyalisasyon ang mga Sumerian na nagbigay-daan sa pag-usbong ng


uring panlipunan. Mataas ang tingin sa mga pinunong hari, kasunod nito ang mga mangangalakal, artisano, at
mga scribe, at sa huli ay mga magsasaka at alipin.

Mga Ambag ng Sumerian

Isa sa mga ambag ng mga Sumerian ay ang sistema ng mga Sumerian ay ang sistema ng pagsulat na
tinatawag na cuneiform kung saan naitala ng mga scribe sa mga clay tablet ang mga mahahalagang
panyayaring naganap.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 3 of 28
Matematika

Maituturing na malaking kontribusyon ng mga Sumerian sa larangan ng Matematika ang pagkaimbento


sa sistema ng pagbilang batay sa 10 o decimal system, fraction, at square root, gayundin ang paggamit ng
kalendaryong lunar na may 12 buwan, at ang prinsipyo ng kulkulador ay nag-ugat sa kabihasnang ito.
Pinasimulan din ng mga Sumerian ang paggamit ng timbangan at panukat ng haba ng isang bagay.

Edukasyon

Upang lubos na matuto ang mga Sumerian, nagtayo sila ng mga paaralan na ang pangunahing
itinuturo ay ang pagsulat. Sa mga nasabing paaralan, ganap na naging mahusay na tagatala ang mga
Sumerian. Kaya naman ang pagkakaroon ng ganitong kaligiran sa edukasyon ang naging dahilan kung bakit
sila rin ang itinuturing na unang gumawa ng mga aklat pangkasaysayan, at panliteratura. Sa kabuuan, ang
sistemang pang-edukasyon ng mga Sumerian ay nakatulong nang malaki sa pagiging bihasa ng mga
mamamayan sa halos lahat ng aspekto ng pamumuhay.

Pagbagsak ng Kabihasnang Sumer

Ang pagkawala ng matibay na pinuno, metatag na sistemang politika at pang-ekonomiya, at pagtatalo


ng mga lungsod-estado dahil sa isyu ng lupain at patubig ay ang mga naging dahilan kung bakit bumagsak
ang kabihasnang Sumer. Ang pagtatalong naganap sa pagitan ng mga lungsod-estado ay tuluyang nagpahina
sa kapangyarihang ng mg Sumerian. Dagdagan pa ito ng kawalan ng matibay na depensang-militar na
nagbigay-daan sa ibang grupo upang sakupin ang naturang kabihasnan.

KABIHASNANG INDUS

Sa Timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Dito umusbong ang kabihasnang Indus.

Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya

May dalawang importanteng lungsod ang umusbong dito, ang Harappa at Mohenjo-Daro. Planado at
organisado ang mga lungsod na ito na ipinapakita sa mga lansangang nakadisenyo sa kuwadrado (grid-
patterned) at pare-pareho ang sukat ng bloke ng kabahayan.

Sistemang Panrelihiyon

Sinasamba ng mga Dravidian ang maraming Diyos na sumisimbolo sa pwersa ng kalikasan.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 4 of 28

https://images.app.goo.gl/
Mga Ambag

Ang mga Dravidian ay gumagamit ng mga pictogram bilang sistema ng pagsulat, ngunit hanggang
ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung ano ang kahulugan ng mga ito

KABIHASNANG SHANG

Ito ang kabihasnang nagsimula sa lambak ng Huang Ho sa China na tinatawag ding Yellow River dahil
sa pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag-iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa
lupaing agrikultura na malapit dito.

Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya


May mga pamayanan ng umusbong dito bago ang Shang. Ito ang kalinangan ng Yanshao (3000 BCE-
1500 BCE) at Lungshan (2500 BCE- 2000 BCE). Pagtatanim ang pangunahing gawain sa panahong ito.

Mga Ambag

Calligraphy ang sistema ng kanilang pagsulat na nagsilbing taga pag-isa sa mga Tsino. Ginagamit na simbolo
ng pagsulat ang mga oracle bone.

Oracle Boneshttps://images.app.goo.gl/ Calligraphyhttps://images.app.goo.gl/


82Nq2NewAy7yZdva9
ifKDPLKpoqJQY6eq7

IV. Pagtatalipuspos!

 Ang kabihasnan ay tumutukoy sa kultura at lipunang may maunlad na pamumuhay.


 Bago pa umiral ang kabihasnang Sumer ay ma mga komunidad na noong Panahon ng Bagong Bato.
Ito ay makikita sa loob at labas ng Fertile Crescent, tulad ng Jericho sa Israel, Catak huyuk at Hacilar
sa Anatolia (Turkey), at iba’t komunidad sa paligid ng Bulunduking Zagros.
 Ang Mehrgarh ay itinuturing na pinakalumang lungsod bago pa man naisilang ang sibilisasyong Indus.
 Ang unang kabihasnan sa Asya ay iba’t ibang ambag katulad sa panrelihiyon, edukasyon, panlipunan at
pampolitika, agham at teknolohiya, matematika at sining.
 Nagwakas man ang mga sinaunang kabihasnan masasabi nating hindi sila tuluyang nawala dahil ang
kanilang amabag na naiwan ay patuloy pa rin nating pinag-aaralan at pinakikinabangan.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 5 of 28
ST. SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Negros GRADE 07
occidental, inc. 1st Quarter
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City TERM
S.Y 2022-2023
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SSISBcd@gmail.com SUBJECT Araling Panlipunan 07
SSIS Bacolod
SSIS Bacolod Mga Kaisipang Pinagbatayan sa
TOPIC Pagkilala sa Sinaunang
Kabihasnan
COURSE NOTES 9 Prepared
by/Teacher: Bb. Sandra P. Binatero, LPT
Junior High Department

I. Pagtatanaw!

 Suriin ang paghubog, pag-unlad at kalikasan ng mga pamayanan at estado;


 Bigyang kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at nailahad ang mga katangian nito; at
 Bumuo ng mga konklusyon hinggil sa kalagayan, pamumuhay at development ng mga sinaunang
pamayanan.

II. Pagtuklas!
Tukuyin ang estruktura na ipinakita sa larawan.

1. Ano ang tanyag na estrukturang ipinakita sa larawan?


_______________________________________________________________________
2. Saang bansa ito matatagpuan sa kasalukuyan?
3. _______________________________________________________________________

4. Ano ang iyong masasabi sa detalye I disenyo ng estruktura?


_______________________________________________________________________
5. Batay sa detalyeng ipinapakita sa larawan, anong paniniwala ang nkaaimpluwensiya sa
disenyong ito?
_______________________________________________________________________

III. Pagtatalakay
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 6 of 28
Mga bagay at kaiispang pinagtibayan
Devaraja
Ang konsepto ng devaraja ay ang pagkilala sa hari bilang diyos na nabubuhay sa mundo. Sa
wikang Sanskrit, ang salitang devaraja ay may iba't ibang pakahulugan, kabilang dito ang "god-king"
o "king of the gods." Ito ay batay sa paniniwalang Hindu Buddhist. Itinuturing ang hari na may mga
katangian ng diyos, o hari bilang nabubuhay na diyos sa mundo. Sa politikal na aspekto, ito ang
nagbigay katwiran sa pamumuno ng hari. Ipinakita ang konsepto ng devaraja sa pamamagitan ng
mga ritwal na isinagawa ng mga kaharian at imperyo sa Timog Silangang Asya na
naimpluwensiyahan ng kultura ng India. Ipinapahiwatig nito na ang hari ay may banal na
kapangyarihan na kanyang magagamit upang maging lehitimong pinuno at maipatupad ang
kaayusan sa aspektong panlipunan, pangkabuhayan, at panrelihiyon. Dahil itinuturing ng mga tao na
nabubuhay na diyos ang hari, inaasahan ang kanilang tapat na paglilingkod at pagsunod dito. Dahil
sa konseptong devaraja, nagawa ng mga hari na magsagawa ng malawakang proyektong
pampubliko at magpatayo ng mga magagarang estruktura gaya ng Angkor Wat na nasa Cambodia.
Tinatayang nagmula ang kaisipang devaraja sa Java, Indonesia noong ika-8 siglo. Nagpatuloy ang
ganitong paniniwala hanggang sa Imperyo ng Majapahit noong ika-15 siglo.
Divine Origin
Ang divine origin ay batayang paniniwala ng mga Hapones hinggil sa pinagmulan ng kanilang
emperor at bansa. Batay sa pananaw na ito, ang kanilang bansa ay nilikha ng mga diyos na sina
Izanami at Izanagi at ang kanilang unang emperor ay nagmula kay Amaterasu Omikami, ang diyosa
ng araw. Bunga ng paniniwalang ito, ang kanilang emperor ay banal, dakila at nararapat lamang na
sundin at irespeto. Ibinatay ang kaisipang ito sa Kojiki (Record of Ancient Matters) at Nihon Shoki
(Chronicle of Japan), mga aklat sa kasaysayan ng Japan na itinipon mula sa pag-uutos ng iba't ibang
emperor, na may layuning pangalagaan at magbigay ng pamantayan sa mitolohikal na kasaysayan
ng Japan. Nakasaad dito ang pinagmulan ng Japan at ng mga aristokratikong pamilya. Ayon dito, si
Emperor Jimmu Tenno ang unang emperor ng Japan. Ang ginampanang papel ng divine origin ay
nakaimpluwensiya sa pagpapatupad ng mga patakarang nasyonalista ng Japan. Naipamalas ito sa
modernisasyon ng Japan na isinagawa sa Meiji Restoration noong 1868. Ang Meiji Restoration ay
panahon na nagwakas ang sistemang shogunate at nanumbalik ang kapangyarihan ng emperor sa
Japan. Ang pagkakaugnay ng mga Hapones sa mga diyos ay sumasalamin sa paniniwalang sila ay
superyor. Ito ang nagtulak sa pagpapalawak ng militar sa kanilang imperyo.
Sinocentrism
Tumutukoy ang sinocentrism sa sinaunang paniniwala na ang China ang sentro ng kultura at
ang bansa na may pinakamataas na antas ng sibilisasyon sa mundo. Samakatuwid, maituturing
itongetnosentrikong perpespektibo hinggil sa pagkakaiba o pangingibabaw ng kultura ahalaan ng
China kumpara sa ibang sibilisasyon o bansa. Sa sinaunang panahon, itinuring ng imperyong Tsino
ang sarili nito bilang natatanging sibilisasyon sa mundo at ang emperor ng China ang nag-iisang
lehitimong emperor ng mundo. Ang sibilisasyong Tsino ay naiiba dahil sa kodigo ng kagandahang
asal alinsunod sa aral ni Confucius. Sa aspektong politikal at pangkabuhayan, ang sinocentrism ay
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 7 of 28
isang konsepto hinggil sa ugnayan ng mga bansang ipinatupad ng mga dinastiya ng China sa
kanilang pakikipag-ugnayan sa iba pang bansa lalo na sa mga bansa sa Silangang Asya. Ang ibang
pangkat ng tao at ibang estado ay mga basalyo na saklaw o mas mababa ang antas sa imperyo ng
sibilisasyong Tsino. Sa ganitong ugnayan, natatangi ang China na may "huangdi" o emperor na
itinuring na Anak ng Langit, habang ang ibang bansa ay mayroon lamang "wang" o hari. Umiral ang
sistemang ito sa panahon na nangibabaw ang China sa Silangang Asya. Ipinakita nito ang hirarkiya
ng ugnayan ng mga bansa sa pagitan ng Japan, Korea, at gayundin ang Vietnam na itinuring na mga
basalyong estado ng China. Ang mga bansang nais na makipagkalakalan sa China ay kinakailangang
magbigay ng tributo o handog sa pinuno ng China at maging basalyo nito. Nagwakas ang pananaw
na sinocentrism Japan noong ika-19 na siglo nang magapi ang China sa Opium War dahil sa
kalamangan ng mga Europeo sa armas. Higit na humina ang pananaw na ito nang magapi ng Japan
ang China sa First Sino-Japanese War.

