You are on page 1of 19

Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

Course Code : FIL111


Course Title : Sining ng Pakikipatalastasan Module/1st Semester/Midterm/Week 1
Course Credit: 3 Units
Paksa: PAGSASALAYSAY
I. COURSE DESCRIPTION:
Layunin:
Tatalakayin sa kursong ito ang mga saligang
kaalaman sa Wikang Filipino at ng paksang may 1. Nalalaman ang kahulugan ng pagsasalaysay
kinalaman sa kursong pinagaralan na nasa anyong 2. Naibibigay ang layunin at kahalagahan ng
artikulo, sanaysay, balita, tudling, anekdota,salaysay, pagsasalaysay
maikling kwento, isyu, karanasan atbp. Na magiging 3. Nakapagsasalaysay ng isang kwento ayon sa nabasa
lunsuran pagtatalakay ng mga pagsasanay na lilinang
na gamitin ang Filipino sa paglalahad, paglalarawan, PAGSASALAYSAY
pagsasalaysay at pangangatwiran at kasama ang
pahapyaw na pag-aaral ng Balirala, Panolohiya, at  Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang
Morpolohiya. magkaugnay. katulad ito ng pagkukwento ng mga
kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o
pasalita.Itinuturing ito na pinakamasining,
II. COURSE OUTLINE
pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag.
 Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng
TALAAN NG NILALAMAN pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat,
epiko at mga kwentong bayan.
WEEK PAKSA PAHINA
Layunin ng Pagsasalaysay
1 PAGSASALAYSAY 1-9
a. Magkwento o mag-ugnay-ugnay ng mga pangyayari.
2 PAGSASALAYSAY 10-14 b. Magbigay aliw at magpalipas oras
3 PAGSASALAYSAY 15-16
Kahalagahan ng Pagsasalaysay
4 PAGLALARAWAN 17-20
a. Nagbibigay kaaliwan at libangan
5 PAGLALARAWAN 21--23 b. Nagmumulat sa katotohanan
c. Dagdag kaalaman at karunungan
d. Magandang pagtingin at pagunawa sa binasa

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 1


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

Dalawang Paraan ng Pagsasalaysay walang masasabing anumang pangkaraniwan sa


kanya.
 Pasalita
 Pasulat Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung
siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng
halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit
ANG KWENTO NI MABUTI sa mga salitang hindi niya maalaala kung minsan, at
nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin.
Ni Genoveva Edroza-Matute Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang uri ng paniniwala sa buhay.
naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang “Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula
pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa
sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”
lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa
kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng
isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga anuman kung di lamang nahuli niya akong minsang
kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong
karunungan sa kanya ko lamang natutuhan. puso ang pambata ring suliranin.

Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-
sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa
tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang
walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng
kanyang buhay… silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa
pagluha. Doon niya ako natagpuan.
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon.
Walang sinumang nag-ukol sa kanyang ng pansin. “Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang
Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pag-aagam-agam sa narinig. “Tila may suliranin ..
pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, mabuti sana kung makakatulong ako.”

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 2


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik “Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho
pa kailanman. Sa bata kong isipan ay ibinilang kong iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyo na … iniiyakan
kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli ko?”
sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng
hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang
niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa iyon; “ang sulok na iyon na … iniiyakan natin… nating
katapat na luklukan. dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang
tinig: “sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang
“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay …
umiyak din.” maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”

Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula
kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa
aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang
bahagyang ngiti sa kanyang labi. mabagal at mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa
paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na
na klamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na
palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.Nakinig
iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong
siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang
pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang
napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na
na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang buong iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo
pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit
pa siya roon, sa aming sulok na iyong… aming
niya’y tunay na matapat. dalawa…
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang
At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon
panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na
tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid,
nang bigla akong makaalala. maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang
sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig,

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 3


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at
siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang
mga tunog ang aming pandinig at natutuhan naming iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon.
unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin Ang paglaki nang mga pangarap niyon, ang
naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi
kauhawan naming sa kagandahan at ako’y humanga. namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro
ng isang pangamba ang pagkatakot niyang baka siya
Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking
hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang
sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit
kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang
naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi ang mga bagay na “pinagtitiisang” pakinggan
pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid- sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin,
aklatan.
ang bawat pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng
Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa kahulugan sapagkat noon pa ma’y nabubuo na sa
sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay aking isipan ang isang hinala.
na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang
Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong
kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan na kasuotan niyong may malaking lasong pula sa
lamang sa amin ay walang kabuluhan. baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang
Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong
kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral gulang na. Sa susunod na taon siya’y magsisimula na
naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging
kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. .. nang manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting
paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin manggagamot.
kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro
dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid nang isang bata sa aking likuran ang bumulong:
na siya’y hindi balo.
“Gaya ng kanyang ama!”

