You are on page 1of 29

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG

Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

COLLEGE OF EDUCATION
S.Y 2021-2022/ Unang semestre

FIL 208 – EBALWASYON AT PAGHAHANDA NG MGA KAGAMITANG


PAMPAGTURO

Pangkat Apat Petsa: Nobyembre 17 2021


Sir. Pereyra, Ray Mon BSED 2 FILIPINO

ICT APPS: PADLET AT JUMPBOARD

ICT APP: PADLET

• Ang Padlet ay isang online virtual “buletin” board, na kung saan ang mga mag-aaral at
guro ay maaaring magtulungan, makipag komunikasyon, magbahagi ng mga link at
larawan, sa isang ligtas at masining na pamamaraan.

• Isang digital tool na makakatulong sa mga guro at mag-aaral sa proseso ng pagtuturo at


pagkatuto.  Ang digital notice board na ito ay nagagawang magtampok ng mga larawan,
link, bidyo dokumento, at maging pinagsama-samang “folder” na maaaring ibahagi sa
iba.

• Sa padlet maaaring lumikha ng isang online post-it board na maaaring ibahagi ng isang
guro sa mag-aaral o maging sa kapwa guro. Ibigay lamang sa kanila ang naayong link
ng Padlet. Sa tulong ng Padlet ay maaari kang magpasok ng mga ideya nang hindi
nagpapakilala o di naman kaya’y gamit ang iyong pangalan. Ito ay madaling gamitin, at
higit sa lahat kaya itong gamitin ng parehong guro at estudyante.

• Sinumang gumagamit ng Padlet board sa kanyang smartphone o computer ay may


kakayahang makita kung anong nakalagay sa isang link ng Padlet at kung ano ang
isinusulat ng lahat sa isang clipboard ng Padlet. Sa paggawa ng notes, maaaring
magsimulang magdagdag ng maliliit na sticky notes o di naman kaya’y sections at
clipboards. Gayundin, lahat ay may kakayahang mabasa o makita kung ano mang
Padlet link ang siyang ibinahagi ng guro o di naman kaya’y kapwa estudyante.

• Tulad ng Google notes, ang Padlet ay isang uri ng note app na kung saan maaaring
kang gumawa o lumikha ng isang clipboard na kinapapalooban ng iba't ibang uri ng
impormasyon. Isang uri ng note app na kayang gawing organisado at malikhain ang
impormasyon na makakatulong sa pagkatuto ng mga estudyante. Di tulad ng Google
notes, ang Padlet ay mas masining at organisado pagdating sa pagbuo ng seksyon,
clipboard, at maging classroom para sa mga estudyante.
PAANO NGA BA ITO GAMITIN?

ACCOUNT:

• Bago ang lahat, mangyari lamang na pumunta sa google play store ng inyong
smartphone. Matapos mabuksan ang google play store i-search sa search bar ang
Padlet. Pagkatapos, i-download ito. Maghintay ng ilang minuto para sa pag download ng
app na Padlet. Matapos maidownload mangyaring buksan ang app.

• Bago ninyo ito magamit kayo muna ay papipiliin kung login as guest o log in gamit ang
inyong personal email account. O di naman kaya'y mag sign-up na lamang nang sa
gayon magkaroon ka ng isang opisyal na Padlet account. Kung napili ninyong gamitin
ang inyong mga personal email account ay mas mabuti sapagkat siguradong hindi ito
basta-basta mawawala o mabubuksan ng kung sino man. Sa katunayan, maaari niyo
ring gamitin ang inyong mga plp account sa paggamit ng app na ito.

• Ngayon naman tayo'y magpunta sa isa sa mga features ng app na ito, at ito ay ang
"Make".
MAKE:

• Nakapaloob sa make ang mga uri ng seksyon o di naman kaya'y mga clipboards na
maaari mong pagpilian kung ikaw ay gagawa ng isang note na kinapapalooban ng iba't
ibang impormasyon. Ilan na lamang sa mga ito ay ang mga sumusunod:
WALL:

• Una na dito ay ang wall, sa parteng ito ng make maaari kang gumawa ng isa o higit
pang mga clip boards na may isang malikhaing wall sa likurang bahagi nito.