Sa pananaw ng sinocentrism, ang emperor ng China ang nag-iisang lehitimong pinuno ng


mundo. Bunga nito, naniniwala ang mga Tsino na nararapat lamang na magbigay ng handog at
magpakita ng paggalang ang mga dayuhan sa kanilang emperor. Naipakita ang pananaw na ito sa
pagtungo ng Misyong Macartney mula 1792 hanggang 1793 sa China na may layunin na magkaroon
ang mga British ng ugnayang pangkalakalan sa China. Nagdala ang Misyong Macartney ng mga
handog para sa emperor na kinabibilangan ng mga bagay na mula sa Europe gaya ng relo, orasan,
planetarium, at hot-air balloon. Bago pa man magtungo si Lord Macartney ay nakikipag-usap ito sa
mga opisyales na ibinilin ang pagsasagawa ng kowtow sa pagharap nito sa emperor. Ang kowtow ay
ang pagdikit ng noo sa sahig ng tatlong beses. Subalit tumanggi si Macartney at pumayag lamang
itong lumuhod sa isang tuhod at iyuko ang kanyang ulo na naaayon sa kaugalian ng kanilang bansa.
Naging maayos ang pagtanggap sa mga Europeo subalit tumanggi ang emperor na pag-usapan ang
pakikipagkalakalan.
Pagkaraan ng tatlong linggo, isang liham ang dinala kay George III, ang hari ng Britain. Ang
naging tugon ng emperor ng China ay "We have never valued ingenuous articles nor do we have the
slightest need of your country's manufactures, therefore O King, as regards to your request to send
someone to remain at the capital, which it is not in harmony with the regulations of the Celestial
Empire - we also feel very much that it is of no advantage to your country."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 8 of 28
Dahil hindi naging matagumpay ang misyon, may ilang sinisi si Macartney dahil sa pagtanggi
nitong magsagawa ng kowtow. Noong 1794, sinubukan ng ambassador ng Holland na humingi ng
kasunduan sa pakikipagkalakalan at sinasabing ito ay nagsagawa ng kowtow ng 30 beses. Subalit
umuwi rin ito nang walang nakuhang kasunduan.

IV. Pagtatalipuspos
 Ayon sa kuwento ng paglikha na nakasaad sa Kojiki at Nihon Shoki, ang mga isla ng
Japan ay nilikha ng mga diyos, si Izanagi (lalaki) at Izanami (babae) na bumaba mula sa
kalangitan. Sa kanila nagmula ang iba pang kami (supernatural forces o mga diyos).
Kabilang sa mga diyos na ito si Amaterasu Omikami (diyosa ng Araw) at ang kanyang
kapatid na lalaki, si Susano-o (diyos ng bagyo) na naging magkatunggali, subalit sa huli
ay si Amaterasu ang nanaig. Ipinadala ni Amaterasu ang kanyang apong si Ninigi upang
pamunuan ang mga isla. Ipinadala kay Ninigi no Mikoto ang tatlong bagay: isang hiyas,
salamin, at espada at pinamunuan ang isla ng Kyushu. Ito ang naging simbolo ng
lehitimong kapangyarihan ng emperor. Ang apo ni Ninigi na si Jimmu ang kinilalang
unang emperor ng Japan
 Ang Japan sa ilalim ng sistemang constitutional monarchy at pinuno ng Japanese
Imperial Family. Siya ang simbolikong pinuno ng estado. Siya rin ang pinakamataas na
pinuno ng relihiyong Shinto. Siya at ang kanyang pamilya ay pinaniniwalaang tuwirang
nagmula kay Amaterasu. Tinatawag ang emperor ng Japan na Tenno
(nangangahulugang "heavenly sovereign"). Ang emperor ng Japan ang nag-iisang pinuno
sa mundo sa kasalukuyan na namumuno na may titulong "Emperor." Ang Imperial House
of Japan ang pinakamatandang nagpapatuloy na hereditary monarchy sa mundo. Ang
kasalukuyang emperor ng Japan ay si Emperor Akihito na nakaupo sa Chrysanthemum
Throne mula nang pumanaw ang kanyang amang si Hirohito noong 1989.

ST. SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Negros GRADE 07


occidental, inc. TERM 1st Quarter
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 9 of 28
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City S.Y 2022-2023
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SSISBcd@gmail.com SUBJECT Araling Panlipunan 07
SSIS Bacolod
SSIS Bacolod
TOPIC Sinaunang Pamumuhay

Prepared
COURSE NOTES 10-11
by/ Bb. Sandra P. Binatero, LPT
Junior High Department
Teacher:

I. Pagtatanaw!
 Ibigay ang kahulugan ng mga konsepto ng tradisyon, pilosopiya at relihiyon;
 Suriin ang mga mahahalagang pangyayari mula sa sinaunang kabihasnan hanggang
ika-16 na siglo sa:
a. pamahalaan
b. kabuhayan
c. teknolohiya
d. lipunan
e. edukasyon
f. paniniwala
g. pagpapahalaga, at
h. sining at kultura.
 Gumawa ng talk show kung saan may mga taong katatawan sa iba’t-ibang relihiyon-
Muslim, Hindu, Buddhist, Hudyo at iba pa.

II. Pagtuklas!
I. Loop-a-word. Hanapin at bilugan sa puzzle ang mga salitang inilarawan sa bawat bilang.

1. Nangangahulugang tungkulin, mabuting pag-uugali, o moralidad


2. Ang bawat aksyon ay may katumbas na reaksyon sa hinaharap
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 10 of 28
3. Proseso na muling pagkabuhay
4. Kalayaan mula sa siklo ng muling pagkabuhay at kamatayan
5. Pagdarasal ng limang beses sa isang araw
6. Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan
7. Estado ng kaliwanagan
8. Prinsipyo ng pag-iwas sa karahasan
9. Estado na magagawang makipag-ugnayan sa Diyos
10.Konsepto ng mabuting asal o kagandahang loob
11.Mga espiritu na may kaugnayan sa mga tao
12.Doktrina ng mga nakatatanda.

II.Tukuyin kung saang rehilyon o pilosopiya nakapaloob ang mga gawaing nasa bawat bilang. Lagyan
ng tsek ang hanay ng iyong sagot. Maaaring mahigit sa isang check ang sagot sa bawat bilang.
Mga Gawain Buddhis Confucianism Hinduism Isla Judaism Krsitiyanismo
m m
Paggalang sa mga magulang
Pagmamahal sa kapwa
Pagtulong sa nangangailangan
Pagsunod sa tungkulin
Pag-iwas sa karahasan
Pagsamba sa iisang Diyos
Pagdarasal nang limang
beses sa isang araw
Pagsagawa ng meditasyon
Pagligo sa banal na ilog
Pagpahinga t pagsamba sa
araw ng Sabbath

III. Pagtatalakay

Sinaunang Pamumuhay
 Ang relihiyon ay tumutukoy sa mga paniniwala ng may kaugnayan sa sanhi,
kalikasan, at dahilan ng sansinukob na may kinalaman sa paglikha ng tao. Kabilang
din dito ang mga debosyon at ritwal na gawain na may kodigo ng moralidad sa
pamumuhay at gawain ng mga tao. Ang bawat relihiyon ay may kanya-kanyang
katangian at pilosopikal na tradisyon, kabilang ang mga kaisipan at akda. Ito ay
nakaimpluwensiya sa pananaw, gawain, at paraan ng pamumuhay ng mga tao,
gayundin sa kasaysayan. Halos karamihan ng mga pangunahing relihiyon sa mundo
ay nagmula sa Asya. Narito ang talaan ng mga relihiyon at ang mga rehiyon o bansa
sa Asya na tumangkilik sa mga ito.