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 4


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng
batang lalaki. At siya’y nagsalita. mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon,
magsimula sa ating aralin…”
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit
tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na
sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga
pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon,
tungkol sa ama ng batang may kaarawan. habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon,
Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi
sa buhay niya. Malisya nang ganoon na lamang. At ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim
habang nakaupo ako sa aking luklukan, may na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na
dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot kaligayahan.
ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya,
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting
tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa bumabalik ang dating kulay ng kanyang mukha, muli
niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan
hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, sa aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng
makagagaan sa kanyang damdamin kung may
katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman
mapagtatapatan siyang isang taong man lamang. ang kulay ng buhay.
Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang
mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat
malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng
kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong
kanyang mukha. marahil ay magiging isang manggagamot din balang
araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko
dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan
makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako ng
ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang
buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong
at sinabi ang ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.
sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng mga
Sining ng Pakikipagtalastasan Page 5
Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

GAWAIN 2. Ang talambuhay o biyograpiya ay isang anyo ng


panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng ibuhay
Sumulat ng isang maikling pagsasalaysay tungkpl sa ng isang tao hango sa mga tunay na tala,
kathang binasa,’ Kwento ni Mabuti.” pangyayari at impormasyon.
3. Ang talaarawan ay kalipunan ng mga bugto-
bugtonge baha-bahaging sulatin na nakasulat at
nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw. na
Module/1st Semester/Midterm/Week 2 sumusunod sa porma ng kalendaryo.

4. Ang kasaysayan o historya ay ang pag-aaral ng


Paksa: PAGSASALAYSAY nakaraan partikular kung paano ito nakaaapekto sa
mga tao sa kasalukuyan.
Layunin:
Pagsasalaysay na Likhang isip
1. Nalalaman ang Iba’t ibang uri ng pagsasalaysay
 Gawa-gawa lamang ng mayaman at malikot na
2. Natutukoy ang pananaw sa pagsasalaysay imahinasyon. Mapahango man ito sa tunay na buhay,
3. Nakabubuo ng isang kwento ayon sa tatlong pananaw gayundin, hindi matapat, sapagkat may mga pangalan
sa pagsasalaysay at mga pangyayaring sadyang binabago sa legal na
URI NG PAGSASALAYSAY kadahilanan. Kinabibilangan ng mga Alamat, Mito,
pabula, Parabula, Anekdota Maikling Kwento at
Pagsasalaysay na Totoo nobela.
 base sa tumpak, tiyak at tunay na pangyayari. Kaya
1. Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at
nga totoo dahil ugat sa katotohanang sinusuportahan
ng mga katibayan o katunayan Kabilang sa uring ito panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga
ang: Awtobayograpiya, Talambuhay , Talaarawan, pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Alaala, Kasaysayan, Pampahayagang,
2. Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit kabit na
1. Ang autobiograpiya o sariling talambuhay ay ang kumpol ng mga tradisyonal na kuwento.
talambuhay ng isang tao na siya rin ang mismong
paksa at sumulat; o ang pagsulat ng sariling 3. Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na
kabuhayan o naging kabuhayan. panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga
bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga
tauhan.

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 6


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

Ikalawang Panauhang Pananaw


4. Ang parabula ay isang uri ng maikling kuwento na
ang karaniwang gumaganap ay mga tao, Ito ay Katulong na tauhang di-gaanong mahalaga kaya
naglalarawan ng katutohan o tunay na nangyayari naisasaisantabi niya ang kanyang sarili at nagiging
sa ating buhay. tagamasid lamang. Ang mga pangyayari ay inihahayag
niya ayon sa kanyang pagkakasaksi.
5. Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na
tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring Ikatlong Panauhang Pananaw
naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na
tao. Masaklaw, manapa'y malawak, ang naaabot ng
Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong pagsasalaysay. Malawak sa dahilang ang
buhay. tagapagsalaysay ay humihiwalay, ganap na lumalayo sa
kuwento, kaya parang Diyos niyang nakikita ang lahat,
6. Ang maikling kuwento ay isang maiksing salaysay naririnig ang lahat, at nalalaman ang lahat ng mga
hinggil sa isang mahalagang pangyayaring nangyayari pati nasasaisip at nasasaloob ng mga tauhan.
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang
kakintalan o impresyon lamang. Tulong sa Pag-aaral
7. Ang nobela ay isang mahabang kuwentong 1. Kailan nasa unang panauhang pananaw ang
piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. pagsasalaysay? Ikalawang panauhang pananaw?
Ikatlong panauhang pananaw?
Pananaw sa pagsasalaysay o Punto De Vista
2. Pag-iba-ibahin ang tatlong pananaw ayon sa
Nagsasaad ng personal na kaugnayan ng saklaw na nararating ng pagsasalaysay.
tagapagsalaysay sa paksang kanyang tinatalakay o sa 3. Sa tatlong pananaw ng pagsasalaysay, alin, sa
mga pangyayaring kanyang ikinukwento. inyong personal na palagay, ang pinakamadaling
gamiting pananaw? ang pinakamahirap? Ang
Unang Panauhang Pananaw pinakamabisa? Paliwanagan ang bawat isa.

Siya ang nagsisiwalat sa mga pangyayari ayon lamang Gawain


sa sarili niyang pagkakaranas. Dito, sarili niyang
damdamin ang nananaig, at sarili niyang pananalita ang Maghanap sa mga aklat at mga babasahing
ginagamit, kaya kapansin- pansin ang panghalip pampanitikan ng mga kuwentong nasa iba't ibang
pananaw at sumipi ng tatlong halimbawa ng bawat
panaong "AKO". pananaw.

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 7


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

Module/1st Semester/Midterm/Week 3 nauugnay sa kanyang mga karanasan o


kalagayan upang makatulong sa kanya.

