You are on page 1of 25

ST.

SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Negros GRADE 08


occidental, inc. 2nd Quarter
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City TERM
S.Y 2022-2023
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SSISBcd@gmail.com SUBJECT Araling Panlipunan 9
SSIS Bacolod
SSIS Bacolod
TOPIC DEMAND
Prepared
COURSE NOTES 8-9 Bb. Lora Mae L. Abellar, RCrim, LPT
by:
Junior High Department
Teacher: Bb. Sandra P. Binatero, LPT

I. Pagtatanaw!

 Tukuyin ang mga salik na nakakaapekto sa demand;


 Suriin ang kahulugan ng demand; at
 Ipaliwanag ang epektong dulot sa mamimili ng pagbabago ng demand sa pamamagitan ng isang
sanaysay.

II. Pagtuklas!

Subukin mong ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga produkto sa ibaba batay sa dami o taas
ng pangangailangan para sa bawat isa. Isulat ang 1 bilang pinakamataas at ang 10 bilang
pinakamababa

_________ itlog _______ prutas


_________ gomang sapatos _______ ice cream
_________ langis _______ tablet computer
_________ sasakyan _______ bigas
_________ papel _______ tinapay

III. Pagtatalakay

Kahulugan ng Demand

Ang Demand ay isang konsepto ng maykroekonomiks na nangangahulugang ng dami ng mga


produktong nais at kayang bilhin ng mga mamimili batay sa presyo nito. Tinutukoy ng demand ang mga
pagkakataong mataas ang pangangailangan ng isang mamimili para sa isang uri ng produkto o serbisyo at ang
mataas na presyong ipinapataw dito (ceteris paribus). Ibig sabihin, sa isang pagkakataon lang nagyayari ang
demand para sa isang uri ng produkto at hindi para sa lahat. Halimbawa, ang sitwasyon kung saan ang
demand para sa mais ay mataas ay nangyayari lamang para sa mais at hindi sa iba pang produkto.
Ang presyo ng isang produkto o serbisyo ay ang pangunahing dahilan kung bakit nadaragdagan o
nababawasan ang dami nito. Ang presyo ang nagdidikta ng magiging dami ng produkto. Halimbawa, ang
presyo ng isda ay mataas o mababa depende sa dami nito. Nagkakasundo ang mga negosyong nagbebenta ng
isda at ang mga mamimili sa presyo nito dahil sa konsepto ng demand.

Batas ng Demand

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 1 of 25
Isang mahalagang dahilan at paliwanag sa pagkaakroon ng demand sa mga produkto o serbisyo ay ang Batas
ng Demand. Ayon sa pangunahing batas na ito, kapag mababa ang presyo ng produkto o serbisyo, mataas
ang demand nito; at kapag mataas ang presyo nito, mababaa ng demand para sa naturang produkto o
serbisyo ceteris paribus. Sa lahat ng pagkakataon, magkaiba ang ugnayan ng demand at ang presyo ng isang
produkto dahil batay sa mga pangangailangan at kagustuhan ng mga mamimili at sa kanilang paniniwala,
panlasa, at katuwiran na kung saan tuwing mataas ang demand para sa siang produkto ay saka sila namimili
nito.
Halimbawa, kung ang presyo ng isang LED na telebisyon ay mataas, hindi ito bibilhin ng mamimili.
Bababa ang demand para rito. Kung bababa ang presyo nito, maraming mamimili ang maeenganyong bumili,
kaya tataas ang demand para rito. Sa ilang mga pagkakataon, maraming salik ang nakaapekto sa demand ng
isang produkto at nakabatay ito sa panlasa, katuwiran o paniniwala; klima; panahon o okasyon; hanapbuhay;
kita; at presyo ng mga alternatibong produkto.

Demand Equation

Ayon sa Batas ng Demand, mayroong magkasalungat na ugnayan ang presyo at ang dami ng demand
ng isang produkto. Upang malaman ang ugnayang ito, kailangang gumamit ng demand equation sa
pagpapataya ng epekto ng dami ng produkto sa presyo nito. Ang isang equation ay ginagami sa disiplina ng
Matematika upang maipakita ang relasyon ng dalawang variable o salik at makabuo ng isang solusyon mula
rito. Sa pag-aaral ng demand, ang itinuturing na independent variable o salik na makapag-iisa ay ang dami,
samantalang ang dependent variable o salik na hindi makapag-iisa ay ang presyo ng produkto na nais bilhin
ng mamimili.
Sa larangan ng Matematika, mayroong mga bilang o numero sa isang equation na nagsisilbing
parameter o pamantayan at hangganan nito. Tinatawag itong mga constant. Kaiba ang mga ito sa mga
variable dahil ito ay nagtatakda ng mga hangganan sa isang equation at gabay sa hinahanap na ssagot sa
mga variable. Karaniwang ginagamit ang mga titik na a,b,c, at iba pa para rito. Sa isang equation ay maaaring
magkaroon ng maraming constant.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 2 of 25
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 3 of 25
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 4 of 25
Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand

1. Panlasa, Katuwiran, o Paniniwala


Tumutukoy ang panlasa o taste sa mga katangiang gusto o hindi gusto ng isang mamimili tungo sa mga
produkto o serbisyo. Nagkakaiba ito sa bawat tao at sa lahat ng pagkakataon ay maaari itong magbago dulot
ng impluwensiya ng kapaligiran, lipunan, relihiyon, o kultura ng isang tao. Nakaapekto ito sa demand dahil ang
batayan ng ilang mamimili ang mga produktong maaaring bilhin sa isang pamilihan ay yaong mga katangiang
kinagisnan nila, maganda man o hindi.
Halimbawa, may mga taong mahilig sa ice cream at may iba naming hindi. Kung patok sa panlasa ng ilang tao
ang ice cream dahil sa sarap nito, may iba naming tao na walanag panlasa para rito, marahil ay hindi ito
masarap para sa kanila o kaya ay may mga taong lactose intolerant o mahina ang kakayahang tumunaw ang
anumang pagkaing naglalaman ng gatas. Sa ilang pagkakataon ay maaaring ito ang magpababa sa demand
ng ice cream.
Kadalasan ay nagiging isang mahalagang impluwensiya sa panlasa ay yaong nakikita ng mga mamimili na
magiging patok sa kanila. Tumataas ang demand para rito kung ito ay kinokonsumo nila sa batay sa kanilang
mga naririnig na magagandang feedback o tugon mula sa mga pag-aanunsiyo dala ng advertising. Halimbawa,
tumataas ang demand para sa mga teddy bear kung nakikita ito ng mga tao bilang patok na panregalo para
sa kaarawan.
Ang katuwiran naman ay tumutukoy sa mga dahilan o katiwasayan ng pag-iisip ng isang tao. Katulad din ng
panlasa, itinuturing ang bawat tao na may sariling pangangatwiran tungkol sa lahat ng mga bagay na kanilang
nadarama. Nakaaapekto rin ito sa demand dahil nagpapasiya ang isang mamimili batay sa oras, kakayahan o
kasanayan, at kapaligiran sa kung ano ang bibilhin niyang produkto o serbisyo sa lahat ng pagkakataon.
Maimpluwensiya rin ang mga paniniwala ng tao sa demand ng mga produkto. Halimbawa, sa mga bansang

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 5 of 25
may mataas na populasyon ng mga Muslim tulad ng Saudi Arabia, Qatar, at United Arab Emirates ay mataas
ang demand para sa mga produktong may Halal Certification.
Nangangahulugan ito na ang mga naturang pagkain ay hindi ginagamitan ng anumang sangkap na
ipinagbabawal sa ilalim ng batas ng Islam.