Rehiyon Mga Rehiyon at Bansa sa Asya


Confucianism China, South Korea, at Taiwan (China)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 11 of 28
Buddhism Bhutan, Bangladesh, Japan, Sri Lanka, North Korea, South Korea,
Singapore, China, Thailand, Vietnam, Loos, Cambod Myanmar,
Malaysia, Mongolia, Taiwan (China), Nepal, at India
Hinduism Bangladesh, Bhutan, India, Singapore, Sri Lanka, Malaysia,
Myanmar, Nepal, at Bali (Indonesia)
Kristiyanismo South Korea, Singapore, Malaysia, Indonesia, East Timor, India, et
Pilipinas
Islam Timog Asya, Gitnang Asya, Kanlurang Asya, Malaysia, Brunei,
Indonesia at Pilipinas
Jainism India
Judaism Israel
Shinto Japan
Sikhism India
Taoism China, Vietnam, Singapore, at Taiwan ( China)

KANLURANG ASYA
Judaism
Ang Judaism ang pinakamatandang relihiyong nagturo ng pagsamba sa iisang diyos. Ito ang
opisyal na relihiyon ng bansang Israel sa kasalukuyan. Nagsimula ang Judaism sa Kanlurang Asya
tinatayang may 3,500 taon na ang nakalilipas. Ito ay pinasimulan ni Moses, bagamat tinunton ng
mga Jew ang kanilang kasaysayan mula kay Abraham.
Kristiyanismo
Ang Kristiyanismo ang pinakamalaking relihiyon sa mundo na
may tinatayang 2 bilyong tagasunod. Batay ito sa buhay at mga aral
ni Hesukristo. Naniniwala ang mga Kristiyano na si Hesukristo ang
Anak ng Diyos at siyang Messiah na ipinadala sa mundo upang iligtas
ang sangkatauhan mula sa kanilang kasalanan. Isa sa mahahalagang
konsepto ng Kristiyanismo ay ang pag-aalay ng buhay ni Hesukristo
sa pamamagitan ng pagpako sa kanya sa krus at ang muli niyang
pagkabuhay. Naniniwala ang mga Kristiyano na mayroon lamang
iisang Diyos, subalit mayroon itong tatlong elemento - ang Diyos
Ama, Anak ng Diyos, at ang Banal na Espiritu. Sumasamba ang mga
Kristiyano sa mga Simbahan at ang mga espirituwal na pinuno ay
tinatawag na pari. Ang banal na aklat ay ang Bibliya na binubuo ng
Lumang Tipan at Bagong Tipan. Ilan sa mga banal na pagdiriwang
araw ay ang Pasko at Mahal na Araw. Synagogue
Mayroong mayaman na kasaysayan ang mga Jew.
Ang unang kasaysayan ng mga Jew nakasaad sa Lumang Tipan (Old Testatament). Inilahad dito na
pinili ng Diyos ang mga Jew upang maging halimbawa sa mundo. Pinili si Abraham na maging ama
ng mga Jew. Ibinigay naman ng Diyos kay Moses ang Sampung Utos ng Diyos. Ang
pinakamahalagang dokumento at banal na teksto ay ang Torah. Tinawag na halakhah ang
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 12 of 28
interpretasyon ng mga batas ng Torah. Ang rabbi naman ang espirituwal na lider. Sumasamba ang
mga Jew sa mga synagogue. Bawat linggo ay isinasagawa ang Sabbath, ang banal na araw ng
pagsamba. Ipinagbabawal ang pagtatrabaho sa araw ng Sabbath gayundin sa iba pang pagdiriwang
ng mga Jew. Kabilang sa mga pagdiriwang ng mga Jew ang Purim, Hannukah, at Passover.
Isang selebrasyon ng Banal na Misa ng mga Katoliko

Islam
Ang Islam ay relihiyong batay sa mga aral ng propetang si Muhammad. Naitatag ito sa Arabian
Peninsula noong ika-7 siglo at lumaganap sa Gitnang Silangan patungo sa Gitnang Asya, Timog Asya,
at Timog Silangang Asya. Ito ang pangunahing relihiyon sa Kanlurang Asya, sa kasalukuyan. Ang
salitang Islam ay nangangahulugang "pagsunod sa kalooban ng Diyos." Naniniwala ang mga Muslim
na mayroon lamang iisang diyos. Ang salitang diyos sa wikang Arabic ay Allah. Naniniwala ang mga
Muslim na ang huling propeta ay si Muhammad.
Zoroastrianism
Isa sa mga matatandang relihiyon ang Zoroastrianism. Ito ay itinatag ni Zoroaster o
Zarathustra sa Persia (sinaunang Iran) may 3,500 taon na ang nakalilipas. Ipinakilala ni Zoroaster
ang unang anyo ng monotheism. Sa relihiyong ito ay mayroon lamang iisang Diyos na tinawag na
Ahura Mazda (Wise Lord) na lumikha sa mundo. Ayon sa relihiyong ito, inihayag ni Ahura Mazda ang
katotohanan kay Zoroaster. Ang banal na aklat ng mga Zoroastrian ay ang Avesta. Ipinagbawal ng
relihiyong ito ang pagsakripisyo ng mga hayop at ipinakilala ang konsepto ng kaligtasan sa
pamamagitan ng mga gawaing moral, gayundin ang konsepto ng paghuhukom, langit, at impiyerno.
Sinasabing malaki ang naging impluwensiya ng Zoroastrianism sa tatlong relihiyong Abrahamic.
Subalit sa kasalukuyan isa na itong maliit na relihiyon.
TIMOG ASYA
Hinduism
Ang Hinduism ay relihiyon ng karamihan sa mga taong naninirahan sa India at Nepal. Ito ang
pinakamatandang relihiyon sa mundo. Hango ang katagang hindu mula sa ilog na nasa hilagang
kanluran, ang Sindhu. Hindi madaling bigyang kahulugan ang Hinduism, maliban sa ito ay nag-ugat
sa India. Hindi kagaya ng iba pang relihiyon, walang itinuturing na isang tagapagtatag at wala rin
itong iisang pinagsasang-ayunang aral. Ang Hinduism ay hindi lamang isang relihiyon, bagkus ito ay
sumasaklaw sa maraming tradisyon. Bunga nito, itinuturing ang Hinduism na paraan ng pamumuhay
o pamilya ng mga relihiyon sa halip na iisang relihiyon dahil binubuo rin ito ng maraming sekta.
Pinagkaisa nito ang kultura at ito rin ang pinagbatayan ng caste system o ang pag-uuri ng mga tao
sa lipunan ng Hindu.
Buddhism
Ang Buddhism ay nakatuon sa espirituwal na paglinang at pagkamit sa malalim na pag unawa
sa totoong likas ng buhay. Itinatag ang Buddhism ni Siddhartha Gautama. Naniniwala ang mga
Buddhist na ang buhay ay walang katapusan at pabago bago gayundin ang pagdurusa at kawalan ng
katiyakan. Ang pagdurusa ay may iba't ibang anyo: ito ay ang katandaan, sakit at kamatayan. Ito ay
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 13 of 28
tumutugma sa mga nakita ni Siddhartha nang makalabas siya ng palasyo. Ang mga tao ay may mga
pagnanasa at kagustuhan, bagamat nagagawa natin ito na matugunan ay panandalian lamang ang
maidudulot nitong kasiyahan. Hangarin ng mga Buddhist na makamtan ang estado ng nirvana o
kaliwanagan. Ang daan tungo sa kaliwanagan ay ang pagsasagawa ng meditasyon at pagkamit sa
karunungan at moralidad sa pamamagitan ng pagsunod sa Eightfold Path o Middle Way.
1. Wastong pag-iisip
2. Wastong pananaw
3. Wastong pananalita
4. Wastong pagkilos
5. Wastong pamumuhay
6. Wastong konsentrasyon
7. Wastong pagsusumikap
8. Wastong pagninilay

