You are on page 1of 14

ST.

LOUISE DE MARILLAC COLLEGE OF SORSOGON


Burgos Street, Barangay Talisay, Sorsogon City
S.Y. 2021 – 2022

Pangalan ng Mag – aaral: Bernadette F. Madera


Kurso: Bachelor of Science in Hospitality Management – 1st year
Guro: Mrs. Salvacion Espedido
MODYUL 1

TOPIC: RETORIKA:
KALIKASAN AT MGA
KATANGIAN
Pagkakaiba at pagkakatulad ng masining na pagpapahayag at makabuluhang pagpapahayag:
PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD

*Pagpapahayag ng *sa masining na *Pagsasalita sa harap ng isa


mahahalagang karunungan pagpapahayag kinakailangan o maraming tao
magkaroon ng kagalang
*Malawak na pagpapahayag galang na estilo sa kanyang *komunikasyon at
isusulat samantalang sa interaksiyon
makubuluhang
pagpapahayag hindi.

Sariling pagpapakahulugan ng MASINING NA PAGPAPAHAYAG

*tumutukoy sa sining *kaakit akit na *karanasan *pormal na


pagsasalita pagpapahayag
• ETHOS - Kung paanong ang “karakter” o kredibilidad”
ng tagapagsalita ay nakaiimpluwensya sa
tagapakinig/awdyens para ikunsidera na kapani-paniwala
ang kanyang sinasabi. Kung ang tagapagsalita ay kilala
bilang isang awtoriti sa paksang kanyang tinatalakay tulad
ni Al Gore na isang awtoriti sa Global Warming dahil sa
kanyang pag-aaral sa nasabing paksa na prenesenta niya
sa mundo.

• PATHOS - ang paggamit ng emosyon ng tagapagsalita


upang mahikayat ang tagapakinig/awdyens na mabago
ang kanilang desisyon. Nang-aakit ang kanyang
pananalita gamit ang emosyon. Nagagawa ito sa
pamamagitan nang paggamit ng metapora, amplifikasyon
ng boses, pagkukuwento at pagrerepresenta ng paksa na
nang-aakit ng damdamin ng kausap.

• LOGOS - ito ay ang paggamit ng katwiran/rason upang


bumuo ng mga argumento. Ang apela sa logos (logos
appeal) ay maaaring maipakita sa paggamit ng
istadistika/istatistiks, matematika, lohika (logic) at
objectivity.
KAHALAGAN NG RETORIKA SA MGA SUMUSUNOD:

1. PANRELIHIYON - Salita ang puhunan ng mga pari at ministro ng alinmang


sekta ng relihiyon sa kanilang pagpapalaganap ng pananampalataya.
Nakasalalay sa kanilang makarismatikong tinig, malinaw at medaling
maintindihang pananalita at maengganyong pagsasalita ang tagumpay ng
kanilang misyon at nila mismo bilang relihiyosong lider

2. PAMPANITIKAN - Sa isang manunulat, ang kanyang tagumpay sa


pagsusulat ay nasa paggamit niya ng mga salita. Dapat ang gamit niyang wika at
ang istilo ng kanyang pagpapahayag sa kanyang mga akda ay parang buhay na
tubig na natural na sumisibol at dumadaloy sa personalidad ng kanyang mga
tauhan at sa kapaligirang kanilang ginagalawan

3. PANG – EKONOMIYA - ang sinumang nagnanais na umunlad ang kanyang


buhay ay may puhunang kilangan gampanan at ito ay palaguin. Taglay ang
maretorikang pang- a lot sa mga nagnanais na makakumbinsi.

4. PANG MEDIA - Ang mga artista sa teatro, telebisyon at pelikula, gayundin,


ang mga personalidad sa iba’t ibang media ay nakararating sa rurok ng kanilang
tagumpay sa pamamagitan ng mga katangi-tangi nilang pagsasalita at mga
kaakit-akit nilang boses na humuhubog sa kanilang personalidad para makilala
ng madla. Ito ang nagsisilbing puhunan sa pag-unlad. Walang lubay silang
sinusubaybayan, sampu ng kanilang mga proyekto at programa, ng kani-
kanilang kampo ng mga tagahanga.