Paksa: PAGSASALAYSAY 3. May wasto o maayos na pagkakasunud-sunod


ang mga pangyayari.
 Ang karaniwang pagsasalaysay ay nag-
uumpisa sa simula ng mga pangyayari na
Layunin: sinusundan ng mga gitnang pangyayari at
pagkatapos ay wakas ng pangyayari.
1. Nalalaman ang Ibat iba katangian ng pagsasalaysay
2. Natutukoy ang mahalagang kasangkapan sa pagsulat ng 4. Ang mabuting pagsasalaysay ay may kaakit-akit
isang salaysay na simula.
3. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng sangkap sa  Ang mga unang pangungusap nito ay dapa
pagsulat ng salaysay ayon sa nabasang kwento makalikha ng pananabik sa babasa o makikinig
up makawili sa kanya at magpatuloy siya sa
pagbaba pakikinig.
Mga Katangian ng Pagsasalaysay
5. May kasiya-siyang wakas ang mabuting
1. May maganda o mabuting pamagat. pagsasalaysay.
 Ibig sabihin, dapat na ang pamagat ay  Ang wakas ng isang pagsasalaysay ay
nakaaakit sa babasa o makikinig. Ano ba ang kailangang sumunod agad sa kasukdulan ng
maganda o mabuting pamagat na makaaakit. pangyayari. Kung paanong hindi dapat na
maging maligoy ang simula ay gayundin ang
Ang mabuti, maganda, at kaakit-akit na pamagat ay: wakas upang maging kasiya-siya sa babasa o
a. Maikli makikinig. Dapat na ang wakas ay nagkikintal
b. may orihinalidad at di-karaniwan ng isang impresyon sa isip ng babasa upang
c. hindi katawa-tawa magkaroon ito ng bisa.
d. lumikha ng pananabik
Sa kabuuan, ang isang talatang nagsasalaysay ay
2. May mahalagang paksa o diwa. dapat magtaglay ng mga sumusunod upang maging
 Ang kahalagahan ng diwa ng inyong mabisa:
isasalaysay ay dapat na isaalang-alang kung
magsasalaysay. Magiging mahalaga lamang
ang isang paksa kung ito ay magiging kapaki- 1. Kaisahan. Dapat magkakaisa ang pook, panahon, at
pakinabang sa babasa. ang katayuan at ayos ng tauhan.
 Dapat na ito ay kapulutan niya ng mga bagay 2. Nagbibigay-diin sa mahalagang pangyayaring
na hindi pa niya alam o kaya naman ay isinasalaysay.

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 8


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

3. Nagtataglay ng tuwirang pag-uusapan ng mga Ang tema ay hindi isang abstraktong salita lamang gaya
tauhan. Nakatutulong ito sa paglalarawan ng karakter ng pag-ibig, kapusukan, kahirapan, at iba pa, kundi isa
ng mga tauhan. itong konkretong panlahat na pahayag na nagsasabi ng
4. May paglalarawan upang magkaroon ng kulay at katotohanang galing sa karanasan at pinagtibay ng
buhay ang mga pangyayari. pananaliksik, gaya ng "Ang pag-ibig ay bulag."
5. May kasukdulan na siyang lumilikha ng pananabik sa
bumabasa o nakikinig. 2. Tauhan

Mahalagang Kasangkapan sa pagsulat ng isang Ang tauhan ang nag-iisip at kumikilos sa kuwento
Magandang Salaysay kaya nagkakaroon ng mga pangyayari. Ang takbo ng
mga pangyayari ay nasusundan ng tagapagsalaysay sa
1. Tema pamamagitan ng tauhan.

Ang isang salaysay ay masasabing talagang maganda Sa isang kuwento, ang bilang ng tauhan ay umaayon sa
kung ito ay may kabuluhan sa kinauukulan nakikinig kaanyuan ng pagsasalaysay. Kung maikling kuwento, na
bumabasa o nanonood. Makabuluhan sapagkat hindi isang insidente o pangyayari lamang ang tinatalakay,
lamang ito nang-aaliw, nagpapareaksyon o mainam nang magkaroon ng tatlong tauhan. Datapwa't,
nagpapatakas, kundi ito ay nagpapaliwanag tungkol sa iisa lamang ang pangunahin dito at sa kanya nakapokus
pagkatao o sa buhay para maunawaang mabuti at lahat ng atensyon sa pagpapaunlad ng salaysay.
matanggap nang maluwag. Gayundin, ito ay Samantala, ang dalawa ay mga katulong na tauhang
nagpapanuto tungkol sa pamumuhay o pakikipamuhay kasamang sumusuporta dahi malaki ang kinalaman,
para gabay na mapanuntunan at pamantayang magamit kaya'y nababanggit lamang dahil may mahalagang
tungo sa mabentaheng kapakinabangan. kaugnayan, sa gayon, maging ganap ang pagkilala sa
katauhan at pagkatao ng pangunahing tauhan. Kung
Ang kabuluhang ito tungkol sa pagkatao at sa buhay nobela naman, na isang madetalyeng pagtunghay sa
mismo na maaaring nakalantad na pahayag o nakabalot mga kawing-kawing na kabanata ng buhay, natural
na pahiwatig sa isang salaysay ay ang tema. Tema lamang na maraming tauhang nasasangkot at maaaring
sapagkat paksang diwa o kaisipan itong nagsasaad ng dalawa o tatlo ang pangunahin.
katotohanang panlahat na pinagiging basehan ng mga
kalagayan ng tauhan o ng mga insidenteng pinangyayari Para mapahalagahang maganda ang isang salaysay,
sa salaysay kailangan malikhang mabuti ang tauhan. Mabuti ang
pagkakalikha ng tauhan kung taglay nito ang mga
sumusunod na katangian:

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 9


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

a) ito'y kapani-paniwala Tatlong Uri ng Aksyon


b) ito’y madahilan kung kumilos
c) ito’y hindi basta nagbabago o konsistent sa Masanhi - kung simple itong dumadaloy sa isang
kalikasan nito patunguhan na ang kinalabasan ay bunga ng mga
d) ito'y may kakanyahang sarili. kadahilanan. Ang ganitong aksyon ay hindi pinangyayari
nang mabilisan, ito'y pinag-iisipan. Binibigyan ng dahilan
Pamamaraan sa paglalarawan ng Tauhan para magkaroon ng kabuluhan.

Tahasang Paglalarawan - kung mismong ang Masalimuot - kung sa isang salaysay ay wala itong
tagapagsalaysay ang isa-isang naghahayag sa mga iisang pangyayaring tinutunton. Nagkakaroon dito ng iba
katangian ng tauhan. Ang pamamaraang ito ay di- pang pangyayari na sumasanga sa sentral na aksyon. Sa
gaanong mabisa sapagkat parang minamaliit o ganitong aksyon ang kaisahan ay mahirap
ninanakawan ang mambabasa o tagapakinig ng mapagtagumpayan. Ang tanging basehan na lamang ay
pansariling kakayahang tumuklas sa dapat o gusto ang sentral na tauhan
niyang malaman.
Masurpresa - kung sa isang pangkaraniwang insidente o
Di-tahasang paglalarawan - kung ang mga katangian sitwasyon lamang na isinasalaysay ay nakakatagpo ang
ng tauhan ay nakikita mismo sa sarili nitong pagsasalita, tauhan ng isang kamulatan. Mailap ang kawilihan sa
pagkilos, pag-iisip at pisikal na itsura at kaayusan. ganitong uri ng aksyon, kaya natural lamang na maging
Gayundin naman sa sinasabi tungkol dito ng ibang mapamili ito ng mambabasa. Mangyari, ang surpresa rito
tauhan, at sa pagsasalungat ng mga katangian nito sa ay nababalot sa mga pahiwatig na tanging matalino at
ibang tauhan ng tagapagsalaysay. matalas ang pakiramdam na mambabasa lamang ang
nakatutuklas. Samantala, ang ordinaryo at mababaw ang
3. Aksyon o Pangyayari pag-unawang mambabasa, magtangka man ng
kawilihan, ay tiyak na mabibigo.
Kung ano ang sunud-sunod na mangyayari sa isang
salaysay ay siyang aksyon. Kung baga sa katawan, ang 4. Tagpuan
aksyon ang kalansay na kinakapitan ng iba pang
mahahalagang sangkap para mabuo ang anyong Kung saang espasyo nangyari at kung kailang
kalamnan. Manapa'y giya itong tinutunton din ng mga tiyempo naganap ang aksyon.
pangyayari para masimulan, matuloy at matapos. Para
masabing maganda ang aksyon, kinakailangan, ito ay Mahalaga ang tagpuan, hindi lamang dahil sa
makawili-wili at maanyo. maaari itong ituring na parang tauhan sa salaysay, kundi

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 10


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

dahil sa tatlo pang tungkuling nagagawa nito. Una, Nakukuha ang himig ng salaysay sa istilo ng
kagyat itong nakapagpapakilala ng tauhan dahil sa mga tagapagsalaysay. Ito'y sa pamamagitan ng mga
gawiing kaiba, kakatwa o tangi sa pook, tuloy ginagamit
nakapagbibigay ng tiyak na katibayan. Pangalawa,
nagbibigay rin ito ng kapaligirang tumutulong sa klase ng TULONG SA PAG-AARAL
emosyong gustong palutangin sa salaysay at pukawin sa
mambabasa. Pangatlo, isinasanib nito ang sariling A. Sagutin
kahulugan sa kahulugan ng salaysay para makamit ang 1. Paano pipili ng maganda at kaakit-akit na
kaisahan sa kahulugan sa kabuuan. pamagat?
2. Paano nagiging mahalaga ang isang paksa?
Dalawang Paraan ng Paglalahad ng Tagpuan 3. Paano simulantat wakasan ang isang
pagsasalaysay?
1. Patiyak - kung tukuyang sinasabi ng 4. Ano ang ibig sabihin ng maayos na
tagapagsalaysay ang pangalan ng lugar. pagkakasunod-sunod sa isang pagsasalaysay?
2. papahiwatig - kung sa mga detalye lamang na 5. Paano nagiging mahalaga ang sining ng
binabanggit hinihinuha ang pook. pagkukwento?
5. Himig
B.
Pamamaraan ng pagsasalaysay. Paano isinasalaysay 1. Ipaliwanag kung kailan maganda ang kuwento sa
ang isang pangyayari o ang anumang materyal para mga sumusunod:
lumabas nang naaayon sa kagustuhang mangyari sa a)tauhan
tagapagsalaysay na siya namang epektong gusto niyang b) tema
maramdaman ng tagapakinig o mambabasa. c)aksyon
d) tagpuan
Ang himig ng salaysay ay iniaayon sa takbo ng e) himig
buhay. Trahedya at komedya ang buhay. Pag trahedya
ang takbo ng buhay, ang himig ng salaysay ay pormal, 2. Pag-ibahin at bigyan ng halimbawa ang dalawang
seryoso, malungkot. Pag komedya naman, ang himig ay paraan sa paglalarawan ng tauhan.
pamilyar, malaro, masaya. Kung ano ang himig ng 3. Isa-isahin ang tatlong uri ng aksyon at ipaliwanag ang
salaysay ay siya ring epekto o impluwensya sa bawat isa.
tagapakinig o mambabasa. 4. Paano inilalahad ang tagpuan? Ipaliwanag.
5. Magbigay ng apat na kahalagahan ng tagpuan