Naniniwala rin ang mga Buddhist sa konsepto ng karma na taglay ng ilang relihiyon sa Asya
bagamat may pagkakaiba ang pakahulugan nito. Gayumpaman, itinuturo nito na ang mga ginawa
natin sa nakaraan ay makaaapekto sa atin sa hinaharap sa positibo o negatibong paraan. Ang mga
masamang gawain sa nakaraang buhay ay maaaring makaapekto sa susunod na buhay at
magdudulot ng masamang epekto. Naniniwala ang mga Buddhist na mayroon tayong kontrol sa ating
mga tadhana, subalit karamihan sa mga tao ay hindi ito nababatid kaya't naghahatid ito ng
pagdurusa. Layunin ng Buddhism na magkaroon ng kamalayan ang mga tao upang magkaroon ng
sariling pagkilos. Nagtutungo ang mga Buddhist sa mga lugar na may kaugnayan kay Buddha na
kinabibilangan ng Kapilavastu (lugar ng kapanganakan ni Buddha), at ang punong fig sa Gaya, at
Sarnath (lugar ng unang sermon ni Buddha). Nagtutungo din ang mga Buddhist sa mga stupas na
katatagpuan ng mga banal na relikya.
Jainism
Ang Jainism ay isang sinaunang relihiyong nagtuturo na ang paraan upang makalaya at
makamit ang kaligayahan ay mabuhay nang hindi nakakapanakit. Ang pinakamahalagang aral nito ay
pagpapahalaga sa kapakanan ng bawat nilalang. Naniniwala ang mga Jain na ang lahat ng nilalang
ay may kaluluwa na may pantay na halaga at dapat itrato na may respeto at pang-unawa. Isang
paraan ng pagsasabuhay nila ng kanilang paniniwala ay ang pagiging vegetarian at mahinahong
paggamit ng mga likas na yaman ng mundo. Naniniwala rin ang mga Jain sa reinkarnasyon o muling
pagkabuhay sa iba't ibang anyo. Hangarin ng mga Jain ang ganap na paglaya mula sa reinkarnasyon
upang ang kanilang kaluluwa ay makamtam ang walang hanggang kaligayahan. Makakamtam
lamang ito kung maiwawaksi ang karma mula sa kaluluwa. Maiiwasan ang karma sa pamamagitan ng
mabuting pag-uugali at wastong pag-iisip.
Sikhism
Itinatag ang Sikhism noong ika-16 na siglo sa Punjab sa kasalukuyang India at Pakistan.
Pinasimulan ito ni Guru Nanak. Naniniwala ang mga Sikh sa iisang diyos. Binibigyang halaga nila ang
paggawa ng mabuti gaya ng pagiging matapat, masipag, mapagbigay, at pantay na pagtrato sa
kapwa. Nakatuon ang pamumuhay ng mga Sikh sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Diyos sa
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 14 of 28
pamamagitan ng meditasyon at pagiging mabuting kasapi ng komunidad. Naniniwala ang mga Sikh
sa reinkarnasyon at nakabatay ang buhay batay sa batas ng karma. Makakawala lamang sa siklong
ito kung makakamtam ang ganap na kaalaman at pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ang tawag sa estado
kung saan ay nagagawa ng isang na tao na makipag-ugnayan sa Diyos ay mukti. Mayroong tatlong
tungkuling dapat isagawa ang mga Sikh na maibubuod sa tatlong salita: ang Nam Japna (pagdarasal
at pag-isip sa Diyos sa lahat ng oras); Kirt Karna (pagtatrabaho nang matapat o pagkakaroon ng
marangal na hanapbuhay); at Vand Chhakna (pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan). Ang
lugar kung saan sumasamba ang mga Sikh ay tinawag na Gurdwara. Ang banal na kasulatan o aklat
ay ang Guru Granth Sahib. Ang komunidad kung saan naninirahan ang mga Sikh ay tinawag na
Khalsa.
SILANGANG ASYA
Confucianism
Umusbong ang Confucianism sa China mula sa aral ni Confucius noong ika-5 siglo. Lumaganap
ang ideya ni Confucius sa panahon ng kaguluhan. Nahikayat si Confucius na ilahad ang wastong pag-
uugali upang magkaroon ng isang mapayapa at makatarungang lipunan. Sa tradisyunal na pananaw,
hindi ganap na maituturing na relihiyon ang Confucianism dahil wala itong mga espiritwal na lider at
mga diyos na sinasamba, bagkus ito ay isang praktikal na sistemang sosyo-etikal na pinahahalagahan
ang mga tungkulin ng tao sa lipunan. Naging gabay ang pilosopiyang ito sa pamumuhay ng
maraming tao sa Silangang Asya lalo na sa China.
Nakasaad ang mga aral ni Confucius sa aklat na tinawag na The Analects. Nakasaad dito ang
konsepto ng mabuting asal o kagandahang loob na tinawag na jen o ren. Ayon kay Confucius, ang
pagkakaroon ng jen ng bawat tao ang susi sa maayos na pamumuhay. Kabilang sa jen ang paggawa
ng tama, mabuting paghusga sa karakter ng ibang tao, pagiging matapat sa salita at gawa, at
pagmamahal sa magulang. Tanyag ang mga aral ni Confucius gaya ng "Kung anong ayaw mong
gawin sa iyo, huwag mong gawin sa iba."
Sa kabuuan, hangarin ni Confucius na magkaroon ng reporma sa lipunan. upang magkaroon
ng mabuti at maayos na pamumuhay ang mga tao. Naniniwala siyang na ito ay maisakakatuparan
kung wasto ang ugnayan ng bawat isa. Ang ilan pang mga mahalagang aspekto ng Confucianism ay
ang pagpapahalaga sa pamilya, pagpapatuloy ng mga ka at tradisyon gaya ng pagsamba. ninuno,
pagpapahalaga sa edu. respeto sa mga nakatatanda, at pa sa mga pinuno ng pamahalaan.
Taoism
Ang Taoism ay isang si tradisyon ng pilosopiya at rel paniniwala na
nakaugat sa ka pananaw ng mga Tsino. Ipinapa Lao Tzu ang nagtatag
ng Taoism ay patungkol sa Tao na nangana " Ang Daan." Sinasabing
ang lab ay pinag-uugnay o pinag-iisa n relihiyon ng pagkakaisa at page
makikita sa prinsipyo ng Yin at Yang.
Itinataguyod ng Taoism ang pakikiayon ng tao sa kalikasan, kabutihan, at pagpapaunlad sa
sarili. Binigyang-diin ng Taoism ang pakikipag-ugnayan ng tao sa kalikasan. Isinasagawa sa Taoism
ang meditasyon, feng shui, at paghuhula sa kapalaran. Ang aklat ng Taoism ay ang Tao Te Ching
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 15 of 28
(Dao De Jing) na nangangahulugang "The Way and its Power." Binubuo ito ng 81 na kabanata na
naglalaman ng maiikling talata ng mga payo sa buhay. Ito ay koleksyon ng mga kasabihan na
nagmula sa iba't ibang tao na itinipon sa loob ng mahabang panahon. Para sa mga Taoist, ito ay
mahalagang gabay sa espirituwal at etikal na pamumuhay.
Shinto
Ang Shinto ay itinuring na katutubong paniniwala at relihiyosong gawain ng mga Hapones.
Ang salitang Shinto ay hango sa dalawang salitang-ugat na shin na nangangahulugang "mga diyos o
espiritu" at to na nangangahuluhang "daan." Maraming Hapones ang hindi itinuturing ang Shinto
bilang relihiyon at sa halip ito ay iniisip bilang isang bahagi ng kanilang pamumuhay. Ang Shinto ang
debosyon ng mga Hapones sa mga espirituwal na nilalang na kumakatawan sa mga aspekto ng
kalikasan gaya ng langit, lupa, at iba pang likas na penomenon na tinawag na kami at sa mga
dambana at iba pang ritwal. Ang mga ritwal ay isinasagawa upang makipag-ugnayan sa kami. Ang
kami ay mga espiritung may kaugnayan sa mga tao. Maaari silang magdulot ng kabutihan sa buhay
ng tao gaya ng magandang kalusugan, tagumpay, at magandang kapalaran kung magiging maayos
ang pagtrato sa kanila. Kinikilala rin ang pagiging sagrado ng ilang bagay gaya ng bato at puno,
gayundin ang mga nakataling lubid na tinawag na shimenawa at mga piraso ng puting papel na
nakadikit dito. May mga estrukturang may simbolo gaya ng torii gate na ginawa upang ihiwalay ang
mga dambana. Bumibisita ang mga tao sa mga dambana kung may pagdiriwang o may mga
kahilingan. Ang torii gate ay gawa sa kahoy na nagsisilbing pasukan patungo sa mga dambana. Ang
shimenawa ay mga tradisyunal na lubid na kadalasan ay nakasabit sa torii. Ito ay ginagamit upang
magsilbing tanda sa mga banal na lugar sa loob ng dambana.
Marami sa mga pagdiriwang sa Japan ay inuugnay sa Shinto. Ang pagbisita sa mga dambana
at pakikibahagi sa mga pagdiriwang ay paraan upang pag isahin ang mga lokal na komunidad. Ang
jinja o dambana ay isang sagradong lugar kung saan nananahan ang kami. Ang bawat pamayanan o
bayan ay may dambana para sa lokal na kami. Walang tiyak na doktrina, aral o kasulatan ang Shinto.
Nagkaroon lamang ng aktuwal na pangalan ang Shinto noong ika-6 na siglo upang mabigyan ito ng
pagkakalinlan mula sa Buddhism at Confucianism.
IV. Pagtatalipuspos
 Ang mga relihiyong Abrahamic ay ang Judaism, Kristiyanismo, at Islam. Ang mga
relihiyong ito ay naniniwala at sumasamba sa iisang diyos. Si Abraham ang
kinilalang "Ama ng mga Jew." Kilala ng mga Muslim si Abraham bilang Ibrahim. Ang
unang anak ni Abraham na si Ishmael ay pinaniniwalaang ninuno ni Muhammad,
ang propeta ng Islam.
 Naniniwala si Muhammad na siya ang piniling tagapaghatid ng mensahe ng Diyos.
Itinuro niyang walang ibang diyos kung hindi si Allah at ang mga Muslim ay dapat
ganap na sumunod sa kagustuhan ni Allah. Naging banta ang pagsikat ni
Muhammad sa Mecca kaya't lumikas siya kasama ang kanyang mga tagasunod at
nagtungo sa Medina noong 622 CE. Ang paglalakbay na ito ay tinawag na Hegira
(migrasyon) at ito ang unang taon sa kalendaryong Islamic. Pagkaraan ng sampung
taon, nagkaroon ng maraming tagasunod si Muhammad at siya ay bumalik at nilupig