5. PAMPULITIKA - Maraming batikang pulitiko ang namumuhunan sa


maretorikang pagpapahayag. Sa sandal ng kanilang pangangampanya,
kapanapanabik ang pagbibitiw nila ng mga pananalita, lalo’t naglalaman ng mga
platapormang mapangako sa mga kalagayang naghihintay ng pagbabago.
Kaengka-engkanto ang kanilang mga itsura habang nagsasalita na
kinadadamhan ng marami ng pagtitiwala kaya naman ibinibigay sa kanila ang
sagradong boto, tuloy, nananalo sila at nakapangyayaring makapangyarihan
kapagdaka.
KAHALAGAHAN NG RETORIKA

Sa pamamagitan ng retorika, ang isang tao ay


nagkakaroon ng pagkakataon na magbigay ng
panuto at paglalapat nito sa anumang bagay kung
saan nananalamin ang mga natatagong kaalaman
nito sa isang paksa. Ang retorika ay nagbibigay rin
ng daan upang maayos at mabisang malaman ang
mga dapat bagay na dapat matutunan ng isang
mag-aaral at magamit ito sa pang araw-araw na
pakikipag-ugnayan sa mga kapwa mag-aaral. Tulad
ng mga bagay na nabibigyan ng angkop na
pangalan at tawag, nalalaman rin sa tulong ng
retorikal na pagpapraktis ng komunikasyon ang
saysay at gamit nito ng bawat salitang nakakalap sa
anumang sanggunian na ginalugad ng isang
manggagamit nito. Ang retorika rin ang ginagamit na
"medium" ng mga guro sa paghahatid ng mga
impormasyon at kaalaman na kinakailangang
malaman ng kanilang mga estudyante.
MODYUL 2

TOPIC: RETORIKA:
PROSESO NG
MABISANG
PAGPAPAHAYAG
Gampanin ng Retorika:

• Nagbibigay daan sa komunikasyon

Ano man ang ating naiisip, nadarama ay maari nating ipahayag sa pasalita o pasulat na mauunawan
ng ibang tao.

• Nagdidistrak

Dahil sa ating pakikining o pagbabasa ng mga akda tayo ay nadidistrak at nadadala sa ibang
dimesyon na kung saan nakakalimutan natin ang tunay na suliranin ng ating buhay.

• Nagpapalawak ng pananaw

Sa ating pakikinig o pagbasa maaaring may natututunan tayong bagong kaalaman na mahalaga.
Gaya ng nabanggit, ang retorika ay nagsusupling dahilan upang lumawak ang pananaw natin

• Nagbibigay ngalan,
Ang mga bagay sa paligid natin ay dumating ng walang leybel. Dahil sa retorika, halimbawa, ang
kamera ay nagging Kodak, ang toothpaste ay nagging colgate.

• Nagbigay-kapangyarihan

Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagging prominente at makapangyarihan. Isa sa mga
mahuhusay na na pulitiko o mananumpalati. Si Ninoy Aquino ay isang mahusay na peryodista
noong Ikalawang pandigmaang pandaigdig. Ang matatalinong ideya, malalalim na
pananampalataya at idyolohiya na naipahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmulan din ng
kapangyarihan at kalakasan.
Katangian ng isang retorika upang makamit ang mabisang
pagpapahayag

Kasiningan sa Kapangyarihang Mapagkunwari o Kaangkupan at


paglalahad makapagbigay ng mapagmalabis na katiyakan sa
saya o lugod paggamit ng wika paggamit n g wika
sa pagpapahayag
- nagiging
masining ang - ang mga likhang - Kaugnay ng
paglalahad sa pahayag ng unag katangian, - Epektibo ang
pamamagitan ng manunulat at sa ilalim ng mga retorika kung
paggamit ng mga tagapagsalita ay tayutay, malimit palaging
transisyonal na nagbibigay na gawin bahagi kaagapay nito sa
panalita sa kasiyahan. ng pahayagang pagbuo ng
retorika tulad ng Makapangyarihan personipikasyon pahayag ang
mga salawikain, ang wika sa mga at hyperbole. balarila o
kasabihan, larang na ito. Kaya Nilalayon nitong grammar. Hindi
kawikaan, nitong tumalo mula sa lamang sapat na
sawikain, at makapagpaluha realidad patungo maganda at
tayutay. sa tuwa sa sa mapaglarong matalinghaga ang
sinumang mundo ng pahayag,
nalulumbay. imahinasyon ng mahalagang
awdyen. nauunawan ang
Nakadadala ng mga salitang
damdamin ang ginamit. Isaalang-
ganitong mga alang ang tama at
pahayag. angkop na pagpili
Nakadaragdag pa ng mga salita para
ito ng kulay at maging
nagbibigay ng matagumpay ang
ibayong pagtatawid ng
kahulugan sa mensahe sa mga
batayang salita mambabasa at
tagapakinig.
“Dapat mong isaalang – alang ang uri ng mga mambabasa at
tagapakinig”

