You are on page 1of 29

PAGBASA AT PAGSUSURI

NG IBA’T IBANG TEKSTO


TUNGO SA PANANALIKSIK
Inihanda ni:
MARINA R. VILLANUEVA
Guro II
MAGANDANG
ARAW!
BALIK-TANAW
Hanapin ang iba’t ibang uri ng teksto sa word search na
nakapaskil sa pisara at ibigay ang layunin ng bawat isa.
Bigyang Linaw Natin ‘To
Basahin at suriin ang konteksto. Sagutan ang mga sumusunod
na katanungan.
Pumunta ako sa Maynila na kung saan ang Maynila ang kabisera ng
Pilipinas. Nadatnan ko si Diego sa Quiapo Church. Pagkatapos magdasal si
Diego ay nakita na ako sa labas ni Diego. Nilibot namin ang Luneta. Ang
Luneta ay lugar na kung saan naganap ang pagkamartir ni Rizal. Nilibot
namin ang Intramuros gamit ang kabayo.Pero ang kabayo ay napagod kaya
pinainom muna ang kabayo.Higit sa lahat, nakita na namin ang Fort
Santiago. Ang Fort Santigo ay isang makasaysayang pook sa Maynila.
Mga tanong:
1. Malinaw at maayos ba ang daloy ng konteksto?
Ipaliwanag.
2. Ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng
konteksto?
3. Kung ikaw ang sumulat ng kontekstong ito,
paano mo ito isusulat ng malinaw at maayos ang
kaisipan?
COHESIVE DEVICES/
KOHESYONG GRAMATIKAL
Cohesive device o
Kohesiyong Gramatikal
ginagamit ang mga ito sa
gramatika upang ang mga salita
ay hindi na maulit.
GAMIT NG COHESIVE
DEVICES
1. Reperensiya (Reference)
- Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring
tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-
uusapan sa pangungusap. Tinutukoy nito ang anapora
at katapora.
Anapora
- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa
hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan na
binanggit sa pangungusap o talata
-ginagamit kapag ang panghalip ay nasa hulihan
ng pangungusap.
Halimbawa:
•Kung makikita mo si manong, sabihin mo lamang na
ibig ko siyang makausap.
•Si Rita’y nakapagturo sa paaralang- bayan, diyan sa
nakilala ng iyong anak.
•Kinausap ko si Manolo, sinabi ko sa kaniya na ang
kanyang ginawa ay mahusay
Halimbawa:
Hindi baleng mabigo ka na ipaglaban
ang mga pangarap mo, kesa nabigo ka
nang hindi man lamang dahil sa mga ito.

Halaw mula sa talumpati ni Ricky lee sa PUP nang gawaran siya ng


Doctorate in Humanities Honories Causa noong ika-8 ng Mayo, 2019
Katapora
- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa
unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan na
binanggit sa hulihan ng pangungusap o talata.
- nagagamit tuwing nasa harap ang panghalip.
Halimbawa:
• Siya’y hindi karapat-dapat na magtaglay
na aking apelyido, si Pedring ay kahiya-
hiya!
• Ano ang mawawala sa akin pintasan man
nila ako?
Halimbawa:
Kagaya ng karangalang itong ibinibigay n’yo
sa akin. Di ko alam kung anong nagawa kong
kabutihan sa PUP para maibigay ninyo sa akin
ito.
Halaw mula sa talumpati ni Ricky lee sa PUP nang gawaran siya ng
Doctorate in Humanities Honories Causa noong ika-8 ng Mayo, 2019
Ano Ako?
Panuto: Tukuyin kung ang mga
sumusunod na pahayag ay
ginagamitan ng anapora o katapora.
1. “Dalhin natin siya sa ospital dali!” ang sigaw ng
maliksing si Doris habang pangko ang matandang
lupaypay at tila wala ng buhay. Isinakay siya sa
huling bahagi ng kotse at saka mabilis nitong
pinaandar ang sasakyan patungo sa pinakamalapit
na ospital. Subalit hindi na umabot nang buhay si
Lolo Jose sa pagamutan. Sagot: Katapora
2. Bayani ang mga taong handang tumulong sa
nangangailangan kahit walang hinihintay na kapalit o
magbuwis ng buhay para sa bayan kung
kinakailangan. Sila ay mga karaniwang taong
nakagagawa ng hindi pangkaraniwang kabutihan
para sa iba.
Sagot: Anapora
3. Matamis na maasim ito. Ang may katigasan at
kulay lilang balat ay nagtataglay ng mapuputing hilis
na paborito ng marami hindi lang dahil sa lasa nito
kundi maging sa taglay na sustansiya. Hindi
pangkaraniwang prutas ang mangosteen.

