You are on page 1of 32

MGA URI NG

TAYUTAY
TAYUTAY
Ito ay isang sinadyang paglayo sa
karaniwang paggamit ng mga salita
upang gawing mabisa, matalinghaga,
makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
1. PAGTUTULAD (SIMILE)

Paghahambing sa dalawang magkaibang tao,


bagay, pangyayari atbp. Ginagamitan ng mga
salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng,
animo, kagaya ng atbp.
HALIMBAWA :
a. Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.
b. Ang tao ay gaya ng halamang nararapat diligin
c. Ang pag-ibig mo ay parang tubig − walang lasa.
2. PAGWAWANGIS (METAPHOR)
Isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan
ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng,
animo atbp. Nagpapahayag ito ng paghahambing na
nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o
katangian ng bagay na inihahambing.
HALIMBAWA :
a. Ang ina ni Joshua ay bituing tanglaw niya sa
landas ng buhay.
b. Si Eugene ay isang ibong humanap ng kalayaan.
c. Binigyan mo ng kulay ang mundo kong matamlay.
d. Si Sir. Tolentino ay hulog ng langit.
3. PERSONIPIKASYON
Nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa
bagay na walang buhay. Pandiwa ang ginagamit dito.
HALIMBAWA :
a. Lumuluha ang liham na natanggap ni Carlo.
b. Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap.
c. Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
d. Sumayaw ang mga bituin sa langit.
4. PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)
Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan
at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.
HALIMBAWA :
a. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.
b. Naririnig ng buong mundo ang iyong sigaw.
c. Namuti na ang buhok ko sa kakahintay.
d. Abot langit ang pagmamahal ko sa iyo.
5. IRONIYA
Ito ay mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay,
tila kapuri-puring pangungusap ngunit sa tunay na
kahulugan ay may bahid na pag-uyam.
HALIMBAWA :
a. Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi
matulog maghapon.
b. Napakaganda niya kapag nakatalikod.
c. Kaya nga, sa sobrang talion mo walang
nakakaintindi sa pinagsasabi mo.
6. PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE)
Ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya
bilang katapat ng kabuuan.
HALIMBAWA :
a. Hiningi ni Carl ang kamay ng dalaga.
b. Ayaw kong makitang nakatuntong ang iyong paa sa
aking pamamahay.
c. Sampung kamay ang nagtulung-tulong sa pag-aararo.
7. PAGPAPALIT- TAWAG (METONYMY)
Pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na
magkaugnay.

a. Dapat nating igalang ang puting buhok (matanda).


b. Tumanggap siya ng maraming palakpak (papuri) sa
kanyang tagumpay.
c. Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-
pangulo.
8. PAGHIHIMIG (ONOMATOPOEIA)
Naipahihiwatig dito ang kahulugan sa pamamagitan ng
tunog o himig ng mga salita.
HALIMBAWA :
a. Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan
ng pagguhit ng matatalim na kidlat.
b. Kumalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na
kargamento mula sa trak.
c. Nagulat ang tumatawid na matanda sa lakas ng
potpot ng dumaraang bus.
9. OKSIMORON
Paggamit ng mga salita o pahayag na magkasalungat.
a. Nakakabinging katahimikan ang kanyang nadama.
b. Banal na demonyo
c. Maling katotohanan
d. Iyak-tawa
10. PAG-UULIT (ALLITERATION)
Ito ay gumagamit ng magkatulad na titik o pantig sa
simula ng dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit
sa isang pangungusap.
HALIMBAWA :

a. Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang napakabilis


na pagpapasyang nakalikha ng pagkabalisa sa pusong
umiibig.
b. Lumingap si Romy sa kapaligiran, lumakad ng ilang
hakbang, lumingon sa pinanggalingan at nagdudumaling
lumabas sa lumang gusaing mahabang panahon ding
naging bilangguan ng kanyang yayat na katawan.
11. KONSONANS
Pag-uulit ito ng mga katinig sa bahaging pinal.
a. Ang halimuyak ng mga bulaklak ay mabuting
gamot sa isang pusong wasak.
b. Ang aking pagmamahal para kay Rosal ay
tumataga habang tumatagal.
c. Hiniwalayan at nilayuan ni Mary Ann ang
kanyang kasintahan.
12. ANAPORA
Pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o isang
taludtod.
a. Kabataan ang sinasabing pag-asa ng ating bayan.
Kabataan ang sanhi ng pagsisikap ng bawat
magulang.
13. EPIPORA
Pag-uulit ito sa huling bahagi ng pahayag taludtod.
a. Ang Konstitusyon ay para sa mamamayan, gawa ng
mamamayan at mula sa mamamayan.
b. Ang bagay ay gawa ng lahat, para sa lahat at galling sa
lahat.
c. Ang lahat ay may halaga, kahit anung liit nito ay may
halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man basta
may halaga.
14. ANADIPLOSIS
Ang pag-uulit ay sa una at huli.
 Matay ko man yatang pigili’t pigilin;
Pigilin ang sintang sa puso’y tumiim;
Tumiim na sinta’y kung aking pawiin.
 Puriin ko ng siyay angkinin;
Angkinin ko ng siyay mahalin,
Mahalin ko ng kami ay magsaya.
15. EUPEMISMO
Pagpapalumanay ng mga salita at ginagamitan ng
matatalinhagang salita.
a. Kailangan nating bawasan ang mga empleyado.
(Tanggalin sa trabaho)
b. Malakas lumamon si NJ. (Malakas kumain)
c. Papawi pa ang sakit ng kanyang naramdaman.
THE
END
PAGSUSULIT
TUNGKOL SA
TAYUTAY
1. Sumisilakbo pa rin sa kaniya ang galit,
Galit na matagal din niyang sinikil,
Sinikil niya ang damdamin upang
hindi makasakit,
Makasakit sa mahal niya at buong-pusong
iniibig.
2. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong
kawayan, halumigmig nitong hangin, ay
bulong ng kalikasan.
3.  Ang saya ng pamilya nila, bawat isa ay
umaalis.
4.  Ikaw ang aking gusto.
Ikaw ang aking mahal.
Ikaw ang gusto kong makasama sa
buhay.
5. Sinampal ang aking pisngi ng
mainit na hanging nanggaling sa
apoy.
6. Ang kaniyang kagandahan
ay kawangis ng bulaklak na bago
palang kabubukadkad.
7. Ang kaniyang pagkatao ay
malalim pa sa dagat na hindi
kayang arukin.
8. Siya ay banal na demonyo.
9. Namuti ang kaniyang buhok
kakahintay sayo.
10. Tumanggap siya ng mga
palakpak sa kanyang tagumpay.

You might also like