• Maaari mo rin itong palitan ng pamagat o pagkakakilanlan, pumunta lamang sa remake


seksyon ng wall at pagkatapos maaari mo na itong palitan.

• Pagkatapos, maaari ka kayong gumawa at mag-publish ng inyong notes gamit ang wall
seksyon ng make.

• Matapos ma i-publish ang inyong notes sa wall seksyon ng make ganito ang
kalalabasan ng inyong ginawa.
CANVAS:

• Ang ikalawang seksyon sa make ay ang canvas. Sa seksyong ito maaari kang gumawa
ng iba't ibang uri ng clipboards at maaari mo rin itong ikonekta sa isa pang clipboard
patungo sa isa pang clipboard.

• Tulad sa naunang seksyon, pareho lamang din ang prosidyur sa paggawa ng clipboard,
gayon nga lamang, ang kaibahan nito ay maaari kang gumawa ng maraming clipboards
at maaari niyo rin itong i-konekta batay sa inyong nais o gusto.
STREAM:

• Ang ikatlong seksyon sa make, sa stream ay maaari ka ring gumawa ng higit pa sa


isang clipboards gayun nga lamang, ang kaibahan nito sa naunang tatlong seksyon ay
ang pagiging simple ngunit organisadong pagkakabuo ng mga clipboards or notes.
Layon ng seksyon na ito ang maayos na daloy at pag-scroll ng impormasyon.

• Tulad sa mga naunang seksyon, pareho lamang din ang prosidyur sa paggawa ng
clipboards or notes, gayon nga lamang, ang kaibahan nito ay maaari kang gumawa ng
maraming clipboards sa isang organisadong pamamaraan.
GRID:

• Sa seksyong ito, may pagkakatulad ito sa iba pang mga naunang seksyon gaya na
lamang ng grid at canvas. Gayon nga lamang, hindi na ito sing tulad ng grid at canvas
sapagkat nasa pormat na ito ng pagiging grid o sa madaling salita, dikit-dikit at
magkakasunod na lamang ang mga notes.

• Tulad sa mga naunang seksyon, pareho lamang din ang prosidyur sa paggawa ng
clipboard or notes, gayon nga lamang, ang kaibahan nito ay maaari kang gumawa ng
maraming clipboards sa magkakadikit-dikit na pamamaraan– gaya ng sa grid at canvas.
SHELF:

• Sa seksyong ito, maaari kang makagawa ng isang organisadong notes o clipboards na


may kaugnayan at konektado pa rin sa paksa o impormasyon na nais ninyong gagawin.
Kaiba sa mga naunang seksyon ng make, mapapansin na sa pagbuo ng mga notes
gamit ang shelf ito'y nakako-kolumn na sa puntong makagagawa ito ng isang
organisado at sistematikong impormasyon gamit pa rin ang mga notes o clipboards.

• Tulad sa mga naunang seksyon, pareho lamang din ang prosidyur sa paggawa ng
clipboards o notes, gayon nga lamang, ang pagkakaiba nito ay maaari kang makabuo
ng isang paksa gamit ang mga notes na naaayon sa ayos ng isang kolum.
MAP:

• Sa seksyong ito, maaari itong gamitin bilang isang palatandaan o pagkakakilanlan sa


isang lugar. Sa tulong ng map nagagawa na mga estudyanteng matandaan ang isang
lugar gamit ang paglalagay ng mga notes sa isang partikukar na lugar. Di tulad sa ibang
seksyon ng make, kakaiba ang pormat ng map sapagkat mas nakatuon ito sa paggawa
ng mga notes sa iba't ibang lugar sa buong mundo.