2. Klima
Mahalaga ang klima biulang salik na nakaaapekto sa demand. Ito ang nagdidikta ng panahon kung kalian
maaaring ibenta ang isang produkto o serbisyo. Ito rin ang nagdidikta ng paraan ng pagpapatakbo ng mga
negosyo at panahon ng kanilang pagtatrabaho upang makabuo ng mga produkto. Ang demand ay nakabatay
sa kalidad ng produkto o serbisyong naiimpluwensiyahan ng klima. Halimbawa, ang pagkonsumo ng tao ng
malalamig na pagkain ay tumataas kung tag-init, samantalang kung taglamig ay nais niya ng mga produktong
mainit tulad ng sinigang at iba pang ulam na masabaw.

3. Panahon/ Okasyon
Ang pangangailangang nakasalig sa panahon/ okasyon ay nakaapekto rin sa bilang ng demand sa isang
produkto o serbisyo. Ito ay dahil tumataas ang bilang ng pangangailanan o antas ng kagustuhang mabili ito ng
mga mamimili pagdating ng isang espesipikong araw, lingo, o buwan. Halimbawa, mataas ang demand sa
mga rosas tuwing Valentine’s Day o kung Undas o Araw ng mga Patay, ngunit bumababa pagdating sa iba
pang mga araw sa isang taon. Kadalasan, ang mga produktong uso ay ninanais bilhin ng mga mamimili kahit
na hindi kailangan o hindi naaayon sa panahon; ito rin ay nakaiimpluwensiya sa pagpapasiya ng isang
mamimili. Isang halimbawa nito ang sunglasses. Ito ay hindi pangangailangan ngunit ininusuot ito ng marami
bilang proteksiyon sa mata tuwing tag-init o kaya ay pamporma sa mga okasyon.

4. Hanapbuhay
Malaki rin ang impluwensiya ng hanapbuhay o propesyon sa demand ng mga produkto o serisyo sapagkat
ang gamit ng mga tao, maliban sa pagkain,ay kaugnay din ng kanilang hanapbuhay. Patuloy na tumataas ang
demand para sa mga produktong ginagamit sa paghahanapbuhay dahil sa pagdami ng mga taong
nagtratrabaho at dahil din sa panahon. Halimbawa, ang isang guro ay bibili ng mga gamit na kailangan niya sa
pagtuturo tulad ng papel, marker, pandikit, at iba pa, samantalang ang isang inhenyero ay bibili ng ibang mga
gamit na akma sa kanyang hanapbuhay.

5. Presyo ng Pamalit at Kaugnay na Produkto


Ang pagkonsumo o ang paggamit ng mga produkto o serbisyo ay kinapalolooban ng paggamit ng mga
produktong magkakaugnay. Ang naturang kaugnayan ay maaaring komplimentaryo o ka alternatibo. Ang mga
produktong komplimentaryo ay mga produkto na magkaugnay na hindi maaaring magamit kapag kulang o
wala ang kaugnay na isa pang produkto kung kaya ang pagtaas sa demand para sa isa ay magreresulta upang
tumaas din ang demand para sa kanyang kaugnay. Habang maaaring bumaba naman ang demand kapag
bumaba rin ang demand sa kaugnay na produkto. Halimbawa nito ay mga produktong ginagamit sa
konstruksiyon tulad ng semento, graba, at buhangin. Komplimentaryo ang mga ito na maaaring tumataas o
bumaba ang demand depende sa pangangailangan sa kanila.

6. Bilang ng mga Mamimili


Isa pang salik na maaaring makaapekto sa pagtaas o pagbaba ng demand ay ang bilang o dami ng mga
mamimili. Halimbawa nito ay ang pagdami ng mga mamimili dahil sa pagnanais na makasabay sa moda o sa
uso. Kaugnay nito ay ang mga nagaganap na tinatawag na food craze kung saan sumisikat ang isang pagkain
at ang katanyagan nito ay lumilikha ng bandwagon o pagpili ng karamihan dahil sa ito ang uso. May panahon
na dumami ang bilang ng mamimili para sa toasted siopao kung kaya tama sang demand para rito.

7. Ekspektasyon o Inaasahan ng mga Mamimili


Dumarating ang panahon kung saan tumataas ang demand ng mga tao para sa mga iba-ibang
produkto dahil na rin sa kanilang inaasahan. Halimbawa nito ay ang balita na nagsasaad na magtatas na
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 6 of 25
naman ng presyo ng mga produktong petrolyo kung kaya naman ang mga tao, particular na ang mga
motorist, ay magsisipunta sa mga sitasyon ng gas upang magpakarga ng bago pa abutan ng pagtaas ng
presyo. Nagaganap din ito sa nakatakdang pagtaas ng isa pang produktong petrolyo ang LPG, bago paman
maganap ang naka iskedyul na pagtaas ay magsisibilihan na ang mga tao upang makaiwas sa mataas na
presyo nito.

Ang mga karanasan na ahtid ng mga sakuna katulad ng malalakas na nagyo ay nagreresulta na ng
konsepto ng paghahanda para sa mga tao. Kanilang naranasan ang kahirapan sa pagbibili dahil sa mataas
na presyo ay kakulangan sa suplay kaya bago pa man dumating at manalanta ang bagyo ay bibili na sila
ng kanilang mga pangangailangan na magreresulta sa pagtaas ng demand.

IV. Pagtatalipuspos!

 Ang demand ay ang dami ng mga produkto o serbisyo na nais at kayang bilhin ng mga mamimili sa
isang tiyak na panahon at tiyak na presyo.
 Batay sa Batas ng Demand ay mayroong hindi tuwirang ugnayan (inverse relationship) ang presyo at
ang demand. Kapag tumataas ang presyo ng produkto ay bababa ang demand at kapag bumaba
naman ang presyo ay tataas naman ang dami ng produkto o serbisyong nais at kayang bilhin ng mga
mamimili.
 Ang demand schedule ang talahanayang nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng presyo at dami ng
produkto na nais at kayang bilhin ng mamimili.
 Ang kurba ng demand ay isang kurbang inilalagay sa graph mula sa demand schedule upang maipakita
ang ugnayan ng presyo sa dami ng produkto at ang mga pagbabago nito, ceteris paribus.
 Nakapagpapabago sa kurba ng demand ang mga salik na nakaaapekto rito tulad ng mga panlasa,
katuwiran o paniniwala; klima; panahon o okasyon; hanapbuhay; kita; at presyo ng alternatibong
produkto.

ST. SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Negros GRADE 09


occidental, inc. 2nd Quarter
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City TERM
S.Y 2022-2023
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SSISBcd@gmail.com SUBJECT Araling Panlipunan 09
SSIS Bacolod
SSIS Bacolod
TOPIC Elastisidad ng Demand

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 7 of 25
Prepared Bb. Sandra P. Binatero, LPT
COURSE NOTES 10-11 by: Mrs. Lora Mae L. Abellar, RCrim, LPT
Junior High Department
Teacher Bb. Sandra P. Binatero, LPT

I. Pagtatanaw!

 Nasusuri ang kahulugan ng elastisidad ng demand.


 Natutukoy ang mga uri ng elastisidad ng demand.
 Naipapaliwanag kung paano makikiangkop ang mga mamimili sa pagbabago ng demand para sa
iba-ibang produkto sa pamamagitan ng sanaysay.

II. Pagtuklas!
Sagutin ang survey sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) ang kolum ng iyong sagot. Sagutin ang kasunod na
mga tanong pagkatapos.
Tanong: Kapag tumaas ang halaga ng sumusunod na mga produkto, bibilhin mo pa rin baa ng bawat
isa?

