You are on page 1of 4

PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:

PANGALAN NG GURO: MODULE CODE: Pasay-IES-NSQ-W2-D3

DEPARTMENT OF EDUCATION
NATIONAL CAPITAL REIGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EPP V – ICT at ENTREPRENEUR


A. LAYUNIN:
Nagagamit ang word processing tool.

B. 1. Panimula:
Ang Microsoft Word, Word Perfect, Text Maker, CorelWrite, Google Docs, Kingsoft
Writer, Ability Write at Ragtime ay mga halimbawa ng ng mga word processing software.
Ang mga iba’t ibang kakayahan ng word processing software ay pag-layout ng pahina,
pag-higlight sa text, paglagay ng watermark sa isang dokumento, pag-outline, pagkukulay sa
ginawang dokumento, paglikha ng mga label, pag-edit ng dokumento at kakayahang makalikha
ng sari-saring diagram.
Malaki ang naitutulong ng word processing sa mga taong gumagawa ng ulat na may
kasamang visual.
Ang word processing tools ay nakatutulong ng mahusay sa produksyon, pag edit ng
mga dokumento, ulat at record sa Negosyo at iba pa.

Gamit ang MS Word, maaari makagawa ng Diagram. Ito ay isang plano, pagguhit o
ipaliwanag kung paano gumagana ang isang bagay. Nakakatulong din diagram upang makita
ang lahat ng posibleng gawin, mga solusyon, at mga alternatibong paraan.
Mas epektibo ang paglalahad ng impormasyon, konsepto o proseso tungkol sa
pagnenegosyo sa paggamit ng diagram. Ang isang word processing tool ay may features
kagaya ng Shapes, SmartArt at Charts upang matulungan tayong gumawa ng mga diagram.

Halimbawa ng Diagram

Flowchart – ay isang uri ng diagram


na nagpapakita ng
sunod-sunod na hakbangin o Gawain
na nagsasalarawan
ng daloy ng trabaho o proseso.

https://en.wikipedia.org/wiki/Flowchart

Venn Diagram – ito ay nagpapakita ng


posibleng lohikal
na pagkakaiba at pagkakatulad ng
mga bagay.

https://online.visual-paradigm.com/diagrams/templates/venn-diagram/whales-and-fish/

Ating Subukan:

Paggawa ng Diagram Gamit ang Word Processor

Gamit ang MS Word, maaaring gumawa ng flowchart ng proseso kung paanong ayusin
ang pundidong ilaw. Sundan ang sumusunod na hakbang upang maisagawa ito.

1. Buksan ang MS Word.


2. I-click ang [insert] tab sa menubar.
3. I-click ang [Shape] button at piliin ang Terminator mula sa grupo ng mga hugis ng flowchart
PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:
PANGALAN NG GURO: MODULE CODE: Pasay-IES-NSQ-W2-D3

4. I-drag ang mouse sa document upang maiguhit ang hugis. Mag-right click sa hugis at piliin
ang [Add Text] upang malagyan ng teksto ang loob ng hugis. I-type ang salitang “START”.

5. Ulitin lamang ang proseso sa pagguhit ng iba


pang hugis upang magawa ang flowchart ng
proseso ng pagkukumpuni ng sirang bumbilya.

6. Maaaring palitan ang kulay ng bawat hugis sa


pamamagitan ng pag-click sa hugis at pagpili
ng Shape Style, o pagpalit ng shape fill at outline
ng hugis.

7. I-save ang iyong gawa bilang flowchart

Reference for Further Enhancement:


1.) Book: Makabuluhang Gawaing Pantahan at Pangkabuhayan 5, pahina 33-35
2.) Book: Kaalaman at kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5, pahina 25 -27
3.) https://www.youtube.com/watch?v=WV5WMEFFHKM
4.) https://www.youtube.com/watch?v=sWNAiOc2F5o
2. Gawin Natin:Pagsasanay
Gawain 1: Gamit ang SmartArt gumawa ng diagram gamit ang word processing application.
Paggawa ng LIST DIAGRAM
Subuking gumawa ng diagram gamit ang word processing tool. Sundan lamang ang
sumusunod na panuto:
1. Buksan ang inyong word processing application.
2. I-click ang Insert tab na makikita sa gawaing itaas
ng inyong screen. I-click ang SmartArt button.
3. Sa list button hanapin ang pyramid list.
4. Itype ang datos sa diagram
Go Food Grow Food Glow Food
PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:
PANGALAN NG GURO: MODULE CODE: Pasay-IES-NSQ-W2-D3

Gawain 2: Paggawa ng CYCLE DIAGRAM


Subukan naman nating gumawa ng processes diagram gamit ang word processing
application. Sundan ang sumusunod na hakbang.
1. Buksan ang inyong word processing application.
2. I-click ang Insert tab na makikita sa gawaing itaas ng inyong screen. I-click ang SmartArt
button.
3. Sa list button hanapin ang multidirectional cycle.
4. Itype ang datos sa diagram

Evaporation Condensation Precipitation

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


COMMUNICATION Critical Thinking Character
Reading to process and critically use Organize new Honestly in answering
information from a written material.
Following instructions knowledge the test

C. Alam Niyo Ba?

Ang word prossesor o word processing application ay isang software na tumutulong sa


paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, sa pag-eedit at pag-save ng mga ito sa computer file
system.
Ang diagram ay mga hugis na naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa isang bagay o
proseso.

D. Pagtataya
Panuto: Subukan naman nating gumawa ng hierarchy diagram gamit ang word processing
application. Sundan ang sumusunod na hakbang.

1. Buksan ang inyong word processing application.


2. I-click ang Insert tab na makikita sa gawaing itaas ng inyong screen. I-click ang SmartArt
button.
3. Sa list button hanapin ang Organization Chart.
4. I-type ang datos sa diagram.
President Vice President Secretary Treasurer PRO

INIHANDA NI:
OLIVER B. DIZON
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:
PANGALAN NG GURO: MODULE CODE: Pasay-IES-NSQ-W2-D3

TEACHER II

You might also like