You are on page 1of 9

8

Journalism Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 4

Pagdisenyo ng Isang Magasin

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS


Journalism (Filipino) 8
Journalism Learning Kit
Pagdisenyo ng Isang Magasin
Unang Edition, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Antique
San Jose de Buenavista, Antique
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng module kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”
Ang Journalism Learning Kit na ito ay isinulat at inilimbag ng Sangay ng
Antique upang magamit ng mga paaralan sa Kanlurang Visayas.
Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
porma nang walang pahintulot ng mga bumuo sa pagsulat at paglimbag nito mula sa
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6.

Development Team of Journalism Filipino Learning Kit

Writer: Jhon Cedric D. Alorro

Illustrators: Conrad Ladislee B. Tua III, Rodel S. Banday

Layout Artists: Phoenix Allanah Zandria Q. Salcedo-Tordesillas

Division Quality Assurance Team: Aurelio D. Odiong, Christine Joy B. Espares,


Guiann Hope D. Necor, Jonathan P. Dela Cruz

Management Team: Ramir B. Uytico, Elena P. Gonzaga, Donald T. Genine, Celestino


S. Dalumpines IV, Nestor Paul Pingil, Felisa B. Beriong, Corazon C. Tingson,
Gaudencio C. Riego, Schubert Anthony C. Sialongo, Aurelio D. Odiong

Pagdisenyo ng Isang Magasin

TARGET

2
Grade 8-Journalism (Filipino)
Competency: Nakapagdidisenyo ng isang Magasin (SPJ8PRM-IIIef-50)
Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga hakbang sa pagdidisenyo ng
isang magasin gamit ang isang software application;
at
2. Nakapagdisenyo ng isang magasin gamit ang
Canva Application.

TUKLASIN

Ang pagdidisenyto ng isang magasin ay


isang gawain na parehong nakaaaliw at
nakadidismaya. Tulad ng ibang bagay, ang
pagdidisenyo ng isang magasin ay mahirap pero
kapag nasimulan mo na ito gamit ang mga
natutunan mong kaalaman, ay tiyak na mapapadali
na lamang ito para sa inyo.
Totoong marami kang makukuha at
mapagbabatayang mga disenyo mula sa internet
pero paminsan-minsan nagiging mas mainam pa rin
ang isang likha kapag sinamahan ito ng sariling
imahinasyon at inspirasyon dahil hindi lahat ng mga
magagandang bagay ay nakikita sa internet, ang
totoo niyan, ang karamihan sa mga ito ay makikita
sa paligid natin. Hindi nga lang natin pinapansin.

1. Ano-anong mga istilo sa pagdidisenyo ng isang magasin ang nagustuhan mo?


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Paano mo nasabing isa itong mabisang teknik para makuha ang atensiyon ng
mga mambabasa?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

TANDAAN

Magaling! Nagawa mong sagutin ang mga


katanungan sa mga naunang gawain 3 dahil may mga
kaalaman ka tungkol sa magasin. Ngayon, ay ating
Grade 8-Journalism (Filipino)
pag-aaralan
Competency: Nakapagdidisenyo ang(SPJ8PRM-IIIef-50)
ng isang Magasin mga paraan sa pagdidisenyo ng
isang magasain gamit ang isang software application.
Mga Hakbang sa Pagdisenyo ng Magasin Gamit ang Canva
Application
Unang Hakbang: Magsimula sa Pagdisenyo
Napakasaya ng bahaging ito ng pagdidisenyo ng isang magasin. Buksan ang
Canva at magsimula ng magdisenyo ng magasin. Maraming template na pagpipilian sa
Canva na siyang maaari mong gamitin. Maaari kang Pumili ng isa sa kanila o di naman
kaya ay gumawa ng sarili mong disenyo. Narito ang halimbawa sa ibaba.

Source: https://www.practiceofthepractice.com/a-guide-on-3-invaluable-social-media-tools-
with-screenshots/
Source: https://www.empreendermulher.com/wp-content/uploads/2016/12/ebook

 Magsisimula ka sa paggamit ng isang blangkong Canvas. Maaari mong


gamitin ang nakalaan na template ng magasin o di naman kaya ay maaari mo
ring gamitin ang sarili mong disenyo kung iyong nanaisin.

 Iupload ang sarili mong background at mga larawan.

4
Grade 8-Journalism (Filipino)
Competency: Nakapagdidisenyo ng isang Magasin (SPJ8PRM-IIIef-50)
Maraming background na maimumungkahi ang Canva, pero sa pagkakataong ito
maaari kang magpasya kung anong background ang gagamitin mo. Para
maisagawa ito, pindutin lamang ang “uploads” sa left menu ng Canva Application.
o Maaari kang gumawa ng folder para pagsidlan ng mga larawan ng
iyong i-upload. Pindutin lamang ang new folder icon at lagyan ng
pangalan na iyong nais at pagkatapos ay maaari mo ng itong lagyan
ng mga larawan.

● Magdagdag ng mga hugis.

Mayroon ding parihaba sa inspiration page na siyang ginagamit upang mas


mapadali ang pagbabasa ng teksto. Kapag gumagamit ng disenyong background,
mainam na maglagay ng hugis sa ilalim ng iyong teksto upang matiyak na
mababasa ang iyong teksto.
Para makapaglagay ng hugis kahon sa iyong ginagawa ay pindutin lamang ang
Elements at pagkatapos ay pindutin ang Shapes at idrag ang hugis na nais sa iyong
page at marapat na idrag ang mga handles ng hugis kung nais itong palakihin o
paliitin.