Produkto Oo Hindi
1.Bigas
2. Softdrinks
3. Bolpen
4. Cell Phone Load
5. Laptop
6. French fries
7. Tapsilog
8. Sapatos
9. Tinapay

1. Aling produkto ang pinakauna mong bilhin kahit na tumaas ang presyo nito?
___________________________________________________________________________
2. Ano ang iyong isinaalang-alang sa pagbili ng produktong ito kahit tumaas ang presyo nito?
___________________________________________________________________________
3. Nakaaapekto bas a iyong pamimili ang pagtaas ng presyo ng produktong itinuturing mong
pangunahing pangangailangan? Bakit?
____________________________________________________________________________

III. Pagtatalakay
Kahulugan ng Elastisidad
Ang dami ng produkto na nais bilhin ay maaaring magbago bunsod ng iba-ibang mga salik. Upang
malaman ang ang epekto ng pagbabago sa dami ng produkto sa halaga nito, kailngang pag-aralan ang
konsepto ng elastisidad o elasticity.
Ang elastisidad ay tumutukoy sa pagtugon na ibinibigay ng mamimili kapag may pagbabago sa
presyo nito. Ibinabatay ang elastisidad sa epekto ng presyo sa hinihinging dami ng isang produkto.
Halimbawa, kung nabago ang presyo ng manga sa pamilihin, naaapektuhan nito ang dami ng nais bilhin ng
isang mamimili ng manga.

Kahulugan ng Elastisidad ng Demand


Ang elastisidad ng demand ay yaong pagtugon sa pagbabago ng demand ng isang produkto kung
magbabago ang presyo nito ceteris paribus. Nalalaman at nasusukat ang bahagdan ng pagbabago ng demand
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 8 of 25
sanhi ng pagbabago ng presyo ng produkto sa pamamagitan ng Matematika. Tinutuos ang elastisidad ng
demand sa pamamagitan ng paghahanap ng dati at bagong dami, at ang presyo ng mga produkto upang
Makita kung gaano kalaki o kaliit ang pagbabagong naganap ceteris paribus. Upang malaman kung paano ito
nangyayari, mahalagang alamin ang tungkol sa price elasticity of demand.

Price Elasticity of Demand


Sinusukat ng price elastcicity of demand ang bahagdan ng pagbabago sa demand na idinudulot ng
pagbabago sa presyo ng produkto. Gamit ang isang formula, maaaring malaman kung gaano kalaki ang
naitalang pagbabago sa demand ng produkto pagkatapos magbago ng presyo nito. Ang pormulang ito ay
tinatawag na midpoint formula for elasticity, kung saan hinahanap ang elasticity coefficient o ang
numerong kumakatawan sa bahagdan ng pagbabago na nagpapakita ng sumusunod na mga variable.

Ginagamit ang equation na ito sa pagtukoy ng bahagdan ng pagbabago ng demand para sa isang
produkto sa loob ng isang tiyak na panahon ceteris paribus. Nakabatay sa pormulang ito ang mga paraan
upang makapagbago ng presyo ang mga negosyo at makapagpasiya ang mga mamimili sa kung anong mga
produkto ang nais nilang bilhin batay sa mga salik na nakaapekto sa demand. Upang matukoy ang elasticity
coeficient ng demand ng isang produkto, ilalapat ang equation nito sa isang sitwasyong nagpapamaals ng
elastisidad ng demand.

Sitwasyon: Nabalitaan ni Aling Esperanza na pumelo na sa P45 ang presyo ng isang kilong bigas. Upang
makatipid. Bibili siya ng 10 kilo nito. Sa sumunod na lingo, pumunta siya sa palengke at doon ay nalaman
niyang nagmahal pa ang bigas na umabot na sa P48 bawat kilo. Bunga nito, nakabili lamang siya ng siyam na
kilo. Hanapin ang bahagdan ng pagbabago sa demand ng bigas.

Naibigay na Datos:
P45 bawat kilo (dating presyo), 10 kilo (dami ng nais bilhing produkto)
P48 bawat kilo (bagong presyo), 9 na kilo (dami ng biniling pordukto).

Solusyon:
1. Isalin sa anyong constant ang naibigay na datos:
Ang dami ng nais bilhin ay Q1.
Ang dami ng binili ay Q2.
Ang dating presyo ay P1.
Ang bagong presyo ay P2.

Q1 = 10 P1 = 45
Q2 = 9 P2 = 48

2. Ihalili ang mga constant sa equation at isagawa ang


komputasyon nito batay sa patakarang MDAS.

(Q 1−Q 2)/(Q 1+Q 2)


Ed =
( P 1−P 2)/( P 1+ P 2)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 9 of 25
(10−9)/(10+9)
Ed =
(45−48)/(45+ 48)

E 1
/19
−3
d =¿ ¿
93

 Upang mai-divide ang fraction, gawing reciprocal ang ikalawang fraction. Pagpalitin ang
numerator at denominator nito upang mabago ang operasyon sa multiplication. Dahil may
negative integer ang isang fraction batay sa sitwasyon, ipapalit ang sagot sa negatibo.
1 19
Ed = x
−3 93
93
Ed =
−57

Ed =−1.63
Samakatuwid, ang elasticity coefficient para sa pagbabago ng demand ng bigas para sa siwasyong ito
ay -1.63%. Batay sa halimbawang ito, ang bahagdan ng pagbabago ay negatibo at mababa sa 1. Ang bilang
na 1 ay ang batayang bilang ng uri ng elastisidad mayroon sa demand para sa produkto ceteris paribus.
Ginagamit ang formula na ito upang malaman ang bahagdan ng pagbabago ng demand.

Mga Uri ng Elastisidad ng Demand

1. Elastikong Demand
Ang elastikong demand ay ang malaking bahagdan ng pagtugon ng mamimili sa produkto bunga ng
pagbabago sa presyo nito. Ito ang epekto ng paglaki ng demand na bunga ng elasticity coefficient na higit sa
computed value na 1. Nangangahulugan ito na sa bawat pagtaas ng presyo ng produkto ng isang bahagdan
ay babawasan ng mamimili ang dami ng kanyang demand sa higit na siang bahagdan.
Ito ay karaniwang nagaganap sa produktong hindi itinuturing na pangunahing pangangailangan at
kapag maraming alternatibo para rito sakaling magtaas ang presyo ng produkto. Dahil ditto, nawawalan ng
kakayahan ang mamimili na bilhin ang produkto o kaya ay nagkaroon siya ng dahilang hindi gumastos. Ibig
sabihin, ang mga produktong magtaas ng presyo ay maaaring magkaroon ng iba pang alternatibo na mas
mura pa rito at may kapareho o mas magandang kalidad. Ang ilang produktong may elastikong demand ay

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 10 of 25
kabilang sa mga kagustuhan ng tao tulad ng sumusunod: krudo ng sasakyan, makinarya, sabaw, produktong
tinapay, tsokolate, at mga gadyet tulad ng laptop computer.
Kung isasalin ito sa kurba ng demand, makikita ang maliit na agwat sa pagitan ng Q1 at Q2. Surrin ang
graph sa ibaba. Makikitang maliit lamang ang tugon ng demand sa pagbabago sa presyo ng produkto. Kaya
kung magtaas o magbaba man ng presyo ang mga bilihin ay mababa lamang ang magiging epekto nito sa
dami. Ito ay sanhi ng elasticity coefficient na mas mababa sa 1. Maari din itong maging decimal number tulad
ng 0.99.

Kurba ng Elastikong Demand

2.Perpektong Elastikong Demand


May mga pagkakataon na ang elastikong demand ay perpekto. Ito ay nagpapahiwatig na ang mamimili
ng gaano karaming produktong nais niya sa loob ng isang takdang presyo. Nangangahulugan ito na walang
hanggan ang dami ng maaaring mabiling pordukto ng mga mamimili sa loob ng isang takdang presyo. Ito
naman ay karaniwang nagaganap sa mga produktong may malaking presyo at patuloy na nagbabago ang
presyo tulad ng mga kagamitan sa opisina at kusina, livestock, o hayop para sa paghahayupan, at gamot.
Kapag may perpektong elastikong demand, sakaling
magtaas ang presyo ng mga produkto ay walang maibebenta an
mga negosyo dahil babagsak ang demand nito sa zero. Kung zero
and demand para sa isang produkto, walang maibebenta ang
isang negosyo. Sa kurba ng demand, ito ay kinakatawan ng isang
tuwid na linyang pahalang na nagpapakita ng elasticity coefficient
sa higit sa 1. Tunghayan ito sa graph sa kanan.