• Tulad sa mga naunang seksyon, pareho lamang din ang prosidyur sa paggawa ng
clipboards o notes, gayon nga lamang, ang pagkakaiba nito ay ang pagiging sistematiko
sa paglalagay ng mga impormasyon. Makikita sa nabuong halimbawa na maaari kayong
makabuo ng mga palatandaan sa isang lugar. Maganda itong gamitin lalo na kung kayo
ay pupunta sa isang lugar, magiging gabay ninyo ito biyahe.
TIMELINE:

 Ang huling seksyon sa make. Sa tulong ng seksyong ito nagagawa ng isang


estudyante na maging organisado at malikhain sa paglalatag ng mga
impormasyon gamit pa rin ang mga notes at mga linya sa bawat notes. Di tulad
ng ibang seksyon, sa timeline maaari kang makabuo ng istorya/kasaysayan na
may kaugnayan sa paksang inyong tatalakayin.

 Tulad sa mga naunang seksyon, parehas lamang din ang prosidyur sa paggawa
ng clipboards o notes, gayon nga lamang, ang pagkakaiba nito ay ang
pagkakaroon ng organisado at sistematikong daloy ng impormasyon. Makikita sa
nabuong halimbawa na maaari kayong makabuo ng pagkakasunod-sunod ng
paksang inyong tatalakayin. Magandang gamitin lalo na kung gagawa kayo ng
isang paksang nakatuon sa istorya o pinagmulan.
KAGANDAHAN:

Nairito ang ilan sa mga kagandahan ng app na ito:

• Malikhain ang pagkakagawa sa app na ito.


• Maraming features ang inihahain.
• Madali at mabilis lamang itong gamitin.
• Kayang makalikha ng isang interaktibong pagbabahagian ng impormasyon sa
pagitan ng guro at estudyante.
• Makabago ang mga pamamaraan na mayroon sa app na ito.
• Nasusubok ang imahinasyon ng mga estudyante at maging ng mga guro na
makabuo ng isang makabuluhang notes gamit ang Padlet.
• Higit sa lahat, malaki ang naitutulong ng app na ito sa mga estudyante na
gustong maging organisado at malikhain sa pagbuo at pagsasama-sama ng
impormasyon.

Join
May dalawang paraan upang makasali
ang mga estudyante sa ginawa mong
padlet. Ito ay ang “Scan OR code” at
“Paste URL”
Naririto kung papaano makukuha ang QR code ng ginawang PADLET

1. Pindutin ang tatlong tuldok sa itaas.


2. Pindutin ang “QR code”
3. Maaaring i-screen shot at i-send sa inyong group chat. Pwede rin namang
pindutin ang share icon sa itaas upang direktang mai-send kung saan mo man
gusto. Maaari siyang i-send sa messenger chat, google classroom, Gmail,
Facebook group at sa iba pa.
Ang gagawin lamang ng estudyante pagkatapos na matanggaap ang
QR code pipindutin lamang niya ang Join at Scan QR code. Lalabas
ang camera at kapag may nakalagay na sa ibaba na QR code
detected mapupunta na ito sa padlet na iyong ginawa.

Paste URL

Narito naman kung papaano makukuha ang link ng ginawang PADLET:

1. Pindutin muli ang tatlong tuldok sa itaas.


2. Pindutin ang copy link
3. At lalabas dito ang Link copied to clipboard pindutin lamang ang done at
magtungo na sa inyong group chat at i-paste ang link.
Ang gagawin lamang ng estudyante pagkatapos na matanggaap ang link ay pipindutin
ang join at Paste URL lalabas ang PASTE CLIPBOARD pagkatapos ma-paste ay i-submit
at mapupunta na ang estudyante sa ginawa mong padlet.

