You are on page 1of 5

GRADE 08 - Discernment

ST. SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Unang Markahan


TERM
NEGROS OCCIDENTAL, INC. S.Y 2022-2023
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City FILIPINO 8
SUBJECT
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SSISBcd@gmail.com Epiko ng Bidasari | Mga Hudyat
SSIS Bacolod
SSIS Bacolod TOPIC ng Sanhi at Bunga ng mga
Pangyayari
COURSE NOTES 2&3
Teacher Bb. Sandra P. Binatero, LPT
Junior High Department
I. PAGTATANAW

 Ipaliwanag at suriin ang mahahalagang pangyayari at mga konseptong nakapaloob sa epikong


babasahin;
 Kilalanin ang kahulugan ng mga piling salita/pariralang ginamit sa akdang epiko ayon sa
kasingkahulugan, kasalungat na kahulugan, at talinghaga.
 Tukuyin ang mga gintong aral na nakapaloob sa epikong babasahin; at
 Bumuo ng makabuluhang mga pangungusap na ginagamitan ng mga hudyat ng sanhi at bunga.

II. PAGTUKLAS

Kilala mo ba sina Cain at Abel sa lumang tipan ng Bibliya sa aklat ng


Genesis? Bakit pinaslang ni Cain ang kanyang kapatid?

III. PAGTATALAKAY

Giliw sa Panitikan
Mga Teknik sa Suring Pampanitikan

Bago ka magsimula, narito ang ilang mga pantulong na teknik upang mas madali mong maunawaan ang
iyong akdang babasahin:
 Maghinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda;
 Gamitin ang dating kaalaman kaugnay sa binasa;
 Ilahad ang layunin ng napakinggan;
 Ipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari;
 Uriin ang mga pangyayaring may sanhi at bunga; at
 Kilalanin ang kahulugan ng mga piling salita/pariralang ginamit sa akdang epiko ayon sa
kasingkahulugan, kasalungat na kahulugan, at talinghaga.

Anyong Pampanitikan: Epiko


Ang akdang iyong matutunghayan ay tinatawag na epiko. Ito ay isang mahabang tulang pasalaysay na
inaawit o binibigkas na nagsasaad ng kabayanihan at mahiwagang pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan na karaniwang nagtataglay ng lakas na nakahihigit sa karaniwang tao.

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School 1
only.
Ang epiko ay uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga
tao laban sa mga kaaway. Ito ay karaniwang nagtataglay ng mga mahiwaga at kagila-gilalas o di-kapani-
paniwalang pangyayari. Ang mga epiko ay ipinapahayag ng pasalita, patula, o paawit (sa iba’t ibang mga
estilo); maaaring sinasaliwan ng ilang mga instrumenting pangmusika o minsan nama’y wala. Ito rin ay
maaaring gawin nang nag-iisa o kaya naman ng grupo ng mga tao. Ang haba ng mga epiko ay mula sa 1,000
hanggang 5,000 na linya kaya’t ang pagtatanghal sa mga ito ay maaaring abutin ng ilang oras o araw.
Karamihan sa mga rehiyon sa bansa ay may maipagmamalaking epiko. Mahalaga sa mga sinaunag
pamayanan ang mga epiko. Bukod sa nagiging aliwan ito, ito rin ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon
at pangkultura. Kadalasan ang mga epiko ay sumasalamin sa mga ritwal at pagdiriwang ng isang lugar upang
maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang
mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno. Narito ang ilan sa mga ito:

1. Bidasari — epiko ng mga Meranao


2. Ibalon — epiko ng mga Bikolano
3. Dagoy at Sudsud — epiko ng mga Tagbanua
4. Tuwaang — epiko ng mga Bagobo
5. Parang Sabir — epiko ng mga Moro
6. Lagda — epiko ng mga Bisaya
7. Haraya — epiko ng mga Bisaya
8. Maragtas — epiko ng mga Bisaya
9. Kumintang — epiko ng mga tagalog
10. Biag ni Lam-ang — epiko ng mga Iloko

Ang Bidasari ay isang epikong-romansang Malay na nasasalig sa matandang paniniwalang napatatagal


ang buhay kung ang kaluluwa ay paiingatan sa isang isda, hayop, bato, o punongkahoy. Ang Bidasari,
bagama’t laganap sa mga Muslim sa Mindanao ay hindi katha ng mga Muslim kundi hiram sa mga Malay. Ang
orihinal na Bidasari ay nasulat sa wikang Malay. Ito ay ipinalalagay na siyang lalong kabigha-bighaning tula sa
buong Panitikang Malay. Ito ay isinalin sa Ingles ni Chauncey C. Starkweather mula sa orihinal na bersiyon nito
sa Malay. Gayunpama’y walang nakaaalam kung sino ang nagsalin nito sa wikang Meranao.

