You are on page 1of 7

Mga Gawain

Gawain 1

Pagbabahagi ng kaalaman (insight) at paglilimi (reflection) kaugnay ng paksang tinalakay. Mula sa


mga naging karanasan mo sa buhay, umisip ng isa na magagamit at maipaliliwanag mo gamit ang
mga proseso o yugto ng pagkatuto.

Pagpaplano

Ang pagpaplano ay ang pagiging handa sa mga dapat malaman o aralin. Ito ay napaka
importante sa isang tao. Noong mga nakaraang buwan ay umisip ako ng isang negosyong
magkakakita kami ng mabilis. Sa una, maraming pumapasok sa aking isipan na puwedeng gawin at
ibenta. Hanggang sa naisipan kong gawin ang ube turon na malagkit. Iniisip ko ang mga kasangkapan
sa paggawanito, nagpatanong ako sa aking ina ng mga malagkit na mura lang ang presyo. Isinama ko
na din ang mga magiging gastos sa mga bibilhing rekado. Isinulat ko sa papel ang mga hakbang na
dapat kong isaalang – alang at gawin bago maggawa ng ube turon malagkit.

Pagpapatupad/Pagsasagawa

Pagkatapos ang aking pagpaplano ay akin na itong isinagawa. Nagluto ako ng malagkit na
nabili ng aking ina. Isinaing ko muna ito at habang nagluluto ng malagkit ay pinaghiwa – hiwalay ko
muna ang mga wrapper para pang ballot ng malagkit. Hiniwa ko na din ang mga keso. Pagkatapos
maluto ang malagkit ay inihalo ko na ang ube condense hanggang sa mabalot nan g ube condense
ang malagkit. Kumuha na ako ng wrapper at ibinalot ang malagkit kasama ang keso sa loob nito.
Pagkatapos ang pagbabalot ay tsaka na ako nagpainit ng mantika sa kawali. Nang mainit na ay
inilagay ko na ang mga binalot ko na malagkit. Pagkatapos ma – prito ay pinalamig ko na ito at
inilagay sa dahon ng saging.

Pagsusuri

Naging maganda at epektibo naman ang aking mga isinagawa at estratehiya sa pagluluto ng
ube turon malagkit. Magandang tingan ang pagkakaluto at mabango pa ito. Nang tikman koi to ay
masarap, bumagay ang alat at tamis ng malagkit at keso. Ibinenta na ito ng aking ina, marami
namang bumili na tao. May mga nagsasabi pa nga na masarap daw at sumakto lang ang tamis niya.
Mayroon din namang natatabanagan.

Pagtataya

Naging maganda ang kinalabasan ng aking naisip na negosyo. May mga positibo at
negatibong mga komento. Hindi sapat ang sariling pag – iisip ng mga gawain sa negosyo, kailanagan
ko pang magsaliksik ng iba pang impormasyon upang mas lalong maging masarap at mabenta ang
aking ube turon malagkit na negosyo. Kaya sa naging resulta sa pagsasagawa ay marami pang mga
bagay ang dapat kong matutunan. Upang lubos na maging maganda ang kalalabasan ng aking
pagpaplano at pagsasagawa nito.
Performance Tasks

PT 1

Batay sa video na pinanuod, bumuo ng sariling educational technology application. Bumuo ng logo o
disenyo nito at ilahad kung paano ito gagamitin at kung paano ito makatutulong sa proseso ng
pagtuturo at pagkatuto.

Ang We – Built application ay nabuo dahil sa pangangailangan ng mga guro at mag – aaral sa mga
impormasyong kanilang hinahanap lalo na sa aklat. Walong asignatura ang nakapaloob sa application
na ito. Ito ay ang mga English, Math, Science, Filipino, A.P, T.L.E, MAPEH at ESP. Makikita sa
application kapag binuksan ay may nakalagay na student and teacher, pindutin ang student kung ang
gagamit ay estudyante pa lamang at teacher naman kung isang guro ang gagamit. Kailangan ialagay
ang pangalan at edad pagkatapos pumili sa student and teacher. Kapag tuluyan ng nabuksan ang
application ay may mga nakalagay na baitang bawat kolum. Halimbawa, kapag pinindot ng nagamit
ang baitang 6 siya ay mapupunta sa mga aklat na pang baitang 6 lamang. Elemantarya, high school at
college ang pwedeng gumamit nito. Hindi mga type written na mga words ang lalabas sa mag – aaral,
kung hindi mga picture na nasa loob ng aklat, ang mga larawan ay naka high quality picture. At kapag
sa guro naman ay naka pdf ang mga nakalagay sa loob ng libro. Pipindutin lamang kahit saang parte
ng aklat at it’y lilipat sa susunod na pahina. Hindi maaaring magdownload ang mga mag – aaral ng
mga files na galing sa We – Built na application. Gayundin sa mga guro na gagamit. All in one na aklat
ang we – build na application na ito. Maaaring dalhin ng mga guro at bata kahit saan man sila
magpunta kahit gamit lamang ang cp, tablet, I – pod, o laptop. Mapadadali ang pag – aaral ng mga
bata at guro sapagkat kada taon ay laging naga – update ang application, maraming nadaragdag na
mga design at bagong libro. Binuo ang application naito upang sa pag –aaral ay maging mabisa at
epektibo sa mga mata at isipan ng mga nagamit. Mayroon din itong mga palaro. Pagkatapos ng isang
aralin ay may mga quizzes at essay ang kailangang sagutan bago mag – lag out ang isang account.
Understanding Directed Assessment