Source:https://www.canva.com/learn/how-to-recreate-a-magazine-layout-from-scratch/

 Ilagay ang mga nilalaman.

5
Grade 8-Journalism (Filipino)
Competency: Nakapagdidisenyo ng isang Magasin (SPJ8PRM-IIIef-50)
Upang makapaglagay ng teksto ay magtungo sa Text Tab at pindutin ang Add
Heading.

Source: https://www.canva.com/learn/how-to-recreate-a-magazine-layout-from-scratch/

Pindutin lamang ang hugis kahon upang mapalitan ang kulay ng teksto batay
sa kulay na iyong ninanais. (Bubuksan nito ang color palette).Pagkatapos ay
pindutin ang plus button upang makapagdagdag ng bagong kulay.

Source:https://www.canva.com/learn/how-to-recreate-a-magazine-layout-from-scratch/
Ang proseso ng Add Subheading at Add a Little bit Body of Text ay pareho
lamang. Maaari mong palitan ang kulay at istilo ng font sa pagsunod sa parehong
mga hakbang.
Magtungo sa elements tab at pindutin ang Frames at piliin at idrag sa iyong page
ang iyong gagamitin.

6
Grade 8-Journalism (Filipino)
Competency: Nakapagdidisenyo ng isang Magasin (SPJ8PRM-IIIef-50)
Ilagay ang napiling larawan sa frame at magsimulang magdagdag ng mga
teksto kagaya ng iyong ginawa sa mas malaking parihaba.

● Magdagdag ng Elemento

Ilagay ang hugis kahon sa iyong page at iadjust gamit ang handles upang
makalikha ng ninanais na laki ng hugis. Maaaring palitan ang kulay batay sa kung
ano ang babagay sa ginagawang page at pagkatapos ay maaari ng ilagay ang mga
nilalaman nito.

Kapag magsasagawa ng isang pagdidisenyo ng sariling article page ay


mahalagang palatandaan ang mga sumusunod:
 Huwag iaasa sa internet ang lahat.
 Tiyaking nauunawaan kung paano ginagawa ang mga bagay-bagay upang
makagawa ka rin ng mainam na pansariling awtput.
 Malaki ang naitutulong ng inspirasyon sa paglikha ng isang awtput.
Tandaan na huwag na huwag mangopya.

7
Grade 8-Journalism (Filipino)
Competency: Nakapagdidisenyo ng isang Magasin (SPJ8PRM-IIIef-50)
Gawain 1
Panuto: Gamit ang mga balita na iyong nagawa sa mga nagdaang aralin, ay
gumawa ng isang pahina ng magasin gamit ang Canva Application.
Iprint at ipasa ang iyong nagawang 1-pahina ng magasin sa iyong guro.

Kraytirya Sa Pagdisenyo ng Magasin


Nangangailangan ng
Napakahusay Mahusay Katamtaman
Pagpapabuti
4 3 2
1
Nilalaman at Nakapaglagay ng Nakapaglagay ng Kakikitaan ng alin Alinman sa dalawa ay
mga Larawang maiinam na sulatin at sulatin at larawan. man sa 2 lamang. hindi nakita
Ginamit may angkop na
larawan.
Nasunod ang Nakagamit ng May iilang mali sa May iilang kamalian Maraming mali sa
wastong wastong balarila sa balarila ng mga sa gramatika at balarila at walang
Pamantayan pagsulat at may isinulat at may walang koneksiyon kaisahan ang
sa Pagsulat koneksiyon ang mga koneksiyon ang mga ang mga ideya. nilalaman ng likha.
ideya. ideya.
Pagkakalikha Nasunod ng wasto Nasunod ng wasto Walang nasunod na Walang nagawa.
ang mga hakbang sa ang iilang mga hakbang sa pag
pag disenyo ng hakbang sa disenyo ng magasin
magasin gamit ang pagdidisenyo ng gamit ang Canva.
Canva. magasin gamit ang
Canva.
Kalinisan ng Walang makikitang May kaunting dumi at Maraming mali sa Walang nagawa.
likha dumi o kamalian sa kamalian sa magasin nagawang magasin.
magasin na ginawa. na ginawa.

REPLEKSIYON

REFLECT
Magaling. Nagawa mo ang lahat ng gawain sa
araling ito. Ngayon, ay iyong balikan at pagnilayan
ang iyong mga natutuhan,

Gawain 2:
ANONG INIISIP MO?
Panuto: Ang larawan sa ilalim ay kumakatawan sa iyo. Punan ang iyong isipan ng
mga bagay na natutuhan mo mula sa araling ito.

8
Grade 8-Journalism (Filipino)
Competency: Nakapagdidisenyo ng isang Magasin (SPJ8PRM-IIIef-50)
SUSING SAGOT

Gawain 1
Ang mga sagot ay maaaring pagkakaiba.

Gawain 2
Ang mga sagot ay maaaring pagkakaiba.

9
Grade 8-Journalism (Filipino)
Competency: Nakapagdidisenyo ng isang Magasin (SPJ8PRM-IIIef-50)

You might also like