TANDAAN:
Maaaring makapasok ang iyong estudyante o pinagbigyan ng QR code at link kahit
hindi sila nakapag-sign up. Magiging guest o anonymous sila kapag sila ay nag-post sa
ginawa mong padlet. Kung ganito man ang mangyayari, maaaring bigyan sila ng
panuto sa pagsagot na ilagay ang kanilang pangalan.
Gallery

Upgrade

Makikita sa kanan sa may bandang


itaas ang UPGRADE na kung saan
maaari kang mag-avail kung sakaling
sa tingin mo ay gagamitin mo ng
pangmatagalan ang application na ito.
Ang gallery ay isa lamang inspirasyon na gawa ng ibang naka-sign
Magagamit up sanatin
naman padlet.
ito ng libre
Maaari kang makakuha ng ideya kung baguhan ka pangunit
lamang sa paggawa ng
may bilang lamang kung ilang
padlet. Marami kang pwedeng pagpilian depende sapadlet
anongang
klaseng padlet Nang
magagawa. ang
nais mong gawin. masubukan ko lima lamang ang
pwede kong gawin. Pero maaari
namang magtanggal ng hindi na
ginagamit na padlet upang makagawa
uit.

Kahinaan:
 Isa sa kahinaan nito ay hindi magagamit ng lahat lalo na ang mga estudyante
sapagkat limitado lamang ang paggawa.
 Kung gagamitin man ito sa sa bawat takayan dagdag gastos lalo na sa mga
estudyante na walang wi-fi at nag loload lamang.

📝 Ano ang gamit ng SEARCH sa padlet?

📍 Ang “Search” ay ginagamit sa paghahanap ng topic na nais mo malaman kung saan


dito ay makikita natin ang nais nating hanapin sa padlet ngunit may limitasyon ang pag
search o paghahanap sa dahilan ang pwede mo lang ma-search ay yung mga sagop
lang ng padlet apps.
📝 Anong mga setting ng privacy ang dapat kong gamitin para sa aking padlet?

✅ Basic and Pro members

Ang mga Basic at Pro account ay may limang mga setting ng privacy o privado, na
maaari mong ayusin sa pamamagitan ng pagpunta sa isang padlet at pag-click ang
share. Narito ang ibig sabihin ng mga setting!

Narito ang ibig sabihin ng mga setting!

📍 Private: Ikaw lang at ang mga taong idinaragdag mo sa pamamagitan ng email ang
makaka-access sa padlet na ito.
📍 Password: Ang mga bisita ay kakailanganing maglagay ng password para ma-
access ang padlet na ito.
📍 Secret: Maaaring ma-access ng sinumang may link ang padlet, ngunit itatago ang
link mula sa Google at sa mga pampublikong lugar ng Padlet. Ito ang [default setting!]
📍 Members Only: Ang mga bisitang may link ay kinakailangang mag-log in upang ma-
access ang padlet na ito.
📍 Public: Maaaring ipakita ang padlet sa mga paghahanap sa Google at maaaring
itampok ng Padlet sa iyong pahina ng profile. I-like ang account na ito.

Higit pa sa mga setting ng privacy na ito, maaari ka ring magdagdag ng mga pahintulot
ng bisita, na magbibigay-daan sa iyong kontrolin kung paano makikipag-ugnayan ang
iba sa padlet.

📍Can read: Maaaring tingnan ng mga bisita ang padlet at ang mga post. Hindi sila
maaaring magdagdag ng mga bagong post, mag-edit ng mga kasalukuyang post, o
magpalit ng padlet.
📍Can write: Maaaring tingnan at magdagdag ng mga post ang mga bisita. Hindi nila
maaaring i-edit at aprubahan ang mga post ng iba, baguhin at tanggalin ang padlet, o
mag-imbita ng mga collaborator.
📍Can edit: Ang mga bisita ay maaaring tumingin, magdagdag ng mga post, at mag-edit
at mag-apruba ng mga post ng iba. Hindi nila maaaring baguhin at tanggalin ang padlet
o mag-imbita ng mga collaborator.

Kung mag-imbita ka ng ibang mga miyembro sa pamamagitan ng email, maaari mo ring


bigyan sila ng mga pribilehiyong pang-administratibo, na magbibigay-daan sa kanila na
baguhin ang mismong padlet.
✅ Karamihan sa mga setting ng privacy para sa mga Backpack at Briefcase account ay
pareho sa mga setting ng Basic at Pro.