Kailangan mong matugunan ang mga ito kung nasaan sila, hindi kung saan mo nais
ang mga ito. Mas mahalaga ang mga tao tungkol sa isang isyu kapag nakabalot ito sa
isang paraan na nakahanay sa kanilang mga halaga, alalahanin, at paniniwala.
Tanungin ang iyong sarili kung ano ang mahalaga at pinahahalagahan ng aking mga
tagapakinig? Ano ang gusto nila at tinatamasa? Ang mga halaga ng tao ay nagmula sa
personal na karanasan, kasaysayan, saloobin, pangangailangan, at paniniwala. Ang
paghubog ng iyong diskarte sa paligid ng mga halaga ng iyong madla at pagpapakita
kung paano ito konektado sa mga bagay na pinapahalagahan nila ay makatutulong
upang makuha ang kanilang pansin at suporta. Kung ang iyong 'tagapakinig' ay isang
indibidwal o maliit na grupo na kilala mo / kasosyo / kasamahan / mga contact sa
komunidad, maaari mong masagot ang ilan sa mga tanong tungkol sa kanilang mga
pangunahing alalahanin at mga halaga batay sa iyong personal na kaalaman at mga
pangunahing online na paghahanap. Kung ang iyong 'madla' ay isang mas malaki o
hindi gaanong pamilyar na grupo, malamang na mahahanap mo ang umiiral na
pananaliksik sa mga katangian tulad ng kasarian, edad, antas ng edukasyon,
paniniwala, at iba pa, na magagamit nang libre online.

Apat na uri ng pagpapahayag:

1. Paglalarawan

– pagpapahayag gamit ang pagbibigay pang-uri at katangian.

2. Pagsasalaysay

– paggamit ng kuwento at pagpapahayag ng mga pangyayaring magkakaugnay.

3. Paglalahad

- pagbibigay ng kuwento upang magbigay linaw sa isang konsepto o isang bagay.

4. Pangangatwiran

– pagbibigay ng katwiran at sapat na katibayan at may hangad na

makapag-impluwensya.
Dalawang bagay na dapat isaalang alang upang higit na maging mas
epektibo ang pagpapahayag:

1. Retorika - Ito ay mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng


maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsusulat.

2. Balarila - Isang agham sa paggamit ng salita at ang pagkakaugnay-ugnay

- May kaugnayan sa pag-aaral ng uri ng mga salita, tamang gamit ng mga salita
at pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipang pang-gramatika.

Relasyon ng Balarila at Retorika:

• Ang isang pahayag upang maging mabisa ay dapat na


maganda,kaakit-akit at tama.

• Retorika- kagandahan, Balarila – kawastuhan

• Ang ganap na kahusayan sa pagpapahayag sa wikang ginagamit ay


nakikita sa kawastuhang panggramatika na lalong nakikita sa pasulat
na pagpapahayag.

• Ang kasanayan sa wasto at mabisang pagpapahayag bunga ng


magkasamang pagsasaalang-alang sa retorika at balarial ay isa sa
mga palatandaan ng mataas na antas ng edukasyon.
KAHIRAPAN
(maikling talata tungkol sa kahirapan)

Ang kahirapan ang pangunahing sanhi ng karamihan sa


mga problema sa lipunan. Ang gutom, karamdaman, at
kamatayan ang pangunahing kinalabasan ng kahirapan.
Madali nating makita ang mga ito sa paligid natin.
Inilalayo ng kahirapan ang mga tao sa kanilang
pangunahing mga pangangailangan. Dahil sa kahirapan,
ang mga bata ay hindi nakakuha ng tamang edukasyon
at malusog na buhay. Naging malnutrisyon din sila. Ang
kahirapan din ay isang malakas na dahilan para sa
pagtaas ng rate ng krimen. Ang mga mahihirap na tao
ay hindi nakakuha ng nais na edukasyon. Ang kawalan
ng kaalaman ay gumagawa sa kanila ng walang trabaho.
Napilitan silang gumala para sa kanilang kabuhayan.
Pinipilit ang pangangailangan ng pera na kumita sila sa
maling pamamaraan. Ito ang tiyak na epekto ng
kahirapan. Ang paggawa ng bata ay isa pang krimen na
lumitaw sa pamamagitan ng kahirapan at sumpa para sa
lipunan.

You might also like