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 16 of 28
ang Mecca. Patuloy na namuno si Muhammad hanggang sa kanyang kamatayan
noong 632 CE.
 Ang Qur'an ay inilahad kay Propetang Muhammad sa wikang Arabic. Mayroon itong
114 kabanata. Ang bawat kabanata maliban sa ika-9 ay nagsisimula sa
pangungusap na Bismillahir rahmanir raheem. Ang pinakamahabang kabanata ay
ang Surah Baqarah (The Cow) na may 286 berso habang ang pinakamaikli ay ang
Surah ng mensahe ng Al-Kawther (Abundance) na may tatlong berso. Malaki ang
respeto ng a ang pagsikat mga Muslim sa Qur'an dahil ito ang mga tagasunod banal
na salita ng Diyos. Habang ay tinawag na malakas na binabasa ito, ang mga Muslim
ay inaasahang makikinig at hindi magsasalita, kakain, iinom, o gagawa ng anumang
ingay.
 Sa lipunan ng mga Aryan unang pinairal ang caste system. Sa simula, ito ay may
dalawang uri, ang mga Brahman (mga pari) at Kshatriyas (mandirigma). Noong
1000 BCE, naidagdag ang mga Vaishyas (mga magsasaka, mangangalakal, at
artisano) at Shudras (mga magsasakang walang sariling lupa, manggagawa, at
alipin). Pagkaraan ng isang siglo, may panibagong uring lumitaw, ang mga tinawag
na "untouchable" na gumagawa sa mga di kanais-nais na trabaho. May mahigpit na
patakaran sa caste system, kabilang dito ang hindi ka maaaring mag-asawa ng hindi
mo kauri. Ang caste system din ang nagtalaga ng lokasyon ng tirahan, pananamit,
at mga ritwal na isasagawa ng isang tao. Sa panahong walang matatag na
pamahalaan sa India, ang caste system ang nagbigay ng pamantayan ng pag-
uugali. Gayumpaman, hiniwalay nito ang mga tao at nagsilbing balakid sa politikal
na pagkakaisa.
 Ang Vedas ay nangangahulugang "kaalaman." Nang ito ay maisulat, nahati ito sa
apat na aklat. Ang Rig Veda (pinakamatanda sa apat na vedas na naglalaman ng
mga himno), Yajur Veda (gabay para sa mga pari hinggil sa pagsasagawa ng mga
alay), Sama Veda (mga awit para sa pagsasagawa ng alay), at Atharva Veda (mga
sinaunang tradisyon). Noong 800 BCE, nagkaroon ng mga karagdagang ideya sa
Vedas at ito ay tinawag na Upanishads na naglalahad ng pilosopiya kaugnay ng mga
aral ng Hinduism.
 Si Siddhartha Gautama, ang Buddha, ay isinilang mula sa maharlikang pamilya sa
kasalukuyang bansa ng Nepal may 2,500 taon na ang nakalilipas. Marangya ang
kanyang naging pamumuhay. Isang araw nang lumabas siya ng palasyo ay nakakita
siya ng tatlong tao-isang matanda, isang may sakit, at isang patay. Nabagabag siya
sa kanyang mga nakita kaya't nagpasya siyang maging isang monghe. Isang araw
habang nakaupo sa ilalim ng punong Bodhi (ang puno ng kaliwanagan) at
nagsasagawa ng meditasyon, nakamtan ni Siddhartha ang kaliwanagan. Mula rito ay
tinawag si Siddhartha na Buddha na nangangahulugang "Ang Naliwanagan."
Habang nagsasagawa ng meditasyon, napagtanto ni Buddha ang Four Noble Truths:
a. Lahat ng tao ay nakararanas ng paghihirap (Dukkha).
b. Ang paghihirap ng tao ay dulot ng paghahangado pagnanasa (Samudaya).
c. Maaaring mawakasan ng tao ang paghihirap at makamit ang nirvana (Nirodha).
d. Makakamit ang nirvana sa pamamagitan ng pagsunod sa Eightfold Path (Magga).
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 17 of 28
 May dalawang sekta ng Buddhism, ito ay ang Theravada Buddhism at Mahayana
Buddhism. Nangangahulugan ang Theravada na "doktrina ng mga nakatatanda." Ito
ay nagpapahiwatig na mas nalalapit ito sa orihinal na katuruan ni Buddha.
Binibigyang halaga ng Theravada ang kalayaan sa pamamagitan ng sariling
pagsisikap. Ang konsentrasyon at meditasyon ang daan tungo sa kaliwanagan. Ang
isang tagasunod ay inaasahang iiwas sa lahat ng uri ng kasamaan at pananatilihing
malinis ang pag-iisip. Laganap ang Theravada sa Sri Lanka, Cambodia, Laos,
Myanmar, at Thailand. Ang Mahayana Buddhism ng mga tradisyong Buddhist. Ito
ang naman ay binubuo Pure Land Buddhism, Tibetan Buddhism, at Zen Buddhism.
Laganap ang Mahayana Buddhism sa Japan, Korea, Mongolia, Tibet (China), at
Taiwan (China).
 Si Confucius o Kung Fu-Tzu ay itinuring na pinakadakilang pilosoper ng China.
Pinamahalaan ni Confucius ang isang paaralang binuksan niya sa mga too batay sa
kanilang talento at hindi dahil sa katayuan sa lipunan. Ang kanyang mga mag-aaral
ay naging tagapayo ng mga naglalabang kaharian sa China. Sa ganitong paraan
napalaganap ang mga ideya ni Confucius. Sa pamamagitan nito, nagsimula ang
pagtanggap sa tungkulin sa pamahalaan hindi batay sa katayuan sa lipunan o
kayamanan kung hindi batay sa engking talento o kakayahan. Ang ganitong sistema
ang nagpasimula sa civil service examination.

ST. SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL GRADE 07


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 18 of 28
Negros occidental, inc. 1st Quarter
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City TERM
S.Y 2022-2023
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SSISBcd@gmail.com SUBJECT Araling Panlipunan 07
SSIS Bacolod
SSIS Bacolod Ang Asya sa Sinaunang Panahon
TOPIC
sa Ika-16 na Siglo
Prepared
COURSE NOTES 12-13
by/ Bb. Sandra P. Binatero, LPT
Junior High Department
Teacher:

I. Pagtatanaw!
 Tayain ang impluwensiya ng mga paniniwala sa kalagayang panlipunan, sining at
kultura ng mga Asyano;
 Suriin ang mga kalagayang legal at tradisyon ng mga kababaihan sa iba’t-ibang uri ng
pamumuhay; at
 Pahalagahan ang mga kontribusyon ng ga sinaunang lipunan at komunidad sa Asya.

II. Pagtutuklas!

PPag-aralan ang mga larawan. Tukuyin ang lugar o bansa kung saan matatagpuan ang mga ito.

Mga mahahalagang Pangyayari sa Asya hanggang sa Ika-16 na Siglo


Nagsimula ang sibilisasyon sa Asya, smunod na ang pagsikat ng mga kaharian at imperyo sa
Kanluran, Timog, Timog Silangan at Silangang Asya.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 19 of 28
III. Pagtatalakay

KANLUARNG ASYA
Sinaunang Panahon
Sa hilaga ng Sumer, nanirahan ang mga Akkad na isang Semitic na pangkat na malaon ay
sumakop sa mga Sumerian. Si Sargon I (2335-2279 BCE) na pinuno ng mga Akkad ay nagtagumpay
na sakupin ang rehiyon. Si Sargon ang unang nagtatag ng imperyo sa kasaysayan noong 2400 BCE.
Itinatag niya ang bagong kabisera na tinawag na Agade sa hilaga ng Sumer at ginawa itong
pinakamayamang lungsod sa mundo sa panahong iyon. Tumagal ang pamumuno ng mga Akkadian
sa loob ng isang siglo.
Noong 2000 BCE, ang Akkad at Sumer ay parehong sinalakay. Ang mga Amorite na mula sa
Syria ay nagtatag ng panibagong estado sa lungsod ng Babylon. Si Hammurabi ang. hari ing Babylon
(1792-1750 BCE), ang sumakop sa rehiyon at namuno sa loob ng 43 taon. Kabilang sa kanyang mga
nagawa ay ang pagtitipon sa kodigo ng mga batas, ang Code of Hammurabi. Sa kanyang pamumuno,
naging sentro ang Babylon ng kaalaman at sining. Subalit malaon ay sinalakay ang Babylon ng
Hittites noong 1595 BCE.
Ang mga Hittite ay mga Indo-Europeo at paggamit ng bakal, isang teknolohiyang kanilang
ginamit sa pakikidigma. Nakatulong ito sa kanilang pagpapalawak ng teritoryo. Samantala, nagsimula
rin ang tagumpay ng kaharian ng Assyria sa pakikidigma na nagbigay-daan sa pagkakatatag ng
Imperyong Assyrian sa ilalim ng pamumuno ni Tiglath- Pileser paladigmang I. Ang mga Assyrian na
Semitic na pangkat ang sumakop sa buong Mesopotamia. Higit na lumawak ang Imperyong Assyrian
sa ilalim ng pamumuno ni Tiglath-Pileser III at Ashurbanipal na sumakop naman sa Babylon, Syria,
Israel, at Egypt. Subalit unti-unting humina ang imperyo bunga ng paulit-ulit na pagsalakay sa mga
pangunahing lungsod nito na Chaldean, Medes, at Scythian. Naitatag ang Imperyong Chaldean nang
bumagsak ang Imperyong Assyrian noong 626 BCE. Isa sa mga hari nito si Nebuchadnezzar II, ang
sumira sa Jerusalem (586 BCE), at pumilit sa mga Hebrew na maging bihag sa Babylon, ang lungsod
ng mga Chaldean. Sinimulan din niya ang pagpapaganda sa Babylon sa pamamagitan ng
pagpapatayo sa mga tanyag na estruktura gaya ng Ishtar Gate, at ang Great Ziggurat (ang Tore ni
Babel). Nagwakas ang Imperyong Chaldean pagsalakay ni Cyrus ng Persia noong 539 BCE.
Naitatag ang Dinastiyang Achaemenid ng Imperyong Persian sa pamamagitan ni Cyrus the
Great o Cyrus II na pinamunuan ang malawak na teritoryo. Ipinamalas ng mga Persian ang
pagtanggap sa ibang kultura, ipinatupad ang sentralisadong pamamahala, nagpatayo ng mga
imprastraktura, at pinasimulan ang burokrasya. Binigyan ng katungkulan ang mga maharlika sa
hukbong sandatahan, inorganisa ang paniningil ng buwis, at ginamit ang mga espiya upang masiguro
ang katapatan ng mga opisyal ng mga lalawigan.
Simula ng Imperyong Islamic
Mula 613 CE hanggang 630 CE ay pina laganap ni Muhammad ang Islam. Ito ang simula ng
pagtatatag ng Imperyong Islamic. Nagawa ng mga Muslim na magtagumpay laban sa mga Sassanid
at nasakop nila ang Syria, Palestine, Egypt, at Libya. Nagawa rin nilang pahinain at sakupin ang
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 20 of 28
Imperyong Byzantine. Namuno sa Imperyong Islamic ang mga caliphate, kabilang ang Umayyad at
Abbasid.
Nahati ang mga Muslim sa dalawang sekta, ang Sunni at Shiite. Nangibabaw ang mga Sunni at
itinatag ang Umayyad Caliphate (661-750 CE). Naging kabisera nito ang Damascus sa Syria. Sinakop
ng Umayyad ang Gitnang Asya, Hilagang Africa, at ang Iberian Peninsula (katatagpuan ng Spain at
Portugal).
Unti-unting humina ang Imperyong Umayyad noong 700 CE. Sa panahong ito, nakilala ang
bagong politikal na pangkat, ang Abbasid. Nagapi ng Abbasid ang Umayyad noong 750 CE sa
Labanan sa Zab. Ang mga natitirang Umayyad ay nagtungo sa Iberian Peninsula at nagtatag ng
hiwalay na caliphate. Itinatag naman ng Abbasid ang kanilang kabisera sa Baghdad (nasa
kasalukuyang Iraq) noong 762 CE. Pinasimulan ng Abbasid ang pagkakaroon ng absolute monarchy
pinuno ng pamahalaan. Pinagbuti ng Abbasid ang burokrasya at pinaunlad ang kalakalan ng lalo na
sa ibayong-dagat sa pamamagitan pagpapadala ng mga mangangalakal sa India at Timog Silangang
Asya. Gayumpaman, naranasan din ng Abbasid ang mga suliranin ng Umayyad na naging dahilan ng
paghina nito gaya ng sigalot sa pagitan ng politikal na pangkat ng imperyo na nag-aagawan sa
kapangyarihan at labis na pagdepende ng caliph sa kanyang mga tagapayo. Nang malaon, natalo sila
ng mga Turk na nagtatag naman ng Dinastiyang Seljuk noong 1051 CE. Kabilang sa pangkat na Turk
na sumibol ang Ottoman. Ang mga Ottoman Turk ang sumakop sa rehiyon ng Mesopotamia, Balkan,
Greece, Byzantium, at ibang bahagi ng Hilagang Africa at Arabia. Pinag-isa ng mga Ottoman ang mga
rehiyong ito sa ilalim ng Imperyong Ottoman. Ang pamumuno ng mga Ottoman ang nagwakas ng
caliphate sa Gitnang Silangan.