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 11


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

GAWAIN Module/1st Semester/Midterm/Week 4


Manaliksik ng mga kwento at magbigay ng isang
halimbawa sa bawat sangkap na binibigyang-diin ditto sa
ibaba: Paksa: PAGLALARAWAN
a. Tema
b. Aksyon
c. Tagpuan Layunin:
d. Tauhan
e. Himig 1. Nalalaman ang kahulugan ng paglalarawan
2. Natutukoy ang layunin ng paglalarawan
3. Nakasusulat ng isang paglalarawan na ginagamitan
ng mga pang-uring mapandama.

PAGLALARAWAN

Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng


pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol
sa isang tao, sa isang hayop, sa isang bagay, sa isang
lugar o sa isang pangyayari sa pamamagitan ng
makukulay, mahuhugis o maaanyo at iba pang
mapapandamang naaamoy, nalalasa, naririnig-
pananalita, sa gayon, ang layunin ditong
makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o mambabasa
ng isang malinaw at buong larawan na ang katangi-
tanging kaibahan nito sa mga kauri ay mapalutang, ay
lubos na maisakatuparan.

Halimbawa
Bangungot
Ngayon ang kanyang libing. Libing na mistulang
sa di-binyagan na pinawawalang karapatan itong
pumayapa sa binabasbasang sementeryo sapagkat
walang kapatawarang kasalanang itinuturing ang

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 12


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

pagkamatay nitong labag sa kautusan ng Diyos at sa tatlong matanda ang bangkay, habang sa dakong
batas ng tao. itinuturo ng mga daliri sa paa ng bangkay, naroon at
patuloy pa sa mabagal na paghuhukay ang isang
Ipinuprosisyon na ang kanyang labi na hindi na kubadong lalaki na sintanglaw na halos ng buwan ang
kinailangan pang ikabaong. Pasan-pasan ito ng tatlong buhok na mistulang nangangalisag sa kanipisan. Kaiba
matandang babae, isang balo, isang may-asawa, at ang hukay na ginagawa niya. Pahiris, hindi parihabang
isang dalaga, samantalang nangagkayukong sumusunod ayon sa kinagawian. Isinasanhi tuloy ito ng biglang pag-
ang napakaraming tao. aanasan ng mga nakikipaglibing at ng paglalangitngitan
ng mga kawayan.
Sa tumana ang libing. Sa tumanang gubat-
gubatan na ngayon dahil matapos pakinabangan ng Matapos ng kubadong lalaki ang hukay, umahon
marami ay pinabayaan na lamang sukat ng mga ito at sumigaw, "Magsilapit na kayo!"
hangaring-lungsod
nito. Kinulapulan na tuloy ito ng madadawag na sukal, Ngunit wala ni isa mang tuminag sa mga
pagmamayabong ng mga ligaw na ipil-ipil at butuhang nakikiramay. Parang may kinaaalangang bagay na di-
saging, paggigitgitan ng magugumiit na kugon na pilit inaasahang mangyayari.
namang hinahawi ng kunwang pakikiraan lamang ng
malilingkis na baging ng nito. Anupat ang mga kawayan Pagalit nang sumigaw muli ang kubadong lalaki, at
sa paligid-ligid nito ay naghuhumapay, hindi lamang hindi pa man nawawala ang alingawngaw nito'y biglang
marahil sa labis na pagkalunos sa natatanaw na dipang tumayo ang bangkay. Umelise itong binulabog
pumanaw, kundi sa pagdadalamhati na rin sa ang lahat. Sa kasindakan, kumalat ang mga ito sa
kinasadlakang katiwangwangan ng inang lupang parang pagtatakbuhan at pagsisigawan.
patay na rin.
Marahil, marunong ding mahapo ang bangkay.
Tahimik, halos panakaw ang mga hakbang ng Bumalik din itong tumigil sa pag-ikot at muling lumatag sa
bawat nakikipaglibing sa pagbagtas sa tumana. Para ba dating kinabuburulan. Dumagsa naman pabalik ang
silang nangangambang makagambala ng malalim na nahintakutang pulutong, datapwat, bawat isa ay may
himbing tangan nang tabak. Mistulang mga Igorot na
na kapag naalimpungatan sa halip na magpala ay nagsisigawang sumugod sa bangkay. Ang okasyon ay
maghasik ng lagim. ginawang kanyaw at ang bangkay ay ginawang kalabaw.
Pinagtataga ito at pinagtatadtad hanggang mapugot ang
Sa may puno ng isang malaking dapdap na ulo at gumulong sa hukay. Ngunit, walang anu-ano'y
nilagasan na ng mga bulaklak dahan-dahang inilapag ng gumulantang sa kanila ang isang malikmata. Ang pugot