3.Di-elastikong Demand
Nagaganap ang di-elastikong demand kapag may
maliit na pagbabago lamang sa demand ng isang produkto hakit na may pagbabago sa presyo nito
ceteris paribus. Karaniwang nagaganap ito sa mga produktong itinuturing na pangunahing
pangangailangan tulad ng bigas, mantika, asukal, kape, at asin. Dahil dito, ang mamimili ay
sapilitang bibili ng produktong nabanggit kahit na mataas ang presyo nito dahil ang demand nito ay
hindi naaapektuhan. Ibig sabihin, hindi mahalaga ang mataas na presyo ng isang bilihin kung maliit
lang ang nababawas sa dami nito.
Sa bawat pagtaas ng halaga ng produkto ay halos hindi nagbabago ang demand nito, kaya
ang elasticity coefficient ay may computed value na mas mababa sa 1. Ito ay naipakikita gamit ang
decimal at maaaring magkaroon ng negatibong computed value. Kung babalikan ang ginawang
pagbili ni Aling Esperanza ng siyam na kilo ng bigas, makikitang -1.63 ang elasticity coefficient nito,
patunay na ang demand nito ay di-elastik. Samakatuwid, ang pagbabago sa halaga ng produkto ay

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 11 of 25
may maliit lamang na epekto ng demand. Ito ang dahilan kung bakit nakabili si Aling Esperanza ng
siyam na kilong bigas kahit nagtaas ng P3 ang presyo nito kada kilo.
Sa kurba ng demand, makikita na maliit lamang ang ginlaw o tinugon ng demand sa isang
produkto kahit na nagbago ang presyo nito. Makikitang mas malkai pa ang agwat sa pagitan ng P1 at
P2, kung ikukumpara sa Q1 at Q2. Nangangahulugan na ang demand dito ay di-elastik. Ito ay sanhi
ng elasticity coefficient na mas mababa sa 1 na maaaring 0.99 pababa. Tunghayan ang halimbawa sa
kanan.
4. Perpektong Di-elastikong Demand
Kung may perpektong elastikong demand, mayroon ding perpektong di-elastikong demand.
Ito ay nagaganap kapag ang mamimili ay nagkaroon ng parehong dami ng produkto sa kahit anong
presyo. Ang epekto nito ay ang pamimili ng anumang dami ng isang pordukto kahit tumaas o
bumaba man ito.
Ibig sabihin, ang demand ng produkto ay hindi Malaki at nakabibili ang mamimili ng anumang
dami nito nang hindi nakabatay sa presyo nito. Ang pagbabagong ito ay magdudulot ng elastisidad
na zero, na magsisilbing palatandaan na hindi apektado ng presyo ang dami ng produktong mabibili.
Nagaganap ang perpektong di-elastikong demand sa mga produktong may patuloy na
pagbabago sa presyo at nabibili sa anumang dami tulad ng mga kagamitan sa paaralan, posporo, CD
at DVD, at maging mga porduktong de-lata. Kung ilalagay sa kurba ng demand, ito ay may pababang
guhit na naghuhudyat ng elasticity coefficient na mababa sa 1. Tunghayan ang graph nito sa itaas.
5. Unitary Elastic Demand
Nangyayari ang yunitaryong demand o unitary elastic demand kapag hindi tumataas ang dami
at presyo ng pordukto sa isang tiyak na panahon. Kadalasang ang dami at presyo ng produkto sa
isang tiyak na panahon. Kadalasang ang dami ng produktong kinukonsomo ng mamimili sa ganitong
pagkakataon ay katambal ng presyo nito. Iisa lamang ang galaw ng pagbabago sa presyo at dami ng
produktong nais bilhin. Sa ilalaim ng unitary elastic demand, ang elasticity coefficient sa isang
pagkakataon ay may computed value na 1.
Nangangahulugan din ito ng sabay na paglaki ng dami at presyo. Halimbawa, kung may 25% na paglaki sa
dami ng produkto at idi-divide ito sa 25% na paglaki ng presyo nito, ang resulta ay 1. Pantay lamang ang
demand samga produktong apektado ng unitary elastic demand tulad ng mga makinarya, gusali, at maging
mga obrang dibuho ng mga kilalang pintor.
Kung ito ay ilalagay sa kurba ng demand, magmumukha itong elastic demand ngunit ito ay may
eksaktong elasticity coefficient na 1 na makikita sa bilang ng Q1 at ng Q2. Pantay ang mariing rehiyon ng P at
Q na nagpapakita ng pantay na pagbabago nito. Tunghayan ang halimbawa nito sa graph sa kanan.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 12 of 25
IV. Pagtatalipuspos
Ang elastisidad ay tumutukoy sa tindi o antas ng pagtugon na ibinibigay ng mamimili sa demand ng
isang produkto kapag may pagbabago sa presyo.
Ang elastisidad ng demand ay tumutukoy sa bahagdan ng pagbabago sa demand habang nagbabago
ang presyo ng isang produkto.
Nakukuha ang elastisidad ng demand sa pamamagitan ng price elasticity of demand gamit ang
sumusunod na equation na may mga variable na:
- Q1 – para sa dating dami
- Q2 – para sa bagong dami
- P1 – para sa dating presyo
- P2 – para sa bagong presyo
- Ed – para sa elasticity coefficient
E_d=((Q1-Q2)/ (Q1+Q2))/((P1-P2)/(P1+P2))
May limang uri ng elastisidad ng demand:
 Elastikong demand – tugon sa malaking bahgadan ng pagbabago sa presyo ng demand ng
produkto; mahigit 1 ang elasticity coefficient nito.
 Perpektong Elastikong Demand – malaking pagtugon sa dami ng produkto mula sa pagtatakda
ng iisang presyo nito.
 Di-elastikong demand – tugon sa maliit na bahagdan ng pagbabago sa presyo ng demand ng
produkto; mababa sa 1 ang elasticity coefficient nito.
 Perpektong Di-elastikong demand – mababang pagtugon sa dami ng produkto nang hindi
nakabatay sa presyo nito.
 Unitary Elastic Demand – tugon sa parehong bahagdan ng presyo sa demand ng pordukto; 1
ang elasticity coefficient nito.

ST. SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Negros BAITANG 9 - _________________________


occidental, inc. S.Y 2022-2023
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City TERM
2nd Quarter
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SUBJECT Araling Panlipunan
SSISBcd@gmail SSIS Bacolod
.com
SSIS Bacolod
TOPIC SUPPLY

COURSE NOTES 12 Prepared by: Ms. Sandra P. Binatero, LPT


Junior High Department Revised by: Ms. Lora Mae L. Abellar, RCrim, LPT
Subject
Ms. Sandra P. Binatero, LPT
Teacher

I. Pagtatanaw!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 13 of 25
 Suriin ang kahulugan ng supply
 Tukuyin ang mga mga salik na nakakaapekto sa supply.
 Ipaliwanag kung paano nakaaapekto sa negosyo at mamimili ang supply ng mga produkto
sa pamamagitan ng isang sanaysay.

II. Pagtatalakay
Pagsagot sa mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang supply?
2. Anu ang kaibahan ng supply sa demand?
3. Bakit mahalagang mapag-aralan natin ang tungkol sa supply?