📍 Ang pagkakaiba lang ay sa halip na isang pampublikong opsyon, maaari kang


magbahagi ng mga padlet sa buong Org.

📍 Ang mga padlet sa buong organisasyon ay maaari lamang matingnan ng mga taong
miyembro ng Backpack o Briefcase account.

📝 Paano isaayos ang mga setting ng privacy?


Ito ay simple! I-click ang SHARE o IBAHAGI >> Baguhin ang Mga Setting ng Privacy >>
Isumite. Kung ginagamit mo ang app, ito ay ang icon ng mga tao sa tabi ng refresh
button 🔄 sa kanang bahagi sa itaas.

✅ Privacy Settings / Settings para sa pagsasa-pribado

📝 Narito kung paano gumagana ang bawat setting:

✅ Secret
Kapag gumawa ka ng bagong padlet, ang address (o URL) ay alam mo lang at hindi
nai-publish sa ibang lugar. Kapag ibinahagi mo ang address sa iba, sa pamamagitan
man ng email o social network, nagiging semi-private ang padlet dahil maa-access din
ito ng mga taong may link. Sa menu ng Share ng padlet, ang setting na ito ay kilala
bilang "Secret".

✅ Password
Ang mga padlet na protektado ng password ay hindi pampubliko at maaari lamang
matingnan ng mga taong may password na itinakda ng lumikha.
Ang mga password ay maaaring itakda sa pamamagitan ng pag-click sa "Password" na
setting sa isang padlet's share menu, pagkatapos ay ipasok ang password sa field ng
password. Ang mga password ay naaalala sa loob ng 24 na oras eto ang karagdagan.

📝 Bakit nagpapaalala pa rin ang device sa password na nilagay mo sa Padlet board?

✅ Hayaan mo muna akong linawin sa pagsasabing hindi ko ibig sabihin ang password
ng iyong Padlet account. Ang ibig kong sabihin ay password ng Padlet board.

Mga ilan minuto na akong nag-iisip kung paano bibigyan ng pamagat ang artikulong ito
para hindi ito malito ngunit sa tingin ko ito ang pinakamahusay na magagawa ko! Kung
talagang gusto mong baguhin/i-reset ang password ng iyong Padlet account, maaari
kang tumingin dito.

Ang password na sinasabi ko ay ang isa dito:

📍 Ang mga browser kung minsan ay may sariling mga alaala, parang mga tao,
naaalala nila ang password kahit na naisara na ang tab. Ngunit tulad ng mga tao,
mayroon din silang short term memory at naaalala lamang ang mga password ng
Padlet board sa loob ng 24 na oras.
If you really wanna be super secure, go ahead and change that password. If they click
on the link again, they *insert Gandalf voice* shall not pass!

✅ Private
Ang isang pribadong padlet ay hindi makikita ng sinuman maliban sa lumikha nito at ng
mga taong tahasang inimbitahan ng lumikha nito bilang mga kontribyutor. Ang mga
pribadong padlet, gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, ay minarkahan bilang "Pribado"
sa menu ng Ibahagi.

Ilagay ang kanilang email o Padlet username sa form na 'Magdagdag ng mga


contributor', piliin kung anong mga pribilehiyo ang maaari nilang magkaroon (maaaring
magsulat/mag-moderate/mag-administer) at padadalhan namin sila ng email at isang
notification. Karagdagan kaalaman

📝 Paano ako mag-iimbita ng isa pang moderator o administrator sa aking padlet?

📍 Kailangan mo ng karagdagang mga hahawak sa pamamahala ng mga post sa iyong


padlet? Mag-imbita ng mga tao upang tulungan ka!

Ang mga moderator at administrator ay binibigyan ng pribilehiyong tingnan, isulat, i-edit


at aprubahan ang mga post sa isang padlet.