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 13


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

na ulo'y iglap na lumutang, lisik na lisik ang mga mata na


parang balaning lahat ng piraso pati na kaliit-liitang Module/1st Semester/Midterm/Week 5
tumilapong bahagi ay mabilis na nagdikit-dikitan
hanggang ang katawan ay mabuong muli.
Paksa: PAGLALARAWAN
“Isang Haliging Asin”
Joey A. Arrogante Layunin:

GAWAIN 1. Nalalaman ang mga uri ng paglalarawan


2. Natutukoy ang uri ng tayutay at patambis na ginamit
1. Magngalan ng isang bagay o anupaman na sa inyong sa pangungusap
palagay ay katangi-tangi. Bakit naging katangi-tangi 3. Nakasusulat ng isang masining na paglalarawan
ito sa inyo? Ilahad sa pamamagitan ng pag-isa-isa sa
mga katangian nito .
URI NG PAGLALARAWAN
2. Sa sariling pananalita, ilahad ang kahulugan ng
paglalarawan.  Karaniwang Paglalarawan
Ang karaniwang paglalarawan ay purong
3. Ipaliwanag ang layunin ng paglalarawan. pangkaalaman ang mga detalyeng sinasabi. Mga tiyak na
impormasyon at pawang katotohanan lamang ang
ginagamit na mga katangian. Ang damdamin at opinyon
A. Gumuhit ng talahanayan. Isulat sa taas ng bawat ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama. Gaya sa
hanay ang limang pandama nabanggit na, particular na pangkabatiran ang
(nakikita, naririnig, naaamoy, nalalasa, nahihipo). Sa isinasakatuparan ditong layunin.
halimbawang binasa, ang Bangungot, piliin ang mga
pang-uri na ginamit dito ng may-akda at iklasipika ang  Masining o Abstraktong Paglalarawan
mga ito ayon sa pandama. Ang masining na paglalarawan ay pandamdamin.
Mapapandama nakikita, naririnig, naaamoy, nahihipo,
В. Base sa isang karanasang di-malilimutan, sumulat ng nalalasa, ang mga pananalitang ginagamit dito, bukod sa
isang paglalarawan na ginagamitan ng mga pang-uring iba pang
mapandama. mahahalagang kasangkapang pampanlalarawan, gaya
ng patambis at tayutay.

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 14


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

Ang mga detalyeng inihahayag dito ay mga sa pagsasalita, kahit di na isipin pa, kusa itong
katotohanan din, kaya lamang, nakukulayan na ito ng pumipilantik sa dila. Kawili-wiling pakinggan ang
imahinasyon, pananaw at opinyong pansarili ng patayutay na pananalita. Nakakapanghamong-isip.
tagapagsalaysay. Layunin kasi rito ng tagapagsalaysay Kailangang kasing unawain itong mabuti para
na makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa mahiwatigan agad ang diwang di-tuwirang tinutukoy.
para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o sadyang Wika nga'y basahin ito sa pagitan ng mga taludtod para
naranasan nitong damdamin maihahalimbawa rito ay ang maunawaan ang sinasabi. Sa mga taong sanay sa
nabasang seleksyong may pamagat na Bangungot, pagtatayutay, bukod sa palihim at malalim na
nagkakaunawaan, ito'y napagsisilbing katuwaan pag
Ang Mahahalagang Kasangkapan ng Masining na ginagamit sa intriga.
Paglalarawan
Apat na Mahalagang Kasangkapan sa Malinaw na
Mas magiging maguniguni at madamdamin ang Paglalarawan
masining na paglalarawan kung maingat na isasaalang-
alang ang paggamit ng mga sumusunod nitong 1. Wika
mahahalagang kasangkapan.  ginagamit nang manunulat upang makabuo ng
isang malinaw at mabisang paglalarawan.
A. Pagtatayutay Karaniwang ginagamit dito ang pang-uri at
pang-abay.
Ang pagtatayutay o paggamit ng matalinghagang
pagpapahayag, mula't sapul, ay napapansin lamang 2. Maayos na detalye
kapag nag-aaral ng tula at retorika. Ang katunayan,  dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa
maging sa araw-araw nating pag-uusap o pagsasalita, di paglalahad ng mga bagay na makatutulong
man natin gaanong halata, paminsan-minsan, dumudulas upang mailarawang ganap ang isang tao,
sa ating bibig ang matutulaing pananalita na kapagdaka'y bagay, pook o pangyayari.
nagpapahinto
sa atin sumandali para manghain ang biglang pagsigla 3. Pananaw ng Paglalarawan
ng isip.  maaaring magkaiba- iba ang paglalarawan ng
isang tao, bagay, pook o pangyayari salig na
Ang pagtatayutay ay nagmumula sa isang rin sa karanasan at saloobin ng taong
naglalarawan.
inspiradong imahinàsyon na sa tulong ng malawak na
karanasan sa buhay, mayamang bokabularyo, at 4. Isang Kabuuan o impresyon
maunlad na kasanayan  mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat
ang kanyang mga mambabasa o tagapakinig

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 15


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon 3. Personipikasyon o Pagbibigay-Katauhan


hinggil sa inilalarawan.
 Dito ay sama-sama na ang bisa ng wika, Ginagamit ito para bigyang-buhay, pagtaglayin ng
maayos na paglalahad ng detalye at ang mga katangiang pantao -talino, gawi, kilos, ang mga
pananaw ng naglalarawan. bagay na likas na walang buhay. Ito'y naisasakatuparan
sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng
Ang mga Uri ng Tayutay kilos tulad ng pandiwa, pandiwari at pangngalang diwa.