Epiko ng Bidasari

Labis na naligayahan ang sultan ng Kembayat nang malamang ang mahal


na sultana ay nagdadalantao. Ang lahat ay maligaya sa magandang balitang
iyon nang biglang sumalakay ang itinuturing na salot ng kaharian, ang
higanteng ibong Garuda. Ang buong kaharian ay napilitang umalis at
nagtago sa namumuksang ibon. Napahiwalay sa mga kasama ang Sultana
at ang Sultan at ang kanilang paglalakad ay inabot ng panganganak ang
Sultana sa tabi ng ilog. Bagama’t halos madurog ang puso ng Sultana,
napilitan silang iwan ang sanggol sa isang bangkang nasa tabing-ilog dahil
sa malaking takot nila sa ibong Garuda at saka sila nagpatuloy sa
pagtatago.
Nang araw na iyon, namamasyal sa tabing-ilog si Diyuhara, ang
pinakamayaman na mangangalakal sa bayan ng Indrapura kasama ang
kanyang asawa nang nakarinig sila ng iyak ng sanggol. Pagkakita nila sa
sanggol na babaeng pagkaganda-ganda, dinala agad nila ito sa bahay at
binigyan ng apat na tagapag-alaga at higaang may kalupkop na tunay nag
into. Bidasari ang kanilang ibinigay na pangalan. Habang lumalaki, si Bidasari
ay lalong gumaganda. Maligayang-maligaya siya sa piling ng kinagisnang
magulang.

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School 2
only.
Awit kay Bidasari:

Pakinggan ang isang awit ko para sa isang hari,


Na nagkaanak ng isang babae, tulad ng isang bulaklak,
Higit ang ganda sa isang istatwang ginto
Kamukha siya ni Mindondari at pinangalanang Bidasari.
…Habang ang magandang Bidasari ay lumalaki
Ang maganda niyang mukha ay lalong gumaganda
Ang kanyang malasutlang kutis ay maputi
At madilaw at siya ang pinakamaganda
Ang kanyang hikaw at pulseras ay nagbigay sa kanya
Ng pambihirang yamang nakatago sa isang salamin
Walang katulad ang kanyang ganda
At ang kanyang mukha’y tulad ng isang nimpang
makalangit At ang kanyang damit ay lubhang marami
Kasindami ng prinsesa ng Java
Walang pangalawang Bidasari sa ibabaw ng lupa
Prinsesa siyang higit na maputi kaysa araw
Tulad ng isang anghel kaysa sa isang makasalanan
Walang babaeng nasa lupa ang makatutulad niya
Ang buhok niya’y tulad ng buwang isang araw ang gulang
Siya’y anak ng isang singsing na gawa sa Peylon
Wika ng mga lalaki: Ang mga mata ni Bidasari
malamlam May tamis ang ngiti, ang kutis ay tila luntiang
tjempaka

At ang magandang anyo’y tulad ng isang


Ginawang mahal na estatwa
Ang mga pisngi niya’y tulad ng tuka ng isang ibon
Nais naming malasin ang kanyang leeg
Ang ilong niya’y tulad ng bukong jasmine
Ang maganda niyang mukha ay tulad ng pula ng itlog
Ang diwa niya’y kasimputi ng kristal
Ang buhok niya ay nakalugay
Ang kanyang labi ay tulad ng isang kininis na kahon
Ang suot niyang bulaklak ay nagpapaaliwalas sa kanyang
anyo Ah, ang puso niya’y tulad ng kanyang mukha…

