You are on page 1of 21

PANGARAP AY

GAWING PUHUNAN,
TIYAK AANIHI’Y
TAGUMPAY
Mahalagang Kaalaman
Matutupad ang anumang pangarap
kung ito ay pagbibigyang puhunan ng
sipag at tiyaga, at sa tulong at gabay ng
Panginoon , tagumpay ay
makakamtam.
Pagsasalaysay
Ito ay isang diskurso o pagpapahayag na may
layuning magkuwento ng mga pangyayaring
magkakaugnay.
Isinasaalang-alang sa pagsasalaysay ang daloy ng
mga impormasyon upang higit na maging malinaw
ang paglalahad dito.
Maraming paraan ang pagsasalaysay, isa na rito
ang paggamit ng Anekdota.
Anekdota
Isang kuwento ng isang kawili-wili o
nakatutuwang pangyayari sa buhay ng
isang tao.
Layunin nitong maipabatid ang isang
karanasan na kapupulutan ng aral.
Katangian na dapat
taglayin ng isang
anekdota
1. May isang paksang tinatalakay.
Ang kuwento ay dapat nakatuon
lamang sa isang tiyak na paksa.
Bagaman maraming dapat maikuwento
tungkol sa buhay ng isang tao, pipili
lamang ng isang pangyayari o karanasan
na iikutan ng salaysay.
2. May malinaw na kaisipan.

Gumagamit dapat ng akma o angkop na mga


salita at malilinaw na pahayag upang
maipabatid ang mensahe.

Simple at hindi maligoy ang pagsasalaysay


upang hindi maging dahilan ng pagkalito sa
mga nagbabasa o nakikinig.
Anekdota ni Langston Hughes

Akdang Aprikano-Amerikano
Isinalin sa Filipino ni
Morena Moreno
Si James Mercer Langston Hughes ay isang
African-American na manunulat, makata, nobelista,
manunulat ng dula at kolumnista. Tinagurian din
siyang social activist dahil naniniwala siyang
kailangang magkaroon ng pagbabago sa lipunan
upang magkaroon ng katarungang panlipunan.

Sa murang edad, sinuong niya ang maraming


hamon sa buhay. Tunghayan ang ilan sa kaniyang
naging karanasan.
Sa pamamagitan ng kaniyang mga akda,
naipahayag niya ang relasyon ng mga lahi sa
Estados Unidos. Sa mga lahing ito, higit na
nailarawan at naipakita ni Hughes ang totoong
kalagayan ng buhay ng mga Aprikano.
Ipinakita niya ang mga diskriminasyon o di-
pagkakapantay-pantay na pagtrato na
naranasan nila.
Dahil nagkahiwalay ang kaniyang mga magulang,
malaking bahagi ng kaniyang kabataan ay ginugol
niya kasama ang kaniyang lola. Noong siya ay
labintatlong taong gulang, siya ay bumalik sa
kaniyang ina kasama ang kaniyang amain. Nang sila
ay lumipat sa Cleveland Ohio, dito niya nabasa ang
mga tula ni Carl Sandburg tulad ng "A Father To
His Son'" na nagkaroon ng malaking impluwensiya
sa kaniya.
Nang matapos niya ang pag-aaral sa hayskul,
lumipat siya sa kaniyang tunay na ama.

Tinustusan ng karniyang ama ang kaniyang pag-


aaral at ipinasok siya sa Columbia University. Sa
paaralang ito ay naging miyembro siya ng isang
samahan, ang Harlem's Burgeoning Cultural
Movement, na lalong kilala sa tawag na Harlen
Renaissance. Dahil sa hindi magandang karanasan sa
unibersidad, hindi na niya tinapos ang kaniyang pag-
aaral.
Dito kasi niya nasaksihan ang pang-aapi sa mga mag-aaral na
may maitim na balat. Sa halip na ipagpatuloy ang kaniyang pag-
aaral, nagtrabaho na lang siya. Dito niya naranasang magpalit-palit
ng trabaho mula sa pagiging mayordomo, utusan sa barko,
tagabantay ng isang bahay-aliwan, tagatawag ng pasahero sa bus
hanggang sa naging tagalinis siya ng isang kainan. Subalit kahit
abala siya sa kaniyang trabaho, hindi niya nakalilimutan ang
paggawa ng tula. Karamihan sa nabuo niyang mga tula ay isinulat
upang bigkasin nang may aliw at indayog. Ang mga ito ay isinulat
upang bigkasin nang malakas at awitin sa saliw ng banda o
orchestra.
Minsan sa kaniyang pinagtatrabahuhang kainan, ang
Wardman Park Hotel, naghapunan ang tanyag na makatang si
Vachel Lindsay. Sinamantala niya ang pagkakataon. Inilagay
niya ang isa sa kaniyang isinulat na tula sa gilid ng plato ng
makata. Nang makita ni Lindsay ang tula, kaniya itong binasa.
Labis na natuwa at humanga ang makata sa tula kayat kinilala
niya ang sumulat nito. Dahil sa katuwaan, isinama ni Lindsay
si Hughes sa lahat ng pagbasa ng kaniyang tula. Sa ganoong
pangyayari, nakilala at naging tanyag si Hughes na minsang
naging makatang tagalinis.
TANONG,
SAGOT!
1. Ano nanging impluwensiya kay
Hughes ng mga naranasan at
nasaksihang diskriminasyon sa
mga taong may maitim na balat?
Ipaliwanag
2. Ano ang mga naging
impluwensiya kay Hughes upang
mahilig siya sa pagsulat ng tula?
Ipaliwanag
3. Paano mo mailalarawan ang
mga nilikhang tula ni Hughes?
Ipaliwanag
4. Ano ang naging papel ni Vachel
Lindsay sa buhay ni Hughes?
Ipaliwanag
5. Paano pinatunayan ni Hughes
na hindi sagabal ang kahirapan
upang magtagumpay? Ipaliwanag
Maraming
Salamat sa
aktibong
pakikilahok!

You might also like