III. Pagtatalipuspos
SUPPLY
Kahulugan ng supply
Isa pang mahalagang konsepto sa maykroekonomiks ang supply na bahagi ng kasunduan sa
pagitan ng negosyo at mamimili. Kung ang demand ay nakatuon sa mamimili, ang supply ay
nakatuon naman sa negosyo at sa dami ng produkto o serbisyo na ginagawa nito. Ito ay ang dami ng
produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa ibat-ibang presyo sa isang
takdang panahon. Tinutukoy din nito ang mga pagkakataong mataas o mababa ang dami nito na
mayroon ang negosyo na maaaring bilhin ng mamimili, ceteris paribus.
Ang dami ng produkto ay nagkakaiba sa bawat sitwasyon at sa uri nito. Kung ang produkto ng
negosyo ay nasa imbakan pa at hindi pa naibebenta o handang ibenta, hindi ito maituturing na
supply. halimbawa, ang mais na nasa pangangalaga pa ng mga negosyo na nasa malayong lugar at
hindi pa dinadala sa palengke ay hindi maibibilang sa supply ng mais na nasa pamilihan.
Sa pananaw ng negosyo, mahalaga ang pagkakasunod ng presyo ng produkto at mamimili
dahil ito ang gaganyak sa mga mamimili na bumimli pa ng produkto at magbibigay hudyat sa
negosyo na gumawa pa ng maraming produkto. Hawak ng negosyo ang lahat ng paraan at kapasidad na
Gawain at ipagpatuloy ang mga Gawain sa paggawa ng produkto para sa ikabubuti nito at ng mamimili.
Halimbawa, ang isang negosyong gumagawa o nangangasiwa sa paggawa ng mga sapatos ay may
kakayahang makabuo ng magandang uri ng sapatos kaysa sa negosyong iba ang produktong ginagawa. Ang
kaisipang ito ay nakabatay sa isang batas tungkol sa supply ng negosyo, ang batas ng supply.

Batas ng supply

Batay sa Batas ng supply, ang negosyo ay gagawa pa ng maraming produkto kung mataas ang halaga
nito. Kaiba sa Batas ng demand, isinasaad ng Batas ng supply na habang tumataas ang presyo ng produkto ay
tumataas din ang dami nito na bibilihin ng mamimili, ceteris paribus; gayundin kapag bumaba ang presyo nito
ay bumababa din ang dami na ipagbibili ng negosyo, ceteris paribus. Ibig sabihin, ang presyo ay isang
mahalagang kagamitan sa pagtatakda ng dami ng produktong gagawin ng negosyo dahil sa kakayahan nilang
tustusan ang mga gastusin sa paggawa nito na kaiba sa Batas ng supply na may magkaibang ugnayan,ceteris
paribus. Ito ay dahil iniisip ng negosyo ang mga pangangailangan para sa patuloy na pagpapatakbo nito.
Halimbawa, kapag mataas ang presyo ng LED na telebisyon ay tataas din ang dami nito dahil
makagagawa pa ng mas marami pang LED na telebisyon ang negosyo mula sa mga benta nito;gayundin,

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 14 of 25
kapag mababa naman ang presyo nito ay bababa ang dami nito dahil nawawalan sila ng kakayahang
makagawa pa nito bunsod ng mahinang kita. Kaya sa lahat ng pagkakataon, ang negosyo ay maaaring
magtaas ng presyo ng produkto nito upang makagawa pa ng mas maraming produkto na bibilhin ng mamimili.

Ang isang paraan upang matugunan ito ay sa pamamagitan ng patuloy na produksiyon ng mga
produkto. Ngunit nagbabago ang supply sa lahat ng pagkakataon dahil sa iba-ibang salik na nakaaapekto rito
tulad ng presyo ng ilang produkto, presyo ng alternatibong produkto, mga kondisyon sa proseso ng
produksiyon, mga inaasahang mangyari o expectation, presyo ng mga hilaw na sangkap, bilang ng mga
supplier o nagbebetna, at klima o kapaligiran.
Supply Function

Dahil may tuwirang ugnayan ang presyo at dami ng produkto, ang kurba sa supply nito ay positibo.
Katulad ng demand, may equation din na nagpapakita ng ugnayan, ito na ginagamitan din ng Matematika
para maipakita ang positibong relasyon. Ito ang supply function na nagpapakita ng epekto ng halaga o
presyo sa dami ng produkto. Ginagamit din ang parehong uri ng variables na ginagamit para sa pag-aaral ng
demand; ang independent variable ay ang dami at ang dependent variable ay ang presyo. Ang pagkakaiba
lang ay ang paggamit ng mga constant na kaiba sa constant ng demand dahil positibo ang ugnayan ng
dalawang variables.

Pagbuo ng Supply Function ayon sa Batas ng Supply

Kung ilalapat ang napag-aralan sa demand, mabubuo ang supply equation mula sa paggamit ng mga
constant at sa paglalapat ng mga independent at dependent variables. Sa pagkakataong ito, gagamit ng
positibong simbolo sa equation upang maipakita ang positibong ugnayan ngpagtaas ng presyo at dami. Ang
hahanapin naman dito ay ang hinihinging dami ng supply (Qs), gayundin and mga constant na magsisilbing
mga hangganan ng equation sa loob ng gagawaing graph. Narito ang naturang equation na gumagamit ng
ibang constant at ibang operasyon sa Matematika.

Supply Equation:

Qs = c + dP

 C – unang constant (Y-intercept) – sa anong presyo magreresulta sa 0 supply


 d – huling constant (slope) – elasticity
 Qs – quantity supplied o hinihinging dami ng supply
 P – hinihinging presyo

Magkaiba ang mga constant ng demand at supply dahil magkaiba ang mga ugnayan nito, kung saan
negatibo ang ugnayan ng presyo at dami sa demand, habang positibo naman ito sa supply. Ngunit dahil
may positibong relasyon na nagaganap sa Batas ng Supply, maaaring magkaroon ng mga negatibong
epekto ng mababang presyo ng produkto sa mgan negosyo. Ibig sabihin, maaaring tumaggi ang nga
ngosyong magpataw ng mababang presyo sa kanilang mga produkto upang makatugon sa kanilang mga
panganmgailangan. Ito ang dahilan kung bakit may direktang ugnayan ang presyo sa dami ng mga
produkto pagdating sa supply.

Kaiba sa nakaraang talakayan, ang constant na c sa equation sa itaas ay may kaakibat na negative
integer (-) na kumakatawan sa negatibong epekto ng mababang presyo ng produkto at nangangahulugan
ng pagtanggi ng negosyo sa mababang presyo ng produkto upang makatugon sa mga pangangailangan
nito. Naipapamalas ng equation na ito ang benepisyo ng pagkakaroon ng mataas na supply ng mga
produkto para sa mga negosyo.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 15 of 25
Upang maipahayag ang gamit ng supply sa pang-araw-araw na pamumuhay, tunghayan ang
paglalapat nito mula sa sitwasyon sa ibaba.

Sitwasyon: Gagawa at magbebenta ng yema ang isang negosyante. Ang pinakamataas na presyo nito ay
P35, habang ang P5 ay ang pinakamababa. Hanapin ang supply equation para sa dami ng kaya niyang
ibentang yema.

Mahalagang alamin na may mga sitwasyon kung saan magpapasiya ang negosyo sa presyo at dami ng
produktong nais nitong ibenta batay sa mga salik na nakakaapewkto sa supply. Tunghayan ang pagsagot sa
supply equation sa pamamagitan ng scientific method:

Naibigay na datos: - P35 na pinakamataas na presyo para ibenta ang yema at P5 na pinakamababang
presyo pra dito.

Mga Hahanapin: presyo ng ibebentang yema batay sa dami na kayang ibenta

Solusyon:

Sundin ang sumusunod na panuto sa paghahanap ng presyo ng ibebentang yema:

4. Gamitin ang pinakamababang presyo para makuha ang buong equation.


 P5 ang pinakamababang presyo.
5. Upang malaman ang iba-ibang presyo ng yemang ibebenta sa pagitan ng isang mga batayang presyo,
maghanap ng numerong divisible o maghahati na hindi bababa sa pinakamababang presyo. Ito ang
magsisilbing unang constant na kakatawan bilang c at ang magiging batayang numero ng gagawaing
graph.

