You are on page 1of 4

MODYUL 4: ARALIN 4

Tekstong Deskriptibo o Naglalarawan

ABSTRAKSIYON

Uumpisahan natin ang ating talakayan na sa pagtukoy ng mga kahulugan, katangian at elemento ng
tekstong Deskirptibo o naglalarawan.

TEKSTONG DESKRIPTIBO O NAGLALARAWAN

KAHULUGAN

Ang tekstong deskriptibo ay may layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari,
lugar, tao, ideya, at iba pa. Ginagamit bilang pandagdag sa mga impormasyon sa tekstong impormatibo at sa
pangyayari sa tekstong naratibo. Malinaw na nakapupukaw sa limang pandama: paningin, pandinig, panlasa,
pang-amoy, at pandama upang maging kongreto ang paglalarawan sa isip ng mga mambabasa.na isinasaad
ng ganitong uri ng teksto.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Dalawang paraan ng paglalarawan upang makamit ang layon ng tekstong deskriptibo.

1. Karaniwang Paglalarawan - Tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga


katangian nito gamit ang mga pang-uri at pang-abay.

Halimbawa:

Malaking dahilan ng polusyon ng hangin ang industrilisasyon at urbanisasyon, lalo na nag pagbuga ng usok
mula sa mga pabrika at mga kotse sa kalsada at paggamit ng karbon sa halip na mga ligtas na alternatibong
pagkukuhanan ng enerhiya. Sa tsina, ang malalaking pabrika at gawaing industriyal ang nagdudulot nang
makakapal at nakalalasong usok

Mula sa Asya: noon at ngayon nina alvarez at ditchella, 2014

2. Masining na Paglalarawang – Malikhain ang paggamit ng wika upang makabuo ng kongkretong imahe
tungkol sa inilalarawa. Tinatangka nito ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa, at ipadama ang isang bagay,
karanasan, o pangyayari. Bagaman may tinatawag na deskriptibong sanaysay, mas madalas na sumusulat
ng tekstong deskriptibo upang magsilbing karagdagan o suportang detalye sa isang sulatin.
Makatutulong din ang paggamit ng tayutay upang maging malikhain sa paggamit ng wika.

a. Simili o Pagtutulad
– Tumutukoy sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari sa pamamagitan
ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, at katulad.

Halimbawa:

Kasing ningning ng mga bituin ang iyong mga mata

Ang bawat hakbang ng iyong mga paa ay parang sa isang higante.

b. Metapora o Pagwawangis
– Tumutukoy sa tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang gamitan ng mga salitang
naghahayag ng pagtutulad.

Halimbawa:

Ang tawa ng bunsong anak ay musika sa tahanan.


Ang lungkot na iyong nadarama ay bato sa aking dibdib.
c. Personipikasyon o Pagsasatao
– Tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay
Halimbawa:
Naghahabulan ang malalakas na bugso ng hangin.
Matalinong mag-isip ang bagyo kaya lilihis ito sa ating bansa.
d. Hayperboli o Pagmamalabis
– Tumutukoy sa eksaherado o sobrang paglalarawan kung kaya hindi literal ang pagpapakahulugan.
Halimbawa:
Pasan ko ang daigdig sa dami ng problemang aking kinakaharap.
Nagdurugo ang aking utak sa hirap ng pagsusulit na ito.
e. Onomatopeya o paghihimig
- Tumutukoy sa paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan nito.
Halimbawa:
Malakas ang dagundong ng kulog.
Dinig na dinig ko ang tik-tak ng orasan.
Umaalingawngaw ang tinig ng asong ulol sa loob ng kuweba.

Halimbawa:

Malaking dahilan ng polusyon ng hangin ang industrilisasyon at urbanisasyon, lalo na nag pagbuga
ng usok mula sa mga pabrika at mga kotse sa kalsada at paggamit ng karbon sa halip na mga ligtas na
alternatibong pagkukuhanan ng enerhiya. Sa Tsina, kung saan dambuhala at singdami ng kabute ang mga
pabrika na dala ng maunlad nilang industriya, halos balutan na nang itim at nakalalasong ulap ang buong
siyudad.

Halaw sa Asya: noon at ngayon nina alvarez at ditchella, 2014

HALIMBAWA NG TEKSTONG DESKRIPTIBO O NAGLALARAWAN

ANG MAPAGLARONG NGITI NG ISANG INA

(Ni: JOVELYN OBIAS (2016) )

Ang ngiti ay isa sa mga magagandang tanawin na makikita natin mula sa mukha ng isang tao. Mga
mapupulang labing humuhugis arko sa bawat pagkakataon na magkakausap kami at mga matang
nagpapahayag ng mga kaaya-aya at masasayang karanasan na tila nag-uutos sa akingmga labi na gantihan
rin ito ng matatamis na ngiti. Ngunit sa likod pala ng nakahahawang ngiting ito ay may kumukubling
kalungkutan at kahirapan na nadarama ang aking ina.

