You are on page 1of 2

ESP 9 – 4TH QUARTER

PERFORMANCE TASK 1

Performance Standard:
Nagtatakda ang mag - aaral ng sariling tunguhin
pagkatapos ng haiskul na
naaayon sa taglay na mga talento, pagpapahalaga,
tunguhin at katayuang
ekonomiya.

(Performance Tasks)
A. Panuto: Sa naisip mong tahaking career para sa
hinaharap pumili ng isang
gawain sa ibaba na angkop sa kakayanan mong gawain.

- Gamit ang social media account: Magpost ng iyong


selfie suot ang uniporme
ng iyong ninanais na career sa hinaharap (Maaaring mag
improvise kung wala kang makita eksaktong damit sa iyong
tahanan). Lagyan ito ng caption na nagsasaad ng 5
pansariling salik (talento, kasanayan, hilig, pagpapahalaga,
at mithiin) na indikasyong nararapat para sa iyo ang career
na napili. Huwag kalimutang itag ang iyong guro sa EsP.

- Ibang paraan ng paggawa ng task: Kung walang


kakayahang magpost sa social media gumupit ng larawan
sa mga magazine o gumuhit ng larawan o gumawa ng
collage gamit ang powerpoint/canva/photo editor na
nagpapakita ng career na gusto mong tahakin. Idikit o iguhit
ito sa short bond paper, isaad ang 5 pansariling salik
(talento, kasanayan, hilig, pagpapahalaga, at mithiin) na
indikasyong nararapat para sa iyo ang career na napili.
Maging malikhain sa pagsasagawa nito.
Ang career na nais kong tahakin ay ang pagiging GAME DEVELOPER.

Hindi ko po maikakaila sa aking sarili na ako po ay may


TALENTO talentong may kinalaman sa paggamit ng computer lalo na sa
paggamit nito upang maging mahusay sa paglalaro.

Dahil sa ako’y may kasanayan dito ay batid kong ang pagiging


KASANAYAN game developer ang tamang karera na dapat kong tahakin.

Likas po sa akin ang hilig sa paglalaro ng online games lalo na


po sa desktop computer. Dahil dito, para sa akin ay angkop
HILIG lamang na tahaking career ang pagdedevelop ng mga larong
kinagigiliwan ko.

Mahalaga sa akin na ang isang computer o mobile game ay


patuloy na umuunlad at nagbibigay ng interes sa mga
PAGPAPAHALAGA manlalaro nito kaya, bilang isa ring manlalaro ay nais kong
magkaroon ng bahagi at makatulong sa industriya nito .

Minimithi kong maging matagumpay sa larangang ito dahil


malapit sa akin ang karerang ito at nakikita ko na
MITHIIN makapagbibigay din ito ng tulong sa pinansiyal na
pangangailangan namin.

You might also like