Samantala, nahati ang Abbasid noong 1200 CE sa panahon ng pagsalakay ng mga Mongol
mula sa Gitnang Asya na pinamunuan ni Genghis Khan. Noong 1258, si Hulegu Khan, apo ni Genghis
Khan, ay sumalakay sa Baghdad at winaksan ang Abbasid caliphate, at sa pagwawakas ng ika-14 na
siglo, ang rehiyon ay muling sinalakay ni Timur.
TIMOG ASYA
Panahong Vedic Pagkaraang bumagsak ng mga lungsod sa Indus Valley, umiral na ang
Panahon Vedic (1500-500 BCE) kung saan nangibabaw ang kultura ng mga Aryan. Nagmula ang mga
Aryan sa Gitnang Asya at nagtungo sa India noong c1500 BCE. Nadatnan nila ang mga Dravidian na
malaon ay itinaboy nila sa katimugang India. Ang pamamahala ng mga Aryan sa India ang simula ng
Panahong Vedic. Sa panahong ito nalinang ang wikang Sanskrit, naisulat ang Vedas na pinagmulan
naman ng relihiyong Hinduism, at nagsimula rin ang sistemang caste.

PANAHONG KLASIKAL
Imperyong Maurya

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 21 of 28
Nang malaon, nagawa ni Chandragupta Maurya na kontrolin ang Ilog Ganges at itinatag niya
ang Imperyong Maurya. Ang Imperyong Maurya ay isang malawak at makapangyarihang imperyo sa
sinaunang India na tumagal mula 321 hanggang 185 BCE. Pinag-isa nito ang subkontinente ng India
sa unang pagkakataon. Isa sa mga pinuno nito ay si Ashoka na higit na nagpalawak sa teritoryo ng
imperyo.
Imperyong Gupta
Itinatag ni Chandra Gupta I ang Imperyong Gupta. Ang Imperyong Gupta ang
pinakamahabang panahon ng pagkakaisa, kasaganaan, at kapayapaan sa sinaunang India. Dagdag
pa rito, nakamtam ng imperyo ang pag-unlad sa larangan ng sining, literatura, agham, matematika,
at medisina kaya't tinawag itong Ginintuang Panahon ng India. Sa panahong ito, pinalitan ng
Hinduism ang Buddhism bilang mayoryang relihiyon ng imperyo. Ang Sanskrit ang naging opisyal na
wika ng India. Nagwakas lamang ang Imperyong Gupta nang sakupin ito ng mga Hun na nagmula sa
Gitnang Asya.
Noong ika-8 siglo, dumating at nagtatag ng mga kaharian ang mga Muslim sa hilagang
kanluran ng India. Noong 1398, dumating ang mga Mongol sa India sa pamumuno ni Tamerlane. Ito
ang simula ng pagtatatag ng Imperyong Mughal. Napag-isa ni Babur ang India sa ilalim ng
Imperyong Mughal. Kabilang sa mga mahuhusay na pinuno ng Imperyong Mughal sina Babur, Akbar,
Jahangir, Shah Jahan, at Aurangzeb.
Mga Imperyo
Ang Imperyong Khmer ay kabilang sa mga imperyong naging makapangyarihan sa Indochina
Peninsula. Tinawag din itong Khamboja at Kampuchea kung saan hinango ang pangalan ng bansang
Cambodia. Noong 800 CE., naging imperyo ang Khmer nang sakupin nito ang mga kalapit na
kaharian. Narating ng imperyo ang rurok noong 1200. Gumawa ang mga Khmer ng mga kanal para
sa irigasyon, imbakan ng tubig, mga kalsada, ospital, at mga templong gawa sa bato. Ang Angkor
ang kabisera ng imperyo kung saan matatagpuan ang templo ng Angkor Wat, isa sa mga dakilang
ambag ng imperyo sa larangan ng arkitektura. Naimpluwensiyahan ng India ang kultura ng
Imperyong Khmer. Sa katunayan, ang kanilang sistema ng pagsulat at paniniwala ay nag-ugat sa
mga Hindu ng India. Naging katunggali ng mga Khmer ang Thai at kanilang tunggalian ang naging
dahilan ng pagwawakas ng Imperyong Khmer noong 1431. Sa mga kapuluan naman ay nagkaroon
din ng mga kaharian at imperyo gaya ng kaharian ng Sailendra, Sri Vijaya, at Majapahit. Ang
Sailendra ay isang agrikultural na kaharian sa isla ng Java (bahagi ng Indonesia). Kagaya ng mga
Khmer, nakagawa ang mga tao rito ng templong Buddhist, ang Borobudur na tinatayang itinayo
noong 800 CE. Nagwakas ang kaharian nang sakupin ito ng Sri Vijaya. Ang Sri Vijaya ay kahariang
umunlad sa isla ng Sumatra (bahagi ng Indonesia) noong ika-4 na siglo CE. Ang Palembang ang
naging kabisera nito. Naging isang imperyo ang Sri Vijaya noong ika-7 siglo. Saklaw nito ang
malaking bahagi ng Malaysia at nagkaroon din ng ugnayan sa China at India.
Ang Majapahit naman ay kaharian sa isla ng Java na naitatag noong 1293. Naging imperyo
ang Majapahit noong ika-14 na siglo. Ito ang huling imperyong naging makapangyarihan sa Malay
Peninsula. Tinanggap at ipinalaganap ng Majapahit ang kulturang Hindu na mula sa India.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 22 of 28
SILANGANG ASYA
Panahong Klasikal Sa China

Dinastiyang Zhou (1122-256 BCE) Noong 1050 BCE, naitatag ang bagong dinastiya sa China,
ang Zhou. Pagkaraang makabuo ng alyansa sa mga kalapit na estado, sinalakay ng Zhou ang Shang.
Ang bagong kabisera ay ang Chang-an (kasalukuyang Xian) na malapit sa Wei River. Pinamunuan ng
Zhou ang kabuuan ng gitnang China sa ilalim ng sistemang piyudalismo (feudalism) na nagbigay ng
kapangyarihan sa mga maharlika upang mapamahalaan ang malawak na teritoryo. Kapalit nito ay
hindi nagawa ng emperor na masolusyunan ang mga pambansang isyu dahil naging desentralisado at
mahina ang kanyang pamumuno. Nagawa lamang ng hari na panatilihin ang kanyang kapangyarihan
dahil sa Mandate of Heaven o paniniwalang binigyan ng kalangitan ang emperor ng kapangyarihang
mamuno. Humina ang Dinastiyang Zhou noong 500 BCE dahil sa pagsalakay at pag-aaway-away ng
mga maharlika. Kasabay naman nito, sumibol ang mga pilosoper gaya nina Confucius at Lao-Tzu. Di
nagtagal, nagkawatak-watak ang Dinastiyang Zhou nang magkaroon ng dagdag na kapangyarihan
ang mga maharlika sa panahon na tinawag na Warring States Period mula 402 BCE hanggang 201
BCE.
Dinastiyang Qin (256-202 BCE)
Sinalakay ng Qin. ang Zhou at nagpatulong ito sa pagsalakay at pagsakop sa iba pang
kaharian hanggang 221 BCE. Ang Dinastiyang Qing ang unang imperyong Tsino dahil napasailalim
ang China sa pamumuno ng isang tao. Hinango ang pangalan ng China mula sa pangalan ng
dinastiyang ito. Ang pinuno ng Qin ay nagkaroon ng bagong titulo at tinawag siyang Shi Huangdi.
Winakasan ni Shi Huangdi ang piyudalismo at pinasimulan ang burokrasya sa pamamagitan ng
pagtatalaga ng mga opisyales. Nagpatupad siya ng batayan sa pagsukat o pagtimbang, pananalapi,
at opisyal na wika. Nagpagawa rin siya ng mga pampublikong proyekto gaya ng irigasyon,
pagmamanupaktura ng telang seda, at sinimulan ang paggawa sa Great Wall. Nakilala si Shi Huangdi
sa kanyang kalupitan dahil sa pagpilit sa mga manggagawang magtrabaho sa pagpapatayo ng Great
Wall. Dagdag pa rito ang mataas na buwis at pagparusa sa mga taong sumasalungat sa kanya.