Sagot: Katapora
4. Grab taxi na nga ba ang solusyong dala ng
makabagong teknolohiya para mapadali ang
paghahanap ng masasakyan? Ito ay alternatibo sa
nakasanayang de-metrong taxi.

Sagot: Anapora
5. Malinis at sariwang hangin, isa na nga
lang ba itong alaala sa ating malalaking
lungsod?

Sagot: Anapora
Obserbahan kung paano ginamit ang
mga panghalip sa mga hinalaw na talata
mula sa isang tekstong pinamagatang
“Propesyonalismo” ni Joselito D. Delos
Reyes.
Bahagi ng Teksto Tukuyin at isulat dito kung anong panghalip ang
ginamit sa talatang nasa kabilang hanay at isaad
kung Anapora o Katapora ang panghalip.
Halimbawa: siya-katapora

1. Sa ating bansa, may dalawang popular na


paraan para matawag na propesyonal. Una,
magtapos ng kursong kapag natapos, kukuha ka
ng pagsusulit na ibinibigay ng Professional
Regulation Commission (PRC). Dapat kang
pumasa sa pagsusulit na ito na tumatagal ng isa
hanggang apat na araw.
2. Hindi dahil sa winawalang bahala
ko ang propesyonal o lisensiyado.
Napakahalaga nito.
3. Sa mga pagawaan at estruktura,
propesyonal dapat. Lisensiyadong
inhinyero dapat. Dahil dumaan sila
sa proseso ng pag-aaral,
pagtatapos, at pagpasa sa
pagsusulit para matawag na
propesyonal na inhinyero.
4. Kaya lamang, may nakababahalang
balita nitong mga nagdaang araw. Itong
usapin hinggil sa kinatawan ng party list
na pangkabataan.

5. Shortcut, palakasan, pagbaluktot sa


batas, pagkalunod sa kapangyarihan
para lang makalusot sa Kongreso.
Matapos ito, tatawaging representative
siya ng mga propesyonal.
Pangkatang Gawain
Bumuo ng tig-lilimang pangungusap na ginagamitan ng anapora at
katapora. Salungguhitan ang nagpapatunay sa gamit nito at ipaliwanag sa
harap ng klase.
Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman-------------------35 puntos
Kooperasyon-------------- 25 puntos
Presentasyon-------------15 puntos
Kaangkupan---------------25 puntos
KABUUAN -------------100 puntos
Pagtataya
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang ginamit na cohesive device (Panghalip) sa
bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay anapora o katapora. Dalawa (2) ang sagot sa
bawat bilang.
__________1. Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay ang mabilis na pagbabago sa
larangan ng paggawa ng pelikula.
__________2. Tayo ngayon ay nasa panahon ng impormasyon, kaalinsabay ang
paggamit ng bagong teknolohiya sa paggawa ng pelikula.
__________3. Hindi nag-shooting ang mga artista, bagkus dumalo sila sa isang rally.
__________4. At kahit mabigo ka, huwag kang mag-aalala. Hindi iyan ang sukatan ng
worth mo bilang tao.
__________5. Ipaglaban mo ang karapatan mo, write a story, hug your parents. Napagod
silang lahat para mapa-graduate kayo
Maraming
Salamat!

You might also like