C = 25
Qs = -25 + dP
6. Ang c ay idi-divide sa batayang pinakamababang presyo na P5 para makuha ang huling constant na d.
 Ang -25 ay idi-divide sa batayang pinakamababang presyo.
d = -25/5
d = -5


Ang sagot sa d ay 5 at ang nakuhang sasot ay isasama na sa supply function.
Qs = c + 5P
7. Ipagsama-sama ang nakuha na c (-25) at d (5) para mabuo ang supply function para sa yema.

Qs = -25 + 5P

Supply Schedule

Tulad ng demand schedule, ang supply schedule ay isang talahanayang nagpapakita ng ugnayan sa
pagitan ng dami at presyo ng produktong nais ibenta ng negosyo. Ginagamit ito upang mabilang ang
pagbabago sa dami ng produkto dahil sa pagtaas ng rpesyo nito. Sa pamamagitan ng supply function
mabibilang ang rpesyo at dami ng produkto at ang mga maaaring pagbabago nito. Para sa bawat sitwasyon,
ceteris paribus, nagkakaiba din ang supply function ng bawat isa na may iba ring supply schedule.

Ipinapakita rito na ang presyo ng mabibiling produkto (P) ay nakabatay sa hinihinging dami ng supply
(Qs) para rito kaya sa tuwing mataas ang presyo para rito ay bumababa naman ang supply nito. Inaasahang

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 16 of 25
gagamitin ng negosyo ang presyo ng produkto upang maitakda ang nais na dami nito sa mga pamilihan. Ito
ang inaasahang pamantayan para sa paggawa ng supply schedule.

Para sa sitwasyong ito, maaari naman gumamit ng anumang numero upang madiktahan ang presyo ng
yema, mula sa 5 hanggang 35 nang hindi lalagpas sa naitakdang mga bilang nito, kung saan ang
pinakamataas na presyo ay P35. Mas akmang gamitin ang mga numerong may divisibility sa 5 o yaong
pinaghihiwalay ng 5 tulad ng 35, 30, 25, 20, 15, 10, at 5. Ito naman ang magpapatunay sa Batas ng Supply.

Upang masagot ang hinihingi ng dalawang variable para sa nakaraang sitwasyon, gamitin ang supply
function para dito.

Supply function para sa yema: Qs = - 25 + 5P

Sundin ang mga sumusunod na panuto sa pagbuo ng supply schedule mula sa naturang equation:

 Ihalili sa bawat numerong may divisibility na 5 na mas mababa sa 35 sa presyo (P) upang mabuo
ang Qs. Gamitin ang 35, 30, 25, 20, 15, 10, at 5. Ang P ay yaong mga presyo ng yema na mataas
sa pinakamababang halaga. Ang Qs naman ang tumutukoy sa dami ng yemang maaaring ibenta
depende sa presyo nito.

P Qs

-25 + 5 (35) = 150

- 25 + 5(30) = 125

- 25 + 5(25) = 100

-25 + 5(20) = 75

-25 + 5(15) = 50

-25 + 5(10) = 25

-25 + 5(5) = 0

Batay sa nabuong sagot, makikitang ang pagtaas ng presyo ay nakatutulong sa pagtaas ng dami ng
mga produktong yema na maibebenta. Kung mababa ang negosyo na mabebenta nito, mababa rin ang
magiging dami na kayang gawin ng negosyo. Makikita rin na ang pagtaas ng presyo nito ay isang produkto at
siyang nagpapatunay sa Batas ng Supply.

Kung isasalin naman ang mga nasabing presyo at dami ng yema sa isang talahanayan, ganito ang
magiging itsura ng supply schedule:

P Qs
35 150
30 125
25 100
20 75
15 50
10 25
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 17 of 25
5 0

Mga Salik na Nakaaapekto sa Supply

1. Presyo ng Produkto

Malaki ang gingampanan ng presyo ng produkto sa supply nito. Kung mataas ang presyo, magkakaroon ng
mataas na bilang nito kapag ito ay naibebenta. Kapag nagmahal ang bilihin, ang ibig sabihin nito ay may
patuloy na pagdami ng produkto. Samakatuwid, ang dami ay nakabatay sa presyo. Magkakahiwalay ang
supply ng bawat produkto at maaaring hindi ito makaapekto sa supply ng iba pa. Halimbawa, dahil sa mataas
na presyo ng mga laruan tuwing Pasko, dadami ito sa pamilihan. Ang laruan ay isang produktong binibili pa rin
ng tao kaya patuloy ang pagdami nito, at patuloy ang pagtaas ng halaga nito sa ceteris paribus.

2. Presyo ng Alternatibong Produkto

May mga produktong naipapalit sa ibang produkto na may kahambing na katangian, gamit, at presyo.
Kapag tumataas ang presyo ng isang produkto, ang ibang produktong maaaring pumalit dito o maging
alternatibo para rito ay maaaring magtaas din o magbaba naman ng presyo o ceteris paribus. Halimbawa,
kung ang softdrinks ay nagmahal, magkakaroon naman ng pagbaba sa presyo ng juice na nasa tetra pack, na
maaaring maging alternatibo rito. Parehas naman itong mga inuming maaaring ikonsumo na maaaring maging
akma para sa ilang mamimili.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 18 of 25
Dahil dito, ang alternatibong produkto ay maaaring makaapekto sa negosyo ng softdrinks at magdudulot
ng pagbabago a mga paraan ng paggawa nito ng produkto tulad ay nakapagpababa sa presyo ng alternatibo
nito.

3. Mga Kondisyon sa Proseso ng Produksiyon? Teknolohiya

Maraming dahilan sa pagbabago ng supply ng produkto. Isa na rito ang mga konsiderasyon sa kondisyon
sa proseso ng produksiyon tulad ng klima, gastos ng negosyo sa mangagawa, maluwag o mahigpit na
kondisyon sa trabaho ng mangagawa, at kalidad ng materyales na ginagamit sa paggawa ng produkto. Isang
halimbawa nito ang teknolohiya. Narito ang isang paglalapat sa aktuwal na sitwasyon:

Sa isang pagawaan ng sapatos, nasira ang makinang gumagawa ng mga tali nito kaya nagkaroon ng
paghinto o pagbagal sa proseso ng produksiyon. Depende sa tagal ng pag-aayos sa sirang makina, maaaring
bumaba ang supply ng sapatos. Kung mayroong isang mas mabilis na paraan ng paggawa ng sapatos, tataas
pa ang supply nito. Kung makabibili ng bagong makina o kaya ay maayos ito agad, mananatiling matatag ang
supply nmg sapatos.

Ang delay o pagtagal sa produksiyon ay nangyari kapag may ganitong sitwasyon sa isang negosyo na
nakaaapekto sa supply ng produkto nito.

4. Mga Inaashang Mangyayari o Expectation

Isang mahalagang aspekto sa paglago ng isang negosyo ay ang pagkakaroon ng pagtataya sa mga
inaasahang mangyari o expectation ng prodyuser. Ginagawa ang pagtayang ito tuwing may matatag na
bentahan ng mga produkto sa pagdaan ng panahon. Kaya upang maabot ng negosyo ang mga expectation na
ito, gagawa ito ng mga pagtataya. Sa bandang huli ay maaari itong gawing isang polisiya sa negosyo tulad ng
pagtaas sa produksiyon, paghananap ng mga alternatibong materyales, at iba pa.

Halimbawa, naisipan ng pamunuan ng isang kompanyang nagbebenta ng mga cell phone na maglabas
ng mga bagong produkto upang maabot ang inaasahang mangyari ng kanilang mga maimili na makabenta pa
ng mga mas matibay, mas maganda, at mas mura o mas maraming uri nito sa pamilihan.