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School 3
only.
Ang Sultan Mogindra ng Indrapura ay dalawang taon nang kasal kay Lila
Sari ngunit natatakot ang babae na baka ang sinabi sa kanya ng Sultang siya ay
mahal na mahal at hindi niya nais na mapahiwalay ay hindi mangyayari.
Natatakot si Lila na ang kanyang asawa ay makakita ng isang higit na maganda
kaysa kanya at siya ay iwanan. “Kung may Makita kang lalong maganda kaysa
sa akin, malimutan mo kaya ako?” At pabirong sinagot ng Sultan, “kung may
lalong maganda kaysa sa iyo, nhunit ikaw ang pinakamaganda kaysa sa lahat!”
Kaya, kinabukasan, ang Sultana ay nagpadala sa lahat ng dako ng mga batyaw
upang malaman kung may makikitang higit na maganda kaysa sa kanya. At
nakita ng mga batyaw si Bidasari.
Sa pagkukunwaring gagawing dama ng Sultana, si Bidasari ay nadala sa
palasyo at ipinakulong ni Lila Sari. Pinapasok ni Lila Sari si Bidasari sa kulungan
nito sa tuwing umaalis ang Sultan at doon ay sinasaktan at doon pinagsasabihan
ng masasakit na salita hanggang sa hindi na nakatiis si Bidasari. Sinabi ni Bidasari kay Lila Sari “kung ibig
ninyo akong mamatay, kunin ninyo ang isang ginto sa hardin ng aking ama. Kapag araw, ito’y ikuwintas ninyo
at sa gabi ay ibalik ninyo sa tubig. Sa ngayon, hindi malalaon at ako ay mamamatay.” Ipinakuha ni Lila Sari
ang isda at pinahintulutang mapabalik si Bidasari sa kanyang magulang.
Nangyari ang mga sinabi ni Bidasari. Sa araw, kapag ikinukuwintas ng Sultana ang isda, si Bidasari ay
nakaburol sa kanilang bahay at sa gabi lamang siya nabubuhay muli. Sa takot ni Diyuhara nab aka tuluyang
patayin ng Sultana si Bidasari, nagpatayo siya ng isang magandang palasyo sa isang gubat na malayo sa
Indrapura at doon itinirang mag-isa si Bidasari. Laging sarado ang palasyo.
Palagay ang kalooban ni Sultana Lila sari sa paniniwalang si Bidasari ay namatay. Ngunit, isang araw,
nang walang gaanong ginagawa ang kanyang asawang Sultan, naisipan niyang mangaso sa gubat. Sa
paghahanap niya ng usa, narrating niya ang palasyo ni Bidasari. Saradong-sarado ang palasyo. Kaya lalong
pinagnasaan niyang mapasok ito. Natagpuan niyang walang katao-tao. Pinasok niya ang lahat ng silid sa
wakas ay nakita niya ang kwarto kung saan nakaburol si Bidasari. Nagtaka siya. Ngunit hindi niya ginising si
Bidasari. Kinabukasan ay nagbalik siya’t naghintay hanggang sumapit ang gabi. Nabuhay na muli si Bidasari at
lubhang hinangaan ng Sultan ang kagandahan nito. Sinabi ni Bidasari ang katotohanan. Galit na galit ang
Sultan. Pinakasalan agad nito si Bidasari at siyang pinaupo sa tronong katabi niya samantalang si Lila Sari ay
naiwang nag-iisa sa kanyang palasyo.
Pagkaraan ng maraming taon, nagbalikan na sa Kembayat ang mga tao. Nagkaroon pa ng isang anak
ang tunay na mga magulang ni Bidasari—siya ay si Sinapati.
Isang araw, dumating sa Kembayat ang isang anak na lalaki ni Diyuhara. Nagulat siya nang makita niya si
Sinapati na kamukhang-kamukha ng kinikilala niyang kapatid na si Bidasari kaya kinaibigan niya si Sinapati at
ibinalitang may kapatid siyang kamukhang-kamukha niya. Itinanong ni Sinapati sa kanyang magulang kung
may kapatid siyang nawawala. Nagpunta si Sinapati at ang kanyang magulang sa Indrapura sa
pagbabakasakaling si Bidasari ang anak na iniwan sa Bangka ng kanyang magulang. Sa kanilang pagdating ay
nagtaka ang lahat dahil magkamukhang-magkamukha sina Bidasari at Sinapati. Sinabi ni Sinapati ang ang
kanilang pakay at ipinagtapat naman ni Diyuhara na nakuha nga niya sa Bangka si Bidasari.
Nagkakilala ang magkapatid at ipinakilala si sinapati kay Sultan Mogindra. Naging masaya ang lahat
sapagkat tunay na prinsesa pala si Bidasari.

Galak sa Wika

Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Ang malinaw, mabisa, at lohikal na pagpapahayag ay naipapakita sa maayos na pag-uugnayan ng mga


salita, parirala, at pangungusap. Mahalaga rin sa pagpapahayag ang maingat na pagpili ng mga salitang
gagamitin upang higit itong maging malinaw sa lahat. Kagaya na lamang sa pagpapahayag ng sanhi at bunga,
may mga hudyat na ginagamit upang maipahayag ito nang may kalinawan.

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School 4
only.
 Hudyat na nagpapakita ng sanhi o dahilan:
o sapagkat/pagkat
o dahil/dahilan sa
o sa kadahilanan
o palibhasa, at kasi
o naging

 Hudyat na nagpapakita ng bunga o resulta:


o kaya/kaya naman
o dahil dito
o bunga nito
o tuloy

IV. PAGTATALIPUSPOS

Ang epiko ay isang uri ng mahabang tulang nagsasalaysay ng kakaibang pakikipagsapalaran ng isang
pambihirang bayaning kumaharap sa mga paglalakbay, pakikipaglaban, at iba pang pagsubok.
Ang paggamit ng mga hudyat sa pagpapahayag ng sanhi at bunga ay lubhang mahalaga upang malinaw at
lohikal na maihatid ang mensahe.
Ang lahat ng mga pangyayari sa ating buhay maging ang ating mga aksiyon at reaksiyon ay may mga dahilan
o motibo at mayroon ding kaakibat na bunga kaya marapat lang na salain at pag-isipang maigi.
“Ang payapang isipan ay nagpapalusog ng katawan, ngunit ang pagkainggit ay tulad ng kanser sa buto.” –
Kawikaan 14:30

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School 5
only.

You might also like