1. Sa iyong padlet, i-click ang SHARE o IBAHAGI sa kanang bahagi sa itaas ng page.

2. I-click ang Mag-imbita ng mga miyembro at ilagay ang email address o username ng
iyong admin o moderator.

3. Susunod, magpasya kung paano magagamit ng miyembro ang iyong padlet sa


pamamagitan ng pag-click sa pababang arrow sa tabi ng kanilang pangalan, eto yung
logo 🔽.

📍 Kung gusto mong tumulong ang mga tao sa content o post-editing, piliin ang Can
Edit. Sa pamamagitan ng pagpili sa Can Administer, binibigyan mo ng ganap na
karapatan ng taong ito, na nagpapahintulot sa kanila na baguhin at tanggalin ang
padlet.

Pakitandaan: Maraming admin at moderator ang maaaring italaga sa parehong padlet.

4. Kapag naitalaga na ang access, mag-click sa labas ng puting panel at pindutin ang
SAVE.

✅ Members Only (for Basic and Pro users)


Ang mga member-only padlets ay pangunahing humahadlang sa anonymous na pag-
post, ang mga user ay kailangang mag-log in sa kanilang sariling mga account bago
sila payagang mag-ambag sa isang padlet account.

Hindi tulad ng mga pribadong padlet, hindi mo kailangang magdagdag ng mga email o
Padlet username. Hangga't naka-log in ang isang user sa kanilang account at may URL
sa iyong padlet, makakapag-post sila.

📍 Org-wide (for Backpack and Briefcase members)


Organization-wide padlets ay nai-publish sa lahat ng miyembro ng isang organisasyon.
Ito ay perpekto para sa mga anunsyo at board sa buong paaralan.

✅ Public
Ang mga padlet na itinakda bilang Pampubliko ay lumalabas sa mga paghahanap sa
Google at itinatampok ng Padlet sa homepage.

✅ Visitor permissions
Maaaring sama-samang italaga sa mga bisita ang mga sumusunod na karapatan sa
iyong padlet:

📍 View - Maaaring tingnan ang padlet at ang mga post. Hindi maaaring magdagdag ng
mga bagong post, mag-edit ng mga kasalukuyang post, o baguhin ang padlet.
📍 Write - Maaaring tingnan ang padlet at magsulat ng mga post. Maaari lamang i-edit
ang kanyang mga post ngunit hindi ang mga isinulat ng iba. Hindi mapalitan ang padlet.
📍 Edit - Maaaring tingnan at isulat. Maaaring i-edit ang anumang post at aprubahan
ang mga post na nangangailangan ng pag-moderate. Hindi maaring mapalitan ang
padlet.

✅ Administer
Magagawa ang kahit ano - tingnan, isulat, i-edit, i-moderate. Maaari rin nilang baguhin
ang padlet at tanggalin ito. (Maaari lamang igawad ang mga karapatan ng Administrator
pagkatapos mong mag-log in).

✅ Ano ang silbi ng mga icon na ito?


📍 RECENTS - kung saan dito natin makikita ang mga bimuksan nating mga folder sa
pag search.

📍 MADE - dito natin makikita ang mga nagawa natin sa padlet tulad ng paggawa ng
bookmark na folder.

📍 SHARED - Ito yung binahagi natin sa iba tulad ng isang groupo na binibigay ang
kanyang ideya o gawa sa kasapi ng groupo nito.

📍 LIKED - kung saan dito natin makikita yung mga nagustuhan o yung pag heart natin
sa isang paksa.

📍 ARCHIVED - Dito naman natin makikita ang mga natapos nating mga gawa o yung
mga matagumpay na pagtapos sa gawain.

📍 NEW FOLDER - kung baga dito tayo gagawa ng sarili nating lagayan ng ating mga
gawa upang maayos at madali nating mahanap dahil ang paggawa natin ng sariling
folder ay lalabas katabi ng mga icon na ito.

REKOMENDASYON:

You might also like