5. Presyo ng mga Hilaw na Sangkap

Isinasaalang-alang ng negosyo ang lahat ng paraan na maaaring gawin upang maipagpatuloy ang mga
gawain nito. Ang mahalagang aspekto nito ay ang presyo ng mga hilaw na sangkap na ginagamit sa paggawa
ng mga produkto o paglulunsad ng mga serbisyo. Kung nagbago ang presyo nito, maaaaring baguhin ng
nagbebenta ng produkto ang dami ng produktong gagawin nito.

6. Hindi na ito magbebenta sa mas mababang presyo dahil malulugi ito at hindi nito mapupunan ang mga
pangangailangan ng negosyo. Halimbawa, kung ang negosyong nagbebenta ng mga produktong gatas ay
makaranas ng pagtaas ng presyo ng mga hilaw na materyales, mapipilitan itong magpataw ng mataas na
presyo sa kanilang mga produkto.

7. Bilang ng mga Supplier

Napag-aralan sa mga nakaraang aralin ang proseo ng produksiyon. Ang mga supplier ay ang institusyong
naatasang gumawa (manuifacturer), magbalot (packager), mamahagi (distributor), o magbenta (retailer) ng
mga produkto. Kung maraming uri ng supplier na uusbong upang gumawa o magbenta ng produkto, maaaring
bumaba ang presyo ng produkto ng negosyong gumagawa nito sa pamilihan. Ibig sabihin, ang pagkakaroon
ng maraming supplier ay nakaapekto sa magiging supply ng produkto.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 19 of 25
Halimbawa, kapag ang industriya ng paggawa ng sasakayan ay nagkaroon ng maraming uri ng
mga negosyong nagbebenta ng iba’t-ibang uri o itsura ng electronic gadget, ang magiging presyo ng
mga ito ay higit na mababa kaysa noong panahong kakaunti pa lamang ang mga negosyong
nagbebenta nito dahil dumarami ang mga mapagpipiliang mga uri nito. Ang puwersa sa likod nito ay
tinatawag na kompetisyon na tatalakayain naman sa mga sumusunod pang aralin.

8. Klima at Kapaligiran

Lubha ring nakakaapekto sa supply ng produkto ang klima at mga kondisyon sa kapaligiran. Ang
masamang klima, aksidente sa loob ng isang pabrika p pagawaan, o kaya ay ang pagkasira ng mga lupang
sakahan na dulot ng tagtuyot ay may kakayahang humadlang o pumigil sa paggawa ng mga produkto.
Halimbawa, pagkatapos humagupit ang bagyo ay lumiliit ang produksiyon ng bigas dahil sa pagkasira ng mga
palayan o pagkalubog ng mga palay sa tubig. Sa ibang pagkakataon, nakatutulong din naman ang klima sa
pagtaas ng supply ng mga produkto. Halimbawa, ang manga ay mabilis tumubo sa panahon ng tag-init kaya
ang supply nito sa pamilihan ay mataas, gayundin ang pagtaas sa presyo nito sa panahong ito dahil prutas na
seasonal ito.

IV. Pagtatalipuspos

 Ang supply ay bilang o dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga negosyo
sa mamimili.
 May tuwirang relasyon ang presyo ng produkto at dami nito ceteris paribus pagdating sa usapin ng
supply.
 Ayon sa Batas ng Supply, habang tumataas ang presyo ng produkto ay dumarami ang bilang nito
sa ibinebenta ng negosyo at binibili ng mamimili ceteris paribus.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 20 of 25
ST. SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Negros BAITANG 9 - _________________________
occidental, inc. S.Y 2022-2023
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City TERM
(2nd Quarter)
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SUBJECT Araling Panlipunan
SSISBcd@gmail SSIS Bacolod
.com
SSIS Bacolod Interaksiyon ng Supply at
TOPIC
Demand
COURSE NOTES 13 Prepared by: Ms. Sandra P. Binatero, LPT
Junior High Department Revised by: Ms. Lora Mae L. Abellar, RCrim, LPT
Subject
Sandra P. Binatero, LPT
Teacher

I. Pagtatanaw!

 Tukuyin ang interaksyon ng Demand at Suplay;


 Suriin ang mga salik ng intereaksyon ng Demand at Suplay.
 Ihambing ang pagkaiba ng Demand at Suplay sa pamamagitan ng isang sanaysay

II. Pagtuklas

Isulat sa kahon ang mga salitang unang pumasok sa iyong isipan tungkol sa elastisidad ng supply.

Sagutin ang kasunod na mga tanong.

Sagutin:
1.Ibigay ang kahulugan ng bawat simbolo sa itaas.
2. Ano ang ipinahiwatig ng mga simbolong ito?
3. Ipaliwanag ang iyong pagkakaunawa sa nais sabihin ng mga simbolong nasa itaas.

III. Pagtatalakay

Ang Interaksiyon ng Demand at Suplay

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 21 of 25
Sa pamilihan, ang dami ng demand para sa isang produkto o serbisyo ay maaring mas
marami, kulang o pantay sa dami ng suplay. Kapag ang dami ng demand ay pantay sa dami ng
suplay ang tawag dito ay ekwilibriyum. Ngunit kapag ang dami ng suplay ay mas marami kung
ihahambing sa dami ng demand, ito ay tinatawag na labis na suplay o surplus. Kapag ang dami
naman ng demand ay mas marami kaysa sa dami ng suplay, ang tawag dito ay labis na demand o
shortage.

Talahanayan 6
Interaksyon ng Demand at Suplay
Ekwilibriyum Dami ng demand= Dami ng suplay
Disekwilibriyum Dami ng demand ≠ Dami ng suplay
Labis na suplay (surplus) Dami ng demand < Dami ng suplay
Labis ng demand(shortage) Dami ng demand > Dami ng suplay

Ano ang nagtutukoy sa ekwilibriyum na presyo at dami ng produkto o serbisyo? Ang


interaksiyon ng demand at suplay ay nagtutukoy sa ekwilibriyum na presyo at dami ng produkto o
serbisyo. Sa pigura 11, naipapakita ang interaksiyon ng demand at suplay at ekwilibriyum.

Pigura 11
SAMPLE SA SUPLAY - DEMAND NA NAGPAKITA NG EKWILIBRIYUM SA PAMILIHAN

Sa presyong ₱15.00, ang konsyumer at


prodyuser ay nagkasundo sa dami ng demand at
suplay. Ang konsyumer ay gustong bumili ng 6
na notbuk at ang suplayer ay handang
magbenta ng 6 na notbuk. Sa presyong ₱15.00,
ang demand at suplay ay pantay o ekwal.

Ang ekwilibriyum ay isang sitwasyon na kung saan ang dami ng demand ay natutugunan ng dami ng
suplay. Dito, walang labis na demand o kulang na demand at walang labis na suplay o kulang na suplay.
Nangyayari ang ekwilibriyum kapag nagkatagpo ang presyong gusto ng konsyumer at prodyuser at ang
dami ng gustong bilhin ng konsyumer at dami ng gustong ipagbili ng produser. Ang ekwilibriyum ay
natatamo sa pamamagitan ng kompetisyon. Sa pigura 12, kapag ang kasalukuyang presyo ng notbuk ay
₱5.00 mas mababa sa ekwilibriyum na presyo, ito ay magreresulta sa labis na demand o shortage. Ayon sa
batas ng demand (law of demand), kapag bumababa ang presyo ng produktoo serbisyo, dumarami ang
gustong bumili kaya ang dami ng demand ay tumataas. Ngunit magkokompetinsiya ang nga konsyumer
para sa limitadong suplay at handa silang magbayad ng mas mataas na presyo upang mabili lamang ng
produkto o serbisyo, kaya tataas ang presyo papuntang ekwelibriyum.