Sa pagbungad pa lamang sa pintong binabalutan ng putting pinta ng aming tahanan ay masisilayan


na rito ang aming sala. Sa gitna nito ay naroon nakapwesto ang malaking telebisyon napinaliligiran ng tatlong
malalambot na sofa. Ito ang lugar sa loob ng aming bahay kung saan kami ay sama-samang nanunuod at
nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa buong araw. Dito rin naming paulit-ulit na pinakikinggan
ang kwento ng aking ina. Musmos pa lamang ako nang simulang marinig ito ng aking mga tenga. Sabi nito,
simula pa lamang nang malaman niyang dinadala niya ang panganayna anak nila ni Papa ay labis na
kagalakan na ang kanilang nadama, at labis pa itong nadagdagan nang kaming mga sumunod pang mga
anak ay ibiniyaya sa kanila ng Panginoon. Bakas sa mga mata nito na tunay ang bawat salitang kaniyang
sinasambit. Hindi lamang iyon kundi marami pang ibang masasayang pangyayari ang ikinikwento sa amin na
hindi ko na lubos matandaan sapagkat ako’y napakabata pa nang mga panahong iyon.

Sa loob ng ilang taon simula nang iluwal ako sa sinapupunan ng aking ina, kailanma’y hindi ko
naramdaman na nagkaroon kami ng kahit isa man lang na problema. Ito ay sa kadahilanang sa bawat pag-
uwi naming magkakapatid mula sa aming pribadong paaralan ay sinasalubong kami ng isang babaeng mula
sa malayo ay amin ng natatanaw. Ito ay may tama lang na tangkad, medyo matabang katawan, maikling mga
buhok na nagbibigay hugis sakanyang mukha na nakatayo sa tapat ng aming trangkahan na may galak at
ngiti sa kaniyang mga labi. Sapagbaba ng sasakyang humahatid-sundo sa amin ay magiliw siyang lalapit
upang halikan kami isa-isa sa aming mga noo at matapos ay sasabayan kaming lalakad papasok sa aming
tahanan. Hindi mababakas sa mga mukha nito ang pagod resulta sa buong araw na paglilinis ng bahay.
Akala ko maayos ang lahat, akala ko walang problema, akala ko kami na ang pinakaperpektong
pamilya, ngunit ang lahat ng ito ay isang maling akala lang pala. Isang beses nang mapaaga ang aking pag-
uwi, hindi ko inaasahan ang aking madadatnan. Papalapit pa lang ako ng pinto, narinig ko na ang hagulgol
ng aking ina. Nabalot ng tanong ang aking isipan. Hindi ko alam ang aking gagawin. Binuksan ko ang kahoy
na humahadlang upang makita ko ang hinagpis na nadarama ng aking ina. Bawat hikbi, bawat patak ng mga
luhang sumisimbolo ng kalungkutan na dumadaloy sa maputing pisngi nito ay siya rin ang bawat kirot na
nadarama ng aking puso. Halata sa kaniyang mukha ang pagkagulat nang Makita niya ako. Dali-dali niyang
pinunasan ang likido sa kanyang mukha at sa muling pagkakataon ay nagkaroon na naman ng hugis ang
kanyang mga labi. Muli itong ngumiti na tila wala siyang sakit na nadarama. Ngunit hindi maitatago ng kanyang
bilugang mga mata ang hinagpis sa mga ito. Dito ko nalaman ang balita na nagpabago ng amingbuhay. Ilang
taon na pala nang malaman niya ito at ilang taon na rin siyang nagdudusa dahil dito. Ni isang beses hindi
pumasok sa aking isipan ang ganitong pangyayari sa aming buhay dahil sa bawat ngiting ibinibigay saamin
ng aming ina. Labis akong nasasaktan ng mga oras na iyon kaya’t siya’y aking hinagkan.

Sa mga pangyayaring iyon ay natauhan ako. Natutunan ko na hindi lahat ng ngiti ay saya, hindi lahat
ng tawa ay tuwa at hindi lahat ng nakikita ng ating mata ay totoo, sapagkat may pagkakataon na puso lamang
ang makakadama nito. Simula noon ay hindi na ako muling nagpalinlang pa sa mga ngiting ipinapakita ng
aking ina. Hanggang ngayon ay ikinukubli niya pa rin ang lungkot sa kanyang mga ngiti ngunit bago ako
maniwalang muli ay tinititigan ko muna ito sa kanyang mga mata. Marahil ito ay kaniya lamang paraan upang
patuloy na maging matatag, ang makita kamingmasaya. Kaya’t para sakaniya, kami ay magpapakatatag rin.

(Mula sa: https://www.scribd.com)

You might also like