Pangalan: Madilyn C. De Vera Petsa: Oktubre 2, 2022

Marka: ___________

Course/Year: BSED III Instructor: Bb. Kate Maevel E. Camantigue

I. Suriin ang mga pahayag sa ibaba, piliin at salungguhitan ang titik ng tamang sagot

na tinutukoy o inilalarawan ng mga pahayag.

1. Ito ay tumutukoy bilang mga teknolohiyang nagpapahintulot na gumagamit o

gumawa ng mga bagong anyo ng komunikasyon, pakikipag-ugnay at libangan sa isang

digital na format.

a. Media

b. Software

c. Digital Media

d. Multimedia

2. Ito ay isang kombinasyon ng dalawa o higit pang media.

a. Digital

b. Multimedia

c. Technology

d. Computer

3. Sa prosesong ito mo pinagninilayan ang iyong mga aksyon kung epektiboba o hindi.

a. Yugto ng pagpaplano

b. Yugto ng pagsasagawa

c. Yugto ng pagsusuri

d. Yugto ng pagtataya

4. Nakatutulong ito sa mga guro at mag-aaral sa tuwing nais nilang malaman ang

kanilang mga bagong hardware at software na maaaring isama sa pagtuturo at

pagkatuto.
a. Monitor

b. Implement

c. Evaluate

d. Time Plan

5. Unang hakbang na kailangan mong alamin upang makamit mo ang iiyong ninanais.

a. Target

b. Implement

c. Monitor

d. Evaluate

6. Ito ay maituturing na pangmaramihang daluyan at ang layunin nito ay makatutulong

sa paghahatid ng mensahe.

a. Software

b. Komunikasyon

c. Media

d. Text message

7. Ito ay isang uri ng sulatin o teksto kung saan ang mga impormasyon, balita at iba pa

ay nakalimbag at malayang nahahawakan.

a. Video Media

b. Audio Media

c. Visula Media

d. Printed Media

8. Ito ay ang mga aralin na idinisenyo ng guro na gumagamit ng internet upang

malutas ang mga problema na ipinakita ng guro.

a. ITS

b. CAI

c. WebQuest

d. ICT
9. Ito ay tumutukoy sa mga larawan, graphic organizer at iba pa na ginagamit sa silidaralan.

a. Video Media

b. Audio Media

c. Visual Media

d. Printed Media

10. Ito ang mag aplikasyon ng teknolohiya na nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na

ayusin, gayahin, manipulahin, mailarawan, o isipin ang data, impormasyon at mga

bagay.

a. Expert system

b. Mindtool

c. Tutorial System

d. Educational Technology

II. Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag at MALI naman kung hindi at salungguhitan

ang salita o mga salita na nagpamali sa pahayag.

________TAMA________ 1. Gumamit ng iba pang mga digital na teknolohiya bukod sa computer.

______MALI__________ 2. Nagbibigay ng kasiyahan ang aplikasyon ng digital media sa edukasyon

upang lumikha ng kaguluhan sa mga mag-aaral upang makabuo ng kanilang sariling mga

interactive na pagtatanghal ng digital media.

_______MALI_________ 3. Pinatataas ng digital media sa edukasyon ang pagpapahalaga sa

teknolohiya at tiwala sa mga mag-aaral.

_______TAMA_________4. Iwasan ang pagbibigay ng malaking proyekto, sa halip na mahusay na

tukuyin ang mga gawain upang magamit ng mga mag-aaral ang kanilang kompyuter nang

matalino.

______MALI__________ 5. Iwasan ang paghingi ng tulong mula sa mga kamag-aral na dalubhasa sa

software.
________TAMA________ 6. Ipaalam sa mga mag-aaral ang mga patnubay at patakaran bago ang

pagsisimula ng proyekto.

______MALI__________ 7. Hindi kailangang sagutin lahat ang mga query ng mga mag-aaral.

______TAMA__________ 8. Tinitiyak ang tagumpay para sa lahat ng pag-aaral ng mga mag-aaral.

______MALI__________ 9. Tinutulungan ng digital media ang mga guro na makamit ang pare-
parehong istilo ng pag-aaral.

_______MALI_________ 10. Kinakailangan ng mga mag-aaral na lumikha ng isang visual na plano


bago gamitin ang teknolohiya.

You might also like