Pigura 12

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 22 of 25
SAMPLE SA SUPLAY-DEMAND MODEL NA NAGPAPAKITA NG LABIS NA SUPLAY O SURPLUS AT
LABIS NA DEMAND O SHARTAGE SA PAMILIHAN
Sa presyong ₱5.00, ang demand ng notbuk ay 10,
samantala ang suplay ay 2 notbuk lamang kaya may labis
na demand o shortage. Sa presyong ₱25.00, ang suplay ng
notbuk ay 10, samantala ang demand ay 2 notbuk lamang
kaya may labis na suplay o surplus. Ngunit kapang ang
presyo naman ng notbuk ay ₱25.00 mas mataas sa
ekwilibriyum, ito ay magreresulta sa labis na suplay o
surplus. Ayon sa batas ng suplay (law of suplay), kapag
tumaas ang presyo ng produkto o serbisyo, dumarami ang
gustong ipagbili ng prodyuser kaya ang dami ng suplay ay
tumaas. Ngunit magkokompetensiya ang mga prodyuser para mabenta ang kanilang maraming suplay at
handa silang ipagbenta ito sa mababang presyo upang maganyak ang nga konsyumer na bumili, kaya
bababa ang presyo patungong ekwilibriyum.

Mga Batas ng Demand at Suplay [Law of Demand and Supply]

Ano sa palagay mo ang mangyayari sa presyo at sa dami ng kalakal o paglilingkod kung may mga
pagbabago sa demand at suplay?
Ang batas ng demand at suplay ang magtutukoy kung anong mangyayari sa presyo at sa dami ng
produkto o serbisyo kung may nga pagbabago sa demand at suplay.

 Ang demand ay tumataas habang ang suplay ay nananatili.

Sa Pigura 13, ipinapakikita kung ano ang mangyayari sa presyo at sa dami ng produkto o serbisyo kung ang
demand ay tumataas habang ng suplay ay nananatili.

Pigura 13
SAMPLE NA KURBA NG DEMAND AT SUPLAY NA NAGPAPAKITA NG PAGTAAS NG DEMAND
HABANG ANG SUPLAY AY NANANATILI

Kapag tumaas ang demand ang kurba ay lilipat sa


kanan galing D0 papuntang D1. Kapag ang suplay ay
nanatili habang ang demand ay tumaas, ang presyong
ekwilibriyum ay tataas galing P 0* papuntang P1* at
ang ekwilibriyum dami ay tataas galing Q0* to Q1*.

 Ang demand ay bumababa habang ang suplay ay nananatili.


Sa Pigura 14, ipinapakita kung ano ang mangyayari sa presyo at sa dami ng produkto o serbisyo kung
ang demand ay bumaba habang ang suplay ay nananatili.

Pigura 14
SAMPLE NA KURBA NG DEMAND AT SUPLAY NA NAGPAPAKITA NG PAGBABA NG DEMAND
HABANG ANG SUPLAY AY NANATILI
Kapag bumaba ang demand, ang kurba nito ay
lilipat sa kaliwa galing D0 papuntang D1. Kapag ang
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 23 of 25
suplay ay nanatili, habang ang demand ay bumaba, ang presyong ekwilibriyum ay bababa galing P 0*
papuntang P1 * at ang ekwilibriyong dami ay bababa rin galing Q 0 * to Q1 *.

 Ang suplay ay tumataas habang ang demand ay nananatili.


Sa pigura 15, ipinakikita kung ano ang mangyayari sa presyo at sa dami ng produkto kapag ang suplay
ay tumataas habang ang demand ay nananatili.

Pigura 15
SAMPLE NA KURBA NG DEMAND AT SUPLAY NA NAGPAPAKITA NG PAGTAAS NG SUPLAY HABANG
ANG DEMAND AY NANANATILI

Kapag tumaas ang suplay, ang kurba nito


ay lilipat sa kanan galling S 0 papuntang S1. Kapag
ang demand ay nanatili habang ang suplay ay
tumaas, ang presyong ekwilibriyong dami naman
ay tataas gaking Q0* papuntang Q1*.

 Ang suplay ay bumababa habang ang demand ay nananatili.


Sa Pigura 16, ipinakikita kung ano ang mangyayari sa presyo at sa dami ng kalakal o paglilingkod kung
ang suplay ay bumababa habang ang demand ay nananatili.

Pigura 16
SAMPLE NA KURBA NG DEMAND AT SUPLAY NA NAGPAPAKITA NG PAGBABA NG SUPLAY
HABANG ANG DEMAND AY NANANATILI
Kapag bumaba ang suplay, ang
galing P0 * papuntang P1* at ang ekwilibriyong dami
naman ay bababa galing Q0* papuntang Q1*.

Pagtugon sa Kakulangan at Kalabisan ng Suplay


at Demand

Hindi sa lahat ng panahon ay pantay ang dami ng gustong bilhin ng konsyume sa gustong ipagbili ng
prodyuser. May pagkakataon na labis ang demand kung ihahambing sa suplay at minsa din ay labis ang suplay
kung ihahambing sa demand nito. Sa ganitong sitwasyon, may disekwilibriyum sa pamilihan. Upang
matugunan ang problemang ito, pumapasok ang pamahalaan ng pagkontrol sa presyo at pagpapairal ng iba’t
ibang patakaran upang makamit ang ekwilibrium sa pamilihan.

PAGKONTROL SA PRESYO

a. Price Ceilling Policy – ang price ceiling policy ay karaniwang ipinatutupad ng pamahalaan kung sa
tingin nito ay sobrang mataas ang presyo ng kalakal o paglilingkod. Ang price ceiling ay ang
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 24 of 25
pinakamataas na presyong puwedeng ipataw ng prodyuser sa particular na produkto o serbisyo.
Layunin nito ang pagbibigay ng presyong subsidy sa mga consumer. Halimbawa nito, ang
pagpapatupad sa price ceiling para sa presyo ng bigas, asukal, renta, o upa, at pamasahe.
Sa Pigura 17, ipinakikita na ang price ceiling ay mas mababa kaysa sa presyong ekwilibryum. Lumilikha
ng labis na demand o shortageang price ceiling. Ang shortage na ito ay pinupunan ng pamahalaan sa
pamamagitan ng pag-iimport o pamamahagi sa pamamagitan ng pagrarasyon o first come first serve.

Pigura 17
PRICE CEILING AT PRICE FLOOR

b. Floor Price Policy- Ang price floor policy ay karaniwang ipinatutupad ng pamahalaan kung sa tingin nito
ay sobrang mababa ang presyo ng pinakamababang presyong maaaring ipataw para sa partikular na produkto
o kalakal at serbisyo o paglilingkod. Layunin nito na makontrol ang mabilis na pagbaba ng presyo upang
matulungan aag mga prodyuser. Sa Pigura 17, makikita na ang price floor ay karaniwang mas mataas kaysa
sa presyong ekwilibriyum. Dahil dito, nagdudulot ng labis na suplay ang price floor. Ang labis sa suplay na ito
ay bibilhin ng pamahalaan upang ipagbili ng mga prodyuser sa floor price na itinakda.

V. Pagtatalipuspos

 Kapag bumaba ang presyo, tumataas ang demand at bumababa ang suplay. Kapag tumataas ang presyo,
bumababa ang demand at tumataas ang suplay.
 Suplay ito ang dami ng produkto na hindi ipagbili sa isang tiyak na presyo.
 Surplus ito ay isang sitwasyon na mas Malaki ang dami ng produkto na isinusuplay kaysa sa dami na
demand.
 Demand ito ay dami ng produkto na handa o kayang bilhin sa isang tiyak na presyo.
 Ekwilibriyo ito ay sitwasyon na nagkakasundo ang mga mamimili ( sa panig ng demand) at nagbibili ( sa
panig ng suplay).

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This learning material is prepared for the exclusive use of St. Sebastian International School-Neg. Occ., Inc. only . |Page 25 of 25

You might also like