1. Simile o Pagtutulad Halimbawa:


Pinakamadaling uri ito dahil kagyat na nakikilala sa a. Humihinga pagsapit ng takipsilim ang gabi.
mga salita o pariralang ginagamit tulad ng parang, Bumubulong ng libong himutok.
wangis, animo'y, gaya ng, tila, mistula, atb. Ito'y b. Sa paglakad ng buwan magbabago nang lahat
paghahambing ng dalawang magkaiba o di-magkauring ang takbo ng panahon.
bagay, tao, kaisipan, pangyayari, atb. sa hayagang
pamamaraan. 4. Apostrope o Pagtawag

Halimbawa: Isang anyo ito ng panawagan o pakiusap sa isang taong


hindi kaharap, nasa malayo o kaya'y patay na. Gayundin
a. Kabagut-bagot maging tao lamang sa kahariang sa mga kaisipan o mga bagay na binibigyang-katauhan
Babel tulad ng isang anghel naghangad na na parang kaharap na kinakausap. Narito ang mga
maging Diyos sa impiyerno itinakwil. halimbawa rito ni Jose Rizal.

b. Balahibuhing parang labong ang mga braso niya’t a. Ano ka ba, O kabaitan? Ikaw ba'y isang pangalang
binti. walang kabuluhan,... lakas ng kaloobang lumalaban
sa mga katutubong damdamin? Iba't ibang Sinulat
2. Metapora o Pagwawangis b. Bukas ay iiwan namin ang Mediterano at papasok sa
Paghahambing din ito gaya ng pagtutulad, Kanal. Paalam, Europa! Pagsusulatan nina Rizal at
nagkakaiba lamang sa hindi na nito paggamit ng mga Blumentritt
salita o pariralang pantulad sapagkat direkta nang
ipinaaangkin ang katangian ng tinutularan. Isa rin ito sa 5. Pagtatanong
mga pinakagamiting uri.
Ayon kay Federiko B. Sebastian, "ang paraang ito ay
Halimbawa: higit na mabisa at makapangyarihan kaysa karaniwang
pagpapahayag" dahil ayon naman kay Rufino Alejandro,
a. Ang musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa "hindi nalalaman ng nagsasalita ang kasagutan". Sa
langit. pamamagitan ng pagtatanong nailalahad ang
katanungan at kapamiliang kasagutan kung matatanggap
b. Tinik sa lalamunan ko ang katahimikan mo. o hindi ang isang bagay.
Sining ng Pakikipagtalastasan Page 16
Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

Halimbawa: Halimbawa:
a. Mahusay talagang magpalaki ng anak iyang mga
a. saan...? saan nangaroon ang mga Al Perez
kahapon at di pinamayani ang katahimikan magulang mo! Nakaka-absent ka na sa klase,
nayon? nasasagut-sagot mo pa sila.
b. . Bilib ako sa tibay ng panlasa mo. Ang hindi ko
b. itinulad kita sa santa dinambana, sinamba... ano't masikmura nalulunok mo.
bumaba ka sa altar ng aking tiwala?
9. Pagsusukdol o Klaymaks
6. Eksiherasyon o Pagmamalabis o Iperbole
Dito'y pataas na pinagsusunud-sunod ang kahalagahan
Ito'y isang lagpas-lagpasang pagpapasidhi ng ng mga salita o kaisipan mulang
kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, pinakamababang antas hanggang pinakamataas.
kaisipan, damdamin, at iba pang katangian, kalagayan o
katayuan. Halimbawa:
Halimbawa: pasaan na sa pagkakabugbog ang mga ulap sa
alapaapan,
a. Muntik na akong matupok sa taas ng lagnat ko.
b. Sa sobrang problema namuting lahat ng buhok duguan na sa pagkakadumog ng mga alon ang
niya. dalampasigan,
7. Paghihimig o Опоmatopeya
sumambulat na sa pagpuputukan ang mga dahon
Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog sa lansangan.
ay siyang kahulugan.
Halimbawa: 10. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke
a. Nakailang kariring din ang kabilang kawag bago ito
sagutin. May dalawang paraan ang pagbuo ng tayutay na ito:
b. Nagngingiyaw ang pusa sa alulod sa ginaw.
A. Pabahagi - bahagi lamang ang binabanggit ay
8. Pag-uyam o Ironya nababatid na ang isinasaad ng kabuuan.
Sa tila namumuring pananalita pinaloloob o pinahihiwatig
ang paglibak, pagtudyo o pagkutya. Halimbawa:
Nararamdaman ang tuņay na kahulugan nito sa diin ng 1. Ayoko nang makita ang mukha mo sa
pagsasalita at ekspresyon ng mukha ng nagsasabi. pamamahay na ito.