Dinastiyang Han (202 BCE-220 CE)


Itinatag ang Dinastiyang Han ni Liu Bang, isa sa mga heneral na namuno sa pag-aalsa. Ang
Dinastiyang Han (gayundin ang Tang, Song, at Ming) ay kabilang sa mga dakilang dinastiya ng
China. Isa sa mga dakilang pinuno nito ay si Emperor Wu na nagtatag ng mahabang panahon ng
kapayapaan sa China. Sa loob ng 200 taon, ang kabisera ng Dinastiyang Han ay ang Xi'an na nasa
lambak ng Wei (parehong lugar ng Chang'an). Malaon ay inilipat ito sa Loyang. Ito ang nanatiling
kabisera ng dinastiya sa loob pa ng 200 taon. Saklaw ng Han ang teritoryo mula sa Pamir Mountains
sa kanluran hanggang sa Korea sa silangan at Vietnam sa timog. Nagkaroon ng ugnayan ang
Dinastiyang Han sa Imperyong Persian sa pamamagitan ng Silk Road na inugnay ang China, India,
Gitnang Silangan, at gayundin ang Europe. Dumating ang Buddhism sa China sa pamamagitan ng
Silk Road.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 23 of 28
Itinaguyod ng mga emperor ng Han ang Confucianism. Itinuro sa mga iskolar ang pilosopiyang
Confucian. Naging batayan ito sa pagsusulit ng mga iskolar bago sila tanggaping manungkulan sa
pamahalaan. Pinagbuti ng Han ang sistemang burokrasya sa pamamagitan ng pagsusulit dahil
naitalaga sa mga posisyon ang mga tao batay sa kanilang kaalaman at hindi dahil sa kanilang
katayuan sa buhay. Naging organisado ang pamamahala ng Dinastiyang Han at itinaguyod din nito
ang pananaliksik, pagtatala ng kasaysayan, at kaalaman. Si Sima Qian na may akda ng Records of
the Grand Historian ay isa sa mga sumulat ng kasaysayan ng mga sinaunang dinastiya ng China.
Maraming kontribusyon ang naibigay ng Han. Ang maituturing na isa sa pinakamahalagang
imbensiyon ay ang papel.
Unti-unting humina ang pamumuno ng Dinastiyang Han. Kabilang sa mga dahilan ng paghina
ay ang korupsyon, pagpapabaya ng mga kawani ng pamahalaan sa kanilang tungkulin, mataas na
buwis, at mga pag-aalsa. Ang pagsalakay ng mga Hun mula sa hilaga ang nagwakas sa Dinastiyang
Han noong 220 CE. Malaon ay nagkawatak-watak ang China na pinamunuan naman ng mga maliliit
na kaharian.
Panahon Ng Pagyabong
Dinastiyang Sui (589-618 CE)
Pagkaraan ng mga kaguluhan, muling binuklod ang China ng Dinastiyang Sui noong 589 CE.
Ang nagtatag ng dinastiyang ito ay si Sui Wendi na nagdeklara sa sarili bilang emperor.
Nagpanumbalik sa sentralisadong pamamahala. Subalit maikli lamang ang panahon ng pamumuno ng
dinastiyang ito dahil sa pag-aalsa ng mga tao dahil sa mataas na buwis at sa pagpapagawa ng Grand
Canal.
Dinastiyang Tang (618-907)

Sa panahon ng Dinastiyang Tang ay higit pang pinalawak ang teritoryo ng China mula sa Tibet
sa kanluran, Vietnam sa timog, at Manchuria sa hilaga. Pinagbuti ang edukasyon at ang pagsusulit
para sa pagpili ng mga iskolar na nais na manilbihan sa pamahalaan. Pinalakas ng pamahalaan ang
sentralisadong pamumuno sa pamamagitan ng burokrasya nagawang at ipinagpatuloy ang
pagpapagawa ng mga kalsada at kanal.
Ang Dinastiyang Tang ay naisagawa sa unang bahagi ng pamumuno ng dinastiya na bunga ng
pagsusumikap ng mga naunang emperor nito. Subalit ang mga sumunod na humalili ay hindi
nahigitan ang husay ng mga naunang emperor dahil sa kakulangan sa praktikal na karanasan sa
pamumuno. Humina ang imperyo bunga ng mga suliranin at rebelyon. Tuluyang nagwakas ito nang
sinalakay ng mga rebelde ang Chang'an, ang kabisera ng imperyo. Pagkaraan nito, nahati ang China
sa mga maliliit na kaharian.
Dinastiyang Song (960-1279)
Itinatag ni Song Taizu ang Dinastiyang Song ng China noong 960CE. Nagawa niya ito sa
pamamagitan ng pagbawas sa kapangyarihan ng mga pinuno ng sandatahan at pagbibigay ng
dagdag na kapangyarihan sa mga sibilyang namumuno sa pamahalaan. Naging mahina ang China sa
aspektong militar kaya't nabawasan ang teritoryo nito, subalit ang nakasasapat na teritoryo nito ang
nakatulong sa pagkakaroon ng matatag na ekonomiya at mayamang kultura. Katulad ng Dinastiyang
Tang, marami ang nagawang imbensiyon at kultural na ambag ng Song. Halimbawa ng sining sa
panahong ito ay ang paggawa ng tula, pagpinta, at pagbuo ng mga parirala. Nangibabaw rin ang
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 24 of 28
sining sa paggawa ng seramika na naging tanyag sa mundo. Samantala, ang Chinese junk (hango sa
salitang Malayan na djong, nangangahulugang "bangka") ay napahusay sa huling bahagi ng
dinastiyang Song.

Dinastiyang Yuan (1260-1368)


Naging pinuno ng Imperyong Mongol si Kublai Khan noong 1264. Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan,
ang kauna-unahang dinastiya sa China na pinamunuan ng isang dayuhan. Noong 1267, inilipat niya
ang kabisera ng kanyang imperyo mula sa Karakorum patungo sa Dadu (Beijing sa kasalukuyan).
Itinayo rito ni Kublai Khan ang isang magarang lungsod. Ang mga pader nito ay may habang 24
milya at may 50 talampakan ang taas. Tinawag ang lungsod na ito ng mga Mongol na Khanbaliq, ang
Khan. lungsod ng Khan.
Hiniwalay ni Kublai Khan ang kultura ng mga Mongol sa mga Tsino sa pamamagitan ng
pagbabawal sa interaksyon sa pagitan ng dalawang lahi. Hiwalay ang tirahan at pook sambahan ng
mga Mongol. Sila lamang ang maaaring maitalaga sa mga matataas na posisyon sa pamahalaan.
Gayumpaman, ipinatupad ang sistema ng burokrasya. Pinili niya ang mga dayuhan sa halip na mga
Tsino na maglingkod sa pamahalaan. Kabilang sa mga dayuhang ito si Marco Polo.
Gayumpaman, humanga pa rin si Kublai Khan sa kultura at pag-iisip ng mga Tsino. Sa
katunayan, kumuha siya ng mga tagapayong Tsinong Buddhist, Taoist, at Confucian. Pinamunuan ni
Kublai Khan ang malawak na imperyo higit pa sa mga unang dinastiya. Mayroon siyang tuwirang
kontrol sa Mongolia, Tibet, Manchuria, Korea, at buong China.

Dinastiyang Ming (1368-1644)

Noong 1368, iprinoklama ni ZhuYaunzhang sarili bilang Emperor Ming. Pinaalis ng emperor
ang mga Hongwu at itinatag ang Dinastiyang Mongol sa China noong nanunungkulan na ito. Dagdag
pa rito, mas pinahigpit ang pagkuha ng pagsusulit para sa mga iskolar na nagnanais na
makapagtrabaho sa pamahalaan. Nagpagawa ang emperor ng mga pampublikong proyekto at mga
irigasyon upang matulungan ang mga ordinaryo at mahihirap na mamamayan, higit lalo ang mga
magsasaka. Pinayagan ang mga magsasakang magtanim sa mga lupaing wala pang nagmamay-ari.
Gayumpaman, hindi nito napigilan ang paglakas ng kapangyarihan ng mga landlord o panginoong
maylupa na nagkaroon ng maraming pribilehiyo sa pamahalaan. Napilitan ang maraming magsasaka
na ibigay ang kanilang lupain at magsilbing tenant o umuupa sa lupain ng mga landlord dahil sa
kanilang mga pagkakautang. Inilipat ang kabisera ng Ming mula sa Nanjing patungo sa Beijing at
nagpatayo ng isang malawak na complex na tinawag na Forbidden City.

Dinastiyang Qing (1644-1912)


Ang Manchuria ay ang rehiyon sa hilagang silangang China. Ang mga nakatira rito ay itinuring
na barbaro ng mga Tsino. Pinasimulan ng mga Manchu ang pagtatatag ng bagong dinastiya at pinili
ang pangalan na Qing na nangangahulugang "puro." Upang ipakita ang pangingibabaw ng mga
Manchu sa lipunan, inutos nila ang pag ahit ng isang bahagi ng ulo at pag-iwan sa mahabang buhok
na nakatali na tinawag na queue.

KOREA

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 25 of 28
Ayon sa isang alamat, naitatag sa sinaunang Korea ang pinakaunang estado, ang Joseon o
Choson noong 2333 BCE. Noong 108 BCE sa panahon ng Dinastiyang Han, sinakop ng mga Tsino ang
hilagang bahagi ng Korea.

Panahon ng Tatlong Kaharian


Nagkaroon ang sinaunang Korea ng tatlong magkakatunggaling kaharian-ang Koguryo,
Packche, at Silla na may kanya kanyang teritoryo. Nanaig sa tatlo ang Silla na nakipag-alyansa sa
Dinastiyang Tang ng China upang magapi ang dalawang kaharian. Sa panahong ito umunlad ang
kulturang Koreano. Lumaganap din ang Buddhism at naipatayo ang mga monasteryo at mga estatwa
ni Buddha. Ngunit nang lumaon ay nagkaroon ng mga pag-aalsa na nagbigay-daan sa muling
pagkakawatak-watak ng bansa.

Dinastiyang Koryo

Ang Koryo ang kahariang nagsagawa ng unipikasyon ng mga lupain sa Korea. Sa katunayan,
hinango ang pangalan ng Korea sa kahariang ito. Itinatag ito ni Wang Kon na nagbigay halaga sa
edukasyon. Pinag-aral niya ang mga Koreano ng Confucian Classics at ibinatay ang sistema ng
pamamahala sa burokrasya ng China. Nagwakas ang Dinastiyang Koryo sa pagsakop ng mga Mongol
sa Korea noong 1259. Nakalaya lamang ang Korea mula sa mga Mongol noong 1392, subalit
nakamtan lamang ang politikal na pagkakaisa nang maitatag ang Dinastiyang Yi ni Yi noong 1392.
Naging maunlad at mapayapa ang pamamahala ng Dinastiyang Yi sa loob ng 200 taon. Subalit sa
pagwawakas ng ika-16 na siglo, nagkaroon ng magkakasunod sunod na pagtatangka ng pagsakop sa
Korea. Noong 1592, sinakop ng mga Hapones ang Seoul, kabisera ng Korea. Noong 1627, muling
naranasan ng mga Koreano ang pananakop nang dumating ang mga Manchu. Bunga ng mga
pananakop, nagpasya ang mga pinuno ng Korea na isara ang kanilang bansa sa mga dayuhan.

JAPAN
Isa ang Japan sa mga bansang malapit sa China. Dahil dito, lumaganap ang kultura ng China
sa Japan sa pamamagitan ng mga Koreano na naglakbay sa Japan. Nagsimula ang ugnayan ng Japan
at China noong 500 CE. Sa panahong ito, naimpluwensiyahan ang Japan ng kultura at mga politikal
na ideya ng China. Kabilang sa impluwensiya ng China sa Japan ay ang paglaganap ng Confucianism
at Buddhism, at ang pagtatatag ng burokrasya. Naging tanyag ang Buddhism sa Japan at bunga nito,
naipatayo sa Japan ang maraming templo at monasteryo. Upang higit na pag-aralan ang kultura ng
mga Tsino, nagpadala si Prinsipe Shotoku ng mga iskolar sa China noong 604 CE. Maraming aspekto
ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Hapones gaya ng pag-inom ng tsaa, paraan ng
pagluluto, at paraan ng pananamit ang nagmula sa China.
Naitatag ang kabisera ng pamahalaan ng Japan sa Nara noong 710 CE na inihalintulad sa
Chang'an, ang kabisera ng Dinastiyang Tang. Ang Nara ang unang kabisera ng Japan. Noong 794 CE,
inilipat ang kabisera ng Japan sa Heian-Kyo (kasalukuyang Kyoto). Ito na rin ang simula ng Panahong
Heian kung saan naging maunlad ang kultura ng mga Hapones sa larangan ng arkitektura, sining,
pagpipinta, at literatura. Kabilang sa mga tradisyong nalinang ay ang ikebana (malikhaing pag-aayos
ng bulaklak) at chanoyu (tea ceremony). Naisulat ang Tale of Genji, ang kauna-unahang. Sa panahon
ding ito, nagkaroon ng mga makapangyarihang pamilya sa Japan. Kabilang dito ang pamilyang
Fujiwara na nagkaroon ng politikal na kapangyarihan dahil sa pagpapakasal ng kanilang mga anak sa
pamilya ng emperor. Nasundan ito ng pamilya na nagpasimula ng sistemang shogunate noong 1100
CE. Kabilang sa mga bagong pamilyang nagkaroon ng kapangyarihan at teritoryo ay ang Taira at

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 26 of 28
Minamoto. Nanaig ang pamilyang Minamoto na pinangunahan ni Yoritomo at itinatag niya ang unang
shogunate sa bansa. Sa kabuuan, namahala sa Japan ang tatlong shogunate ang Kamakura,
Ashikaga, at Tokugawa. Ang Kamakura Shogunate ay itinatag ni Yoritomo. Sa sistemang shogunate,
ang mga tao sa lipunan ay maaaring pangkatin batay sa mga sumusunod
Emperor - Itinuring na pinakamataas na pinunosubalit walang kapangyarihang politikal
Shogun Taglay ang politikal na kapangyarihan, namamahala sa Japan
Daimyo - Nangangasiwa sa mga lalawigan at nagpapanatili ng kaayusan
Samurai - mga mandirigma ng naglilingkod sa shogun at daimyo
Mga Ordinaryong Mamamayan manga ngalakal, magsasaka, artisano, at iba pa.

IV. Pagtatalipuspos

 Si Hammurabi ay makatarungang pinuno na naging tanyag dahil sa kanyang Code of


Hammurabi na pinakamatandang kodigo ng mga batas sa mundo. Naitala ang 282 na
batas sa stone stele (batong haligi) upang makita ng lahat. Sa itaas nito ay makikita
ang larawan ni Hammurabi na humihingi ng payo kay Shamash, ang diyos ng
katarungan.
 Naitayo ang Babylon malapit sa Euphrates River (malapit sa Baghdad sa kasalukuyang
Iraq). Itinuring itong isa sa pinakadakilang lungsod sa sinaunang panahon. Ito ang
kabisera ng Imperyong Babylonian at ito rin ang sentro ng kalakalan. Ang Babylon ay
nangangahulugang "Gate of the God." Pinaganda ni Nebuchadnezzar II ang Babylon.
Mayroon itong malalaking pader at walong gate. Ang Ishtar Gate ang pinakamagara sa
lahat. Ito ang pasukan sa hilaga na kulay asul at may mga dekorasyon. Itinayo rin ni
Nebuchadnezzar ang magarang palasyo na nakilala bilang "Marvel of Mankind."
 Si Cyrus the Great ay naging makapangyarihang pinuno sa edad na 28. Siya ay naging
mahusay na pinunong militar at administrador. Hinati niya ang imperyo sa 20 lalawigan
o satrapy, inayos ang sistema ng pagbubuwis, at nagbigay ng pamantayan sa
pagtimbang, panukat, at pananalapi. Ginawa niyang opisyal na relihiyon ng estado ang
Zoroastrianism na nagbigay ng diwa ng pagkakakilanlan at pagkakaisa ng mga Persian
 Si Ashoka ang isa sa pinakamahusay na pinuno sa sinaunang India. Noong 206 BCE,
nakipaglaban ang kanyang hukbo sa Ka linga sa silangang India. Marami ang napaslang
sa madugong labanan. Bunga nito, nagsisi si Ashoka at tinanggap ang Buddhism.
Nangako siyang itataguyod ang kapayapaan at kawalan ng karahasan
 Ang Great Wall of China ay orihinal na maliliit at magkakahiwalay na pader sa hilagang
China. Sinimulan ng Dinastiyang Qing na itayo at pagdugtungin ng mga pader na ito
noong 214 BCE upang hadlangan ang mga Xiongnu, mga nomadikong pangkat sa
hilaga, na sakupin ang China. Nagawa ito sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng 300,000
manggagawang Tsino
 Bago pa man pumanaw si Shi Huangdi, inihanda na niya ang kanyang libingan. Sa
katunayan, sinimulan ang paggawa nito noong siya ay 13 taon pa lamang. Sa loob ng
36 taon, may 700,000 manggagawa ang nagtrabaho upang matapos ang mausoleum
na 20 milya kuwadrado ang lawak. Kasama sa libingan ang mga crossbow na
permanenteng nakahanda upang paslangin ang magnanais na pumunta sa kanyang
libingan. Nang matuklasan ang kanyang libingan, nakita ang tanyag na hukbong
terracotta ng Xi'an. May natagpuan ding karwahe at kabayo na gawa sa bronze kasama
ang iba pang artifact gaya ng seda, linen, at jade. May mga tao ring nakasama sa
libingan kasama ang mga artisano at alipin.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 27 of 28
 Inugnay ng Silk Road ang Kanluran at Silangan. Mahirap, mahaba at kadalasan ay
peligroso ang paglalakbay sa mga rutang ito na dumadaan sa mga kabundukan,
disyerto, at tubig. Dahil sa Silk Road, nakarating ang mga produktong Tsino sa Europe.
Halimbawa ng mga tanyag na produktong dumadaan dito ay seda, porselana, ginto,
salamin, mga kagamitang gawa sa bronze at pilak, at mga mamahaling hiyas. Maliban
sa mga produkto, lumaganap din ang relihiyon at mga ideya sa pamamagitan ng Silk
Road
 Ang Grand Canal ang nag-ugnay sa Yangtze af Huang He. Nakatulong ito sa ekonomiya
ng pamamagitan ng pagkakaroon ng ruta ng kalakalan sa hilaga at timog. Subalit ang
mga milyong manggagawang nagtrabaho para isagawa ang proyekto ay nag-alsa at
naging dahilan ng pagwawakas ng Dinastiyang Sui.
 Naitatag ang Imperyong Mongol ni Genghis Khan noong ika-12 siglo. Nasakop nila ang
malaking teritoryo mula sa Korea hanggang Hungary, Europe. Ito ang pinakamalaking
tuloy-tuloy na imperyo sa lupa sa kasaysayan.
 Naglakbay si Marco Polo mula sa Venice, Italy kasama ang kanyang ama at tiyuhin
patungong China noong 1217. Pagkaraan ng tatlo at kalahating taon, narating nila ang
China. Nanatili si Marco Polo sa China sa loob ng 17 taon sa ilalim ng administrasyon ni
Kublai Khan. Siya ay nakapaglakbay sa maraming lugar, kabilang ang Hangzhou na
naging paborito nito. Pagkaraan ng 17 taon, bumalik ang mga Polo sa Venice. Nang
mabihag si Marco sa isang labanan, kanyang inilahad ang kanyang mga paglalakbay sa
isang manunulat habang nasa kulungan. Ang aklat na The Travels of Marco Polo ay
agad na naging bestseller sa Europe.
 Nagsimulang dumating ang mga Kanluranin sa China. Ang mga unang pangkat ng mga
dayuhang dumating ay mga misyonerong Heswita. Tinangka ng mga misyonerong
gawing Kristiyano ang mga Tsino. Kabilang sa mga iskolar na Hewsita ay si Matteo Ricci
na pinahanga ang mga Tsino sa teknolohiya ng mga Europeo gaya ng orasan, kanyon,
at kalendaryo. Hangarin ni Matteo Ricci na makapanayam ang emperor ngunit inabot 18
taon bago niya ito nakausap. Sa kanyang pananatili sa China ay pinag-aralan niya ang
kultura nito. Pinag-aralan niya ang wikang Tsino at Chinese classics at isinalin ito sa
wikang Latin. Hinangaan din niya si Confucius. Ang mga Heswita ang unang nagbigay
ng ulat patungkol sa sibilisasyon ng mga Tsino na hinangaan naman ng mga taga-
Europe.
 inatayang sa loob ng 700 taon, ang mga mandirigmang samurai ang nangibabaw sa
pamahalaan ng Japan. Sa simula, ang mga samurai ay nangalaga sa estado ng mga
maharlikang angkan. Nagsilbi sila sa pamahalaan sa panahon ng rebelyon at naging
tagapagbantay ng mga makapangyarihang maharlika. Nang lumaon naging
makapangyarihan ang mga samurai. Noong 1185, isang samurai ang nagawang
kontrolin ang militar at itinatag ang shogunate sa Japan. Ang pag-uugali ng mga
samurai ay mahigpit na nakabatay sa Bushido (nangangahulugang "way of the
warrior"). Ang kodigong ito ay pinahahalagahan ang katapangan, katapatan,
karangalan, at disiplina.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 28 of 28

You might also like