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 17


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

2. Ama ko sa Iyong kamay inihahabilin ko ang 2. nagpakabalandra sa lansangan - walang bahay.


aking kaluluwa. 3. huwag balikatin ang mundo - huwag problemahin ang
lahat
B. Patukoy-Kinatawan lamang ang tinutukoy upang 4. hindi nagbabanat ng buto - ayaw magtrabaho
mabatid ang kabuuan. 5. mamamatay nang dilat ang mga mata - mamamatay
sa gutom
Halimbawa:
1. Wala nang ibang magkakanulo pa sa bayan 3. Pandama
kundi isang Makabebe lamang. Sa paglalarawan dapat gamiting mga pananalita ay
yaong nararamdaman ng limang pandama – naririnig,
2. Ang mga Herodes noong Ikalawang Digmaang nakikita, naaamoy, nalalasa at nahihipo, sa gayon ay
Pandaigdig ang pinakamayayaman sa buong higit na maunawaan at lalong kawilihan. Makukulay at
Asya sa kasalukuyan at tila magiging Paladin mahuhugis o maaanyo, samakatuwid ang dapat
pa yata ng Pilipino. kasangkapaning mga
salita.
2. Patambis
Ang sawikain o kawikaan ay ang mga popular na 4. Paghahambing
idiomang bukambibig ng madla sa pagsasalita. Ito'y Malaki ang naitutulong ng paghahambing o pagtutulad o
maaaring salita o mga pariralang hindi tuwirang pagwawangis sa pagpapalinaw ng mga bagay-bagay na
tumutukoy, sadyang lumilihis sa literal na kahulugan at sa inilalarawan. Higit ang impak na nararamdaman ng
tuntuning pambalarila, maaaring pinagtambal na kinauukulan kung sa konkretong larawan naipahahayag
dalawang salitang may kani-kanyang tanging sariling ang inilalarawan. May agwat, may bilang, may kulay, may
kahulugan ngunit madaling napapalitan ng nalilikhang anyo, may hugis, may amoy, may lasang nadarama.
panibagong o ikatlong kahulugan. Tulad sa pag-unawa Mayaman sa pang-uri at pang-abay ang wikang Filipino
sa bigay na kahulugan ng tula, ang kaya hindi kakapusin sa bagay na ito.
sawikain upang lubos na maintindihan ang isinasaad na
kahulugan ay kailangang basahin o pakinggan sa pagitan 5. Angkop na Salita
ng mga linya o taludtod. Pinipili ang paggamit ng mga salita. Kailangan iyong tiyak
Ang pagtatambis o pagsasawikain ay isang na katangian ng bagay na inilalarawan o kung hindi man,
paraang pagpapaunlad ng buhay ng salita. yaong mapagpahiwatig ng bagay. Dito nakasalalay ang
kapangyarihan ng salitang umantig at kumintal.
Halimbawa
1. malambot ang puso - maawain

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 18


Sining ng Pakikipagtalastasan ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES (AICS)

Mga Hakbanging Dapat Tandaan Tungo sa Mabisang 2. Pawang hubad sa katotohanan ang kanyang mga
Paglalarawan sinasabi kaya huwag na huwag mong mapani-
1. Pagpili ng paksa paniwalaan.
2. Pagbuo ng pangunahing larawan 3. Sa darating na Disyembre, sina Luis at Gloria ay
3. Pagpili ng sariling pananaw magmamahabang dulang na.
4. Pagkakaroon ng kaisahan 4. Hindi natin siya masisisi sa kanyang sinapit dahil
5. Pagpapasya ng mga aspektong isasama sa talagang iyon ang guhit ng kanyang palad.
paglalarawan 5. Di-mahulugang karayom ang simbahan sa Baclaran
tuwing Miyerkules.
Pagsasanay 6. Itaga mo sa bato itong sasabihin ko: kailanma'y hindi
A.Tukuyin ang uri ng tayutay ayon sa isinasaad ng mga na siya babalik pa.
pangungusap. 7. Matamis ang kanyang dila kaya agad akong napa-Oo.
1. Ang kanyang buhay ay parang bukas na aklat. 8. Araw-araw na ginawa ng Diyos wala nang inatupag si
2. Hubog kandila ang kanyang mga daliri. Aling Indang kundi managap ng alimuom sa
3. May tao kayang magtatagumpay kung hindi kapitbahayan.
magsisikap? 9. Mukhang magkasalubong na naman ang mga kilay ni
4. Isa kang huwarang asawa, hindi ka umuuwi ng bahay Andoy, siguro, tinalakan na
tuwing araw ng suweldo. naman ng asawa.
5. Magdaraan ka muna sa butas ng karayom bago mo 10. Huwag kang titira ng Maynila kung ayaw mong
marating ang tagumpay ng iyong ina. magbuhay-alamang ka.
6. Kabiguan, layuan mo ako.
7. Sampung pinto ang pinasok niya bago siya nakalabas. Gawain
8. Aalisin ka ba sa trabaho kung walang katibayang 1. Magbigat ng tatlong halimbawa bawat uri ng tayutay
nagpabaya ka? 2. Sumulat ng isang masining na paglalarawan tungkol
9. Ang sarap magmahal ng mga magulang mo, kahit sa sa anumang paksang maibigan at salungguhitan ang
harap ng maraming tao nag-aaway sila. bawat tayutay na ginamit saka lagyan ito ng uri.
10. Walong bibig ang umaasa sa trabho ng kanilang 3. Mangalap ng mga patambis na pananalita at lagyan
ama. ng karampatang kahulugan

B. Salungguhitan ang mga sawikain o ang mga


pariralang patambis sa bawat pangungusap at isulat ang
kahulugan o ang katawagang karaniwang ginagamit.
1. Nadurog ang puso ng dalaga nang iwan ito ng kasuyo.

Sining ng Pakikipagtalastasan Page 19

You might also like